
Kung ikaw ay nakapunta na sa isang peryahan ay marahil pamilyar ka na sa Color Game. Ito ang kadalasang pinupuntahan ng mga nagsusugal pagpasok pa lamang nila sa entrance ng peryahan. Ito ay simple lamang at ang mekaniks ay madali lang ding matutunan kahit isang beses mo pa lamang itong nasubukan. Bakit simple? Kasi kailangan mo lamang tumaya, manghula, at maghintay ng lalabas na kulay. Oo, tama ang iyong nabasa. Ang Color Game ngayon ay available na sa mga electronic device. Ang Color Game Land ay malalaro mo na mula sa iyong device online kaya malalaro mo na ito saan at kailan mo man gusto. Maaari mong imbitahan ang iyong mga kaibigan at makipaglaro sa kanila. Maaari kang manalo ng totoong pera o ipalit ang iyong Go Coins ng appliances, load, o ng kahit anong gusto mo.
Paano laruin ang Color Game Land?
Sa artikulong ito ay tatalakayin ng Laro Reviews kung paano ba ito laruin at anu-anong features ang matatagpuan mo sa app na ito. Unahin natin ang mekaniks kung paano ba ito laruin. Kagaya sa aktwal na paglalaro nito, ang kailangan mo lang gawin ay pumili ng kulay, tumaya, at maghintay sa lalabas na kulay. Sa color board nito ay mayroong anim na kulay: yellow, white, pink, blue, red, at green. Kapag lumabas ang kulay na tinayaan mo ay mananalo ka ng katumbas sa taya mo. Ang laro ay may tatlong cubes o box na may mga kulay kung saan nakabitin ito sa taas ng board, hihintayin mo itong mahulog hanggang sa huminto na ito sa paggalaw.
Ang taya mo ay maaaring dumoble o trumiple kapag dalawa o tatlong parehas na kulay ang lumabas at tinayaan mo ito. Dodoble ang bigay sa iyo ng banker depende sa halaga ng iyong taya, ganoon din ito kapag tatlong parehas na kulay ang lumabas at tinayaan mo ito. Ganoon lamang kasimple ang mekaniks, na sa sobrang dali lang nito ay talagang mahuhumaling ka. Sa aktwal at sa mobile app nito ay pareho lang din ang paglalaro ngunit syempre sa game app version nito ay nilagyan nila ng mga twist at iba pang mga feature.
Dahil isa itong online game app, nangangailangan ito ng internet connection upang maimbitahan mo ang iyong mga kaibigan at lumahok sa mga tournament. Go Coins ang gamit mong pantaya sa larong ito at maaari mong i-redeem o ipalit ito ng load, appliances, pera,o iba pang bagay depende sa gusto mo. Pagbukas mo pa lamang ng app ay bubungad na sa iyo ang pangunahing features ng laro. Mayroon din itong ibang laro gaya ng Pusoy, Tongits, at Poker. May in-game purchases din kung saan maaari kang bumili ng coins at diamonds. Sa laro ay mayroong chat system na maaari mong gamitin upang makipag-ugnayan sa ibang manlalaro. Tandaang i-link ito sa iyong Facebook o Google account upang maingatan ang data at progress mo sa laro.
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Color Game Land
Sa katunayan, ang Color Game Land ay hindi nangangailangan ng matinding diskarte sa paglalaro. Ito ay ganap na nakabase lamang sa swerte mong manghula kung anong kulay ba ang lalabas sa bawat round. Dahil isa itong electronic game, mas mahirap hulaan ang pattern nito kumpara sa aktwal na paglalaro nito. Ngunit magbibigay pa rin kami ng kaunting ideya upang mas lalo kang ganahan sa paglalaro nito.
- Mag-invite ng mag kaibigan online. Ang Color Game Land ay mayroong feature na kung saan kapag nagkaroon ka ng 10 active friends ay gagantimpalaan ka nito ng 200 Go Coins.
- Sumali ka sa mga club upang makapasok o makapaglaro ka sa mga tournament. Tandaan na ang tournament ay may specific item lamang kung kailan ito magiging available kaya mahalagang mag-abang lagi.
- Tumaya sa iisang kulay. Isang mabisang diskarte na dapat ay magkaroon ka ng tiwala. Kunwari ay tumaya ka sa white at natalo, doblehin mo ito sa susunod na taya at tayaan mo ulit ang parehong kulay (halimbawa: 5 ang taya mo sa puti at natalo, gawin mong 10 sa susunod na taya at puti ulit ang kulay na iyong tayaan). Doblehin mo lamang ito ng doblehin hanggang sa manalo ka para makabig mo ang mga talo mo.
- Sa pagsali mo sa club ay maaari kang makakuha ng 600 diamonds.
- Mag-iingat sa pakikipagtransaksyon lalo na kung hindi legit na admin ang iyong napasukang laro.
Pros at Cons sa Paglalaro
Ang larong ito ay napakadali at simple lang ang bawat feature nito. Madali itong maunawaan at hindi kumplikado kahit na ito ay nasa electronic devices na. Maaari kang maglaro kahit saan at kailan basta’t may internet koneksyon ka. Bukod pa riyan, magagawa mong maimbitahan ang iyong mga kaibigan upang maglaro. Maganda rin itong pampalipas ng oras at siguradong kahuhumalingan mo ito. Isa sa aming nagustuhan dito ay maaari mong i-redeem ang iyong panalo o ipalit ng appliances, pera, load, atbp.
May in-game purchases itong maaari kang bumili ng instant coins at diamonds. Bukod sa Color Game na laro, ito ay may Pusoy, Tongits at Poker na maaari mong laruin. Hinding-hindi ka madidismayang subukan ito dahil sa hatid nitong saya para sa mga manlalaro. Mayroong itong chat system kung saan maaari kang makipag-ugnayan sa iba pang manlalaro. Isa lamang ang iyong pakaiingatan, ang maloko o ma-scam ng mga taong nagpapanggap na admin.
Konklusyon
Ang Color Game Land ay tiyak na magugustuhan ng mga manlalaro dahil ito ay may madaling mekaniks, magandang features, at makukulay na graphics. Hindi ka madidismayang subukan ito lalo na at ngayon ay maaari mong laruin ito sa anumang electronic device na mayroon ka. Hindi mo na kinakailangan pang hintaying magpiyesta sa inyo at maghintay na magkaroon ng peryahan para malaro ito. Subukan ang iyong swerte sa paghula at paglalaro nito.
Isa sa aming inererekomendang game center para sa mga Pilipino ay ang Big Win Club app. Ito ay mayroong iba’t ibang casino games kung saan ikatutuwa ng lahat ng mahilig magsugal. Ito ay may malaking gaming community kaya siguradong mapagkakatiwalaan mo ito. Isa rin itong real money online game kaya para ka lang ding naglalaro sa casino pero mas pinagaan dahil maaari kang maglaro gamit lamang ang iyong device.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 12, 2022