Understand the Chance of Big Pokie Wins

Sa tuwing nababalitaan natin na mayroong isang taong solong nanalo sa isang lotto jackpot, ang unang pumapasok sa isip natin ay marahil swerte ang taong iyon. Sa dinami-dami kasi ng mga taong tumaya para makuha ang jackpot na iyon, napakapalad mong ikaw ang pinaburan ng tadhana na bigyan ng ganoong kalaking gantimpala. Ngunit ayon sa iilan, marahil ay hindi naman talaga ito isang swerte, bagkus ay bunga ng kanyang mga pinaghirapan. Ano nga bang malay natin, baka nakailang taya muna ito bago nito nakamtan ang inaasam na tagumpay? Kung sasabihin naman nating minsan lang siya tumaya ngunit nanalo agad ay masasabi pa rin natin itong nagkataon lang dahil hindi naman nawawala ang tyansa na mayroon talagang mananalo dahil mayroong tumataya. Pero ano nga ba talaga ang totoo? Pagdating sa pagsusugal, lotto man iyan o casino gaya ng Big Pokie Machines, may sinuswerte nga ba talaga pagdating dito? Madadaan nga ba talaga sa hard work ang ganitong bagay para lamang masungkit ang inaasam na Big Pokie Wins? Alamin natin iyan sa artikulong ito na hatid ng Laro Reviews.

Ang Big Pokie Wins Machines at kung paano ito nilalaro

Marami tayong larong maaaring subukan kung nais nating magsugal. Sa dami nga ng mga ito, tila makakabuo na tayo ng isang mahabang listahan kung iisa-isahin pa natin ang mga iyon. Ang mga larong sugal ang nagsisilbing mainam na libangan ng ilan lalo na sa mga panahong nangangailangan ang mga tao ng pahinga sa nakakapagod na takbo ng mundo. Ngunit, may ilan namang nagsasabi na ang mga larong sugal ay isang paraan upang malaman natin kung may pagkakataon bang papabor sa atin ang tadhana o swerte.

Bukod sa lotto at card games, may isang laro na talagang paboritong subukan ng ilan dahil sa pagnanais ng mga itong makakuha ng limpak-limpak na salapi, iyan ay ang mga Big Pokie Machine o mas kilala natin sa tawag na slot machines. Ang mga slot machine ay malimit nating makitang nilalaro sa mga casino ngunit dahil tuluyan ng umuunlad ang teknolohiya sa iba’t ibang panig ng mundo, maaari mo na rin itong malaro kahit na sa loob ka lamang ng iyong tahanan, sa pamamagitan ng gadgets gaya ng mobile phones o kaya naman ay PC.

Upang makakakuha ng Big Pokie Wins sa bawat Pokie Machine, isang magandang bagay na dapat mong gawin bilang isang manlalaro ay alamin muna kung ano ang premise ng larong ito. Kung ilalarawan ang itsura ng mga slot machine, ito ay isang uri ng machine na mayroong spinning reels. Laman ng mga reels na ito ang iba’t ibang klase ng elements na may katumbas na value. Sa bawat pag-spin mo ng reels, kailangan mo lamang sikaping makapag-match ng magkakaparehas na simbolo para manalo. Tandaan na depende sa halaga ng iyong bet o taya sa isang specific na reels ang makukuha mong pera sa tuwing napapag-match mo ang mga ito. 

Upang lalong maintindihan ang nilalaman ng mga slot machine, narito ang ilang mga gabay mula sa https://www.onlinepokies.com/ pagdating sa ilang mga bagay na makikita sa loob nito gaya ng Buttons. Sinasabing ang bawat button na makikita sa bawat slot machine ay may kanya-kanyang istilo o order. Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaiba, nagkakapare-pareho pa rin naman ang mga ito pagdating sa dapat maging bilang at nilalaman ng bawat button. 

Kung ilalarawan ang halimbawa ng buttons na ibinigay ng Online Pokies, makikita sa top row ang mga button gaya ng Collect kung saan ito ang maaari mong pindutin kung nais mo nang makuha ang pera mo mula sa laro. Habang ang mga button naman na may nakalagay na 1 credit, 5 credits, 10 credits, 20 credits at 25 credits ay ang mga button na maaari mong pindutin kung nais mong maglagay ng bilang ng credits sa bawat lines na mayroon sa reels. 

Sa Bottom Row naman makikita ang mga featured button gaya ng Take Win/Reserve, 1 line, 5 lines, 10 lines, 15 lines, 20 lines, Gamble at Start Feature. Ang Take Win button ay ginagamit lamang kung nais mong kunin ang panalo mo sa sugal o kaya naman ay i-total ang lahat ng iyong mga napanalunan. Ang Reserve naman ang maaari mong pindutin kung nais mong i-reserve ang machine ng mahigit sa tatlong minuto. Available lamang ang ganitong klaseng button kung naglalaro ka ng Pokie Machine sa mismong site gaya ng club at casino.

