
Isa ka ba sa mga manlalarong hindi lang libangan ang hanap sa isang laro kundi para kumita rin? Pwes, narito ang Apo Casino para magbigay ng aliw at karagdagang mapagkakakitaan para sa mga manlalaro! Mga larong matatagpuan mo sa casino ngayon ay isang aplikasyon na. Mula sa pagsusuri ng Laro Reviews, lahat ng laro ay madali at simple lamang ang mekaniks. Kaya magmadali ng kunin ang inyong mobile device at i-download na ang app. Tiyak na hinding-hindi ka bibiguin nito dahil sa mga nakakaengganyong feature at sorpresa nito. Simulan ng subukin ang iyong swerte sa paglalaro ng iba’t ibang card games, slot games, at betting games.
Contents
- 1 Ano ang Apo Casino?
- 2 Mabilis na paraan para i-download ang Apo Casino sa device
- 3 Paano mag-deposit at mag-withdraw ng pera sa Apo Casino?
- 4 Mga laro sa Apo Casino
- 5 Ang mga advantage ng larong Apo Casino
- 6 Ang mga madalas itanong tungkol sa Apo Casino
- 7 Official link para i-download ang Apo Casino App
- 8 Konklusyon
Ano ang Apo Casino?
Ang Apo Casino ay isang online game kung saan nag-aalok ito ng 14 na nakakaakit na laro sa Pilipinas. Kasama sa mga feature nito ang player vs player mode, betting games, card games, at marami pang iba.

Maglaro ng iba’t ibang casino games tulad ng slot at card games sa Apo Casino.
Ang mga paborito mong slot at card games ay masusubukan mo ng malaro kahit nasa bahay ka lamang. Maaari niyo rin subukan itong magbabarkada, pamilya, at ibang mga manlalaro na available online. Hinding-hindi ka mag-aalala dahil mayroon itong mahusay na Customer Support na nakaantabay 24/7 para sa mga manlalarong makakaranas ng teknikal na problema sa laro at para sumagot ng mga katanungan. Ito rin ay may magandang interface na paniguradong kakaaliwan at madaling matutunan ng mga baguhang manlalaro. Araw-araw ay may pagkakataon kang manalo. Kaya abangan lagi ang mga alok nitong espesyal na promosyon at sumali dahil malalaki ang handog nitong premyo para sa mga manlalaro. Ano pang hinihintay mo, tara na’t subukan ang iyong swerte sa paglalaro nito!
Mabilis na paraan para i-download ang Apo Casino sa device
Narito ang ilang gabay sa pag-download ng Apo Casino. Sundin lamang ito upang maging matagumpay ang pag-download nito sa inyong device.
I-download ang Apo Casino app gamit ang Google Playstore

Pumunta sa Google Playstore o official website nito at i-download ang Apo Casino.
- Para naman sa Android users, pumunta sa Google Playstore.
- Ilagay sa search bar nito ang Apo Casino.
Download Apo Casino on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=apo.casi.tongits.lucky9&referrer=utm_source%3DCTA&pli=1
- Pagkatapos lumabas ng app ay pindutin lamang ang “Install” na button at hintayin itong matapos.
- Ngayon ay maaari ka ng mag-register o gumawa ng account mo sa laro.
I-download ang Apo Casino App APK File
Para naman sa gustong maglaro gamit ang PC maaari mo itong ma-download gamit ang link sa baba. Idederekta ka nito sa website at makikita mo ang download na button, pindutin lamang ito at hintayin na matapos.
- Pumunta sa https://apocasino.com/.
- Sa ibabang kanang bahagi ng screen ay makikita ang “download” na icon.
- Pindutin lamang ang icon na ito at may dalawang opsyon na lalabas.
- Ang isa ay direkta kang dadalhin sa Google Playstore para i-download ang app. Ang isa naman ay para i-download ang APK file nito.
- Piliin ang Download APK Android na opsyon.
- Maghintay lamang ng ilang minuto at maaari na itong ma-install sa device.
