FRAG Pro Shooter – Gun Games Review

Ang FRAG Pro Shooter ay isang ‘hero shooter’ sa seryeng Overwatch o Paladins na nagbibigay-daan sa mga user na makipagpaligsahan sa kamangha-manghang 1v1 online duels laban sa iba pang mga manlalaro mula sa buong mundo. Ang bawat manlalaro ay may kakayahang impluwensyahan ang alinman sa kanilang mga karakter, anumang oras nila gustuhin.

Normal ang mga kontrol ng FRAG Pro Shooter para sa isang first-person shooter (FPS) game na gumagamit ng touchscreen – ang motion controller ay nasa kaliwa ng screen at ang action buttons naman ay nasa kanan. Kapag ang iyong hero ay may nakatuktok sa isang target, automatiko ang magiging pagbaril, kaya dapat gamitin ang dalawang action buttons upang kontrolin ang pag-reload at pagpapalabas ng natatanging kakayahan ng bawat hero.

Ang bawat hero ng laro (mahigit tatlumpu lahat-lahat) ay may sari-sariling sandata at magkakaibang kakayahan. Ang ilang mga hero ay gumagamit ng handguns, mabilis na gumagalaw at maaaring lumipad nang ilang segundo, habang ang iba ay mabagal ang galaw at mayroon ding bihasa sa paglulunsad ng mga rocket. Makakahanap ka rin ng mga hero na may long-range crossbow, mga kalasag, mabilis na napapagaling ang sarili, at marami pang iba’t ibang kakayahan.

Maaari mong i-upgrade at palakasin ang iyong mga hero sa pamamagitan ng paggamit ng card system na katulad ng sa Clash Royale. