Yes‌ ‌or‌ ‌No ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ ‌Review‌ ‌

Ang Yes‌ ‌or‌ ‌No ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ ay isang casual na laro sa mobile na ginawa ng Lion Studios. Ito ay inilabas noong Setyembre 20, 2021. Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ang layunin ng laro ay manalo ng iba’t ibang pranks laban sa iyong babaeng ka-date. Sa kabila ng pagiging simple ng laro, nakamit na nito ang mahigit sa 10 milyong downloads sa loob ng halos tatlong buwan! Kung mahilig ka sa mga kalokohan at surpresa, dapat mong subukan ang larong ito. Ang larong ito ay maaaring i-download dito:

Download Yes‌ ‌or‌ ‌No ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tgame.yesorno

Yes‌ ‌or‌ ‌No ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ :  Beginner’s Guide

Hindi na kailangang magparehistro o mag-sign up upang masimulan ang paglalaro ng Yes or No?! – Food Pranks. Wala ring mga tutorial o gabay sa simula ng laro. Gayunpaman, masisiyahan ka kaagad sa nakakahumaling at nakakatawang larong ito! Mauunawaan mo kung ano ang ibig sabihin nito sa sandaling masubukan mo ito. Ang iyong tanging layunin ay matagumpay na ma-prank ang ka-date mong babae.

Yes‌ ‌or‌ ‌No?!‌ ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ - Laro Reviews

Yes‌ ‌or‌ ‌No?!‌ ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ – Laro Reviews

Sa simula ng laro, may dalawang pagpipiliang pagkain sa harap mo. Kailangan mong pumili ng isa habang nakapikit ang magandang ka-date mo. Ang isa sa dalawang pagpipilian ay masagwang pagkain habang ang isa naman ay masarap. Halimbawa, ang masagwang pagkain ay isang maanghang na sili habang ang masarap na pagkain ay isang donut. Pagkatapos makapili, ilalagay mo ito sa likod ng isang kahoy na harang upang hindi ito makita ng iyong ka-date. Kailangan niyang pumili kung kakainin niya ito o hindi. Pagkatapos ng ilang pagmumuni-muni, mananalo ka sa unang stage kung siya ay nagpasya na kainin ito at ang iyong pinili ay isang masagwang pagkain. Sa kabilang dako, matatalo ka naman kung nagpasya siyang huwag kainin ito at natuklasan niya na ito ay isang masagwa na pagkain. Ang ideya na ito ay maaaring gamitin vice versa. Ang isang nakakatawang bagay sa laro ay ang mga ekspresyon ng mukha ng iyong ka-date kapag kumakain siya ng kasuklam-suklam na pagkain!

Ikaw naman ang kanyang ipa-prank pagkatapos ng kanyang turn. Parehong konsepto ang inilalapat dito, gayunpaman, ikaw naman ang magpapasya kung gusto mong kainin ang pagkaing nakatago sa likod ng harang o hindi. Sa mga unang stage, madali lamang hulaan ang pagkain na pinili ng iyong ka-date dahil palagi siyang magpapakita ng mga ekspresyon sa mukha na na-eexcite o magsasalita siya upang maengganyo kang kumain o hindi. Ang teknik dito ay gawin lamang ang kabaligtaran ng kung ano ang sinasabi niyang dapat mong gawin. Halimbawa, kung sinabi niyang “madali lang” at optimistic ang ekspresyon ng mukha niya, dapat mong iwasang kainin ang pagkaing iyon. Maaari mong sabihin na ito ay isang laro ng poker laban sa isang NPC.

Yes‌ ‌or‌ ‌No?!‌ ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ - Laro Reviews

Yes‌ ‌or‌ ‌No?!‌ ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ – Laro Reviews