Bisitahin ang website nito upang malaman ang iba pang impormasyon na maaari mong malaman tungkol sa laro. Mayroon itong Blog at Forum kung saan mababasa ang ilang tips at tricks sa paglalaro ng slot at card games. Tiyak na makakatulong ang mga ito lalo na kung isa kang baguhan at kung gusto mong humusay sa paglalaro. Naroon rin ang email address na [email protected] na maaaring kontakin at official Facebook Page, YouTube, at Twitter.
Paano mag-deposit at mag-withdraw ng pera sa Apo Casino?
Dito ay maaari kang tumaya at manalo ng totoong pera. Isa sa magagandang features nito ay maaari kang mag-deposit at mag-withdraw ng pera mula sa iyong account sa laro. Gamit lamang ang mga sikat na online payment app tulad ng Pay Maya at Gcash. At ang pinakagusto ko ay hindi nililimitahan ng Apo Casino ang halaga ng iyong deposito at withdrawal. Kaya basahin lamang mabuti ang instruction upang maging matagumpay ang transaksyon ng iyong pera.
Apo Casino walang limitasyong real money withdrawals
Mag-deposit gamit Gcash
Buksan ang Apo Casino app at hanapin ang “SHOP” button sa gitnang taas ng iyong i-screen at pindutin ito. Makikita mo agad ang “CART” icon sa katabi nito. Pag-click mo ay lalabas ang mga amount na maaari mong ipasok o i-cash in. Tandaan na ang 1 USD ay may katumbas na 392,727 na chips at 50 pesos naman sa currency ng Pilipinas. Piliin lamang ang amount na iyong nais at direkta dadalhin ka nito sa Google Playstore account. Mula rito ay maaari mong piliin ang numero na iyong inilagay o nirehistro at ito ay konektado o naka-link sa iyong GCash account.
Mag-deposit gamit ang Pay Maya
Halos wala rin pinagkaiba ang Pay Maya sa proseso ng pag-deposit ng pera sa GCash. Ang kailangan mo lang gawin ay siguraduhin na ang iyong gamit na device o mobile phone ay naka-register sa Pay Maya. Tiyakin na ang inyong mga gamit na online payment app ay may sapat na pera upang i-cash in sa laro.
Mag-withdraw gamit ang GCash
Halos karamihan sa atin ay pamilyar na sa paggamit ng GCash. Masasabing ito ay isang mabilis at secure na online payment platform pagdating sa money transactions. Para i-withdraw ang pera mula sa laro at i-cash out ito gamit ang Gcash, buksan lamang ang game app. Pagkatapos ay hanapin ang “EXCHANGE” button na makikita sa babang bahagi ng iyong i-screen. Pindutin ang “REDEEM REWARD” at piliin ang bilang ng chips. Sa katabi ng chips ay makikita ang katumbas na halaga nito sa totoong pera at kapag nakapili ka na ay pindutin lamang ang “CONFIRM” button. Kailangan mo lang ilagay ang mobile number na gamit mo sa GCash at pindutin lamang ulit ang “CONFIRM” button. Pagkatapos ay matagumpay mo ng malilipat ang pera sa iyong GCash account at maaari mo na itong i-cash out.
Mag-withdraw gamit ang Pay Maya
Hindi pa available ang Pay Maya sa withdrawal options ng laro. Tanging GCash pa lamang ang maaari mong magamit. Pero sa opinyon ng Laro Reviews team, sa Gcash, maaaring gamitin ito para ilipat ang pera sa Pay Maya o Bank account na mayroon ka.
Mga laro sa Apo Casino

Subukan ang iba’t ibang card at slot games, alok ng Apo Casino.
Tongits
Isa ito sa mga sikat na larong baraha sa Pilipinas. Karaniwang makikita mo itong nilalaro ng mga tao bilang libangan o pampalipas oras. Ito ay binubuo ng 52 decks na baraha at maaaring laruin ng 2-4 na manlalaro. Para manalo sa larong ito, kinakailangang maubos ang hawak mong baraha. Ang unang makakagawa nito ay siyang panalo. Ang mga maaari mong gawin para manalo ay bumuo ng melds o kaya naman ay mag-draw o fight. Kapag malapit ng matapos at hindi pa ubos ang barahang hawak, maaaring manalo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mababang puntos.
