Five Nights at Freddy’s Review

Dahil sa haba ng pangalan ng larong Five Nights at Freddy’s, ito ay nakilala sa tawag na FNAF. Ang larong FNAF ay gawa ni Scott Cawthon at ito ay isang franchise mula sa Amerika na nagsimula lamang bilang isang eponymous 2014 video game. 

Dahil sa kasikatan ng larong ito, maraming filmmakers ang nagkainteres na gawan ito ng isang pelikula. Ito ay isang horror game na may walong lokasyon na konektado sa negosyo ng pamilya na Fazbear’s Pizza Restaurant. Ang manlalaro ay gaganap bilang empleyado ng restaurant na nagtatrabaho sa gabi. 

Dahil sa kasikatan ng larong ito, ang kumpanya ay nakaisip na gumawa ng mga merchandise ng laro at magtayo ng isang atraksyong panturismo na hango sa series na nai-feature sa Adventuredome noong Halloween ng taong 2016.

Ang laro ay nanalo din sa Guinness Book of Records: Gamer’s Edition dahil sa pagkakaroon ng maraming sequels na nai-release ng kumpanya sa loob lamang ng isang taon. 

Ang Layunin ng Larong FNAF

Ang manlalaro ay kailangang mabuhay hanggang sa huli. Kailangan niyang gamitin ang lahat ng kagamitan na nakakalat sa bawat lokasyon katulad ng ilaw, pintuan, security cameras, mga vents o sticks o kahit ano mang gamit na pwede niyang maging sandata laban sa mga nagloloko at may problemang animatronic characters na sumakop na sa buong lugar. 

Five Nights at Freddy's

Five Nights at Freddy’s

Paano Laruin ang Five Nights at Freddy’s?

Ang manlalaro ay magsisimula sa restaurant – ang Freddy Fazbear Pizza. Siya ay papasok bilang empleyado sa restaurant tuwing gabi. Makakasagupa niya rito ang iba’t ibang animatronics na kasinglaki ng mga tao. 

Mayroon namang nagbabantay na guwardiya sa restaurant ngunit hindi ito sapat upang pigilan ang paghahasik ng lagim ng animatronics sa lugar. Upang manalo, kailangan mong depensahan ang iyong sarili laban sa mga pag-atake, gamit ang alin mang bagay na makikita mo sa iyong kapaligiran.

Sa opisina ng restaurant na malapit sa pasilyo ay may makikita kang dalawang pintuan. Ang mga pintuan na ito ay pwedeng gamitin bilang pangharang sa mga nakakakilabot na animatronics upang hindi sila makapasok sa restaurant. 

Ang manlalaro ay may buhay na nababawasan sa tuwing siya ay gagamit ng isang sandata o kagamitan. Sa oras na maubos ang iyong buhay, hindi ka na pwedeng gumamit ng anumang panangga at ikaw ay mawawalan ng depensa laban sa mga kalaban.

May ilang animatronics din na pagkatapos mong matalo ay magagamit mo ang parte ng kanilang katawan na nagkahiwa-hiwalay upang maging sandata laban sa iba pang animatronics.

Gamitin mo ang music box na pwedeng maging pananggalang sa pag-atake ng mga animatronics. 

Ang laro ay meron ding audio, ventilation at camera. Kailangan ingatan at iwasan na masira ang mga ito. Nasisira ang mga kagamitang nabanggit sa tuwing magha-hallucinate ang mga animatronics kaya iwasan itong mangyari.

Kung gusto mo naman na maiwasang pumasok ang kaluluwa ng isang malakas na animatronic sa opisina ng restaurant kung saan ka naroroon, panatilihing nakatakip o may takip ang bentilasyon ng lugar. Isa pang tip, buksan ang audio function ng camera upang makagawa ng tunog ng tawa ng bata. Takot ang mga animatronics dito. 

Makakapaglaro ka lamang ng mga 8-bit mini-games sa tuwing makakakumpleto ka ng mga side tasks katulad ng paglalagay ng mga codes sa pader o pag-click ng mga poster na nakasabit. Sa oras na makumpleto at manalo ka sa mini-games, may kakayahan ka nang mabuksan ang misteryosong pagtatapos ng laro.

Ang laro ay may bedroom setting din kung saan ikaw ay maglalaro bilang isang bata. Mawawalan ka ng access sa camera system at kailangan mong i-monitor ang apat na sulok ng lugar, ang dalawang pintuan sa pasilyo, ang aparador at ang kama.

Para makita at masubaybayan mo ang animatronics sa pintuan, kailangan mong makinig sa kanilang paghinga. Kapag nakarinig ka ng mas malakas na paghinga mula sa animatronics ay nangangahulugang sila ay malapit na sa iyong lokasyon. Sa oras na sila ay malapit na, isarado ang pintuan at hintayin hanggang sila ay makalampas. Kapag binuksan mo ang pintuan at sila’y nasa paligid lang, tiyak na ikaw ay mamamatay. 

Huwag hayaang makalapit ang mga animatronics sa kama at sa aparador!

Five Nights at Freddy's

Five Nights at Freddy’s

Paano I-download ang Laro?

Ang laro ay pwede sa Android, iOS, game consoles at PC. Ngunit ito ay may bayad. Maaaring gamitin ang mga download links sa ibaba upang maumpisahan ang laro

  • Download Five Nights at Freddy’s on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.scottgames.fivenightsatfreddys&hl=en&gl=US
  • Download Five Nights at Freddy’s on iOS https://apps.apple.com/us/app/five-nights-at-freddys-ar/id1473886685
  • Download Five Nights at Freddy’s on PC https://steamunlocked.net/five-nights-at-freddys-free-download/
  • Download Five Nights at Freddy’s on Nintendo Switch https://www.nintendo.com/games/detail/five-nights-at-freddys-switch/

Kailangan Mo ba ng Account para Malaro ang FNAF?

