
Ang dilaw ay karaniwang kulay na ginagamit sa mga babala. Ngunit, sa Yellow Game Puzzle, ang dilaw ay simbolo ng iyong panalo!
Ano ang Yellow Game Puzzle?
Mula sa mismong pamagat nito, ang Yellow Game Puzzle ay isang larong puzzle. Isang pagkakasunod-sunod ng mga bugtong at misteryong nabuo sa isang dilaw at itim na kulay na mundong dapat mong lutasin. Ang Yellow Game Puzzle, gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ay nagtatampok ng dilaw na background at nagsisimula sa puting letrang tumatalbog sa screen na nagpapakita ng production firm. Ang Yellow Game ay isang palaisipang laro na nilikha ng Bart Bonte. Ang larong ito ay gumagamit lamang ng dalawang kulay: dilaw at itim.
Sa paglalaro, kailangan lang ng Yellow Puzzle Game ang paggalaw ng iyong mga daliri sa screen ng iyong ginagamit na device dahil ang lahat ng mga bugtong sa larong ito ay malulutas lamang sa pamamagitan ng pagpindot sa screen, at ito ay nangyayari nang paulit-ulit sa buong yugto ng laro.
Sa karagdagan, ang larong ito ay napakasimple at madaling laruin, ngunit pabagu-bago at laging nag-iiba ang hamon sa mga game level. Upang makumpleto ang isang game level at gawing dilaw ang screen, iba’t ibang moves ang kailangang gawin. Ang bawat level ay may natatanging feature. Halimbawa, mayroong bahagi ng laro na nangangailangan ng isang pares ng paa na iyong gagalawin gamit ang apat na buttons sa ibaba ng screen. Mayroon ding drawstring na dapat hilahin para malaglag ang isang dilaw na kurtina. Dahil sa iba’t ibang challenge ng larong ito, talagang masusubok ang iyong pokus.
Ang mga kontrol para sa karamihan ay madali, ngunit ang mga konsepto ng palaisipan ay hindi basta-basta mauunawaan lalo na sa pagtatapos ng mga yugto ng laro kaya masasabing gumawa talaga ang Bart Bonte, ang developer ng laro, ng isang nakakaintrigang karanasan sa palaisipan. Gayunpaman, nakakaadik pa rin at hindi nakakasawa ang laro, lalo na kapag nakumpleto mo at napagtagumpayan ang bawat level. Sa pagkakataong matapos mo na ang buong laro at gusto mo pang maglaro ulit, ang Bonte ay may dalawang sequel ng parehong uri ng laro na ang bawat isa sa mga ito ay may 50 mga level upang panatilihin kang abala.
Sa kabilang banda, ang soundtrack ay nakakapawi ng pagod, at ang laro ay sadyang nakakaaliw! Ito ang dahilan kung bakit naging isa ang Bart Bonte sa mga pinakasikat na tagalikha ng app sa larangan ng mga larong puzzle at talagang iminumungkahi ito sa mga kaibigan o sinumang gustong hasain ang talas ng kanilang isip.
Paano manalo sa Yellow Game Puzzle?
Kung gusto mo ring subukang laruin ito, sundan lamang ang tips na ibabahagi ng Laro Reviews sa artikulong ito.
Una, kailangan mo lamang lawakan ang iyong pag-iisip, ika nga, “think outside the box.” Pangalawa, unawaing mabuti kung ano ang nais ipahiwatig ng mga detalyeng iyong makikita sa screen. Pangatlo, huwag matakot magkamali, sapagkat kadalasan ay ito pa ang nagiging daan upang matukoy mo ang tamang pattern para mapagtagumpayan ang isang level. Gayundin, huwag palampasin na panoorin ang maiikling video advertisement sapagkat malaki rin ang kanilang naitutulong lalo na kung nais mong makatanggap ng mga clue.
