Forest Garden Review – Paano Laruin ang Forest Garden

Ang Forest Garden ay isang casual game kung saan may isang punong may mga pera na nakatayo sa gitna ng siyudad. Ito ay nilikha ng isang developer na nagngangalang Xiao Xiao Wang. Ang laro ay hindi pa kumpleto at kasalukuyang dini-develop pa.

Ang puno sa gitna ng siyudad ay namimigay ng pera sa pamamagitan lamang ng pag-tap sa screen ng cellphone. Imbes na mga dahon ang nasa palibot ng puno, ito ay mga pera.

Isa itong nakaka-relax na laro na hindi nangangailangan ng maraming enerhiya at talino. Hindi rin ito isang puzzle game na kailangan pang gamitin ang iyong abilidad sa pag-iisip ng estratehiya.

Ayon sa ilan, ang laro ay namimigay ng totoong pera sa mga manlalaro sa pamamagitan ng Paypal, isa sa mga sikat na payment method platform sa buong mundo.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang laro ay simple lamang at walang ibang layunin kung hindi ang mangolekta ng virtual money  mula sa puno na nakatanim sa gitna ng siyudad. Sa oras na makakolekta ka ng pera, pwede mo nang i-upgrade ang iyong puno. Kapag mas mataas ang upgrade o level, mas malaki ang halaga na pwedeng ibigay nito sa iyo.

Forest Garden Review - Paano Laruin ang Forest Garden

Paano Laruin ang Forest Garden?

Ang paglalaro ng Forest Garden ay napakadali lamang. Hindi ito nangangailangan ng mataas na IQ o talino. 

Kailangan lamang na i-tap ng manlalaro ang puno ng maraming beses o kahit ilang beses pa niyang gustuhin para makaipon ng pera. Ang mga pera na nagsisilbing dahon ng puno ay mahuhulog sa lupa. Hindi mo na ito kakailangan pang kolektahin sapagkat kusa na itong madadagdag sa kabuuang halaga ng iyong pera na makikita mo ang value sa kanang itaas na bahagi ng screen.

Ang pera na iyong makokolekta mula sa puno ay iyong magagamit sa pagbili ng pataba para sa puno na gagamitin sa pag-upgrade.

Sa bawat upgrade na iyong ginagawa, madodoble naman ang halaga ng pera na nahuhulog mula sa puno.

Habang tumataas ang level, mas tumataas din ang halaga na hinihingi ng laro upang makapag-upgrade. Halimbawa, kapag nag-umpisa ka sa unang level na may 20 coins, ang baryang ito ay maipambibili mo na ng pataba. Sa itaas na bahagi ng puno ay may makikita kang bar. Ang bar na ito ay kailangan punuin sa pamamagitan ng pagbuhos ng pataba sa puno para maglevel-up ito. Sa bawat pagle-level up, ang bar na ito ay humahaba na nangangahulugang dagdagan mo pa ang paglalagay ng pataba.

Paano Mag-download ng Forest Garden?

Ang laro ay pwede lamang i-download ng mga manlalarong gumagamit ng Android. Hindi ito pwede sa iOS, game consoles, pati na sa Windows at Mac computers.

Para mai-download ang laro, pumunta ka lamang sa Google Play Store at i-type ang Forest Garden sa search box. Bibigyan ka nito ng maraming resulta. Hanapin mo lamang ang laro na dinevelop ni Xiao Xiao Wang na may larawan ng puno. Piliin ito at magpatuloy sa pag-install. Pwede mo ring gamitin ang link sa ibaba:

  • Download Forest Garden on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.green.flower.cao.moneytree&hl=en&gl=US

Ang laro ay hindi nangangailangan ng pinakamataas na system requirements ng devices para mai-download ito.

Paano Mag-download ng Forest Garden?

Paano Gumawa ng Account Sa Forest Garden?

Walang kinakailangan na account sa Forest Garden. Ngunit, ang laro ay sinasabing nagbibigay ng totoong pera sa mga players sa oras na maabot nila ang mataas na level. Dahil dito, kinakailangan na ang players ay gumawa ng Paypal account para makapaglabas o maka-withdraw ng pera.

Sa oras na ang laro ay ma-instal, pwede na itong gamitin agad-agad. Hindi ito manghihingi ng email address o Facebook account para ikaw ay magkapag-sign in.

Wala ring progreso ng laro ang kailangan mong i-save. Sa oras na nai-close mo ang app at balikan ito, mananatili ka pa rin sa pinakahuling upgrade o level mula nang iwan mo ang laro.

Ang tanging bagay na hihingin sa iyo ng laro ay ang pagpayag mo na magkaroon ng access ang laro sa storage devices para sa media files nito.

Sa baba ng screen makikita mo ang isang Unique ID code. Ito ay may pitong alphanumeric na mga karakter. Ito ay ginagamit sa oras na ikaw ay mag cash-out.

Related Posts:

Among Us Review

Zombie Tsunami Review

Tips at Tricks para Laruin ang Forest Garden

Walang masyadong tips at tricks sa paglalaro ng Forest Garden. Kailangan mo lang mag-tap ng mag-tap sa iyong screen ng maraming beses para marami ka rin ng makukuhang pera. 

Gamitin ang nakuhang pera para ma-upgrade mo ang puno. Inirerekomenda na mangolekta ka muna ng maraming pera at itabi ito at gawing isahan ang pag-upgrade. Kapag mas maraming naitabing pera ay mas marami ang tyansa na mai-upgrade mo ito sa pinakamataas na level. 

Pwede kang mag-cashout gamit ang iyong Paypal account. Kailangan mo lang maabot ang minimum na halaga para makapag-withdraw. Mas mabuti rin kung iipunin mo muna ito at magcash-out ng minsanan para hindi masyadong mahal ang maging transaction fee.

Sa pagbubuhos naman ng pataba, mag-focus lamang sa screen at hintayin hanggang sa ang bar ay mapuno. Huwag sobrahan ang pagbubuhos ng pataba at hintayin hanggang matapos sa pagli-level up ang puno bago mo gawin ang susunod mong aksyon.

Tips at Tricks para Laruin ang Forest Garden

Ang Maganda at Hindi Kaaya-ayang Bagay sa Laro

Ang laro ay masaya para sa mga manlalarong gustong mag-relax at kumalma. Gayunpaman, bahagya itong nakakaumay dahil walang misyon o tasks na kailangang gawin o kumpletuhin. Walang ibanhg dapat gawin kundi ang mag-tap ng mag-tap sa screen mo buong araw. Pwedeng mamanhid ang iyong mga daliri kapag naglaro ng masyadong matagal..

Ang graphics ay maganda naman at ang musika ay hindi nakakainis. Ang pag-upgrade ng puno ay hindi mahirap dahil bibigyan ka nito ng maraming pera para makapag-upgrade. Ipunin mo ito at i-upgrade ang puno ng minsanan dahil hindi naman ito nauubusan ng pera.

Kung sa tingin mo ay ligtas ito, ilagay mo ang iyong Paypal account para sa cash out. Ngunit, may mga manlalaro na nagsasabi na ito ay hindi legal at puro pangako lamang. 

Ang laro ay hindi para sa mga players na mahilig sa mga larong nakakatakot o nakaka-excite. Ang laro ay nakakasawa rin paminsan-minsan dahil paulit-ulit lang ang ginagawa rito. Subalit, kung ito talaga ay namimigay ng totoong pera, magiging isang madaling paraan ito para magkaroon ng pera ang mga manlalaro, saan mang panig ng mundo. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...