Pusoy
Ang larong barahang ito ay hindi lamang sikat sa Pilipinas makikitang nilalaro rin ito sa iba’t ibang lugar sa Asya. Ang larong Pusoy o Chinese Poker ay madali lamang laruin. Mayroon lamang itong simpleng patakaran o mekaniks na kailangan sundin. Upang magsimula, alamin ang mga ranggo ng mga cards o tinatawag din poker hand rankings. Mula Royal Straight Flush hanggang sa pinakamababang ranggo na No Pair. Sa larong ito hindi lamang swerte ang kinakailangan kundi pati na rin diskarte kung paano papaikutin ang barahang hawak. Maaari itong laruin 2-4 na manlalaro.
Lucky 9
Ang lucky 9 ay ang pinakamadaling larong baraha na maaari mong subukan. Kahit na ikaw ay baguhan ay siguradong makakabisado mo agad ang mekaniks ng larong ito. Ang tanging paraan lamang para manalo sa larong ito ay matalo ang dealer. Kailangang mas mataas ang halaga ng barahang hawak mo sa kaniya o saktong 9 ang halaga ng hawak mong baraha. Ang 10, Jack, Queen, at King ay walang puntos. Ang Ace ay katumbas ng isang puntos at parehas naman ang puntos ng 2-9 sa halaga nito.
Lucky 89
Ito naman ay maaaring laruin ng 2-17 na manlalaro. Sa simula ay isa sa mga manlalaro ang kukunin para maging dealer. Ang dealer ang magiging kalaban ng lahat ng manlalaro at dapat talunin para manalo. Ang mga manlalaro ay kinakailangan maglagay ng taya sa gitna. Pagkatapos nito, ang dealer naman ay magbibigay ng dalawang baraha bawat manlalaro kabilang siya. Sa puntong ito, lahat bibigyan ng dealer ng pagkakataon para mag-draw o stand ng isa pang baraha. Sa huli ay kailangan ng ilapag ang baraha ng manlalaro at ng dealer upang ikumpura. Kailangan ay malamangan mo ang hawak na baraha ng dealer upang manalo.
Tongits Joker
Sa larong ito, isasama na sa bilang ng standard decks ang dalawang Joker. Ang mekaniks lamang nito ay ang dalawang Joker ay may Variable na Payout at Zero Count Fight Mode. Ito ay walang halaga o puntos. Ang gamit lamang sa dalawang Joker ay upang makabuo ng Trips o Quads at magagawa lamang ito ng manlalaro kung may minimum na 1 group o melded hands. Bawal itong gamitin sa first made hand.
HongKong Poker
Isa ito sa nakakalibang na laro na ang tanging layunin ay matalo ang iyong mga kalaban. Ito ay madali lamang laruin. Ang mekaniks lamang nito ay kapag pagkakataon mo ng tumira ay maaari mong i-call o i-fold ang iyong baraha. Ang bawat tira ay dedepende sa kung ano ang mainam para sa kasalukuyang hawak na mga baraha. Kung gusto mo pa maging bihasa sa paglalaro nito, kinakailangan ng maraming praktis at kaalaman kaugnay sa laro.
Color Game
Ito ay isa sa mga sikat na betting game sa Pilipinas. Karaniwang makikita ito sa mga perya kung saan maaaring aktwal na tumaya sa anumang anim na kulay na nasa lamesa. Ito ay sobrang dali lamang. Ito ay may tatlong dice at betting table. Sa betting table makikita ang anim na kulay na karaniwang asul, pula, puti, dilaw, berde, at kulay rosas o pink. Kailangan ay tumaya ka muna bago pabagsakin ang mga dice sa board. Kung ano ang lumabas na kulay sa tatlong dice ay ang mga panalong kulay. Kung dalawang magkaparehong kulay ang lumabas ay dodoble ang panalo mong taya. Gayundin kapag tatlong magkakaparehas na kulay ay titriple naman ang panalo. Dito masusukat ang iyong swerte dahil walang anumang diskarte para manalo rito.
