Dead Ahead Review

Paano kung biglang magkaroon ng pag-atake ng zombies sa mundo, ano kaya ang gagawin ko? Ang tanong na ito ay minsan nang sumagi sa isip ko dala ng aking malawak na imahinasyon tungkol sa mga zombie. Marahil dahil ito sa nauusong palabas ngayon at mga laro tungkol sa zombie. Bukod sa mga palabas, mayroon na ring mga larong may temang zombie. Kapanapanabik ang bawat tagpo at talagang puno ng aksyon ang mga ganitong laro.

Kung naghahanap ka ng magandang laro tungkol sa karera at may konsepto ng zombie apocalypse, pwede mong subukan ang isang ito. Ito ay nilikha ng Mobirate at opisyal na inilabas noong Agosto 2017, ang Dead Ahead. Sigurado akong magugustuhan mo ang larong ito gaya ng iba.

Ang Dead Ahead ay isang racing at casual game na may single-player mode. Ang konsepto ng larong ito ay mayroon kang mga kalabang zombies. Ikaw ay isang bike racer na nakikipaglaban sa mga zombie na humahabol sa iyo at humahadlang sa iyong mga daraanan. Gamit ang iyong sasakyan, maaari mo silang patayin at takasan hanggang mailigtas ang iyong buhay. Handa ka na bang lumaban sa isang matinding hamon?

Features ng Dead Ahead

Bikes – Ang gagamitin mong sasakyan sa karera laban sa mga zombie ay motorbikes. Marami kang pwedeng pagpilian na iba’t ibang uri ng bikes na magagamit mo sa laro. Kabilang dito ang Prototype XRB, Double Trouble, Scooter, Dirt Bike, Sidecar Bike, Chopper, Quad, Tourer, at iba pa. Maaari mong makuha ang mga item na ito sa pamamagitan ng pangongolekta ng coins sa laro at pagbili nito. Maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera.

Maraming armas – Mayroon ding iba’t ibang uri ng armas ang pwede mong gamitin sa laban. Ang ilan sa mga baril na maaari mong makuha ay ang revolver, 9mm pistol, machine pistol, double barrel, heavy pistol at marami pang iba. Bilhin ang mga item na ito gamit ang mga nakolektang coin sa laro.

Iba’t ibang lugar – Sa Dead Ahead, maaari ka ring mamili kung saang lugar mo nais maglaro. Ang ilan sa mga lugar na pwede mong pagpilian ay ang forest, suburbs, megalopolis, bridge, slums at marami pang iba. Subalit hindi pa nakabukas ang ibang lokasyon dahil kailangan mo munang maglaro at mangolekta ng coins upang mabuksan ang ibang lugar.

Daily Missions – Sa larong Dead Ahead mayroon ka ring misyong dapat isakatuparan habang ikaw ay nakikipagkarera. Isagawa ang iyong layunin sa paglalaro upang makakuha ng bonus points at coins. Maaari ring tumaas ang iyong ranggo kapag nagagawa mo ang iyong tungkulin bilang isang manlalaro.

Saan pwedeng i-download ang Dead Ahead?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Dead Ahead on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.mobirate.deadahead
Download Dead Ahead on iOS https://apps.apple.com/us/app/dead-ahead-zombie-warfare/id1017311881
Download Dead Ahead on PC https://www.ldplayer.net/games/dead-ahead-zombie-warfare-on-pc.html

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Dead Ahead.

Tips at Tricks kung Nais Laruin ang Dead Ahead

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Dead Ahead, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundin lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung paano laruin ang Dead Ahead.

Sa paglalaro ng Dead Ahead, kailangan mong patayin ang mga zombie na makakasalubong mo sa daan gamit ang iyong motorbike. Maaari mo ring barilin ang mga zombie na humahabol sa iyo gamit ang iyong armas na dala. Kailangan mo lang iwasan ang mga balakid na makikita mo sa daan katulad ng mga nakahintong sasakyan, mga nakaharang na signage at iba pang maaari mong mabangga. Ang dapat mo lamang banggain ay ang mga zombie upang makakuha ng puntos. Kunin mo rin ang makikita mong mga kahon sa daan dahil naglalaman ito ng bonus items na magagamit mo sa laro.

Maaari ka ring mag-upgrade ng mga item sa laro katulad ng motorbike at baril na ginagamit mo sa karera. Sa ganitong paraan, mas magiging malakas ang iyong mga sandatang gamit laban sa kaaway. Mas malayo ang lugar na iyong mararating at maraming mga zombie kang mapapatay.

Pwede ka rin bumuo at gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pakikipaglaban na makakatulong sa iyong paglalaro. Sa ganitong paraan, posible kang manalo laban sa mga kaaway. Nakasalalay sa istilo ng iyong paglalaro ang pagkapanalo mo sa bawat laban. Ibigay lahat ng iyong makakaya at talunin ang iyong mga kalaban.

Pros at Cons ng Dead Ahead

Para sa Laro Reviews, nakalalamang ang Dead Ahead sa ibang mga laro dahil sa ganda ng konseptong inilapat sa laro. Ang ideya ng karera laban sa mga zombie ang isa sa nakakapukaw na tema ng laro. Makukuha nito ang atensyon mo kaya naman maraming manlalarong gusto ang larong ito.

Base sa aking karanasan sa paglalaro ng Dead Ahead, nakakaaliw at nakakaadik itong laruin. Madali lang ito matutunang laruin subalit kapanapanabik ang bawat hamong naghihintay sa iyo. Kapag nasubukan mo na itong laruin, mapupukaw nito ang iyong atensyon at ito ang magiging dahilan upang hindi ka na matigil sa paglalaro. Kaya naman kailangang maghinay-hinay at bantayan ang iyong sariling hindi maubos ang iyong oras sa paglalaro ng Dead Ahead.

Dagdag pa rito, maraming magagandang komento ang natanggap ng larong ito sa Google Play Store. Isinaad nilang mahusay ang graphics at nakakaadik ang gameplay ng Dead Ahead. Tinawag rin ito ng ibang manlalaro na isa sa magagandang mobile games na nagustuhan nila at palaging nilalaro. Kaya mataas ang ratings na nakuha ng larong ito kumpara sa ibang racing game. Sigurado akong magugustuhan at maaaliw ka rin sa larong ito gaya ng naranasan ng ibang manlalaro.

Mayroong ding mga problemang nararanasan ang ibang manlalaro katulad ng pag-crash nito ng biglaan. Matagal din daw minsan ang loading server ng laro. Mahirap din daw minsan ang mga misyon na kailangang gawin. Hindi rin daw nila minsan nakukuha ang coins nila kapalit ng panonood ng ads. Gayunpaman, marami pa ring nagrerekomenda ng larong ito dahil hindi maikakaila ang kasiyahang naibibigay nito sa mga manlalaro.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱51 hanggang ₱1,300 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon itong 4.7/5 star rating sa Google Play Store, at may mahigit 82,000 reviews. Umabot na rin sa mahigit 1 milyon downloads ang nakuha ng larong ito. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Dead Ahead!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...