Epic War: Thrones Review

Ang Epic War: Thrones ay isang massively multiplayer online real-time strategy (MMORTS) game na nilikha ng game developer na Archosaur Games. Mapapansin ang pagka-eastern-style nito at ang paggamit ng traditional elements ng isang real-time strategy game na sinamahan ng panibagong features. Nagsimula ang kwento ng laro noong mapunta sa bingit ng pagbagsak ang Han Empire sa loob ng matagal na panahon dahil sa korapsyong nanaig sa mga opisyal at mga kamag-anak ng kanilang mga asawa. Nang namatay ang Emperador ng Luoyang, sunud-sunod na ang kaguluhan at patayang naganap dito. 

Bilang lord ng tatlong kingdoms, tungkulin mong magtayo ng sariling siyudad, manaliksik ng bagong teknolohiya, at palawakin ang teritoryo para lumago ang produksyon. Habang katulong ang mga magigiting na heneral, siguraduhing pagkalooban sila ng pinakamalakas na skills sa labanan. Huwag palalampasin na iyong matunghayan ang kakaibang labanan kasama ang libo-libong mga manlalaro! Narito ang Laro Reviews para magbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa laro. 

Features ng Epic War: Thrones

Massive Epic Battles – Sumabak sa real-time battles kasama ang libo-libong manlalaro! Ang bawat desisyon mo ay mahalaga kaya piliin nang mabuti ang estratehiyang gagamitin. Palakasin ang iyong posisyon at i-boost ang iyong produksyon. Mamuno sa battlefield, tulad ng isang tunay commander!

Epic War: Thrones - Laro Reviews

Epic War: Thrones – Laro Reviews

Summon Generals – May kakayahan kang mag-summon ng kagalang-galang na mga heneral mula sa tatlong kingdoms para sumali sa iyong layunin. Mahigit 100 heneral na nagtataglay ng natatanging kalakasan at abilidad bawat isa ang pwede mong magamit patungo sa tagumpay. 

Alliances or Rangers – Maaaring pumili kung anong nais mo: makipagtulungan kasama ng grupo o magtrabaho ng mag-isa. Kung ang pinili mo ay mapuntua sa grupo, dito papasok ang alliances sa laro. Bilang isang alliance player, may oportunidad kang makipaglaban kasama ang iyong mga kaibigan. Sama-sama niyong talunin ang malalakas na kalaban at magtulungan upang umunlad ang isa’t isa. Kung sa tingin mo ay mas epektibo sa iyo ang pagtatrabaho nang mag-isa, bagay sa iyo ang maging ranger. Bilang tuso at mapanlinlang na ranger, ikaw ang mandarambong sa mundo bilang isang lone wolf. 

Unlimited Strategies – Makakabuo ka ng sari-saring estratehiya mula sa libu-libong generals, apat na uri ng troops na may 28 variants, at anim na iba’t ibang battle formations. Kaya naman hindi ka malilimitahan sa gagamiting estratehiya para manalo sa laban.

Saan pwedeng i-download ang Epic War: Thrones?

Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users, at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay ang Epic War: Thrones sa search bar at hanapin ang laro sa search results. Pindutin ang Get o Install button para mai-download ito. Antayin matapos ang pag-download tsaka buksan ang app. Kumpletuhin ang mga kailangan sa sign-in details. Kapag nagawa mo na ang lahat ng ito, pwede mo na simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Epic War: Thrones on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.archosaur.jp.sgzgc.gp

Download Epic War: Thrones on iOS https://apps.apple.com/ph/app/epic-war-thrones/id1535322102

Download Epic War: Thrones on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/epic-war-thrones-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng Epic War: Thrones, dapat mo munang i-download ang

Bluestacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ay ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong mai-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Epic War: Thrones - Laro Reviews

Epic War: Thrones – Laro Reviews

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang paglalaro ng real-time strategy games ay may pagkakumplikado lalo na kung ikaw ay bago pa lang sa genre na ito. Tampok sa laro ang iba’t ibang estratehiya at taktika na dapat pag-aralang mabuti para tunay na maunawaan. Kaya narito ang Laro Reviews para ibigay ang mga importanteng tips at tricks na dapat malaman sa paglalaro. 

Pagdating sa ganitong genre ng laro, ang pinakaimportanteng pagtuunan ng pansin ay ang economy. Kapag agad na nauubos ito, nasisira lamang ang progreso sa laro na nagiging sanhi para mahuli sila sa kompetisyon. Dahil dito, nagiging angkop na targets sila ng mga beteranong manlalaro para sa farming. Kaya naman dapat ang layunin ay ang pagbuo ng matatag na economy. Siguraduhing maalam at maabilidad ka kung paano mag-ani at gumawa ng resources, pati na rin kung kailan at saan makakakuha kapag naubusan. 

Related Posts:

DomiNations Review

Island War Review

Mahalaga ring magkaroon ng maayos na legions. Kung ikaw ay baguhang manlalaro, ang pagkakaroon ng malakas na legions ang pumoprotekta sa iyo mula sa mga beteranong manlalaro sa kanilang paghahanap ng target na lulusubin. Sapagkat hindi nila gugustuhing mag-aksaya ng maraming resources para sa pag-atake. 

