Auto Brawl Chess Review

Kung ikaw ay naghahanap ng kakaibang laro na may iba’t ibang genre, maaari mong subukan ang isang ito. Ito ay nilikha ng PANORAMIK GAMES LTD, isang mobile game developer na naglalayong gumawa ng mga larong hindi natin makakalimutan habang buhay. Ito ang pangalawang larong ginawa nila sa Google Play Store, ang Auto Brawl Chess. Opisyal itong inilabas noong Hulyo 2020 at ngayong Abril 2022, nagkaroon ng bagong update tungkol sa laro. Dalawang taon na ang nakakalipas subalit patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga manlalaro.

Ang Auto Brawl Chess ay pinagsama-samang action, strategy, battle rpg at role-playing game. Sa larong ito maaari mong maranasang maglaro ng may iba’t ibang genre. Subalit ang pinakapangunahing tema ng larong ito ay tungkol sa pagbuo ng diskarte o estratehiya sa laro. Ngunit ang developer ng laro ay nilagyan ito ng ibang genre upang mas maging kakaiba sa mga larong makikita mo sa Google Play Store.

Ang larong ito ay isa ring stylised at casual game. Layunin ng larong itong hikayatin ang mga karaniwang manlalaro na naghahanap ng simple at madaling laro. Ito rin ay may competitive multiplayer mode o Player Versus Player (PVP). Makikipaglaban ka sa ibang manlalaro na konektada rin sa larong ito. Kailangan mo ng data o internet connection para malaro ito dahil hindi ito gumagana offline. Handa ka bang lumaban?

Features ng Auto Brawl Chess

Guilds – Sa larong ito maaari kang sumama sa mga clans o guilds na binuo ng iba’t ibang manlalaro. Mas magiging matibay at malakas ka sa laro kung kasama ka sa isang grupo na may mga manlalarong tutulungan at tuturuan kang makipaglaban.

Game modes – Ang Auto Brawl Chess ay mayroong iba’t ibang game modes na maaari mong subukang laruin. Ito ay ang mga Ranked Battles, Brawl, Arena matches, Tournaments, Survival, Raids at iba pa. Diskubrehin at maglaro.sa mga game modes na ito.

Heroes – Sa larong ito, marami kang pagpipiliang heroes na magagamit mo sa laban. Ang ilan sa mga ito ay sina Marilyn, Lancelot, Empyrion, Artemis, Angelia, Ingrid, Titania, Butcher, Mary, Azrael, Minerva at marami pang iba. Ang bawat karakter ay may kanya-kanyang kakayahan at katangian na magagamit mo sa laro.

Shop – Ang Auto Brawl Chess ay mayroon ding sariling game shop. Maaari kang bumili ng mga hero at item na magagamit mo sa laro. 

Saan pwedeng i-download ang Auto Brawl Chess?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Auto Brawl Chess on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.panoramik.autochess
Download Auto Brawl Chess on iOS https://apps.apple.com/us/app/auto-brawl-chess-battle-royale/id1495162677
Download Auto Brawl Chess on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/auto-brawl-chess-on-pc.html

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ito.

Tips at Tricks kung Nais Laruin ang Auto Brawl Chess

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Auto Brawl Chess, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang Auto Brawl Chess. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Tatlong level ang kailangan mong kumpletuhin sa tutorial bago ka tuluyang makapaglaro sa totoong laban. Tuturuan ka muna kung tungkol saan ang laro at kung paano ito laruin. Kailangan mo munang maging pamilyar sa daloy ng laro upang makapaglaro ka nito ng walang nagtuturo sa iyo. Mas masayang maglaro kapag alam mo kung paano kontrolin at laruin ang Auto Brawl Chess.

Pagkatapos mo maglaro sa tutorial stage, maaari ka nang mag-log-in upang mai-save ang progreso na magagawa mo sa paglalaro. Gamitin ang iyong Facebook Account at ikonekta ito sa laro. Kaya kahit anong device ang iyong gamitin o i-uninstall mo man ang laro maaari mo pa rin itong mabuksan at ituloy ang level na iyong natapos kapag nais mong laruin ulit ito.

Base sa aking karanasan, madali lang laruin ang Auto Brawl Chess. Kailangang alam mo ang mga katangian ng mga heroes na gagamitin mo sa laro. Kapag alam mo ang kanilang kakayahan at kapangyarihan, alam mo rin kung paano sila gagamitin sa laban. Piliing mabuti ang mga karakter na gagamitin mo sa mismong labanan dahil dito nakasalalay ang iyong pagkapanalo. Dapat manatiling buhay ang iyong heroes hanggang matapos ang level dahil kung sino ang matirang buhay ang siyang mananalo.

Maaari mo ring i-upgrade ang heroes at items na gagamitin mo sa laro. Kailangan mo ng sapat na coins kung nais mong palakasin ang iyong mga karakter. Makakakuha ka ng mga coins sa bawat panalo mo sa labanan at sa mga daily rewards ng laro. Kolektahin ito at gamitin upang makabili ng mga item.

Pros at Cons ng Auto Brawl Chess

Para sa Laro Reviews, ang Auto Brawl Chess ay nakalalamang sa ibang strategy game dahil sa husay at kakaibang konsepto ng laro. Napakahusay ng graphics, visual effects, sound effects, background music at animation ng larong ito. Napakarami rin nitong features na maaari mong malaro lahat. Base sa aking karanasan, nakakahikayat at nakakaadik itong laruin.

Maaari lamang itong laruin ng mga batang edad 12 pataas. May mga nilalaman itong hindi nagdudulot ng maganda sa mga batang wala pa sa wastong edad. Libre mo lang ring makukuha ang larong ito sa Google Play Store, App Store at kahit sa isang Personal Computer. Maliit lang rin ang MB ng larong ito na umaabot sa 239 MB. Hindi ito kumokonsumo ng malaking storage space sa iyong device kumpara sa ibang laro. Subalit habang nilalaro mo ito, nadagdagan ang data app ng laro.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, maganda ang graphics at madali lang intindihin ang gameplay ng Auto Brawl Chess. Sulit rin daw itong laruin dahil sa magandang kalidad na ibinibigay sa iyo ng laro. Bagama’t may mga lag at crashes daw na nararanasan ang mga manlalaro, hindi raw ito ganun kalala. Subalit maraming mga isyu rin ang laro na isinaad ng ibang manlalaro sa kanilang reviews. Ang karaniwang komento nila, nagiging pay-to-win daw ang laro para manalo ka sa mga laban. Humingi naman ng paumanhin ang developer ng Auto Brawl Chess sa mga naranasang problema ng mga manlalaro.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱57 hanggang ₱5,650 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon itong 4.2/5 stars rating sa Google Play Store at may mahigit 72,000 reviews. Umabot na rin sa mahigit 1 milyong downloads ang naitala ng larong ito. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong device ang Auto Brawl Chess! 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...