BombSquad Review

Maraming mga multiplayer game ang sumikat noong nag-umpisa ang pandemic. Mapapansin mong karamihan sa kanila ay nagko-collaborate para maglaro ng mga multiplayer game, kung isa kang fan ng mga live streamer tulad ng mga Vtuber, Youtuber, at iba pang mga online content creator, Pico Park, Minecraft, at Valorant. Ilan lamang ito sa mga sumikat na larong pwede mong malaro kasama ang iyong mga kaibigan. Ngayong humuhupa na ang pandemic, hindi na gaanong ipinagbabawal ang mga social gathering. Ang larong BombSquad ni Eric Froemling ay isang action game na pwede mong laruin nang mag-isa o kasama ang iyong barkada, ngunit nababagay ba itong maging isang party game? Alamin sa artikulong itong mula sa Laro Reviews.

Maaari mo itong laruin kasama ang iyong mga kaibigan o nang mag-isa, ngunit ang pangunahing layunin ng larong ito ay ang mabuhay hanggang sa huling wave. Pasabugin ang lahat ng iyong mga kaaway gamit ang iba’t ibang bomba. Depende sa disenyo ng platform, ihagis mo sila para sa isang instant point at agad silang matatanggal sa laro. Kung mabigo ang lahat, gamitin ang iyong mga kamao upang suntukin ang iyong mga kaaway hanggang sa mawala sila. Huwag hayaang maabot ka nila upang maging last player standing.

Ang apat na buttons sa iyong kaliwang screen ang magkokontrol sa iyong karakter. Ang asul na icon sa itaas ay kukuha ng anumang bagay na hindi nakadikit sa lupa. Pinduting muli ito upang itapon ang mga ito. Para mapatalon sila, i-tap ang berdeng icon sa ibaba. Maaari mong suntukin ang iyong mga kalaban gamit ang dilaw na icon para mas marami ang maibibigay na pinsala. Kung gusto mo naman ng kaguluhan at pagsabog, gamitin ang pulang icon.

Features ng BombSquad 

Single Player/Co-op – Ang mode na angkop para sa mga manlalarong walang kaibigan, o yung mas gustong maglaro ng mag-isa. Maaari ka ring makipaglaro sa iyong mga kaibigan upang talunin ang lahat ng mga kaaway at mabuhay hanggang sa huling wave. Gayunpaman, mayroon lamang hanggang apat na manlalaro rito.

Teams – Maglalaban ang dalawang koponan. Maaari kang maglaro ng capture the flag at larong pang-sports sa mode na ito. Mayroong hanggang walong manlalaro rito.

Free-for-all – Tulad ng sa Teams mode, maaaring maglaro ng hanggang walong manlalaro. Ito ay magiging 1 vs. all game, at ang huling manlalarong buhay ang mananalo.

Watch – Hahayaan ka nitong panoorin ang replay ng iyong pinakahuling laro. Maaari mo ring baguhin ang playback speed sa fast o slow motion.

Gather – Ang tab na ito ay ginagamit para sa pag-assemble ng isang party. Ibig sabihin nito, ang ibang mga manlalaro ay maaaring kumonekta sa isang device gamit ang kanilang mga telepono, at ito ang magsisilbing kanilang controller. 

Power-ups – Ito ang mga item na makakatulong sa iyo sa maikling panahon. Ang ilan sa mga ito ay magpapalakas ng iyong mga bomba, tulad ng Triple-Bombs, Ice-Bombs, Trigger-Bombs, at Sticky-Bombs. Tinutulungan ka ng Med-Pack at Energy-Shield na manatili sa laro, habang pinapalakas ng Boxing-Gloves ang iyong mga suntok. Hinahayaan ka ng Land-Mines na maglabas ng mga bombang sasabog kapag natapakan mo ito.

Saan pwedeng i-download ang BombSquad?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang BombSquad sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring mai-download ang laro:

Download BombSquad on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=net.froemling.bombsquad

Download BombSquad on iOS https://apps.apple.com/us/app/bombsquad/id416482767?mt=12

Gayunpaman, hindi mo ito malalaro sa iyong PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Sundin ang ilan sa mga tip na itong maaari mong gawin upang talunin ang iyong mga kaibigan o iyong mga kaaway. Makakatulong din ang mga ito sa iyong mabuhay hanggang sa huling wave.

I-customize ang iyong controller.

Ang D-pad ay isa sa pinakamahirap na kontrolin dahil ang iyong karakter ay sumusunod sa momentum. Gayunpaman, maaari pa rin itong malutas. I-customize ang mga ito sa pamamagitan ng pag-click sa mga setting at pagpili sa tab ng mga controller. I-tap ang Configure Touchscreen at baguhin ang mga controller na nababagay sa iyong kaginhawaan.

Ang mga power-up ay ang iyong matalik na kaibigan.

Palaging lumalabas ang mga item na ito sa laro, kaya pinakamahusay na malaman kung ano ang ginagawa nila. Binabawi ng Med-Pack ang iyong health points habang ina-absorb ng Energy-Shield ang lahat ng pinsala. Para mag-freeze ang iyong mga kaaway, gumamit ng Ice-Bombs. Ang Sticky-Bombs ay mananatili sa anumang mahawakan nito, kaya iwasang mahawakan ito. Agad na sumasabog ang Trigger-Bombs. Ang Triple-Bombs naman ay gagawing triple lahat ng iyong mga bomba at hindi dapat ito balewalain.

Hanapin ang spawning area.

Ito ay angkop para sa Single Player/Co-op. Bago dumating ang iyong kalaban, makakakita ka ng pulang spot sa isang lugar. Itapon ang lahat ng iyong landmine o Sticky-Bomb sa lugar na ito nang sa gayon ay sumabog ang mga ito sa sandaling lumitaw sila sa platform.

Mas malakas ang pagsuntok.

Oo, nakakatuwang makita ang sunud-sunod na pagsabog sa laro. Sayang din kung hindi ka gagamit ng power-ups. Ngunit mayroong isang mas mahusay na pag-atake kaysa sa paghahagis ng bomba. Kapag nakuha mo na ang Boxing-Gloves, suntukin ang iyong kalaban hangga’t maaari. Ang power-up na ito ang nagpapalakas sa bawat suntok mo.

Pros at Cons ng BombSquad 

Maaari kang mahirapan kung nag-uumpisa ka pa lamang sa larong ito, ngunit hindi ka mahihirapang manalo. Ang BombSquad ay may simpleng gameplay, kaya pwede itong laruin ng kahit sino. Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para malaro ito dahil available ito offline. Nakakatuwa ring panoorin ang mga sunud-sunod na pagsabog, at ang chaos ay nagdaragdag ng kasiyahan sa laro. Mayroon din itong iba’t ibang stags na maaari mong laruin nang mag-isa o kasama ang iyong barkada. Ang paglalaro nito nang mag-isa ay hindi magiging problema dahil maaari kang sumali sa mga pampublikong server sa tab na Gather.

Ang physics ng iyong karakter ay maaaring maging isang double-edged sword. Ang momentum sa kanilang mga galaw ay maaaring maging advantage mo dahil maaari nitong gawing mas malayo ang iyong paghagis. Gayunpaman, maaari kang mahulog sa bangin o mauntog sa mga pader kung hindi mo makokontrol ang mga ito nang maayos. Maaaring hindi palaging masaya ang pagsali sa isang pampublikong server kung wala kang matatag na koneksyon sa internet. Magiging mabagal ang mga manlalaro, at makakaranas ka ng lag sa laro.

Konklusyon

Mapa-party game man o larong pambarkada, mas masaya itong laruin kung may kasama. Dito ninyo masusubok ang galing sa pakikipagkomunikasyon at sa pakikipagtulungan. Magiging mas madali ang mga stage kapag may tumutulong sa iyo at mas masaya kung mga kaibigan mo ang kalaro mo rito. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito para sa mga magbabarkadang naghahanap ng multiplayer game na malalaro sa mobile. Ngunit kung wala kang kaibigan, mae-enjoy mo pa rin nang mag-isa dahil sa pwede mong makalaban ang mga AI sa laro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...