Yasa Pets Hospital Review

Maligayang pagdating sa mundo ng Yasa Pets Hospital! Siyasatin ang loob ng isang ospital na puno ng mga propesyonal na doktor. Inaasahan ng mga pasyente ang iyong agarang paggamot. Magsagawa ng mga test sa laboratoryo upang matukoy ang mga karamdaman, pumunta sa parmasya upang makatanggap ng mga tamang gamot, at makita ang mga bagong silang na sanggol sa mga silid ng nursery! Maraming posibilidad ang maaaring mangyari rito. Walang mga panuntunang dapat sundin. Magsaya at magpalipas ng oras kasama ang iyong mga pasyente. Makakatagpo ka ng iba’t ibang mga pasyente sa loob ng ospital. Maaaring ito ay isang nanay, bagong silang na sanggol, at iba pa. Ngayon na ang oras para subukan at tuklasin ang iba pang features ng laro!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay tipunin ang lahat ng mga star na kinakailangan upang patakbuhin ang ambulansya. Kapag nakolekta mo na ang lahat ng star, dadalhin ka ng ambulansya sa iba’t ibang lugar gaya na lamang ng reception hall kung saan makakatagpo ka ng iba’t ibang klase ng nilalang o hayop. Malaya kang gawin ang anumang gusto mo sa larong ito. Isa pang layunin ng laro ay ang magbigay ng saya para sa mga manlalaro. Sa mundo ng Yasa Pets Hospital, walang limitasyon ang kasiyahan at marami kang aktibidad na maaaring subukan. 

Paano ito laruin?

Kapag napagpasyahan mo nang i-download at i-install ang app mula sa iyong mga device ay maaari mo na itong simulan kaagad. Direktang dadalhin ka nito sa pangunahing feature ng laro, ito ay sa loob ng isang fully operational na ospital kung saan makakatagpo ka ng iba’t ibang uri ng mga pasyente. Sa itaas ng screen, makikita mo ang bilang ng mga star na kailangan mo para mapatakbo ang ambulansya. Kapag nakumpleto mo na ang mga ito, dadalhin ka nito sa iba pang lugar.

Maaaring ilipat o galawin ang mga bagay at karakter. Maaari ka ring magdagdag ng mga karakter. I-scroll lang pataas mula sa ibaba ng screen para makita ang mga available na karakter na maaari mong gamitin. Ito lamang mga pangunahing mekaniks ng laro na dapat mong malaman. Ito ay sobrang dali at hindi na nangangailangan ng anumang tutorial. 

Malaya mong ma-access ang iba pang aspeto ng laro. Ito ay isang side-scrolling na laro kung saan maaari ka lamang gumalaw mula pakaliwa o pakanan. Walang mga paghihirap sa laro, kaya gawin ang anumang gusto mo. Mayroong ilang mga aktibidad na maaari mong gawin at magagawa mo lamang ito kung uumpisahan mo na ang paglalaro nito.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Yasa Pets Hospital sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 8.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 16MB at 287.6MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Yasa Pets Hospital on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.yasapets.hospital

Download Yasa Pets Hospital on iOS https://apps.apple.com/us/app/yasa-pets-hospital/id1438336138

Download Yasa Pets Hospital on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.yasapets.hospital-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Yasa Pets Hospital

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Yasa Pets Hospital. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Yasa Pets Hospital!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Yasa Pets Hospital

Ang laro ay madali lamang. Walang anumang kumpetisyon. Ang kailangan mo lang gawin ay magsaya sa buong laro. Para naman makakuha ng mga star, ang tanging paraan lamang ay manood ng ads. Walang ibang opsyon dahil ang laro ay walang in-game purchases, at isa pa, ito ay buong free-to-play na application. Kailangan mo lang maghintay hanggang sa matapos mo ang isang video upang makakuha kaagad ng isang star. Kung hindi mo tatapusin ang video ay hindi ka makakakuha ng anumang star.

Ang pinakamagandang bagay na maaari mong gawin ay habaan ang iyong pasensya. Sa totoo lang, may opsyon ka pa ring hindi manood ng ads dahil maaari mo pa ring laruin ang iba pang features ng laro. Ito ay kinakailangan lamang kung nais mong siyasatin ang iba pang mga lugar o i-unlock ang iba pang events. Ikaw at ang iyong mga nakakaaliw na hayop ay maaaring manatili sa loob ng ospital at libutin ang bawat palapag ng ospital. 

Pros at Cons sa Paglalaro ng Yasa Pets Hospital

Ayon sa Laro Reviews, ang laro ay talagang nakakaintriga at nakakaaliw laruin. Habang dinidiskubre mo ang bawat palapag ng gusali, malaya kang gamitin ang anumang bagay, makisali sa anumang aktibidad, at iba pa. Ito ay free-to-play na app na walang in-game purchases at isang uri ng side-scrolling na laro. Sa kabuuan, ang laro ay umaasa lamang sa iyong panonood ng mga ad upang makakuha ng mga star na kinakailangan upang i-unlock ang mga event o pumunta sa ibang mga lokasyon.

Iba’t ibang uri ng hayop ang nagsisilbing pangunahing tauhan or karakter. Ang mga ito ay idinisenyo ng may makukulay na itsura at kaakit-akit na mga mukha. Makakakilala ka ng iba’t ibang karakter, kabilang ang mga doktor, nars, ina, bagong silang na sanggol, ordinaryong tao, at marami pang iba. Ang ospital ay binubuo ng mga laboratoryo, ward, reception room, parmasya, at marami pang iba. Ang istilo ng backdrop, konsepto, karakter, at iba pang elemento ng laro ay partikular na idinisenyo para sa mga batang manlalaro. Ang app na ito ay madali ring gamitin.

Siyempre, walang perpektong laro. Sabihin na nating ang laro ay halos malapit na sa pagiging perpekto ngunit mayroon pa rin itong mga problema. Tulad na lamang para makakuha ng mga star. Ang tanging paraan lamang ay manood ng mga advertisement, gaya ng nabanggit ng Laro Reviews. Nangangahulugan na kailangan mong manood ng ads kung gusto mong makakuha ng mga ito. Ito ay isang nakakadismayang bahagi ng laro dahil wala kang anumang iba pang mga mapagpipilian. Dapat gumawa ang mga developer ng ilang alternatibong pamamaraan o feature para makakuha ang mga manlalaro ng star. Katanggap-tanggap na ang laro ay libreng laruin, ngunit dapat pa rin nitong bawasan ang bilang ng ads na kailangang panoorin.

Konklusyon

Talagang natutuwa kami kung gaano kaganda ang laro at nagustuhan namin ang ideyang magagawa mo ang anumang gusto mo rito. Ito ay nagbibigay ng entertainment lalo na para sa mga batang manlalaro. Dahil ang target ng laro ay mga bata, ang gameplay at pangkalahatang konsepto ay ganap na iniangkop para sa kanila. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...