Asphalt 8 – Car Racing Game Review

Ang Gameloft SE ay lumikha ng isang nakakaengganyong at makatotohanang laro ng karerang tiyak na makakaakit ng maraming manlalaro. Ang Asphalt 8 – Car Racing Game ay may malawak na hanay ng mga de-kalidad at kilalang tatak ng kotse, dynamic na lokasyon, at iba’t ibang control scheme! Nagbibigay ito sa mga manlalaro ng hindi pangkaraniwang karanasan. Ang bawat karera, kotse, damit ng karakter, at pag-a-upgrade ay masusing detalyado at kahanga-hanga. Mayroong itong iba’t ibang mga mode kung saan maaari kang makisali. Anyayahan ang iyong mga kaibigang makipagkumpitensya para mangunsa sa worldwide rankings. Maghanda upang talunin ang iba pang mga racer!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay tulad ng ibang mga racing game at ito ay ang unang makatapos ng karera. Simple lang, ‘di ba? Maaari mong piliin ang control system na pinakakomportable para sa iyo. Ang iba pang mga layunin ay maaaring gawin o idagdag sa laro, ngunit ang pagiging unang makatapos sa karera ang iyong pangunahing layunin. Ang pag-a-upgrade sa kalidad ng iyong sasakyan ay magbibigay sa iyo ng malaking kalamangan. Magsimula kaagad sa karera at subukin ang iyong mga kasanayan sa pagmamaneho!

Paano ito laruin?

Maaari mong simulan ang laro kaagad pagkatapos i-download at i-install ito sa iyong device. Maaari mong piliing sumabak kaagad o dumaan sa isang tutorial. Siyempre, mariing ipinapayo namin sa iyong sumailalim sa isang tutorial upang makabisado ang mga pangunahing kaalaman. Huwag mag-alala, ang pag-aaral ng lahat ay hindi aabutin ng maraming oras. Sa totoo lang, ang lahat ay simple at madali lamang. Maaari mong laruin ito sa iba’t ibang mga mode. Single Player, Quick Race, World Series, Gauntlet, at Events ang mga opsyon. Ang ilan sa mga mode ay hindi magagamit sa simula. Maaari mo lamang i-unlock ang mga ito sa pamamagitan ng pag-level up o pagkuha ng ilang partikular na bilang ng mga sasakyan.

Maaari kang gumamit ng anumang sasakyang pangkarera basta nabili mo na ito. Ang pag-upgrade ng iyong sasakyan ay ang pinakamagandang hakbang na maaari mong gawin upang makakuha ng isang kalamangan sa iba pang mga racer. Mahalagang pataasin ang mga kakayahan ng sasakyan, kaya tandaan itong mabuti. Posible ring i-customize ang iyong karakter dito. Maaari mong ganap na baguhin ang kanilang itsura gaya ng pananamit. Ito ay ganap na nakasalalay sa iyo upang mapabuti ang iyong laro. Kung gusto mong bumili ng mas maganda at mas eksklusibong mga kotse, maaari kang gumastos ng aktwal na pera para makuha sila.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Asphalt 8 – Car Racing Game sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 177 MB at 3.3 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Asphalt 8 – Car Racing Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameloft.android.ANMP.GloftA8HM

Download Asphalt 8 – Car Racing Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/asphalt-8-airborne/id610391947

Download Asphalt 8 – Car Racing Game on PC https://www.gameloop.com/game/racing/asphalt-8-car-racing-game-on-pc

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Asphalt 8 – Car Racing Game

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng Asphalt 8 – Car Racing Game pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Asphalt 8 – Car Racing Game!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Asphalt 8 – Car Racing Game

Magbibigay tayo ng ilang diskarte o technique kung paano matagumpay na makamit at makumpleto ang mga layunin ng laro. Ang Laro Reviews ay natutuwang makitang interesado ka sa larong ito at naghahanap ng ilang ideya upang matulungan kang gumaling sa paglalaro nito. Kaya tara na at pumunta tayo sa pangunahing punto nito.

  1. Ang pagmamaneho ay dapat gawin nang may pag-iingat. Ang pagmamaneho ng ligtas ay mahalaga, kahit na sa totoong buhay. Kung palagi kang nakakabangga at nadidisgrasya, tiyak na babagal ang iyong bilis.
  2. Mag-drift kung may pagkakataon ka. Ang bawat drift ay nire-recharge ang iyong nitro booster bar.
  3. I-activate ang nitro boost sa pinakaangkop na sitwasyon.
  4. Ang pagpapataas sa mga kakayahan ng iyong sasakyan gaya ng speed, acceleration, handling, at nitro ay isa sa mga pinakamahuhusay na paraan para umusad. Ito ay siguradong magbibigay sa iyo ng isang kalamangan.
  5. Sa wakas, tandaang magsaya habang nakikipagkarera. Sa halip na i-pressure ang iyong sarili, mas maganda kung maglilibang ka sa buong laro. Ito rin ay mag-uudyok sa iyong maglaro nang husto.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Asphalt 8 – Car Racing Game

Nandito kami para pag-usapan ang aming mga personal na karanasan habang naglalaro nito. Ang laro ay talagang kahanga-hanga at nagbibigay ng kasiya-siyang karanasang tiyak na magugustuhan ng lahat. Mayroong itong iba’t ibang virtual control system, makatotohanang feature, at dynamic na karerahan! Sa totoo lang, sinubukan namin ang laro sa parehong high-end at low-end na device, at gumagana ito nang maayos kahit na nangangailangan ito ng malaking storage space. Siyempre, ito ay inaasahan dahil sa mataas na kalidad ng graphics ng mga dynamic na kapaligiran. Ito ay nakaka-enganyo kahit anumang edad ay siguradong tatangkilikin ito. Mayroong mga mode, gaya ng Single Player, Quick Race, World Series, Gauntlet, at Events. Ang ilang mga feature ng laro ay hindi magagamit sa simula. Dapat mong magawa ang ilang partikular na kondisyon para ma-unlock ang mga ito.

Namangha kami sa kung gaano makatotohanan ang mga visual nito na lumalabas sa napakaliit na screen. Ang mga kalsada, mga tatak ng kotse, at mga lungsod ay lubos na makatotohanan. Mayroon lamang kaming isang salita upang ilarawan ito, wow. Ito ay napakaganda! Ang ganda rin ng sound effects. Ang mga tunog ng kotse at background music ay sapat na upang lumikha ng magandang karanasan.

Ang walang sawang paglabas ng ads ay isa sa mga nakakadismayang bahagi ng laro. Nakakapagod din sila dahil sa paulit-ulit na lamang itong lumalabas. Kailangan mong magbayad kung gusto mong tanggalin ang mga ito. Bukod dito, nangangailangan ito ng malaking storage space sa iyong smartphone. Makatwiran naman ito dahil nagbibigay ito ng mga de-kalidad na visual at wala kang ibang magagawa kundi alisin ang ilang mga program sa iyong device upang ma-download ito. Sa pangkalahatan, ito ay isang kamangha-manghang racing game app na tiyak na mahuhumaling ka. Subukin ang iyong kasanayan sa pagmamaneho ngayon!

Konklusyon

Kung interesado ka sa isang nakakaengganyong racing game, inirerekomenda ng Laro Reviews na bigyan ito ng pagkakataong masubukan. Siguradong masisiyahan ka sa graphics, lalo na sa intuitive at iba’t ibang control system nito, na perpekto para sa mga nagsisimula pa lamang maglaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...