Tropico Game Review

Ito,Tropico Game,ay isang German video game developer na nakabase sa Langen. Sila ang parehong mga developer na bumuo ng Park Beyond at Mighty and Magic X Heroes na lahat ay nilalaro sa Windows PC at mga Game console.

Ikaw ay gaganap bilang Pangulo ng bansang Tropico at pagbubutihing gawing moderno ang buong lungsod.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ikaw ay nahalal bilang bagong Presidente ng Tropico at ang iyong layunin ay pagbutihin at paunlarin ang mga mahihirap na isla ng Caribbean na may mga hindi pa nagagalaw na resources na may malawak na potensyal na maging isang mayamang bansa. Mataas na pag-asa ang ibinigay sa iyo ng mga residente na dadalhin mo ang Tropico sa magandang kinabukasan na nararapat sa iyong mga tao.

Paano Simulan ang Paglalaro?

Ikaw ay gaganap bilang Presidente ng Tropico Nation. Magkakaroon ng apat na panahon na iyong lalaruin at iyon ay ang Colonial, the Cold war, The Modern at World Wars Era. Ang gameplay ay magaganap lamang sa isang isla rito at papayagan kang magtayo sa isang peninsula na kalapit ng maliliit na isla. Pinapayagan kang gumawa ng mga tulay mula sa iyong panimulang isla papunta sa iyong susunod na target.

Ang iyong mga aksyon bilang isang pangulo ay magkakaroon ng malaking epekto sa bawat residente Tulad ng paraan ng pagtrato mo sa kanila, at ang iyong pagiging produktibo. Gayundin, ang saloobin ng bawat mamamayan sa iyo. Kung mali ang pakikitungo mo sa kanila o may nakita silang hindi tama, maaari mong asahan ang pag-aalsa mula sa iyong gobyerno.

Maaari mong i-upgrade at i-customize ang Pangulo at ang Palasyo.

Tropico Game -Laro Reviews

Tropico Game -Laro Reviews

Tropico Game: Paano i-download ang Laro?

Ang laro ay may bayad at maaari mong i-download at bilhin ito sa Google Play Store at Apple Store.

Maaari mong hanapin ito gamit ang pamagat ng laro o mag-click sa mga link sa ibaba:

  • Download Tropico on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.feralinteractive.tropico3
  • Download Tropico on iOS https://apps.apple.com/us/app/tropico/id1264531625

Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Laro

Ang laro ay nangangailangan ng pag-log in o pag-sign up mula sa mga manlalaro dahil ito ay isang bayad na laro. Maaari kang mag-log in gamit ang iyong Google Play Store account kung gumagamit ka ng Android Devices na may 8.0 at mas mataas na bersyon at gamit ang iyong Apple ID account naman kung gumagamit ka ng iOS device gaya ng iPod, iPhone at iPad na may 12.0 o mas mataas na bersyon ng iOS.

Dahil bibili ka ng laro, maaaring hingin nito ang impormasyon ng iyong bank o Paypal account o anumang paraan ng pagbabayad.

Tropico Game: Tips at Tricks kapag Naglalaro

Bilang resulta, magkakaroon ng maraming mga baguhan sa serye ng Tropico na sinusubukan pa ring malaman ang dinamiko ng laro. Huwag mag-alala sapagkat ang mga mungkahing ito ay tutulong sa mga bagong manlalaro.

Ang mabilis na pagpapalawak ng lupain ay ang pinakamainam na kurso ng pagkilos sa ilang mga laro na ginagamitan ng pagpaplano at diskarte. Napakaraming mga baguhan sa Tropico ang walang-alinlangan na gagawa nito – maglalaro na parang wala lang sa kanila at susubukang makipag-unahan ng puntos sa kalaban.

Sa Tropico, gayunpaman, ang mabilis na paglago sa simula ay hindi magandang ideya. Ang mga manlalaro ay dapat na maingat na susuriin ang kanilang mga pananalapi sa lahat ng oras. Ang mabilis na pagpapalawak ay madalas na imposible sa simula ng isang save game dahil magkakaroon ng hindi sapat na mga indibidwal sa isla upang pangasiwaan ang lahat ng kailangang gawin.