Sabong
Ang larong ito ay isa ring uri ng betting game kung saan tampok na tampok ito lalo na sa kalalakihan dito sa Pilipinas. Mapapansing marami ang nahuhumaling kakalaro nito. Ang laro ay iikot lamang sa labanan ng dalawang tandang o manok. Bago magsimula ang laban, kailangan na ang mga manlalaro ay nakataya na sa manok na gusto nila. Pagkatapos ay magsisimula ng paglabanin ang dalawang manok. Ang manok na mananatili sa gitna ng arena na buhay o makapabagsak sa kalabang manok ay siyang panalo sa laban.
Roulette
Ang larong Roulette ay madalas makikita sa mga casino. Makikitang mayroon itong betting table at maliit na ruleta kung saan papaikutin ang maliit na bola. Sa larong ito ay may kalayaan ang manlalaro na pumili kung saan tataya. Maaaring sa isang numero, iba’t ibang grupo ng mga numero, sa kulay pula o itim, odd o even na numero, at kung ito ay mababa (1-18) o mataas (19-36). Papaikutin ng Croupier ang Roulette Wheel at ilalagay naman ang bola sa kasalungat na direksyon ng Roulette Wheel. Kung saan mahuhulog ang bola ay ang panalo.
Baccarat
Sa larong Baccarat ay makakalaban naman ng manlalaro ang banker. Dito bawat round ay may tatlong posibleng resulta upang manalo. Maaaring ang manlalaro ay may mas mataas na iskor ng baraha kumpara sa banker. Parehong iskor, resulta para tumabla ang iskor nila o ang banker ay may mas mataas na iskor kumpara sa manlalaro.
3 Card Poker
Ito ay nilalaro naman ng manlalaro at ng dealer. Bibigyan lamang ang manlalaro at dealer ng tigtatlong baraha pagkatapos lamang mailagay ang mga ante wagers. Ang manlalaro ay kakayahang pumili kung magfo-fold o magpapatuloy sa laro. Kung gusto mo magpatuloy ay kailangan maglagay ng “PLAY WAGER” na katumbas ang halaga ng kanilang ante. Ang dealer ay mananalo lamang kung ang hawak niyang baraha ay mas mataas na Queen o mas mataas ang halaga ng baraha. Kapag hindi naglaro ang dealer, ang lahat ng wagers ay kusang ibabalik sa mga manlalaro. Pero kapag ang dealer ay nagpatuloy at mataas ang baraha ng manlalaro, ibabalik ang ante at play wagers sa dealer.
Inca Slot
Ang slot machines ay karaniwang malalaro lamang sa mga casino pero ngayon ay available na ito online. Ang Inca Slot ay madali lamang laruin ngunit dapat ay alamin ang mekaniks o gameplay upang maging maayos ang paglalaro. Ang wild na simbolo sa larong ito ay may kakayahang palitan ang anumang simbolo. Ngunit hindi nito maaari palitan ang mga nakakalat na simbolo sa bonus round. Kapag nakuha mo ang simbolo na ito ay tapos na ang laro.
Fruit Slots
Ang Fruit Slots ay isa sa mga nakakahumaling na slot machine. Ang manlalaro ay papipiliin ng wager sa walong posibleng resulta ng laro. Ito ay ang Bar, 77, Star, Watermelon, Bell, Coconut, Orange and Apple at touch Play Button. Ito ay mayroong dalawang button na may nakalagay na Small o Big na maaari mo ring pagpilian. Magiging doble ang rewards kapag na-hit ito. Kaya tiyak na masusubukan ang iyong swerte at diskarte sa paglalaro nito.
Lucky Number
Ang Lucky Number ay isa sa mga slot machine na alok ng Apo Casino. Mapapansin na ang graphics display nito ay moderno ngunit classic naman pagdating sa gameplay. Ang bawat manlalaro ay magsisimula sa apat na tile sa kanilang board. Sa bawat pagkakataon o turn, ang mga manlalaro ay maaaring gumuhit ng alinman sa nakataob o nakabukas na tile ng numero. Ito ay para idagdag sa kanilang board hangga’t nasusunod nila ang mga panuntunan sa paglalagay. Ang bawat hilera at hanay ay dapat punan ng mga numero na pataas ang pagkakasunud-sunod. Ito ay dapat mula kaliwa pakanan o itaas hanggang ibaba nang walang pag-uulit.
