Big Pokie Wins

Hindi biro ang pagsusugal. Sinusubukan kasi nating itaya ang lahat ng meron tayo para lamang sa isang panalo na hindi natin tiyak kung kailan nga ba darating o mangyayari sa atin. Umaasa tayo sa minsanang pagkakataon na sana ay sa atin naman pumanig ang swerte. Worth it bang itaya ko ang lahat ng mayroon ako para rito? Maibabalik ba sa akin ang itinaya ko nang doble o higit pa? Ilan lamang iyan sa mga maaaring sumagi sa iyong isipan sa tuwing sumusugal. Lalo na sa mga pagkakataong pinag-iisipan nating tumaya sa mga larong pang-casino gaya na lamang ng pokie machine. Mula sa kung paano ito lalaruin, paano manalo ng Big Pokie Wins rito at kung worth it nga bang laruin ito, maaaring makatulong ang artikulong ito ng Laro Reviews para sa iyong inaasam na kasagutan.

Paano nga ba makasungkit ng Big Pokie Wins?

Kung hindi ka pa pamilyar dito, ang pokie machine ay ang mas kilala natin sa tawag na slot machine. Ayon sa mga eksperto pagdating sa mga larong casino, wala naman daw pagkakaiba ang dalawang ito bukod sa kanilang pangalan. Ang salitang “pokie” raw kasi ay isang term para sa slot game na ginagamit partikular sa bansang Australia at New Zealand. 

Ang slots na maaaring makita natin mapa-online man o sa club ay maaaring magkakaiba pagdating sa tema at disenyo nito. Gayunpaman, hindi naman nagbabago ang mismong gameplay nito. Naroon pa rin ang bawat numero, ilang mga simbolo kung saan sa oras na mapag-match mo ang mga ito ay maaari kang mabigyan ng malaking incentives o Big Pokie Wins. Kung hindi mo pa alam kung paano nga ba  laruin ito, narito’t ipapakita ko sa iyo.

  • Bilang panimula ay pumili ka muna ng isang slot machine na komportable ka at alam mong may malaking tyansa na manalo ka. 
  • Sa oras na makapili ka na at makapasok ka sa laro ay silipin agad ang sinasabing game’s paytable. Dito ipapakita ang mga simbolo sa reels kung saan mayroon itong kaakibat na value. Mula rito, malalaman mo kung ano ang maaari mong target-in sa sa tuwing kailangan mo nang mag-spin.
  • Pagkatapos mong makapili ng iyong target, hanapin ang “Max Bet” button para rito at ilagay kung ilang paylines ang nais mong laruin.
  • Kapag nakumpleto mo na ito, pindutin ang “spin” na button at hintayin na lamang kung mayroon bang simbolo na magma-match. Ulitin lamang ang mga naibigay na hakbang sa iyong bawat laro.

Kung susubukan mong maghanap ngayon ng slot machine na malalaro online ay marami ang maaaring bumungad sa iyo. Ngunit upang hindi ka na mag-abala pang maghanap at isa-isahin pa ang mga ito na paniguradongmalaking oras ang gugugulin mo, maaari mo namang subukan ang Big Win Club dahil laman nito ang iba’t ibang klase ng laro, partikular na ang slot machine games na paborito ng maraming Pinoy. Bukod dito ay maaari ka ring kumita ng pera sa pamamagitan lamang ng simpleng paglalaro mo rito. Maituturing din na Big Pokie Wins ang larong ito dahil maaari mo itong malaro sa iyong mobile phone, mapa-iOS man o Android, gayundin sa PC.

Paano mas mae-enjoy ang paglalaro ng Big Pokie Wins?

Gaya ng ibang larong pang-casino, ang slot game ay isa ring Game of Chance. Sa madaling salita, hindi natin tiyak kung kailan natin mararanasang makakuha ng Big Pokie Wins dito. Gayunpaman, mayroong ilang paraan upang mas ma-enjoy ito ng sinuman na nais sumubok nito.

Una, kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng slot machine ay maaari mong subukan. Sa dami ng nagkalat na slot machine sa club man o online, tila mahirap para malaman kung alin ba rito ang mas magandang laruin. Gayunpaman, isang matalinong pagkilos na pinipili mong mabuti kung aling slot machine ang may pinakamalaking payout. Iyon bang hindi ka malulugi kung tumaya ka man ng malaki rito.

Pangalawa, maging pamilyar sa iba’t ibang features na makikita sa loob ng slot machine na iyong mapipili. Pagdating kasi sa mga ganitong klaseng laro, mas lamang ang mga manlalarong alam ang bawat pasikut-sikot ng laro. Alamin mo bilang isang manlalaro kung paano gamitin partikular na ang special features, paylines, at anong mga jackpot ang maaari mong makuha.

Panghuli, isang magandang bagay na alam mo kung kailan ka dapat tumigil sa paglalaro nito. Palaging magkaroon ng kontrol at kung matalo man ay hindi mo na ito kailangang habulin dahil paniguradong mauuwi lamang ito sa pagkalugi.

