Word Search – Word Puzzle Game Review

Kung ang hanap mong mga laro ay yung makakatulong sa iyo para masanay at mahasa ang talas ng iyong pag-iisip, isa sa magandang laruin ay ang crossword puzzle. Sa dami ng mga word search game na maaari mong i-download, tiyak kong magugustuhan mo ang nilikha ng Playvalve, ang Word Search – Word Puzzle Game.

Ang Word Search – Word Puzzle Game ay isang magandang laro ng mga palaisipan ng salita. Ikaw ay maglalakbay sa mundo habang kinukumpleto mo ang bawat level ng laro. May iba’t ibang kategorya ng salita ang iyong hahanapin sa laro. Kaya naman hindi ka magsasawa dahil laging may bago sa kada level. Ito rin ay isang offline game kaya pwede mo itong malaro kahit ikaw ay nasaan at walang internet connection. 

Sa sikat at nakakaaliw na larong ito, sasanayin at gagamitin mo ang iyong isipan upang humusay sa bokabularyo sa Word Search Journey. Tanggapin at harapin ang hamon upang makamit ang matamis na tagumpay sa dulo. Kaya tiyak akong masisiyahan ka at magugustuhan mo ang larong ito na hatid ng Playvalve. 

Features ng Word Search – Word Puzzle Game

Challenging and unique levels – Madali lamang ang bawat umpisa ng laro subalit kapag tumatagal ay mas humihirap na ang bawat level na haharapin mo. Mayroon itong apat na level, ang easy, medium, hard at pro. Kaya susubukin at hahasain talaga ang husay mo pagdating sa bokabularyo. Bukod pa rito, maaari ka ring makapaglaro sa iba’t ibang destinasyon sa bawat dako ng mundo. Sa ganitong paraan, mare-relax ka at mag-eenjoy habang naglalaro ng word search. 

Offline and free game – Hindi mo na kailangang mamroblema pa sa internet connection dahil ang Word Search – Word Puzzle Game ay offline na laro. Kahit nasaan ka man at kahit kailan mo gusto ay pwede kang maglaro. Ito rin ay libre i-download sa iyong mga devices. 

Para sa lahat ng edad- Ang larong ito ay pwede sa lahat ng edad. Wala itong marahas o bayolenteng nilalaman na nakakaapekto sa mga batang manlalaro. Kahit sinong nais maglaro nito ay pinapahintulutan. Kaya hindi mo kailangang mag-alala kung nilalaro ito ng mga bata bagkus makakatulong pa ito sa kanila.

Saan Pwedeng I-download ang Word Search – Word Puzzle Game? 

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Word Search – Word Puzzle Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.playvalve.wsjourney

Download Word Search – Word Puzzle Game on PC https://wordsearch.en.softonic.com/android

Tips Kung Nais Laruin ang Word Search – Word Puzzle Game

Kung ikaw ay baguhan pa lamang at nagnanais na laruin ang Word Search – Word Puzzle Game, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Madali at simple lang ang larong ito kaya sigurado akong mabilis mo itong mapag-aaralan. Sa simula ng laro, piliin mo muna ang easy level para maging ensayo mo bago ka mag hard level. Basahin mo munang mabuti ang mga hinahanap na salita sa laro saka mo umpisahan ang paghahanap nito. Ang isa sa pamamaraan para mabilis ang iyong paghahanap, ang una mong titingnan ay ang unang titik ng salita. Pagkatapos, saka mo tingnan kung may nagtutugma sa letrang ito pataas, pababa, pakaliwa, pakanan at dayagonal. Kapag natagpuan mo na ang salitang hinahanap mo, i-swipe lamang ito at hanapin na ang susunod na salita. I-relax lang ang iyong isip at huwag mag-panic upang mabilis mong makita ang iyong hinahanap.

Bukod pa riyan, kapag hindi mo matagpuan ang salita na tinitignan mo, maaari mo namang laktawan ito at iba muna ang hanapin mo para hindi maubos ang oras mo. Pwede ka rin mag-isip ng iba pang paraan na sa tingin mo ay makakatulong sayo. Nasa sa iyo pa ring mga kamay kung ano ang istilo mo sa paglalaro.

Subalit, tandaan, i-enjoy lamang ang paglalaro dahil ang layunin nito ay para malibang ka at hindi para ma-stress. Kaya ito ang gagamitin mong pampalipas oras at pantanggal mo ng stress.

Pros at Cons sa paglalaro ng Word Search – Word Puzzle Game

Kung pag-uusapan ang tema ng larong ito, para sa Laro Reviews, ang Word Search – Word Puzzle Game ay isang kapaki-pakinabang na larong para sa ating isipan. Masasanay nito ang iyong isip at mahahasa nito ang iyong bokabularyo. Sa paglalaro mo nito, nagiging kritikal ang iyong kasanayan sa pag-iisip at tumataas ang IQ sa isang bagong antas. Sapagkat kung araw-araw nating tinutulungan ang ating sarili na mag-isip, paniguradong magbabago rin ang antas ng ating kaisipan. 

Bukod pa rito, matutunan mo ring umisip ng sarili mong pamamaraan o estratehiya para bumilis ang paghahanap mo ng mga salita. Maaari mo ring hanapin ang ibig sabihin ng mga salitang nakita mo upang magdagdag ng kaalaman sa iyo. Sa ganoon, maging pamilyar ka rito at lumago ang iyong bokabularyo. 

Ayon sa mga reviews, nagustuhan nila at nag-enjoy sila sa larong ito. Nakakaadik at nakakalibang daw ang Word Search – Word Puzzle Game kumpara sa ibang mga laro. Pinuri nila ang musika at grapika na ginamit ng laro. Kumpara sa ibang mga laro, hindi ito masyadong plain at boring na laruin kahit na word search game ito. Ito na rin ay dahil sa visual at sound effects na mayroon ang laro. Inirekomenda rin ito ng karamihan bilang relaxing at challenging na uri ng laro. 

Subalit, nakakaabala sa paglalaro ang mga biglaang advertisements na lumalabas kahit na offline game ito. Tumatagal ito ng 30 seconds na nakakainis na sa mga manlalaro. Nagkakaroon ng mga bugs, errors at lags na nagiging dahilan ng kabagalan sa paglalaro. Nauulit rin ang ilang mga word puzzle sa ibang level at may ibang mga maling spelling na salita. 

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon itong mahigit sa 10 milyon na downloads at may 4.4 out of 5 na ratings sa Google Play. Mayroon lang rin itong 39MB ang larong ito. Ito rin ay pang-apat sa pwesto bilang free-word game na nilalaro ng karamihan. Marami ring iba pang laro ang Playvalve, kabilang dito ang Tilescapes – Onet Match Puzzle na board games, Solitaire – Card Game, Yatzy – Dice Game at WoodPuz – Wood Block Puzzle. 

Sa kabuuan, siguradong mag-eenjoy ka sa larong ito. Kaya kung gusto mong malaman pa ang larong ito at masubukan ang kanilang bagong update, i-download mo na sa iyong devices ang Word Search – Word Puzzle Game!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...