Craft Skyland World City Review

Dadalhin ka ng Craft Skyland World City sa sandbox at open world. Isang lugar kung saan maaari kang magsimula ng isang pakikipagsapalaran na iba’t-iba at walang limit ang maaaring kahinatnan. Ito ang laro kung saan maaari kang maging kahit ano o sino. Pwedeng isang artist na nagpapakita ng iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bahay o mansyon. O isang survivalist na nagtitipon ng mga resource at nakikipaglaban sa mga mob. Kung ang larong ito ay nagpapaalala sa iyo ng Minecraft Pocket Edition, iyon ay dahil isa itong clone. Ngunit sa pagkakataong ito, libre na ang paglalaro. Ang tanong,  mas mahusay kaya ang larong ito kaysa sa orihinal?

Dahil ito ay isang Minecraft Pocket Edition rip-off, mayroong dalawang bagay na maaari mong gawin sa larong ito. Kung gusto mong palabasin ang iyong pagkamalikhain, ang Creative mode ay para sa iyo. Gamitin ang lahat ng mga block sa laro at bumuo o gumawa ng anumang bagay na gusto mo. Maaari ka ring mag-spawn ng mga mob at subukan ang mga tool sa laro. Magiging sisiw lang ang pag-hover sa mga malalayong lugar dahil makakalipad ka kung saan-saan. Kung gusto mo ng hamon, laruin ang Survival mode. Mula sa pangalan mismo, dapat kang makatagal sa laro. Magsisimula ka na walang laman ang iyong inventory, at kailangan mong magtipon ng mga resource at gamitin ang mga ito sa paggawa ng mga kinakailangang item. Susubukan ng mode na ito ang iyong survival skill.

Magkatulad ang mga kontrol sa survival at creative mode. Ang D-pad sa kaliwang ibaba ng iyong screen ay ang nagpapagalaw sa iyong karakter. Ang icon sa itaas ay para sa pasulong, para sa pag-atras ang ibabang pindutan, kaliwang pindutan para sa kaliwang bahagi, at kanang pindutan para sa kanang bahagi; maaari mong pindutin ang gitnang bahagi ng D-pad para sa pagyuko. Ang pag-tap sa itaas na button ng dalawang beses ay magpapatakbo ng iyong karakter. Ang button sa kanang ibaba ay para sa paglukso, ngunit maaari mo ring gamitin ang button na ito upang lumipad sa Creative mode.

Craft Skyland World City - Laro Reviews

Craft Skyland World City – Laro Reviews

Features ng Craft Skyland World City

Creative mode – Nagbibigay ito ng invincibility sa iyong character na nagbibigay-daan sa iyong makaligtas sa mga pagsabog, apoy, at ilalim ng tubig. Hindi ka sasalakayin ng mga mob kahit na tamaan mo sila. Maaari kang mag-explore kahit saan sa pamamagitan ng paglipad, at maaari ka ring pumunta sa labas ng mapa. Ang mode na ito ay nagbibigay sa iyo ng access sa lahat ng mga item at lahat ng magagamit na mga bloke; maaari ka ring mag-spawn ng mobs gamit ang mga itlog.

Survival mode – Dito magsisimula ang tunay na hamon. Magkakaroon ka ng limitadong mga heart (life count), at maaari kang mamatay sa laro. Ang hindi pagkain sa loob ng ilang araw ay magpapbagsak sa iyong hunger meter, na magiging sanhi ng pagkamatay ng iyong character sa gutom. Dapat kang mag-ipon ng mga resource at gamitin ang mga ito sa paggawa ng mga item. Ngunit mag-ingat sa mga mob sa gabi o sa madidilim na kuweba, dahil sasalakayin ka nila hanggang sa ikaw ay mawala.

Mga Skin – Tulad ng orihinal na laro, ang rip-off na ito ay may mga skin at skin pack para sa karakter. Mayroon kang default na skin para kina Steve at Alex, ang mga pangunahing tauhan, ngunit magkaiba sila ng texture. Ang ilan ay libre, ngunit maaari ka namang bumili ng ilan sa mga ito gamit ang totoong pera. Mayroon ka ring opsyon na gamitin ang iyong na-customize na skin mula sa gallery.

Saan Pwedeng I-download ang Craft Skyland World City?

Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone at ilagay sa search bar ang Craft Skyland World City. Dahil libre lang ang laro, i-click ang install button at hintaying ma-download ito.

Narito ang link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Craft Skyland World City on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.block.loki.robo.craft.city.caves

Craft Skyland World City - Laro Reviews

Craft Skyland World City – Laro Reviews

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Maaari kang mahirapan sa paglalaro ng Survival mode kung hindi mo alam kung paano pamahalaan ang iyong inventory. Ngunit hindi imposibleng mabuhay sa larong ito. Kaya tutulungan ng Laro Reviews ang mga baguhang tulad mo sa laro.

Related Posts:

Stickman Falling Review

UNO!™ Review

Dahil ang laro ay isang open-world, nakakatuksong mag-explore sa lugar at tingnan ang nakakamanghang mga tanawin. Ngunit ito ay isa sa karaniwang pagkakamali ng mga rookie. Ang mga hostile mob ay nag-i-spawn at nabubuhay sa gabi. Hindi ka magtatagal sa unang gabi kung susuntukin mo lamang sila, kaya gawin ang mga pinakamahalagang item bago lumubog ang araw. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagtitipon ng kahoy at pagsibak  ng mga ito para maging  tabla. Gumawa ng Crafting Table at gamitin ito para gumawa ng Wooden Pickaxe. Maaaring hindi mo agad mapagtatanto ang halaga ng pickaxe, ngunit ang tool na ito ay makakatulong sa iyo sa unang bahagi ng laro sa pagmimina ng mga bato.

Ang pagbuo ng isang base ay mapapanatili kang ligtas mula sa mga kaaway. Mas mabuting gawin ito kaysa magpalipas ng gabi sa ilalim ng lupa o sa ibabaw ng mga pinagpatung-patong na dirt block. Kapag nakuha mo na ang mga kinakailangang materyales, maaari ngmagsimulang magtayo ng isang bakod upang maprotektahan nito ang iyong base at makapaglagay ng malayong distansya mula sa mga mob sa labas. Matapos nito ay maaari mo nang itayo ang iyong base na may simpleng disenyo. Siguraduhing mag-install ng torches upang maiwasan ang mga kaaway mula sa pag-i-spawn.

Pros at Cons ng Craft Skyland World City

Craft Skyland World City - Laro Reviews

Craft Skyland World City – Laro Reviews

Ang gameplay ay maayos sa ngayon, at walang mga bug na natagpuan sa laro. Maaari mo ring laruin ito offline sa iyong mobile phone. Pwede mong laruin ito kahit saan mo gusto. Ngunit iyon lamang ang mga magagandang bagay na makikita mo sa laro dahil ito ay isang clone ng Minecraft Pocket Edition. Kaya lahat ng mga papuri para sa magagandang feature ay nabibilang sa orihinal.

Ang larong ito ay walang originality. Ito ay isang kopya lamang ng larong Minecraft Pocket Edition, at hindi kasama ang lahat ng magagandang features at ang pinakabagong update ng orihinal – ang “1.18.0 Caves & Cliffs Part II”. Ang rip-off na ito ay may lumang version ng MCPE, at ginaya ng Craft Skyland World City ang 0.12.0 update. Kaya, kabilang dito ang anumang nasa loob ng naunang pag-update sa Minecraft Pocket Edition. Ang mga skin sa laro ay hindi magagamit dahil palaging sinasabi nito na walang koneksyon sa internet tuwing susubukan mong bumili ng skin, kahit pa stable ang iyong WiFi. Ang orihinal na laro ay walang ads, ngunit ang larong ito ay may mga advertisement sa bawat minuto. Dahil dito, naglalaho ang kasiyahan sa paglalaro. Ang mga developer ay dapat magdagdag ng higit pang mga feature bukod sa pangnhopyang ginawa sa lumang bersyon ng orihinal.

Konklusyon

Ang Craft Skyland World City ay isang libre at direktang kopya mula sa lumang Minecraft Pocket Edition. Ang laro ay nilikha para lamang kumita ng pera. Ginawa itong libre upang makapaglaro ang mga hindi kayang magpayad para sa access sa orihinal na laro, ngunit palagi namang may mga ad kapag online ka. Inirerekomenda ng Laro Reviews sa mga manlalaro na bumili ng Minecraft Pocket Edition dahil mas legal ito at mas masisiyahan ka sa buong feature ng laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...