Party in my Dorm: College Chat Review

Nais mo bang maranasan ang campus life o kaya ay bumalik sa pagiging isang estudyante? Ang Party in my Dorm: College Chat ay isang casual game na gawa at inilunsad ng A Thinking Ape Entertainment Ltd. Ang campus life game na ito ay unang inilabas noong Agosto 24, 2012. Pagkaraan ng halos sampung taon, ito ay nanatiling isa sa mga sikat na social games. 

Ang layunin sa larong ito ay malinaw, kailangang pagsikapan ng mga players na maging may-ari ng pinakamagarbong silid at dorm sa campus. Sa simula ng laro, ang mga bagong manlalaro ay bibigyan ng isang simple at lumang silid. Kailangan nilang pagandahin ito sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga gamit o kaya ay pagbili ng mas magarang silid. Upang magawa ang mga ito, kinakailangang kumita ng pera sa iba’t ibang paraan. Habang nagli-level up, ang mga manlalaro ay maaaring maghanap ng ibang mga makakasama o iparenta ng silid. Maraming masasaya at kapanapanabik na mga aktibidad ang naghihintay dito tulad ng pakikipagkaibigan, pagpunta sa mga party at iba. 

Party in my Dorm College Chat - Laro Reviews

Party in my Dorm College Chat – Laro Reviews

Paano I-download ang Party in my Dorm: College Chat?

Maaaring i-download ang mobile game app sa mga Android o iOS device. Pumunta sa Play Store o sa App Store upang mahanap at mai-download ito. Kung mas gusto mong maglaro gamit ang laptop o desktop, kailangan mong gumamit ng emulator at i-download ang app sa isang computer. Para hindi ka na mahirapan pa, pwede mong gamitin ang mga link sa ibaba: 

  • Download Party in my Dorm: College Chat on iOS https://apps.apple.com/us/app/party-in-my-dorm-college-game/id1161865954
  • Download Party in my Dorm: College Chat on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=ata.squid.pimd
  • Download Party in my Dorm: College Chat on PC https://www.ldplayer.net/games/party-in-my-dorm-college-life-roleplay-chat-game-on-pc.html

Party in my Dorm: College Chat – Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Nais ng Laro Reviews na mas ma-enjoy mo ang larong ito kaya kung gusto mong maging mahusay dito, basahin ang maikli ngunit puno ng mahahalagang impormasyong gabay na ito. May tips at tricks din kung paano magiging isa sa pinakamahusay na estudyante.

Bago ang lahat, alalahanin na ito ay isang online game, kailangan mo ng internet connection upang maglaro. Upang makagawa ng account, kailangan mong pumili ng avatar at gumawa ng username na gagamitin mo sa laro.

Kung sakaling nagustuhan mo ito at gusto mong magpatuloy sa paglalaro, maaari mong i-save ang iyong game data sa pamamagitan ng pag-link nito sa iyong Facebook account o kaya ay gumawa ng ATA ID. Para magawa ito, i-click lamang sa settings icon sa kaliwang itaas na bahagi ng gaming screen at i-tap ang account button.

Party in my Dorm College Chat - Laro Reviews

Party in my Dorm College Chat – Laro Reviews

Upang makapag-level up sa laro, kailangan mong pataasin ang iyong strength stats at intelligence stats na makikita sa itaas na bahagi ng iyong screen. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming dormmates at pag-upgrade ng iyong silid. Kailangan mong kumita ng in-game currencies tulad ng credits($), diamonds at DN o Doctor’s Notes na may iba’t ibang gamit. Ang credits ang itinuturing na pangunahing currency, pwede mo itong kitain sa pamamagitan ng pagkumpleto ng tasks o bilang gantimpala sa Spin the Wheel feature nito. Pero bago mo magamit ang nasabing feature, kailangan mo munang manood ng mga ad.

