Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! Review

Base sa aking karanasan, ang isa sa masasayang casual games na nasubukan ko ay ang larong bubble shooter. Sa larong ito kailangan mo lang asintahin at pagtugmain ang mga kulay ng bubbles hanggang maubos ang mga ito. Bukod sa nakakaaliw itong laruin madali lang rin matutunan ang mechanics at gameplay ng laro. Ito ay nilikha ng Infinity Entertainment Limited, isang Android game developer na aktibong gumagawa ng laro mula pa noong 2016.

Ang Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! ay isang casual, puzzle at bubble shooter game na may single-player mode. Bukod sa paglalaro ng bubble shooter, mayroon ding misyon na dapat isakatuparan sa larong ito. Gagampanan mo ang karakter ni Alice na layuning iligtas ang mga nakakulong na kuting mula sa masamang dragon. Maglaro ng bubble shooting puzzles at iligtas ang mga kuting mula sa kamay ng kasamaan.

Sigurado akong hindi mo titigilan ang paglalaro ng Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! kapag natutunan mo na itong laruin. Handa ka na bang maging isang magaling na bubble shooter? Ituloy lang ang pagbabasa ng buong artikulo upang malaman ang iba pang impormasyon na makakatulong sa iyo.

Features ng Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle!

Maraming level – Sigurado akong masisiyahan ka sa dami ng level na maaari mong laruin sa Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! Kada level ay may naghihintay na kapana-panabik na hamon.

Friends – Sa larong ito maaari kang kumonekta sa iyong mga kaibigan sa Facebook upang malaman kung anong ang iyong ranggo. I-link lang ang iyong account upang makita kung sino sa mga kaibigan mo ang naglalaro rin ng Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle!.

Missions – Sa larong ito mayroon kang misyon na dapat isakatuparan. Kapag nagawa mo ang iyong tungkulin bukod sa paglalaro ng Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! maaari kang makakuha ng mga premyo at item bilang iyong gantimpala.

Booster – Maaari kang makakuha ng magical items katulad ng booster na magagamit mo sa iyong paglalaro. Subalit magagamit mo lang ang item na ito kapag nakalagpas ka na sa Level 23. Maglaro lang at ipanalo ang laban hanggang makarating sa level na kinakailangan.

Saan pwedeng i-download ang Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle!?

Sa ngayon, hindi pa available ang laro sa App Store. Kung nais mong makuha ang laro, i-click lamang ang mga link sa ibaba depende sa ginagamit na device:

Download Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.joyfox.game.bubblemania

Download Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! on PC https://planeterlang.org/games/bubble-dragon-magical-bubble-shooter-puzzle.html

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection. Pagkatapos ma-click ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ito.

Tips kung Nais Laruin ang Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle!

Para sa mga nagnanais laruin ang Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle!, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang larong ito. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Maikli lang ang tutorial mode ng laro dahil madali mo lang mauunawaan ang mechanics ng laro. Hindi ka malilito o mahihirapan kung tungkol saan ang larong ito at kung paano ito laruin.

Bago ka mag-umpisa ng laro, mag-login ka muna gamit ang iyong Facebook Account, i-link ang iyong account upang ma-save ang progress sa laro. Kapag nagawa mo ito, kahit gumamit ka man ng ibang device o iuninstall ang laro pansamantala, maaari mo pa ring mabalikan kung saang level ka natapos. Kung ayaw mo namang gawin ito ay ayos din subalit hindi mo maisa-save ang natapos mo sa laro.

Madali lang laruin ang Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! dahil simple lang ang mechanics at gameplay ng nito. Gagampanan mo ang karakter ni Alice, isang babaeng nais iligtas ang mga kuting sa kamay ng isang masamang dragon. Para maligtas ang mga kuting kailangan mo lang putukin ang bubble kung nasaan ang mga ito. Pindutin lang kung saang pwesto mo nais i-shoot ang iyong bubble na hawak. Dapat ay magkapareho ang kulay ng bubble na pipiliin mo sa bubble na kinalalagyan ng mga kuting upang sila’y mailigtas mo. Dapat unahin mo silang iligtas dahil limitado lang ang bilang ng hawak mong bubbles.

Para mas madaling manalo, gumamit ka ng estratehiya at pamamaraan sa paglalaro. Pag-isipang mabuti ang hakbang na iyong gagawin upang hindi masayang ang moves na mayroon ka dahil limitado lang ang iyong bubble. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang mailigtas ang mga kuting dahil ito ang magpapanalo sa iyo sa laban. Tandaan na nakasalalay sa istilo ng iyong paglalaro ang pagkapanalo sa mga laban. Isakatuparan ang iyong misyon na iligtas ang mga nangangailangan at maging isang magaling na bubble shooter.

Pros at Cons ng Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle!

Para sa Laro Reviews, ang Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! ay isang masaya at nakakaadik na casual game. Magugustuhan ito ng kahit na sino lalo na ng mga naghahanap ng magandang libangan at pantanggal ng stress dahil talagang nakakapagbigay ng kapayapaan ang laro. Mahusay din ang kabuuang disenyo at graphics ng laro. Maaari rin itong laruin ng mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong marahas na nilalaman na maaaring makaapekto sa isipan ng bawat indibidwal. Sigurado akong kaaaliwan rin itong laruin ng mga kabataan at kahit ng matatanda.

Bukod sa libre mo itong makukuha sa Google Play Store at sa iyong Personal Computer o PC, maaari rin itong laruin offline. Ibig sabihin, hindi mo na kailangan ng data o internet connection para makapaglaro nito. Kahit nasaan kang lugar o anong oras mo nais itong laruin ay magagawa mo basta’t na-download mo na ang larong sa iyong device.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, isa raw ito sa kanilang paboritong laro. Katulad ng aking naranasan, marami rin ang nagsabing nakakaadik at nakakaaliw itong laruin. Maganda rin daw ang graphics at background music na inilapat sa laro.

Subalit may mga komento ring hindi maganda ang ibang manlalaro. Ayon sa kanilang karanasan, may glitch at nagla-lag ang laro. Mayroon din daw ads na hindi angkop para sa murang edad kaya hindi nila ito maipalaro sa mga bata. Hindi nagbibigay ng komento ang developer ng laro tungkol sa mga problemang nararanasan ng mga manlalaro.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang totoong pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱47 hanggang ₱2,400 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa settings ang in-app purchases kung ayaw mong gumastos.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon na itong 4.5/5 ratings sa Google Play Store. Umabot na rin ito sa mahigit 1 milyong downloads at may mahigit 40,000 reviews ang naitala. Kaya kung gusto mong masubukan ang bagong updates at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na ang Bubble & Dragon – Magical Bubble Shooter Puzzle! sa iyong device!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...