Ang maipapayo ko sa iyo ay palawakin ang teritorya. Sa simula ng laro, mainam na kunin agad ang lahat ng tiles upang ma-boost ang produksyon ng resources at lumago ang area of influence ng kingdom. Magiging sanhi ito para manguna ang iyong kingdom kumpara sa ibang manlalaro. Hindi lang ito, may pribilehiyo ka ring sarilinin ang mga pinakamagagandang tiles sa lugar kaya tira-tira na lang ang mapupunta sa mga mahihinang manlalaro. Habang umuunlad ang kingdom, mas tumataas din ang bilang ng tiles na pwedeng makuha ng isang kingdom hanggang sa maabot ang maximum palace level. Mahigpit ang kompetisyon sa laro kaya ang payo ko sa iyo ay magtayo ng sangay na malayo sa iyong kingdom sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, malaki ang posibilidad na mabakuran ka ng ibang manlalaro. Kapag napuno mo na ang lahat ng slots sa iyong teritoryo at mas naging malakas ka na, mainam na palitan agad ang tiles. Alisin ang level 1 at 2 na tiles at palitan ng mas magandang tiles. Makakatulong ito para ma-boost ang iyong produksyon ng resources. 

Isa pang mahalagang ikonsidera ay ang power dahil ito ang basehan ng iba kung mahusay ang isang manlalaro. Kapag may mataas na power, mapupunta ang pangalan ng manlalaro sa bandang itaas ng server. Kaya malamang ay makita ito bilang banta o benepisyo ng iba. Kadalasang ni-rerecruit ito ng mga nangungunang manlalaro sa kanilang alyansa dahil makakatulong ito para ma-boost ang rankings nila. Gayunpaman, mag-ingat pa rin kung masyadong  nakapokus sa economy ang iyong kingdom kumpara sa military dahil may posibilidad na imbis gawing ka-alyansa, sa halip ay atatakihin ka nila. 

Epic War: Thrones - Laro Reviews

Epic War: Thrones – Laro Reviews

Panatilihing produktibo at okupado ang kingdom. Mainam na palaging may ginagawa ang mga manlalaro sa loob ng siyudad, tulad ng pagtayo o pag-upgrade ng structures. Dapat madalas ding mag-recruit ng mga reserbang idadagdag sa army at isailalim ang commanders sa pagsasanay para mapanatiling nakakakuha ang troops ng experience. Dagdag pa rito, mainam din na maging ang legions ay produktibo rin sa labas ng siyudad tulad ng pagtipon ng resources o pagbili ng bagong tiles. Samakatuwid, kapag napanatili mong aktibo ka sa laro, siguradong bibilis ang iyong progreso at aangat ang iyong ranking.  

Pros at Cons ng Epic War: Thrones

Ang larong ito ay free-to-play (F2P) kaya hindi na kailangan pang magbayad para mai-download ito. Hinahasa nito ang kaisipan ng manlalaro dahil gumagamit ng strategic thinking para malamangan ang kalaban sa laro. May feature ito na Report kung saan pwedeng mai-replay ang iyong naging battles. Sa pamamagitan nito, maaari mong suriin kung ano ang mga dapat mong i-improve at panooring muli ang mga galaw ng kalaban. Dagdag pa rito, hindi maipagkakaila ang napakahusay na graphics nito. Nakadaragdag din ng dating ang background music na tila ba’y ibabalik ka sa ancient China. Mayroon din itong chat system kung saan pwedeng makipag-usap sa iba gamit ang channels World, Capital, Alliance, Chat, Subgroup, at Season. Hindi lang ito, may translation na opsyon din sa chat kaya hindi magiging sagabal ang wika para makipag-usap. Gayundin, maraming wika ang pwedeng pagpilian ng mga manlalaro, tulad ng English, Simplified at Traditional Chinese, Japanese, Korean, Thai, Indonesian, at Vietnamese. 

Medyo mahirap intindihin ang laro lalo na kung walang background ang manlalaro sa MMORTS game. Bukod sa tutorial sa simula at FAQ sa settings, wala nang ibang guide ang laro. Bagaman hindi labis na pay-to-win (P2W) ang laro, asahan na madali kang matatalo kung hindi magbabayad. Gayundin, walang access sa lahat ng parte ng laro bilang F2P na manlalaro. Lalo na kung gusto mong makakuha ng SSR generals para ipunin, matagal na panahon ang kailangan mong i-grind bago mo makuha ang mga ito. Kaugnay rito, mairerekomenda ko sa game developer na maglagay ng events para sa mga F2P na manlalaro para makakuha ng SSR generals. Maganda rin kung i-improve ang graphics tulad ng pagkakaroon ng dagdag na effects sa labanan at gawing mas interactive ang castle, kung saan pwede itong libutin sa loob at hindi lamang larawan. 

Konklusyon

Kung hilig mo ang genre ng laro na MMORTS o kaya naman ay talento mo ang pagbuo ng estratehiya at paggawa ng paraan upang gamitin ng limitadong resources, ang Epic War: Thrones ang para sa iyo. Pag-aralan ng maigi ang mga detalye tungkol sa generals, gameplay, at iba pa nang sa gayon ay makabuo ka ng epektibong estratehiya upang talunin ang mga kalaban at maging isa sa magagaling na manlalaro. Kung nais mong subukan ang laro, i-download na ito sa iyong mobile phone at  gamitin ang tips at tricks sa iyong paglalalaro. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...