Palaging i-check ang jobs portal menu sa kaliwang ibabang bahagi ng screen. Dito mo makikita ang mga gawaing kailangang tapusin at ang difficulty level ng mga ito. Bukod sa pagtatrabaho, huwag mong kalimutang magsaya sa laro. Maaari kang pumili kung anong uri ng mag-aaral ang nais mo – jock, cheerleader, nerd, at marami pang iba. Malaya ka ring mag-customize ng karakter na gusto mo. 

Bukod sa paggawa ng tasks, may isa pang paraan para kumita sa laro – ang pagkuha ng tutor. Maaaring nagtataka ka paano ka kikita dito dahil kailangan mong gumastos para sa tutor. Sa totoo lang, isa itong napakasulit na diskarte sa laro. Ang tutor ang gagabay at tutulong sa’yo sa laro, pinapataas din nito ang iyong stats. Kung ang iyong tutor ay ginamit ng ibang manlalaro, kailangan nilang magbayad ng mas malaking na halaga. Kung ikaw naman ay iyong tipong may pagka-agresibo o nais mo ng konting aksyon sa laro, maaari kang makipag-away sa mga mahihinang mag-aaral at bilhin ang kanilang tutor sa mas mababang presyo. Kung ayaw mo naman ng karahasan, pwede mong ipanalo ang mga laro o dance-offs. Ang pagkakaroon ng malalakas at matatalinong dormmates ay nagpapataas din ng stats pati na rin ng iyong pera. 

Related Posts:

Call Me Emperor Review

Zynga Poker ™ – Texas Holdem Review

At tulad ng totoong buhay-estudyante, maaari ka ring sumali sa clubs sa larong ito. Lumahok sa isang aktibong club upang matulungan ka ng iyong mga kasamahan. Huwag mahiyang makipagkaibigan sa iba. Ang mga kaibigan mo ay maaari mong gawing tutor, tagapagbigay ng regalo at pwede mo pa silang i-date. Makakatanggap ka ng bonus at exclusive rewards kapag ikaw ay may karelasyon sa larong ito. 

Party in my Dorm College Chat - Laro Reviews

Party in my Dorm College Chat – Laro Reviews

Pros at Cons Party in my Dorm – College Chat

Ang gameplay ng larong ito ay interactive at nakakaengganyo kaya marami ang nahuhumaling dito. Ang animation at graphics nito ay magandang ang kalidad. Marami ang tagahanga nito at sa katunayan, ang iba ay patuloy itong nilalaro kahit maraming taon na ang lumipas. Isa sa magandang feature rin nito ay ang chat system, kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makipag-ugnayan sa ibang players mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung tutuusin, ang konsepto nito ay talagang napapanahon lalo na ngayong may pandemya dahil karamihan sa mga estudyante ay hindi naranasan kung papaano tumira sa campus dorm habang nag-aaral. 

Nakalulungkot man ngunit ang larong ito ay mayroon ding mga kahinaan. Marami itong mga toxic na manlalarong nagdudulot ng negatibong game experience sa iba. Bukod dito, may ilang isyung teknikal din na dapat ayusin tulad ng connectivity problems na sanhi ng mga pagkakataong hindi ma-access ang laro. Ang mobile app nito ay puno rin ng bugs at kadalasang nagfi-freeze. 

Konklusyon

Ang larong ito ay nakatanggap ng positibong pagkilala mula sa karamihan. Mayroon itong average rating na 4.0 stars mula sa mahigit 100,000 reviews sa Play Store at 4.5-star rating naman mula sa mahigit 20,000 reviews sa App Store.

Sa pangkalahatan, itinuturing ng Laro Reviews na ang Party in my Dorm – College Chat ay isang magandang laro lalo na para sa mga mahilig sa interactive at social games. Nakaka-enjoy at nakakaaliw ito kahit na may mga isyu pa rin itong kailangang masolusyunan. Ito ay lalo pang mas mapapaganda kung magagawan ng paraan ang paglipana ng mga toxic na manlalaro at kung madaragdagan ito ng mas nakakaaliw at bagong mga tampok. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...