Brain Story: Tricky Puzzle Review

Naghahanap ka ba ng nakaka-relax at nakakaaliw na laro ngunit puno ng kakaibang mga hamon? Ang Brain Story: Tricky Puzzle ay isang puzzle game na inilunsad sa Google Play Store noong Nobyembre 30, 2021. Sa kasalukuyan, ito ay nai-download na ng mahigit sa sampung milyong beses. Ang online puzzle game na ito ay mula sa ABI Global LTD, isang Vietnamese Android game developer. Bagama’t ang kumpanyang ito ay nagsimulang maging aktibo sa larangan ng game development nitong 2018 lamang, ito ay nakapaglunsad na ng halos 102 game apps.

Kailangang lutasin at kumpletuhin ng mga manlalaro ang iba’t ibang puzzles. Gayunpaman, hindi ito kagaya ng tradisyunal na puzzle games, ito ay puno ng kakaibang mga hamon. Tutulungan ka ng Laro Reviews na mas makilala at masuri ito ng mabuti bago mo ito subukang laruin.

Brain Story: Tricky Puzzle - Laro Reviews

Brain Story: Tricky Puzzle – Laro Reviews

Brain Story: Tricky Puzzle – Paano I-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ang larong ito ay ma-eenjoy gamit ang mga Android device. Wala pang inilalabas na mobile app version nito para sa iOS devices. Subalit, kung ang gamit mo ay desktop o laptop, maaari mo itong malaro sa ilang gaming sites o kaya naman ay i-download ang app sa iyong computer gamit ang isang lehitimong emulator. Para hindi ka na mahirapan sa paghahanap, pwede mong gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Brain Story: Tricky Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.brain.story.ntstudio

Download Brain Story: Tricky Puzzle on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.brain.story.ntstudio-on-pc.html

Tips at Tricks para sa mga Baguhang Manlalaro

Bago mo simulan ang iyong kapanapanabik na paglalakbay sa mundo ng mga puzzle, ang Laro Reviews ay magbabahagi sa’yo ng ilang tips upang madali mong malampasan ang mga hamon sa larong ito. Tandaan, hindi mo na kailangang gumawa ng account para sa larong ito, ang kailangan mo lang ay internet connection dahil ito ay isang online game.

Ang mga puzzle sa larong ito ay hindi pangkaraniwan, iba’t ibang hamon ang naghihintay sa’yo sa bawat level. Ang difficulty level nito ay hindi progresibo at ang bawat puzzle ay may natatanging game mechanics. Pwede mong gamitin ang iyong daliri upang i-tap, i-click, o i-swipe ang iyong gaming screen. May pagkakataon ding kailangan mong i-shake ang iyong gadget. May puzzles na madali, mayroon ding mahirap at nakalilito. Ang graphics at animation nito ay idisenyo upang subukan ang iyong imahinasyon at diskarte. 

Mahalagang basahin ang mga pahayag sa itaas na bahagi ng gaming screen. Ito ang magbibigay sa’yo ng ideya kung ano ang dapat gawin. Bukod dito, tiyaking suriin nang mabuti ang larawan o sitwasyon at maghanap ng clues, kailangang mag-concentrate sa laro. 

Related Posts:

Popi Horror: Chapter One Review

Yong Heroes Review

Brain Story: Tricky Puzzle - Laro Reviews

Brain Story: Tricky Puzzle – Laro Reviews

May mga puzzle sa laro kung saan kailangan mong gumamit ng mga bagay. Halimbawa sa Level 3 na may pamagat na “The Truth”. Dito ay kailangan mong alamin ang katotohanan gamit ang magnifying glass. Sa pamamagitan nito, makikita mo ang isang lalaking nakatago sa loob ng aparador. Isa pang halimbawa nito ay ang puzzle sa Level 4 kung saan makikita mo ang dalawang magandang babae na nakadamit ng magarbo. Upang matukoy kung sino ang peke sa kanila, kailangan mong gamitin ang hair blower upang makita ang nakatago sa kanilang gown. Alamin kung ano ang problemang dapat masolusyunan at suriin ang bawat detalye ng puzzle. 

