Big Win Higgs Domino Review

Kung hindi mo pa nasusubukang maglaro ng dominos, sigurado akong masisiyahan ka kapag natutunan mo nang laruin ang Big Win Higgs Domino. Libre mo pa itong malalaro gamit ang iyong device. Kahit nasaan ka at anumang oras ay pwede mo itong laruin. Ang Big Win Higgs Domino ay isang casual game na may single-player mode. Opisyal itong inilabas noong taong 2021 at patuloy na tinatangkilik ng mga manlalaro hanggang ngayon. Ang larong ito ay tungkol sa domino na hinati sa dalawang klase, ang domino classic at domino bet. Bukod sa domino, may iba pa itong laro na maaari mong subukan sa mga susunod na level. Ang ilan sa mga larong ito ay ang Puzzle, Mancala, Checkers at marami pang iba. Tiyak kong magugustuhan mo ang Big Win Higgs Domino sa dami ng laro na hatid nito para sa iyo. Kung ikaw ay isang bagong manlalaro, narito ang iba pang impormasyon na makakatulong sa iyo mula sa Laro Reviews.

Paano laruin ang Big Win Higgs Domino?

Kung nais mong subukang laruin ang Big Win Higgs Domino subalit hindi alam kung paano magsisimula, narito ang ilang tips na makakatulong sa iyong paglalaro.

Para sa mga bagong manlalaro, simple lamang ang mechanics ng Big Win Higgs Domino. Ang paglalaro nito ay hindi naiiba sa orihinal na larong domino. Kailangan mo lang hanapin ang katugmang domino tile na mayroon ka sa mga nakalatag  na sa harap ng mga manlalaro. Kapag nahanap mo na ang tugmang tiles, itapat lang ito sa kapareha. Matatapos ang laban kapag mayroon nang manlalarog nakaubos ng domino blocks. Mayroon apat o higit pang manlalaro sa isang domino game. Maaari kang mag-pass kapag wala ka nang maitirang domino blocks, subalit kailangan mong bayaran ang nangungunang manlalaro sa inyong laban. Kaya hangga’t maaari, isipin mong mabuti ang hakbang na iyong gagawin bago mo itira ang iyong domino blocks. Kapag naubusan ka ng ititira, maaaring matalo ka sa huli.

Inirerekomenda naman para sa mga bagong manlalaro na subukan muna ang domino classic bago maglaro ng domino bet. Sa domino classic, ituturo sa iyo ang mga bagay na dapat mong malaman sa paglalaro nito. Ito ang magsisilbing tutorial mode ng Big Win Higgs Domino para sa mga wala pang kaalaman sa larong ito. Maaari ka pa ring makakuha ng puntos at kumita ng pera sa paglalaro ng domino classic kapag ikaw ay nanalo. Subalit kung ikaw ay mahusay na at nais mo ng mas mataas na antas sa paglalaro ng domino, subukan mo ang domino bet. Sa mode na ito, malaya ka kung magkano ang perang itataya mo sa iyong paglalaro. Kapag  malaking pera ang iyong itinaya, mas malaki rin ang posibleng babalik sa iyo. Kailangan mong gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa paglalaro upang manalo. Huwag masyadong makampante at maging alerto sa bawat tira na gagawin. Sa huli, nakadepende ang iyong pagkapanalo sa istilo ng iyong paglalaro.

Mga laro sa Big Win Higgs Domino

Ang Big Win Higgs Domino ay mayroon ding iba’t ibang laro. Bukod sa paglalaro ng domino, mayroon itong iba pang casual games. Ang ilan sa mga ito ay ang Ludo, isang board game na binubuo ng apat na manlalaro. Ang manlalarong unang matatapos at makakarating sa dulo ang siyang mananalo. Bukod pa riyan, mayroon din itong 8 Ball, para sa mahilig sa billiard game. Mayroon din itong Puzzle, Mancala, Checkers, Wood Blast, Capsa Susun, Chess, Remi, Samgong, Texas, Honey Tales at marami pang iba. Sigurado akong hindi ka mababagot sa dami ng larong hatid nito sa iyo.

Kung nasisiyahan ka sa paglalaro nito, tiyak akong kaaaliwan mo rin ang mga casino games sa Big Win Club. May pagkakatulad ang apps na ito sa isa’t isa dahil sa Big Win Club ay maaari ka ring maglaro ng – slot machines na mayroon din sa Big Win Higgs Domino. Ang Big Win Club ay mayroon ding tongits, slots at card games. Kung naghahanap ka ng iba pang larong na katulad ng Big Win Higgs Domino, maaari mong subukan ang Big Win Club. Sigurado akong magugustuhan mo rin ito gaya ng ibang manlalaro. Pwede mo itong ma-download gamit ang iyong device at makukuha mo pa ito ng libre. Available ang Big Win Club sa Android, iOS at maging sa PC.

Paano nakakaangat ang Big Win Higgs Domino sa ibang laro?

Masayang laruin ang Big Win Higgs Domino dahil sa dami ng features ng larong ito. Hindi lang domino game ang maaari mong gawing libangan dito. Mayroon itong card games at casual games na tiyak kong kaaaliwan at kaaadikan mo rin.  Sigurado akong hindi ka mababagot sa dami ng mapagpipiliang laro sa Big Win Higgs Domino. Bukod pa riyan, mahusay rin ang graphics na ginamit dito. Malinaw at maganda ang visual effects, sound effects at pati na rin ang background music.

Dagdag pa rito, mahigit isang taon pa lang ang nakalilipas subalit umabot na sa mahigit 500,000 downloads ang nakuha ng larong ito. Ngayong taong 2022, opisyal na naglabas ang Big Win Higgs Domino ng kanilang bagong update sa laro. Mayroon silang tatlong bagong laro: ang 8 Ball, Solitaire at Blackjack. Tiyak akong masisiyahan ang mga nag-aabang nito, lalo na ang mga mahilig sa billiard at card games. Maaari ka ring manalo ng iba’t ibang items at rewards sa larong ito basta’t ipanalo mo lang ang bawat laban. Mas malaking papremyo naman ang naghihintay sa iyo lalo na kung kukuha ka ng VIP Card. Maaari kang mag-avail ng Bronze Member, Silver Member, Gold Member at Diamond Member gamit ang mga perang napanalunan mo sa laro. Maaari ka ring  bumili ng coins sa larong ito gamit ang tunay na pera. Nagkakahalaga ito ng 0.99¢ hanggang $33.33. Magkatulad ang presyo nito sa pagbili naman ng diamonds.

Konklusyon

Isa ang Big Win Higgs Domino sa magandang laro na makikita mo at maida-download nang libre mula sa https://play.google.com/store/apps/details?id=com.neptune.dominogl&hl=en&gl=US. Maaari ka ng maglaro ng domino, card games at iba pang laro gamit ang iyong mobile gadget. Kahit nasaan ka man at anumang oras man ay magagawa mo ito. Subalit, kailangan mo ng data  o internet connection para makapaglaro nito. Sa ngayon, ang larong ito ay hindi pa available sa iOS. O ano pa bangng hinihintay mo? I-download mo na ang Big Win Higgs Domino sa iyong device upang madiskubre ang sayang hatid nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...