Sa kabuuan, ang Yellow Game Puzzle ay isang napakahusay at natatanging laro! Ang bawat level ay unique at mind-challenging ang mga hamon na sa pagkakataong malutas mo ay magbibigay sa’yo ng pambihirang self-satisfaction. Maliban pa rito, ito ay isa ring perpektong libangan para sa isang nakakarelaks na gabi. Ito ay gumigising sa iyong diwa at nagtatanggal ng mga bad vibe sa paligid. Dagdag pa rito, ang bawat pattern na iyong nalilikha ay tila isang maliit na bahagi ng isang abstract na sining na hindi karaniwan sa mga mobile na laro sa kasalukuyan. Sa likod ng bawat problema, ang background music ay hindi nabibigong tanggalin ang iyong stress sa buhay.
Big Win Club
Libangan o larong pagkakakitaan man ang hinahanap mo, ang dalawang bagay na ito ay parehong matatagpuan ng mga Pinoy sa Big Win Club App. Paano ko ito nasabi? Simple lamang ang sagot. Ang gambling app na ito ay hindi lamang nagtatampok ng isang maayos na gameplay at pambihirang graphics sapagkat nagbibigay rin ito ng oportunidad sa mga taong nais kumita ng pera nang hindi na kinakailangan pang umalis ng bahay o gumawa ng mga mabibigat na trabaho.
Paano kumita ng pera sa Big Win Club?
Para manalo, ang tanging kailangang gawin ay laruin ang mga itinatampok na gambling game sa Big Win Club kagaya ng Pusoy, Tongits, Lucky 9, Slot games at Online Sabong. Upang makapaglaro, kinakailangan ng mga manlalaro ng chips kagaya sa mga casino sapagkat ito ang ginagamit bilang pamusta o pantaya.
Paano matatanggap ang panalo?
Bago mo pa man umpisahan ang paglalaro sa Big Win Club, siguraduhing mayroon kang GCash account na isang virtual prepaid card na mayroong mabilis na money transaction. Sa kasalukuyan, ito na ang pangunahing e-wallet sa Pilipinas kung saan halos lahat ng tao ay mayroon nang account dito. Ang GCash account rin ang pangunahing magagamit upang bumili ng chips sa paglalaro sa Big Win Club. Gayundin, ang GCash ang nakakatulong sa mga manlalaro upang mapalitan ang kanilang chips ng totoong pera sa loob lamang ng ilang segundo o minuto.
Mapagkakatiwalaan ba ang Big Win Club App?
Sa kasalukuyan, ang Big Win Club app ay nakapagtala na ng mahigit isang milyong downloads sa Play Store. Bukod pa rito, napapanatili rin nito ang mahigit sa isang milyong active players nito buwan-buwan. Kung babasahin mo naman ang mga review ng app na ito, paniguradong, halos lahat ng iyong mababasa ay puro papuri sa laro. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga patunay kung gaano kalehitimo at pinagkakatiwalaan ng maraming Pilipino ang Big Win Cub app.
Gaano kalaki ang kailangang pantaya o pamusta?
Sa halagang ₱10, maaari mo nang laruin ang mga paborito mong gambling game na itinatampok sa Big Win Club at upang palakihin ang halagang ito, kailangan mo lamang maging matalino sa paglalaro. Bukod pa rito, kung wala ka nang pambili ng chips, maaari kang makatanggap ng libre sa pamamagitan ng referral code. Ang kailangan mo lamang gawin ay imbitahan ang iyong mga kaibigan sa Facebook na maglaro rin sa Big Win Club app.
Konklusyon
Sa panahon ngayon, kailangan nating maging praktikal sa mga bagay-bagay lalo na ang mga presyo ng mga bilihin ay pataas ng pataas. Kung kaya nating maging masaya sa simpleng paglalaro ng mga mobile game kagaya ng Yellow Game Puzzle, bakit kailangan pa nating gumastos ng napakalaking halaga sa ibang bagay, hindi ba?
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022