Worms Zone.io – Hungry Snake Review

Ang Worms Zone ay isang laro kung saan ay ikaw ay gaganap bilang isang bulate at kailangan mong magpalaki para talunin ang ibang bulate.

Ang laro ay may pagkakapareho sa sinaunang laro sa Nokia phone na Snake kung saan ito ay humahaba din sa pamamagitan ng pagkain ng itim na tuldok sa screen ng telepono. 

Ang Worms Zone naman ay nagpapahaba at mapapalaki sa pamamagitan ng pagkain sa mga nakakalat na mga cake, gulay, karne at mga tinapay sa gameboard.

Ang laro ay nilikha ng mga may malikhaing kaisipan na grupo ng mga developers, ang Casual Asur Games.

Ang laro ay may mga potions din at mga power-ups na syang makakatulong sa iyo para magpalaki at magpahaba.

Narito ang Laro Reviews upang samahan kang alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Worms Zone .io - Hungry Snake

Worms Zone .io – Hungry Snake

Ano ang Layunin ng Worms Zone.io?

Ang laro ay maraming layunin na kailangan kumpletuhin. Ang isang layunin ay kailangan maabot ng bulate mo ang timbang na 40,000 o kaya 80000 o kaya naman ay makakain ka ng limang bulate ng kalaban sa limitadong oras. Kailangan mo magpahaba at magpalaki para makasama sa leaderboard. 

Ang iyong bulate ay kailangan kainin lahat ng pagkain sa gameboard o patayin ang mga kalabang bulate sa pamamagitan ng hayaan silang bumunggo sayo. Sa oras na mapatay mo sila, ang mga nakain ng bulate ng kalaban ay maiiwan sa board at pwede mong kainin. Sa pagkain ng kanilang tira ay dodoble ang iyong puntos.

Paano Laruin ang Worms Zone.io?

Ang laro ay isang survival game. Kailangan mo maging pinakamagaling upang manatili sa larong ito hanggang sa huli. Napakadali lamang nitong laruin. Dedepende ang takbo ng laro sa kung paano mo kokontrolin ang iyong bulate at kung paano maiiwasan ang ibang bulate na makabungguan.

Worms Zone .io - Hungry Snake

Worms Zone .io – Hungry Snake

Pumili ka kahit anong klase ng bulate ang gusto mo. Pwede mo rin baguhin ang itsura nito o kaya naman ang kulay nito. 

Pagkatapos i-click ang play, bibigyan ka nito ng pagpipilian kung aling mode ang iyong lalaruin. Piliin kung infinite ba o time game ang iyong lalaruin. Kahit ano sa dalawa ang iyong piliin, pareho itong magbibigay ng misyon na kailangan mong kumpletuhin. Malalaman mo kung na-kumpleto mo na ang laro sa pamamagitan ng progress bar sa itaas ng iyong screen.

Kung ikaw ay naglalaro gamit ang iyong selpon, makokontrol mo ang iyong bulate sa pamamagitan ng pag-swipe ng iyong daliri sa direksyon na gusto mong puntahan o tahakin ng iyong bulate. Kainin lahat ng pagkain sa gameboard upang maging malakas at humaba ang iyong bulate.

Gawing ang long press sa screen upang bumilis ang iyong bulate sa pag-gapang papunta sa mga pagkain o power-ups. Ngunit ang pagpapabilis ng iyong bulate ay magiging kabawasan naman sa iyong puntos.Gamitin ito ng tama.

Iwasan ang ibang bulate. Hindi importante kung mas malaki man o mas maliit sa iyo ang ibang bulate dahil sa oras na mabunggo ka nito, ikaw ay matatalo at lahat ng pagkain na kinain mo ay maiiwan sa gameboard. 

Ikaw ay babagal sa paggalaw habang ikaw ay lumalaki at humahaba. Ang paggamit ng sprint ay nirerekomenda sa stage na ito upang mapabilis ang iyong bulate sa pag-abot ng mga power-ups o boosters.

Ang laro ay pwede rin laruin gamit ang kompyuter sa pamamagitan ng browser. Ang paraan ng paglalaro ay pareho lamang maliban sa ang gagamitin mo pang-kontrol sa iyong bulate ay ang iyong mouse. 

Saan Pwedeng I-download ang laro?

Ang laro ay available sa halos lahat ng uri ng platform. Tablet, Smartphone, Computer o browser. Ang mga developers ay ginawang accessible ito sa lahat ng devices katulad ng iOS, Android, Apple TV, Android TV, MacOS, Linux, Windows at Web. 

I-download ang mga laro sa pamamagitan ng mga link sa ibaba.

Download Worms Zone.io-Hungry Snake on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wildspike.wormszone&hl=en&gl=US

Download Worms Zone.io-Hungry Snake on iOS https://apps.apple.com/us/app/wormszone-io-hungry-snake/id1357967682

Download Worms Zone.io-Hungry Snake on PC https://pcmac.download/app/1357967682/wormszone-io-hungry-snake

Play Worms Zone.io-Hungry Snake on your browser https://worms.zone/game/web/

Worms Zone – Paano Gumawa ng Account?