Ang limang button patungkol sa bilang ng lines ay ginagamit naman kung aling lines ang nais mong ilagay sa bawat pag-spin mo. Walang special na button pagdating sa mga pokies kaya naman sa oras na pindutin ang ilan sa limang line button na ito ay agad na magsisimulang mag-spin ang reels. Ang natirang button gaya ng Gamble at Start Feature ay ginagamit lamang sa huling bahagi ng laro.

Kung naghahanap ka ng larong maaari mong laruin pagdating sa slot machine ay maaari mong subukan ang Big Win Club. Bukod sa magandang kalidad ng larong makikita rito ay mayroon ka ring tyansa na manalo rito ng tunay na pera. Idagdag na rin dito na hindi lamang slot machines ang kaya nitong ibigay sa bawat manlalaro bagkus ang iba pang laro gaya ng pusoy, tongits at marami pang iba na siguradong ma-eenjoy mo. Maituturing din na Big Pokie Wins ang larong ito dahil maaari mo itong malaro sa iyong mobile phone, mapa-iOS man o Android, gayundin sa PC.

Ano nga ba ang nangyayari sa iyong “bet’ matapos mo itong ilagay sa Big Pokie Wins Machine?

Sa larong ito, ang daan upang makapagsimula sa laro ay sa pamamagitan ng paglalagay ng bet. Upang makapaglagay ng bet, ang bawat manlalaro ay inaasahang makapili ng line na nais nilang pustahan. Alam na natin kung paano ginagamit ang mga buttons, ang bawat bahagi nito at kung paano makapaglagay ng bet. Ngunit naitanong mo na ba kung ano ang nangyayari sa iyong “bet’ matapos mo itong ilagay sa mismong slot machine?

Sa isa sa mga nilikhang animation ng isang Australian gambling company na Aristocrat Technologies, ginamit nito ang fishing analogy upang himay-himayin ang posibleng mangyari sa isang bet sa oras na ilagay na ito sa mga multi-line game o slot machine. Ayon dito, ang iyong bet ay maaaring patungo sa dami ng number of lines ng iyong magiging laro o kaya naman ay patungo sa laki ng iyong magiging potential na Big Pokie Wins. Kaya naman, posibleng ang iyong mapanalunan ay maaaring mas mababa sa orihinal na bilang ng iyong itinaya.

Sa maikling clip na ito, ang fishing rods ang nagsisilbing mga lines ng slot machine kung saan nagdidikta ito sa dami ng lines na maaari mong mapanalunan. Habang ang mga fish naman ang nagsisilbing dami ng iyong bet sa bawat line kung saan nakadepende naman dito ang laki ng posible mong ipanalo sa bawat line. Ang bawat fish na ito ay makakatulong upang doblehin ang iyong naging bet sa laro. Kaya naman, kung pumusta ka sa mas maraming fishing rod (5 lines) at sa pinakamalaking fish, mayroon kang limang credits sa bawat limang lines o sa kabuuan ay may 25 credits.

Gaano nga ba kalaki ang tyansa na mapapanalunan mo ang Big Pokie Wins sa isang slot machine?

Sa parteng ito naman, sinubukang ipaliwanag ng Aristocrat Technologies ang “Odds” o posibilidad na makuha mo ang Big Pokie Wins sa mga Pokie Machine. Ginamit na analogy rito ang “Balls in an Olympic Swimming Pool” kung saan mayroong isang dilaw na bola na nakalagay sa isang olympic size swimming pool na imbis na tubig ang laman ay mga bola rin ngunit pula naman ang makikitang kulay sa mga ito. Ang pulang bola ang nagsisilbing mong bet habang ang dilaw na bola naman ang kumakatawan sa jackpot prize.

Sa bawat pagpapaikot mo ng reels, palagi kang mayroong tyansa na manalo ng Jackpot prize. Ngunit kung iuugnay natin ito sa analogy na ginamit, maiintindihan mo kung gaano kalaki ang tyansa na makuha mo ang jackpot prize. Sa bawat pagkakataon na pumupusta ka sa isang gaming machine, hindi mo tinatanggal ang isang red ball sa isang malaking swimming pool bagkus ay hinahagis mo lamang ito sa malayong direksyon ng swimming pool para lamang makalapit sa inaasam na dilaw na bola o ang jackpot. Sinasabi rito na kung gaano kalaki ang jackpot prize, ganoon naman kaliit ang tyansa na mapanalunan mo ito.

Konklusyon 

Ang mga gaming machine gaya ng Pokie Machines ay sinasabing game of chance. Sa madaling salita, ito ang mga tipo ng laro na hindi natin tiyak kung kailan tayo mananalo o hindi kayang idaan sa matinding pagpupursigi. Ang tyansa na manalo ng Big Pokie Win ay maaaring hindi tiyak o magkaiba-iba ngunit siguradong lumiliit kung malaki ang pinaglalabanan. Pagdating sa mga ganitong klase ng laro, ang tanging makakapagpanalo lamang sa iyo ay hindi swerte o hard work, bagkus ang iyong matalinong pagdedesisyon. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...