Ang mga advantage ng larong Apo Casino
Payment Methods
Ang larong ito ay may dalawang opsyon sa pag-deposit, ito ay ang GCash at Pay Maya. Sa pag-withdraw naman ay GCash pa lamang ang available nitong opsyon. Gayunpaman, gamit ang GCash ay maaari mong ilipat ang pera sa iyong Bank Account. Mabilis ang transaksyon at sistema lalo na’t ang gamit na online payment app ay mga karaniwang ginagamit ng karamihan sa panahon ngayon.
Bukod dito ang Apo Casino app ay walang limitasyon sa pag-withdraw, maaari mong ganap na i-convert ang iyong mga chips sa totoong pera. Ito ay isang tampok na kinaiinteresan ng maraming tao kapag naglalaro ng mga kasalukuyang laro sa casino dahil ang ilang mga app ay may mga limitasyon sa pag-withdraw na ginagawang hindi komportable ang mga user.
Graphics Display

Mamangha sa ganda ng visual graphics ng Apo Casino.
Siguradong maaaliw ka sa paglalaro dahil ang visual design nito ay ibinagay sa modernong panahon natin. Makikitang kahit klasiko ang gameplay ay maganda pa rin ang pagkakalapat ng bawat visual effects nito. Sobrang user-friendly nito dahil sa intuitive controls at simpleng mekaniks. Kahit na ikaw ay baguhang manlalaro ay matututunan mo pa rin kung paano ito laruin. Basta alamin mo lamang ang mekaniks o patakaran ng laro.
Customer Support
Kadalasan sa mga laro ay unresponsive o hindi aktibo sa pagtugon ng mga tanong ang customer support. Ngunit ang Apo Casino ay may mahusay na customer support na nakaantabay 24/7 para aktibong sagutin ang mga katanungan. Kung magkaroon man ng teknikal na problema habang naglalaro, kontakin lamang sila sa email address na [email protected].
Ang mga madalas itanong tungkol sa Apo Casino
Mapagkakatiwalaan ba ang Apo Casino?
Ang sagot ay “Oo”. Bakit? Dahil isa ito sa mga pinagkakatiwalaang game center ng halos 200,000 na users. Kaya mapapanatag ka na ito ay mahusay na laro at maraming manlalaro ang tumatangkilik nito.
I-scam ba ang Apo Casino?
Natural na ang matakot na mai-scam dahil gumagamit o tumataya ka ng totoong pera. Ngunit hindi i-scam ang larong ito dahil lahat ng deposit at withraw transactions ay mabilis na pinoproseso sa loob lamang ng ilang minuto. Maaari mo itong gawin ng masubukan mo.
Legal ba ang Apo Casino?
Oo, legal ang larong ito dahil malaki ang reputasyon na pinanghahawakan nito sa casino game community sa Pilipinas. Kaya hindi nito itataya ang reputasyon na kanilang binuo para maging illegal lamang. Maaari mong huwag mag-atubiling subukan ang rekomendasyong ito mula sa Laro Reviews.
Official link para i-download ang Apo Casino App
Pindutin lamang ang link sa baba kung saan maaari mong ma-download ang laro. Idederekta ka nito sa Google Playstore at pindutin lamang ang “install” button. Hintayin itong matapos na ma-download at ma-install sa device. Ngayon ay maaari mo ng ma-enjoy ang iba’t ibang card o slot games na alok nito.
Download Apo Casino on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=apo.casi.tongits.lucky9&referrer=utm_source%3DCTA&pli=1

Umpisahan na ang paglalaro ng Apo Casino. Pumunta sa official link at i-download ito.
Konklusyon
Kung mahilig ka sa paglalaro ng mga casino games online at nais mong makahanap ng lehitimong mga sentro ng laro, inirerekomenda ng Laro Reviews na subukan ang Apo Casino app. Tiyak na mag-eenjoy ka at mapapatawa ng mga nakaka-enganyong casino games kahit na nasa bahay ka lang. Manatiling nakatutok upang makakuha ng pinakabagong mga update at kumpletong mga review!
- 0 Comment
- Casino Game Apps
- February 14, 2023