Archero Review

Naaalala mo pa ba itong laro? Malamang ay pamilyar sa iyo ito dahil ang archero ay nag top 9 bilang isang pinakamaganda at best innovative casual games sa Google Play Store noong 2009 at maraming laro ngayon ang naging inspirasyon nito at nagkaroon din ito ng iba’t-ibang bersyon. Ito ay isang offline na larong ginawa ng Habby. Halika at kilalanin natin itong laro dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang gameplay nitong laro ay pinaghalong RPG at Rogue-like. Ibig sabihin, mayroon itong elemento ng RPG at simpleng controls tulad ng sa Rogue-like na laro. Para laruin ito, pindutin at i-swipe ang screen upang gumalaw at i-release ang pagpindot para umatake. Ang layunin ng laro ay ang matalo ang final boss ng bawat mapa na matatagpuan sa pinakahuling stage. At ngayon, talakayin naman natin ang mga pangunahing tampok ng laro.

Shop – Kung marami kang pera at ok lang sa iyo ang gumastos sa laro, dito ka makakabili ng mga premium items tulad ng keys, coins at diamonds. Maaari ka rin dito magbukas ng chest na naglalaman ng mga items. Ang chest ay may dalawang uri: ang golden chest na naglalaman ng common gears at obsidian chest na naglalaman ng mas malalakas na items o gears.

Equipment – Dito mo makikita lahat ng items na iyong na-equip. Maaari kang magpalit ng hero dito kapag nakaipon ka na ng sapat na hero fragment. Maaari mo rin i-fuse o pagsamahin ang mga magkaparehong items para tumaas ang uri nito o i-breakdown ito upang maging gold coins at diamonds ang mga item na hindi mo na gagamitin. Bukod sa pag-level up ng uri ng iyong item, pwede mo rin pataasin ang level nito.

World – Sa mode na ito, makikita mo ang kasalukuyang dungeon at stage mo. Kapag naabot mo ang mga itinakdang stage, makakatanggap ka ng rewards. Mayroon din itong reward system feature na log in gifts, daily quest at achievements na kapag natapos ay makakatanggap ka din ng rewards.

Talent – Kung nais mong permanenting palakasin ang iyong hero, maaari mo itong gawin dito. May mga set ng talent na kapag na upgrade o na-unlock ay magbibigay sa iyo ng power ups.

Ito ang mga pangunahing tampok ng laro. Marami pa ito ngunit sa palagay ko ay ito lamang ang pinakamahalagang tampok na dapat malaman at matutunan ng mga manlalaro.

Paano I-download ang Archero?

Hindi mo na kailangang gumawa ng log in accounts o mag-bind ng Facebook o Gmail account upang makapagsimulang maglaro nito. Para i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store app pagkatapos i-type sa search bar ang pangalan nitong laro at i-click ang Install. Pareho lamang ang proseso para sa iOS ngunit sa halip na Google Play Store, maaari mo itong i-download mula sa App Store. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang Download. Para sa mas mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download Archero on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.habby.archero

Download Archero on iOS https://apps.apple.com/sg/app/archero/id1453651052

Download Archero on PC https://www.gameloop.com/game/action/com.habby.archero

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Medyo komplikado ang gameplay nito ngunit hindi naman gaanong mahirap kung masusunod mo nang maigi itong mga tips at tricks na ibabahagi ng Laro Reviews. Hahatiin natin ito sa dalawang bahagi upang maintindihan natin nang mas maigi.

Gameplay – Bago natin talakayin ito, pag-usapan muna natin ang dalawang bagay na dapat mong isaalang-alang. Una, ang mga monsters ay mabilis kumilos at umatake kaya mahihirapan kang ilagan ito. Pangalawa, habang lumalalim ang iyong exploration, mas lumalakas ang damage at defense ng mga monster. Ito ang dahilan kung bakit mahirap maipasa ang mga stage. Simple lang ang solusyon para sa balakid na ito. Dahil mabilis ang kilos at atake ng kalaban, halos imposible itong ilagan kaya imbes na umilag, mas mainam na palakasin ang iyong depensa sa pamamagitan ng pag-fuse at pag-level up ng mga items at pag-upgrade ng iyong talent. Tandaan na kahit upgraded na ang iyong items at talents, mainam pa rin na ilagan ang mga atake ng mga monsters upang mabawasan ang damage na matatanggap. Mainam din ang strategy na ito upang tumaas ang iyong survivability. Ibig sabihin, kahit na lumalakas ang mga monsters kasabay ng pagtaas ng iyong stage, makakaya mo pa rin itong maipasa dahil sa upgraded items at talents.

Resource gathering – Ito ang isa sa mga pinaka-importanteng aspeto ng laro. Kailangan mong maging resourceful o maging masipag sa paghahanap at pag-produce ng coins at diamonds dahil hindi mo magagawa ang strategy kung kulang ka sa resources. Maraming paraan upang makakuha ng maraming resources at ang kailangan mong lang gawin ay lumahok sa mga special events dahil nagbibigay ito ng mas malalaking rewards. Mainam din ang pag-grind dahil bukod sa gold at diamonds, makakakuha ka rin ng mga magkaparehong items na maaari mong i-fuse.

Kalamangan at Kahinaan

Kahit na komplikado ang gameplay nito, hindi naman ito mahirap laruin dahil sa simpleng set up ng control buttons nito. Dahil offline ito, maaari mo itong laruin kahit saan at kahit walang internet connection kaya mainam ito para sa mga manlalarong naghahanap ng pampalipas oras na larong nakakaaliw at mapanghamon. Kung naiirita ka sa mga pop up ads nito, laruin ito sa offline. Hindi gaanong malaki ang file size ng laro kaya hindi mo na kailangan mag-uninstall ng mga apps sa iyong phone. Maaari din itong laruin sa Android phone na may Android 5.0 version pataas kaya huwag mangamba dahil maaari mo itong laruin kahit mababa ang specs ng phone mo.

Ang 3D graphics nito na may malalim na detalye kaya natitiyak kong mahuhumaling ka sa larong ito kahit unang beses mo pa lang itong lalaruin. Napakadami din ng mga skill combo na maaaring gawin, depende sa kung anong istilo ng paglalaro ang iyong gusto. Pwede kang bumuo ng skill set na para sa aggressive style sa pamamagitan ng pagpapataas ng iyong damage o pwede ring ituon ang iyong skills para bilang AOE (area of Effect). Napakaraming posibilidad sa larong ito at tanging imahinasyon mo lang ang limitasyon. Kaya kung gusto mong subukang maglaro ng RPG, ito ang pinakamainam na laro bilang panimula sa iyong paglalakbay.

Konklusyon

Sa kabuuan, itong laro ay nakatanggap ng star rating na 4.3 sa Google Play Store at 4.5 naman sa App Store. Dahil sa 3D graphics at detalyadong design na sinabayan ng mapanghamong gameplay, sigurado akong magugustuhan mo itong laro. Kaya kung ang hanap mo ay isang nakakaaliw na offline game, i-download na ang Archero ngayon!

Comments
  1. Joey Boltinghouse

    Can I simply say what a relief to discover a person that actually understands what they’re discussing on the internet. You definitely know how to bring an issue to light and make it important. A lot more people have to look at this and understand this side of your story. I was surprised that you are not more popular given that you surely have the gift.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...