Kailangan mo ng account upang malaro ang FNAF dahil ito ay may bayad. Pwedeng gamitin ang iyong Google Account, Nintendo Switch at Apple ID para mag-login at maproseso ang iyong bayad. Kapag wala ang mga account na ito ay hindi mo mabibili at malalaro ang Five Nights at Freddy’s. 

Mga Tips at Tricks sa Paglalaro ng Five Nights at Freddy’s

Ang larong ito ay challenging lalo na para sa mga baguhan. Para manalo rito, pwede mong sundin at gawin ang sumusunod na tips at tricks.

Sa una hanggang ika-walong level ng laro, siguraduhing gamitin ang security camera. Ito ay makakatulong sa iyo upang makita at masubaybayan ang bawat galaw ng mga animatronics. Sa una at ika-siyam na level ng laro ay may ilaw. Ang mga ilaw na ito ay pipigil sa mga animatronics na umatake at tinitimbrehan o binibigyan ng warning ang manlalaro. Ang ilaw ay pwedeng buksan sa pamamagitan ng button na makikita sa pader ng opisina. Papaliwanagin nito ang daanan at mga lugar na sobrang dilim. 

Isang lokasyon lamang ang pwedeng makita sa bawat oras. May mga lugar na hindi kita sa camera at hindi malinaw ang kuha. May mga pagkakataon na tanging kulay itim at puti ang nakikita at ang bidyo ay punung-puno ng ingay. Sa ika-tatlong level ng laro, ang camera ay titigil at magkakaroon ng failure sa system.

Ang mga pintuan at mga bentilasyon sa una at ika-walong laro ay dapat laging nakasarado lalo na kapag merong animatronic sa malapit. Ginagamit ng mga animatronics ang bentilasyon upang makalapit sa manlalaro. 

Mag-relax lamang at mag-enjoy sa laro. Ituon ng husto ang atensyon sa laro dahil ito ay may mga nakakagulat na eksena. Ang mga animatronics ay talagang  nakakatakot at ang tunog at musika ng laro ay nakakakilabot. 

Gumagamit ng mga distorted o mga baluktot na tunog ang laro upang mas lalong maramdaman ng mga manlalaro ang nakakatakot na eksena. Huwag magpatalo sa iyong takot at panatilihin ang iyong tapang. Subukang abutin o pulutin ang anumang bagay na pwede mong maging sandata upang depensahan ang iyong sarili.

Makinig ng mabuti kay “Phone Guy”. Si “Phone Guy” ang magbibigay sa iyo ng detalyadong instruksyon kung paano laruin ang laro at mga kontrols nito. 

Mag-ingat sa mga guni-guning hatid ng Easter eggs dahil dito mo makikita si Golden Freddy.

Related Posts:

Metamorph M Reviews

Kingdom Rush Frontiers TD Review

Five Nights at Freddy's

Five Nights at Freddy’s

Mga Positibo at Di-kaaya-ayang Bagay Tungkol sa Laro

Ang laro ay naging sikat dahil sa pagiging malikhain ng mga developers nito. Ang takot na hatid ng larong ito ay totoo. Ito ay paulit-ulit din na laro. Walang ibang misyon kundi ang talunin ang mga animatronics kaya aadaling hulaan kung ano ang mangyayari sa susunod na level. Paulit-ulit man ito ay siguradong mapapasigaw ka pa rin sa gulat. Ang animasyon at graphics ay maganda at kahanga-hanga. Ginagamit ng larong ito ang camera ng device na gamit mo para ma-survey ang buong area. May mga gamit na kapakipakinabang ngunit limitado lamang ang paggamit nito. Katulad na lamang ng security camera kung saan isang lokasyon lamang ang nare-record nito kada oras. Ang ibang lokasyon ay hindi na naaabot ng camera at minsan ito ay malabo pa. Ang ingay sa bidyo ay nagiging dahilan upang mahirapan ang manlalaro na marinig ang paghinga ng animatronics kaya hindi nagiging madali para sa player na malaman kung ito ay nasa malapit na. 

Ang flashlight sa laro ay may limitadong baterya lamang kaya kailangan tipirin ang paggamit nito. Ang buhay ng baterya ng flashlight ay nakabatay sa bawat level ng laro. 

Ang laro ay may apat na karakter lamang ng animatronics. Si Bonnie, Chica, Freddy Fazbear at si Foxy. Kung ikaw ay maswerte, pwede mo ring makita ang misteryosong si Golden Freddy. 

Ang larong ito ay hindi inirerekomenda na laruin ng mga bata. Ito ay masyadong nakakatakot at nakakagulat. Ang mga tunog at kwento nito ay hindi kaaya-aya para sa mga murang isipan. Ang nakakagulat na feature ng laro ay maganda ngunit hindi akma sa mga batang manlalaro. 

Ang laro ay dating libre lamang ngunit dahil sa kasikatan nito, ngayon ay may bayad na. 

Ang laro ay nakakamangha at nakakatakot. Ang sound effects at musika nito ay maganda at bagay sa laro. Kung hindi ito maganda, hindi ito magkakaroon ng maraming bersyon at sequels. Hindi rin nito makukuha ang parangal sa Guiness Book of Records. Bukod sa mga nabanggit, nakuha rin nito ang atensyon ng mga producer ng pelikula katulad ng Warner Bro’s na gumawa ng isang palabas tungkol dito noong Abril 2015.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...