Tropico Game -Laro Reviews

Tropico Game -Laro Reviews

Ayon sa naunang punto, ang mga walang karanasan na mga manlalaro ay madalas na nagmamadali,hindi lamang para magtayo ng mga istraktura sa pinakamabilis na panahon, kundi pati na rin upang ikalat ang mga ito sa paligid ng kanilang mga isla.

Ito ay magiging isang pagkakamali. Kakailanganin ng mga manggagawa na maglakbay mula at papunta sa bawat isla araw-araw. Ito makabuluhang pinapataas ang dami ng oras na kailangan upang lumikha ng kita. Upang matiyak ang mabilis na paglilipat, mahalagang bumuo ng malapit at kumplikadong mga layout ng gusali. Palawakin at mag-branch-out sa isang matipid na paraan na mabisa habang ang laro ay umuunlad.

Ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang salik dito. Sa sandaling pumasok ka sa mga bagong panahon, magiging mahalaga sa bawat manggagawa na may tamang pagsasanay at edukasyon para sa kanilang mga gawain. Ang pagtatayo ng mga paaralan ay kailangan sa larong ito. Kung hindi ito magagawa, kukuha ka ng mga manggagawa sa labas ng isla upang punan ang trabaho.

Ang turismo ay magdadala ng malaking kita sa bansa. Kasama ng turismo, kailangan mong mapanatili ang isang magandang ruta ng negosyo o kalakalan. Para sa mas mabilis na pagtaas ng ekonomiya, dapat kang magtayo ng mga pabrika sa lalong madaling panahon at mag-isip ng praktikal na paraan kapag magtatayo ng mga bahay. Para sa iyong mga manggagawa, kung kailangan mong taasan ang kanilang mga sweldo para sa mas mahusay na produksyon, gawin ito. Panatilihing masaya ang iyong mga team sa pamamagitan ng pagbuo ng lugar nito sa isang praktikal na lokasyon.

Kung hindi mo naiintindihan ang gameplay, ikaw ay bumalik sa yugto ng tutorial upang malaman ang higit pa tungkol sa mga kontrol at panuntunan ng laro.

Related Posts:

Invest Master Review

MudRunner Review

Tropico Game -Laro Reviews

Tropico Game -Laro Reviews

Tropico Game: Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Sa larong ito, magkakaroon ka ng pagkakataong pamahalaan ang iyong sariling bansa sa paraang gusto mo. Ikaw ang magiging pinuno ng militar at makapagtatayo ng mga gusali at magsulat ng sarili mong mga patakaran. Maaari mong gawin itong isang bansang nakatuon sa turismo, negosyo o pulitika.

Ang laro ay parehong binuo para sa mga Android at iOS na may kumpletong kontrol na may madaling gamitin na touch panel. Ang gameplay ay madali at idinisenyo para sa lahat ng naaangkop na edad. Ito ay i-dinisenyo para sa 16 na taong gulang at pataas lamang dahil sa karahasan at tema patungkol sa pulitika. Kung nahihirapan sa mga kontrol ng laro gamit ang iyong mobile phone, huwag sumuko,magsanay ka lamang at malalaman mo rin ito.

Gayunpaman, ito ay tugma lamang sa mga partikular na modelo ng telepono na makikita mo sa mga listahan ng google play store. Magkakaroon ng ilang mga teleponong tiyak na makapagpapatakbo ng laro ngunit maaaring makatagpo ng mga isyu dahil hindi pa nito ganap na suportado ang laro. Ang Tropico ay malalaro sa iba’t ibang lenggwahe tulad ng English, Spanish, French, Italian, German, Japanese at Russian.

Magkakaroon ng ilang mga lugar o sitwasyon kung saan nasisira ang laro tulad na lamang nung ipinapakita sa iyo ng kapatid ni Penultimos ang garahe at bigla na lamang itong mawawala.

Magkakaroon ng ilang mga tutorial na maiipit ka dahil sa isang bug. Kung makatagpo ka ng anumang isyu sa lisensya kahit na binayaran mo ang buong laro, oras na para makipag-ugnayan sa kanilang Technical Support para tulungan ka rito.

Nangyayari ang pagbagal ng laro kung hindi suportado ang iyong telepono o hindi nito natutugunan ang mga minimum system requirement ng laro.

Ang Konklusyon

Ang larong Tropico ay para sa mga mahilig sa SimCity. Ang mga manlalaro na gustong bumuo at mamahala ay masisiyahan sa larong ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...