Kung ikaw ay gumagamit ng Android, Mag Sign-in lamang sa Google Play Store gamit ang iyong account at awtomatikong naka konekta na ito sa laro sa oras na buksan mo ang app. Sa oras na nai-sign in mo na ang iyong account, sa bawat laro at pagkapanalo mo ang iyong account sa Google Play store ay magli-level up din. 

Worms Zone .io - Hungry Snake

Worms Zone .io – Hungry Snake

Apple ID naman ang ginagamit ng mga Apple o iOS users.

Tips at tricks kung Paano ito Laruin

Sa pagsisimula ng laro, ikaw ay isang maliit na bulate lamang. Pakainin ng iba’t-ibang uri ng pagkain ang iyong bulate upang ito ay tumaba, humaba at lumaki. Wala ditong balance diet, dahil malaya kang pakainin ang iyong bulate ng kahit ano katulad na lamang ng cake, tinapay o prutas.

Kapag nakumpleto mo ang iyong misyon ikaw ay magkakareward kung hindi man ay huwag mag-alala dahil hindi ito nangangahulugan na ikaw ay talo na. 

Iwasan ang ibang bulate hangga’t makakaya mo. Huwag subukan na bungguin sila dahil matatalo ka. Ang sukat ng bulate ay hindi importante rito. Mapa-maliit o malaki ay kaya kang talunin at kainin ang lahat ng pagkain na nakain mo na.

Gamitin ang sprint kapag kailangan lamang dahil mababawasan ng malaki ang iyong puntos sa tuwing gagamit ka nito.

Hindi lamang pagkain ang pwede mong kainin dito. May power-ups o boosters din katulad na lamang ng pula at asul na bote kung saan pwedeng dagdagan ang sakop mong pagkain. Ito ay nagsisilbing magnet na kung saan kusang lalapit ang pagkain sa iyo. Ang asul na bote naman ay dadagdagan ng 5 beses ang puntos ng pagkain na iyong kinain. Ang lila na bote naman ay bibigyan ka ng kakayahan upang makita ang mga patay na bulate kung saan pwede mong kainin ang kanilang mga tirang pagkain. Ang kulay berde naman na bote ay magdagdag ng kontrol sa iyong bulate laban sa pag bangga sa ibang bulate. Ang pinakahuli ay ang dilaw na bote kung saan magpapalawak ng iyong pagtingin sa buong lugar.

Pwede mo rin bitagin ang ibang bulate sa pamamagitan ng pag-ikot mo dito at pagkulong. 

Kainin mo din ang mga barya na nagkalat sa gameboard. Magagamit mo ito sa pagbuhay muli ng iyong bulate kapag ikaw ay natalo.

Positibo at Hindi Positibong Puna Tungkol sa Laro

Ang laro ay libre lamang at pwedeng laruin sa kahit anong platform. Maganda ito dahil hindi ito limitado lamang sa selpon at pwedeng laruin gamit ang kompyuter. 

Kung hindi mo nagustuhan ang itsura ng iyong bulate, pwede mo itong i-edit at i-personalize ng naaayon sa iyong kagustuhan. 

Ang rewards ng laro ay halos araw-araw binibigay ngunit karaniwan na barya lamang ang mga rewards at premyo na magagamit mo sa pagbuhay muli ng iyong bulate sa oras na mamatay ito. Wala na itong ibang rewards na pinamimigay o mapapanalunan. 

Related Posts:

Slither Zone io – Worm Arena Review

Fruit Ninja Classic Review

Kung gusto mo naman ng kakaibang skin o kakaibang itsura ng bulate, kailangan mo manood ng ads.

Napansin ng Laro Reviews na walang gabay ang laro. Kailangan mo itong mapag-aralan sa sariling sikap. Ang mga boosters at power-ups ay wala din paglalarawan. Ngunit simple at madali lang naman ito. 

May mga customization na nangangailangan ng barya. Hindi madali ang pagkuha o pag-ipon ng barya sa larong ito dahil kailangan mo hagilapin ang buong gameboard para sa makakain na barya. Ang halaga ng mga baryang nakuha sa gameboard ay hindi ganoon kadali. 

Ang uri ng mga pagkain ay tatlo lamang: ang keso, mga kendi o mga gulay at mga gummy bears.

Ang pagkumpleto sa misyon ay hindi din madali. Halimbawa na lamang ay ang pag-abot mo ng timbang na 40000. Kumakain ka na ng marami ngunit hindi pa rin sapat at limitado pa ang oras nito. 

Ang paligid ng laro ay maliit lamang. Wala ring multiplayer dito. Ganunpaman, pwede ka makilahok sa kumpetisyon o mapabilang sa top board kung ikaw ay naka-login gamit ang iyong Facebook account.

Konklusyon

Kung nagustuhan mo ang larong Snake dati, tiyak na magugustuhan mo lalo ang Worms Zone. Kontrolin ang mga naggagandahang at nakakatawang mga bulate at maaliw ka sa paglalaro nito. Palakihin sila at sikapin na mapabilang sa top board.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...