Top 10 na nagwagi mula sa paglalaro ng Pokie Machines

Ang https://www.casino.org/ ay kilala bilang World’s Gaming Authority at umiiral na simula pa noong 1995. Ang organisasyong ito ang isa sa maaaring puntahan ng mga taong mahilig sa sugal at nais subukang maglaro ng mga Casino game dahil sila ang nagbibigay ng mga advice o sumusulat ng ilang mga impormasyon patungkol dito. Para sa kanila, posible ka naman talagang makakuha ng Big Pokie Wins o limpak-limpak na salapi mula lamang sa paglalaro ng pokie machines. Kaya naman, narito ang kumpletong listahan ng kanilang isinulat tungkol sa mga taong maswerteng nakakuha ng jackpot prize sa pokie machines bilang mga patunay.

  1. $14.3 Million – Ika-sampu sa listahan ang isang manlalarong tumaya sa Rampart Casino sa Las Vegas noong Disyembre 2013. Ayon sa milyonaryong ito, nasa $20 lamang ang ginastos niya nang tumaya siya sa Megabucks slot machine at hindi inaasahang mananalo ng ganoon kalaking pera.
  2. $17.3 Million – Sumunod naman sa listahan ang isang babae na mula rin sa Las Vegas. Ayon sa babae, bago maging isang milyonarya, sinubukan lamang nitong gamitin ang kanyang free credits para maglaro ng Megabucks machine sa M Resort, Henderson. 
  3. £13.2 Million – Isang maswerteng British soldier naman ang nakasungkit ng £13.2 million o tinatayang nasa $20.8 million noong 2013. Sinasabing ang sundalong  si Jon Hayward na mula sa Crew, England ay gumastos lamang ng 25p nang maglaro ito online ng Mega Moolah slot at kalaunan ay nanalo.
  4. $21.1 Million – Bihira lamang kung dumapo ang swerte sa atin. Ngunit ibahin natin si Elmer Sherwin dahil tila nasalo niya ang lahat ng swerte sa mundo matapos manalo ng dalawang beses sa slot machine. Ayon sa kanya, bago pa niya mapanalunan ang $21.1 million noong 2005 mula sa paglalaro ng Megabucks slot sa Cannery Casino & Hotel ay una na siyang nakapag-uwi ng $4.6 million na panalo noong 1989 mula sa Mirage Hotel & Casino.
  5. $21.3 Million – Mula sa parehas ding slot machine, ang Megabucks slot, nakapag-uwi naman ng milyun-milyong jackpot prize ang isang 49-year-old na business consultant mula sa Illinois matapos nitong maglaro sa Caesars Palace, isa sa pinakakilalang casino sa buong mundo.
  6. $22.6 Million – Ikalima naman sa listahan ang 74 years old na si Johanna Heundi na gumastos lamang ng $170 para makapaglaro ng Megabucks machine sa Bally’s at hindi inaasahang manalo noong May 2002.
  7. €17.8 Million – Gaya ng British soldier na si Jon Hayward, tila nagbago rin ang kapalaran ng isang Finnish player nang sinubukan niyang maglaro ng slot machine online, gaya ng Mega Fortune sa PAF.com. Ang manlalarong ito ay gumastos lamang ng 25¢ nang manalo siya ng  €17.8 million o tinatayang nasa $23.6 million noong 2013. 

  1. $27.6 Million – Pumapangatlo naman sa listahan ang isang retiree. Hawak ang $100 sa kanyang mga kamay, nagtungo ito sa Palace Station Casino upang masubukan ang kanyang swerte sa paglalaro ng Megabucks machine. Ngunit, hindi tulad ng mga unang nabanggit sa listahan, naging mailap sa kanya ang swerte matapos nitong gumastos ng triple pa sa dala nitong $100. Ngunit makalipas ang ilang subok, tila pumanig din sa kanya ang swerte nang sa wakas ay manalo ito at makuha ang tumataginting na $27.6 million.
  2. $35 Million – Pumapangalawa sa listahan ang 37 years old na si Cynthia Jay Brennan. Iyon ay matapos din niyang subukang maglaro ng Megabucks slot at manalo ng $35 million sa Desert Inn noong 2000.
  3. $39.7 Million – Ang pinakamaswerteng manlalaro at sinasabing hanggang ngayon ay may hawak pa rin ng titulong largest slot jackpot sa kasaysayan ay nagmula sa Los Angeles. Taong 2003 nang sinubukan ng maswerteng manlalaro na ito na maglaro ng Megabucks slot machine sa Excalibur Casino sa Las Vegas. Hawak lamang ang $100 bilang pangsugal, hindi nito inaasahan na mababago ang kanyang buhay nang ganoon kabilis matapos niyang makapag-uwi ng limpak-limpak na salapi. 

Konklusyon 

Kung minsan nang sumagi sa isip mo kung worth it nga bang maituturing ang pagsugal sa slot machine, maaaring ang sagot ay oo at pwede rin namang hindi. Ang mga manlalaro na nabanggit sa itaas kung saan maswerteng nakatanggap ang mga ito ng Big Pokie Wins at naging milyonaryo kalaunan ang patunay na worth it na subukan ito dahil talagang posible kang makakuha ng pera sa pamamagitan lamang ng paglalaro nito. Gayunpaman, ang slot game ay isa pa ring laro kung saan maaaring minsan ay papanig sa iyo ang swerte pero may may pagkakataong hindi ka talaga  pinapalad. Ang paglalaro nito nang sobra, walang limitasyon, at hindi pinag-iisipang mabuti ang bawat ginagawang aksyon ang minsan ay dahilan bakit masasabing hindi rin mainam laruin ito ng iilan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...