Bukod sa food pranks, marami ring kalokohan na maaari mong gawin sa laro. Palaging may prank meter na tutulong sa iyo sa anumang kalokohan na gagawin mo. Halimbawa, maaari mo ring i-prank ang iyong ka-date sa pamamagitan ng pag-doodle sa kanyang mukha habang natutulog. Sa itaas ng iyong screen ay may isang prank meter na may icons sa dalawang dulo nito. Ang kaliwang dulo ay nagpapahiwatig na siya ay mahimbing na natutulog habang ang kanang dulo ay nagpapahiwatig na siya ay magagalit kapag ikaw ay kanyang nahuli. Samakatuwid, ang iyong layunin ay magpatuloy sa pag-doodle habang pinapanatili mo ang prank meter malapit sa kaliwang dulo at hihinto ka lamang kapag malapit na ito sa kanang dulo ng metro. Gagantimpalaan ka ng laro ng mga in-game cash na makakatulong sa iyong magdisenyo at magkapaglagay ng dekorasyon ng sarili mong apartment. Ang mga talong stage ay hahantong lamang sa mas pangit na disenyo ng iyong apartment kaya dapat mong subukang manalo sa bawat yugto sa lahat ng mga pagkakataon. Maaari mo ring dagdagan ang iyong in-game cash sa pamamagitan ng panonood ng mga ad para maging mas maganda ang disenyo ng iyong apartment.

Related Posts:

456 Survival Challenge Game Review

YoYo‌ ‌Doll:‌ ‌Dress‌ ‌Up‌ ‌Game‌ ‌Review‌ ‌

Pros at Cons sa Paglalaro ng Yes‌ ‌or‌ ‌No ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌

Ang Yes or No?! – Food Pranks ay may madali at simpleng gameplay. Ang gameplay nito ay binubuo lamang ng dalawang bagay: paglalaro ng kalokohan laban sa iyong ka-date at pagdedekorasyon sa iyong apartment. Sa kabila ng pagiging simple nito, sinigurado ng laro na magiging masaya ang users nito. Ito ay pinatunayan ng napakaraming pag-download na tinatayang nasa mahigit 10 milyon, sa loob lamang ng tatlong buwan. Bukod sa kasiyahang ibinibigay nito, nakaka-relax din itong laruin lalo na sa pagdedekorasyon ng iyong apartment.

Yes‌ ‌or‌ ‌No?!‌ ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ - Laro Reviews

Yes‌ ‌or‌ ‌No? ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ – Laro Reviews

Ang laro ay merong above average 3D graphics, gayunpaman, ang pangkalahatang visuals nito ay pangkaraniwan. Mapapahusay pa ng mga developer ang artwork at visuals ng laro. Ang likhang-sining ng laro ay masyadong simple at mas mababa sa average kumpara sa ibang kapareho nito. Bukod sa mga facial expression at prank meter, halos walang visual effects dito. Kaya marami pa ring bagay na maaaring pagbutihin ang mga developer ng laro.

Susunod ay ang playability. Ang laro ay binubuo ng mga random na kalokohan. Kung ikaw ay isang gamer na trip lang ang magsaya kahit sa simpleng paraan, ang larong ito ay lubos na inirerekomenda para sa iyo. Gayunpaman, karamihan sa mini-games ay mga prank na ‘yes or no’ lamang. Walang gaanong pagkakaiba sa pangkalahatang pranks na lumalabas sa laro. Kaya, ang larong ito ay hindi para sa iyo kung ikaw ay naghahanap ng mga hamon sa iyong paglalaro.

Gayunpaman, ang larong ito ay tunay na puno ng kasiyahan kahit na marami itong ipinapakitang ads. Ang tanging paraan para magkaroon ng tuluy-tuloy na kasiyahan sa paglalaro ay sa pamamagitan ng pag-disconnect sa internet. Gayunpaman, ang pag-on at pag-off ng iyong koneksyon sa internet para lamang maiwasan ang mga ad ay nakakatamad. Ang ads ay makapagbibigay sa iyo ng karagdagang in-app cash para sa mga dekorasyon sa apartment ngunit ang panonood ng masyadong maraming ads ay medyo boring.

Konklusyon

Ang Yes or No?! – Food Pranks ay isang mobile na laro na nagdudulot ng maraming excitement at saya sa mga manlalaro nito sa pamamagitan ng mga ‘yes or no’ na uri ng pranks. Ang larong ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga naghahanap ng kasiyahan at sa naghahanap ng mga laro na may kaunting kahirapan. Kung sa tingin mo ay ikaw ang tinutukoy dito, subukan nang i-download at i-install Yes or No?! – Food Pranks!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...