Pusoy Uno: Tips and Tricks to Win Big

Mahilig ka bang maglaro ng baraha gaya ng tongits, lucky 9, baccarat, 3 card poker at iba pa? Kung pamilyar ka sa mga larong ito, sigurado akong alam mo ring laruin ang isa sa pinakasikat na laro sa baraha, ang Pusoy Uno. Marami ang nahuhumaling sa paglalaro nito dahil na rin sa kapanapanabik na hamong dala ng laro. Bukod sa pwede itong maging libangan ng bawat isa, ginagamit din ang larong ito sa sugalan. Kaya kung nais mong subukang makapaglaro habang kumikita ng pera, subukan mo ang Pusoy Uno at baka ikaw na ang susunod na manalo ng malalaking papremyo. Ngunit saan nga ba nanggaling ang larong Pusoy Uno at paano ito nagsimulang makilala? Paano ito laruin at ano ang mga diskarte upang manalo sa paglalaro ng Pusoy Uno? Basahin ang artikulong mula sa Laro Reviews upang malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa larong ito.

Maikling kasaysayan tungkol sa Pusoy Uno

Ayon sa mga pag-aaral, hindi pa rin makumpirma kung saan nanggaling ang larong Pusoy Uno. Subalit ayon sa mga paniniwala, libong taon na ang nakalilipas simula noong ito ay nabuo at sinasabing umusbong ang larong ito noong ipinakilala ang larong Pai Gow. Ang Pai Gow ay isang Chinese gambling game na tungkol sa paglalaro ng 32 set ng dominoes. Karaniwan itong nilalaro sa casino ng bansang China, United States, Canada, Australia at New Zealand.

Ang Pusoy Uno ay kasama sa mga larong itinampok sa bracelet events sa World Series of Poker noong kalagitnaan ng 1990’s. Subalit makalipas ang dalawang taon, tinanggal na ang larong Pusoy Uno sa kaganapan. Gayunpaman, hindi natapos ang kasaysayan ng larong ito mula sa pagkakatanggal nito sa WSOP dahil muli itong nakilala at sumikat noong 2010. Bukod pa riyan, makalipas ang ilang taon, napasama naman ito sa PokerStars Caribbean Adventure (PCA). Ang PCA ay taunang ginaganap bilang televised poker tournament na unang nangyari noong 2004. Ngunit sa ngayon ay tapos na ang programang ito at hindi na nagpatuloy pa. Gayunpaman sa pamamagitan nito, nakilala ang Pusoy Uno sa iba’t ibang dako ng mundo.

Tips at tricks upang manalo sa paglalaro ng Pusoy Uno

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi mo pa alam kung paano laruin ang Pusoy Uno, narito ang ilang tips at tricks mula sa Laro Reviews na tiyak kong makakatulong sa iyong paglalaro.

Para sa mga bagong manlalaro, ang Pusoy Uno ay binubuo ng apat na manlalaro. Ang bawat manlalaro ay may labintatlong barahang hawak sa kanilang kamay. Gamit ang mga nakuhang baraha, kailangan nilang isipan o diskartehan kung paano makakabuo ng tamang pusoy. May mga pamantayan sa pagbuo o pag-set ng baraha kapag naglalaro ng pusoy. Sa paglalaro nito, kailangan mong makabuo ng dalawang set na may limang baraha at isang set na may tatlong baraha. Kanya-kanyang istilo ang mga manlalaro kung paano nila ito bubuuin habang sinusunod ang pamantayan ng laro. Maaari kang mamili sa sampung uri ng pusoy depende sa pamamaraan ng iyong paglalaro. Narito ang sampung uri ng pusoy na makakatulong sa iyong paglalaro lalo na kung ikaw ay baguhan.

 

  • Royal Flush – Ang mga barahang may pinakamataas na puntos sa paglalaro ng pusoy. Ito ay ang magkakasunod na Alas, King, Queen, Jack, at 10 na may pare-parehong uri (A , K , Q , J , 10 ).
  • Straight Flush – Magkakasunod na numero sa baraha na may pare-parehong uri (5 ❤, 4 ❤ , 3 ❤ , 2 ❤ A ❤).
  • Four-of-a-Kind – Apat na barahang may pare-parehong numero. (4, 4, 4, 4)
  • Full House – Tatlong baraha na may pare-parehong numero at isang pares (Halimbawa: 3, 3, 3, 2, 2).
  • Flush – Limang baraha na pare-pareho ang uri (5⯁, 9⯁, 7⯁, K⯁, 10⯁).
  • Straight – Magkakasunod na numero sa baraha (5, 4, 3, 2, A).
  • Three-of-a-Kind – Tatlong baraha na may parehong numero o simbolo (A, A, A).
  • Two Pairs – Dalawang pares ng baraha may parehong numero o simbolo (A, A, 2, 2).
  • Pair – Isang pares ng baraha na may parehong numero o simbolo (2, 2).
  • High Card – Ang pinakamataas na baraha ay Alas (A).

Sa paglalaro nito, kailangan mong bumuo ng tatlong hanay ng mga baraha. Ang top card o pinakamataas na hanay ay binubuo ng tatlong baraha. Habang ang gitna o middle at ilalim o bottom card set ay may limang baraha. Sarili mong diskarte kung paano ka makakabuo ng pusoy gamit ang iyong mga hawak na baraha. Dapat mong tandaan na ang top card dapat ang may pinakamataas na pagkakabuo ng baraha. Saka mo isalansan ang middle at bottom set ng card. Isa iyan sa paraan para mas malaki ang maging posibilidad na manalo ka sa iyong mga kalaban. Maaari kang kumuha ng ideya sa pagbuo mula sa Royal Flush, Straight Flush, Four-of-a-Kind, Full House, Flush, Straight, Three-of-a-Kind, Two Pairs, Pair at High Card. Ang manlalarong may pinakamataas na puntos mula sa pagkakasunod ng baraha ang mananalo. Ang listahang nasa taas ay ang pagkakasunud-sunod ng card set ranking mula sa mataas hanggang sa pinakamababa. Subalit, ang barahang may pinakamataas na puntos ay Alas (A) at ang pinakamababa ay dos (2).

Bakit masayang laruin ang Pusoy Uno?

Para sa Laro Reviews, ang Pusoy Uno ay isa sa uri ng larong baraha na masayang laruin. Ito ay dahil hindi mo mahuhulaan o makikita ang mga susunod na pangyayari kaya mas nakakapanabik ang bawat tagpo. Lalo na kung magagaling ang mga manlalarong kasama mo. Talagang gaganahan ka na makipaglaban. Bukod pa riyan, nahahasa rin ang iyong kaisipan na umisip at bumuo ng estratehiya sa paglalaro. Nadidiskubre ang iyong pamamaraan sa paglalaro na maaaring hindi alam ng iba.

Kung mahilig sa mga larong katulad ng Pusoy Uno, inirerekomenda rin para sa iyo ng Laro Reviews ang Big Win Club. Ito ay para sa lahat ng mga manlalaro na mahilig sa casino. Mayroon din itong Pusoy na maaari mong laruin gamit ang iyong device. Bukod pa riyan, may iba pang larong baraha sa app gaya ng Tongits, Lucky 9, Pusoy, Baccarat, 3 Card Poker at iba pa. May slot machines din ito tulad ng Noel Slots at Juicy Garden. Sa app na ito maaari kang tumaya at kumita ng totoong pera. Hindi mo na rin kailangang umalis sa iyong bahay o kinaroroonan dahil ang Big Win Club ay pwede mong laruin gamit ang iyong gadget. Kahit nasaan ka man o anumang oras ay maaari mo itong gawing libangan.

Konklusyon

Kung mahilig kang maglaro ng Pusoy, subukan mong maglaro ng Pusoy Uno kung saan maaari kang kumita ng limpak-limpak na salapi. Nakapaglaro ka na, nagkapera ka pa! Kaya ano pang hinihintay mo? I-download na ang Pusoy Uno sa iyong device at baka ikaw na ang susunod na manalo.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...