Pusoy Way: Know the Rule, Know the Win

Kahit nasaang lupalop ka man ng Pilipinas, isa sa mga hindi nawawalang uri ng laro, lalo na sa mga matatanda, ang baraha. Likas na nating nakasanayan ang pagkakaroon nito sa ating mga tahanan upang magamit kung kailan natin nais maglaro. Magandang pinagkukunan naman kasi ng libangan ang baraha dahil sa maraming card games na mayroon sa atin katulad ng Tong-its, Lucky 9, at Pusoy. Dumako tayo sa kakaibang mundo ng Pusoy na maituturing na isang popular na laro hindi lamang sa Pinas, kundi pati na sa ibang mga bansang nasa Southeast Asia at kilalanin ang Pusoy Way. Ano nga ba ito at ano ang mga paraan upang maipanalo ang nasabing laro? Halika at sabay nating alamin sa pamamagitan nitong artikulo na gawa ng Laro Reviews. 

Pusoy Way: Mga Paraang Dapat Matutunan

Walang partikular na manlalarong hinahanap ang Pusoy. Nangangailangan lamang na alam mo ang layunin ng laro at mga alituntuning dapat tandaan bago ka magsimula. Para sa layunin ng laro, ang nararapat mong makuha upang manalo ay tatlong Poker hands kung saan makikita ang dalawang tig-limang bahay at tatlong iba pang baraha na may panalong kombinasyon. Tatalakayin natin sa bahaging ito ang basic concept ng Pusoy na tampok din sa larong Pusoy Way.

Upang mas maintindihan pa natin ang larong Pusoy, magsimula muna tayo sa basics. Tipikal na nilalaro ang Pusoy ng apat na tao ngunit pwede rin itong laruin ng dalawa o tatlong mga manlalaro. Lahat sila ay bibigyan ng tig-labing tatlo o 13 na mga baraha at ito ang kanilang kailangang ayusin base sa ranggo na nararapat. Hahatiin sa tatlo ang 13 cards na nasa manlalaro – tinatawag ang mga hating ito bilang back hand kung saan may limang baraha, middle hand kung saan may lima ring baraha, at front hand kung saan naroon ang huling tatlong baraha. Para sa tsansang manalo, nararapat na mas mataas ang ranggo ng mga cards na nasa back hand na siyang susundan ng middle hand at front hand. Ang mga pamamaraan na ito ay magagamit mo sa paglalaro ng Pusoy Way Online at Pusoy sa totoong buhay.

Pusoy Rule: Mga Batas na Dapat Sundin 

Mas magiging madali ang paglalaro ng Pusoy Way kung alam mo na ang sistema nito. Bilang manlalaro, mas mainam kung tatandaan mo ang mga panuntunan na nakapaloob sa laro. Ang pinakaunang batas na dapat mong malaman ay ang katotohanan na individual competition ang paglalaro ng Pusoy. Sa madaling salita, ikaw lamang ang maaaring mag-ayos ng iyong mga baraha at ikaw lang din ang maaaring pumili kung ipupusta mo ba o hindi ang mga baraha na nasa kamay mo. Walang sino man ang pwedeng makakita ng mga ito habang nasa gitna pa kayo ng pag-aayos ng mga cards. 

Sunod naman na dapat mong malaman ay ang tamang pagkakasunud-sunod ng iyong mga baraha o tinatawag ding bahay. Ang nararapat na pwesto ng ranggo ay mula pinakamataas (royal flush) hanggang pinakamababa (no pair). Kapag nalaman o nakita na hindi naaayon sa tuntunin ang sequence ng iyong cards, maaari kang kaagad na ma-disqualify o tinatawag ding “totyo” na siyang pwedeng magdulot sa iyo ng dobleng pagkatalo. Matapos kasing mailagay ng lahat ang kanilang mga baraha, hindi na ito maaaring mabawi pa o magalaw sapagkat magsisimula na ang dealer sa pagbusisi kung sino ang mananalo. 

Pusoy Win: Patungo sa Panalo

Ngayong alam mo na ang layunin at mga patakaran na dapat tandaan sa mundo ng Pusoy, magiging madali na lamang ang paglalaro nitong Pusoy Way para sa iyo. Ano nga ba ang mga palatandaan o basehan upang malaman kung ikaw ay panalo o hindi? Una, panalo ka kapag nakita mong dalawa sa tatlong bahay na mayroon ka ay talo ang tatlong bahay na hawak ng dealer. Kapag naman lahat ng bahay mo ay panalo kumpara sa mga baraha ng dealer, magiging doble ang iyong panalo. Kapag kabaliktaran naman ang nangyari kung saan talo ang lahat ng bahay mo at panalo lahat sa dealer, magiging doble naman ang iyong pagkatalo. 

Kung iniisip mong magiging mahirap ang makakuha ng pera sa Pusoy, mangyaring alamin naman natin ang paraan ng pagpusta rito. Tinatawag na units ang unang pusta na napagkasunduan ng lahat bago ang paglalaro. May isang manlalaro na mangongolekta ng units sa ibang players na hindi naipanalo ang kahit saang grupo o bahay ng kanilang mga baraha. Ito ang maganda sa larong Pusoy dahil hindi ka kaagarang malulugi kahit hindi ikaw ang pangunahing panalo sa laro. Kapag nanalo ang kahit sa dalawang grupo ng baraha na mayroon ka, maaari kang makakuha ng units. Mas lalaki naman ang iyong posibleng makuha kung naipanalo mo ang lahat na grupo ng baraha na nasa iyo. 

Bukod sa mga nabanggit, may mga bonuses ka ring maaaring makuha depende sa uri ng baraha na nasa iyong kamay. Kapag ikaw ay may kombinasyon na triple sa unang grupo ng iyong baraha, maaari kang makakuha ng 5 units. Mas lalaki pa ito kapag ikaw ay mayroong royal straight flush sa gitnang grupo ng baraha dahil 22 units ang maaari mong makamit. Talaga namang masasabi na hindi ka malulugi sa larong ito, hindi ba? 

Konklusyon

Matagal nang nasa tradisyunal na laro ng baraha ang Pusoy. Naging kabilang na rin ito sa ating mga nakaugaliang gawin kapag may okasyon o hindi naman kaya ay kapag nagsasama-sama ang buong pamilya. Ngayong tayo ay sinusubukan ng pandemya, maaaring sabihin na may ilan tayong nakalimutan na mga nakagawian na ngunit hindi kabilang dito ang Pusoy. Nang umusbong at sumikat ang online casino games sa iba’t – ibang bansa, hindi rin nagpatalo ang Pilipinas kaya naman nakagawa tayo ng mga larong baraha kagaya ng Pusoy Way.

Kung nais mong masubukan ang paglalaro sa larangan ng Pusoy, nararapat na handa kang sumugal hindi lamang ng pera kundi pati na rin ng iyong oras. Hindi madaling maglaro ng ganito sa online ngunit may mga websites naman na siyang tutulong sa iyo upang magkaroon ka ng masayang karanasan at mahasa ang iyong kakayahan sa online casino. Isa sa mga pinakamagandang game centers para rito ay ang application na Big Win Club. Ito ay magandang site para sa mga casino games na gusto mong subukan. Mabisa rin itong alternatibo para sa mga Pinoy na nais maglaro ng Pusoy gamit ang totoong pera at currency natin. Upang ma-access ito, mangyaring hanapin lamang ang https://bigwinclub.site/ sa Google Play Store at pindutin ang install. Matapos nito, buksan lamang ang app at simulan na ang masayang paglalaro!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...