Ang random difficulty level nito ang isa sa mga dahilan kung bakit nakaka-excite ang larong ito. Para ka kasing nakasakay sa isang rollercoaster, wala kang ideya kung ano ang susunod na mong haharapin, kung ito ba ay mas mahirap o mas madali. Tandaan, upang malampasan ang iba’t ibang hamon, kailangan mong gamitin at palawakin ang iyong imahinasyon.

May mga simpleng puzzle rin dito ngunit ang mga ito ay tungkol sa random facts. Halimbawa na lamang sa isang partikular na level kung saan kailangan mong tukuyin ang logo sa apat na mga pagpipiliang larawan. Upang masagot ito ng tama, kailangan alam mo ang logo ng Audi, isang tanyag na brand ng sasakyan. 

Minsan may mga puzzle rin dito na kailangang iguhit ang nawawalang bahagi ng larawan. Ang mga ito marahil ang pinakamadaling uri ng puzzles subalit, huwag makampante. Kung hindi ka sigurado kung ano ang gagawin, subukan mong maghanap ng anumang sira, nawawalang bahagi o bagay na kakaiba. Kung sakali mang darating ka sa punto na hindi mo talaga alam kung ano ang gagawin, huwag mag-atubiling i-click ang Hint button. 

Brain Story: Tricky Puzzle - Laro Reviews

Brain Story: Tricky Puzzle – Laro Reviews

Pros at Cons ng Brain Story: Tricky Puzzles

Ang Brain Story: Tricky Puzzle ay nakakuha ng average rating na 3.8 stars mula sa mahigit sa 60,000 reviews sa Play Store. Ang high-resolution graphics nito ay nakakamangha ngunit ang animations na ginamit dito ay simple at pangkaraniwan lamang. Ang sound effects at background music na ginamit ay may katamtamang kalidad. Kung mahilig ka sa puzzle games, mapapansin mo na karamihan sa puzzles nito ay hindi kakaiba at tila ordinaryo lamang. Wala ring option sa laro para mabalikan ang mga level na nalampasan mo na. Ang madalas at mahahabang ads nito ay nakakairita at nakakaistorbo rin.

Bukod sa mga nabanggit, may mas seryoso at nakakadismaya pang mga isyu ang larong ito. May mga nilalaman itong sensitive at mature contents na hindi angkop para sa mga batang manlalaro. Pati ang mga ipinapalabas na ads dito ay medyo nakababahala rin. Ang konsepto ng larong ito ay ang nakakaaliw ngunit mapanghamong puzzles subalit, ang mga dapat sana ay nakakatawang jokes nito ay hindi nakakatuwa at medyo nakakabahala. 

Konklusyon

Ang konsepto ng puzzle game na ito ay maganda sana dahil pinagsama nito ang iba’t ibang nauusong tema sa isang mapanghamon ngunit nakakaaliw na puzzle game. Subalit, ang mga developer ng laro ay tila nabigong isakatuparan ang layuning ito.

Malinaw na ang laro ay hindi angkop para sa mga kabataan dahil sa nilalaman nitong mga sensitibong paksa at bagay. Ang dapat sana ay nakakatawang biro nito ay nagpapakita at nanghihikayat ng hindi magandang asal tulad ng pandaraya, pambabastos, kawalan ng respeto lalo na sa mga kababaihan at iba pa. Ang mga ito ay sensitibong isyu na hindi dapat i-normalize o ginagawang biro. Hindi man direkta pero ito ay nakakapagbigay ng negatibong impluwensya sa mga manlalaro, lalo na sa kabataan. Sa kabuuan, ang larong ito ay talagang nakakagalit at nakakadismaya kaya kung ayaw mong masayang ang iyong oras, huwag na itong subukan pa.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...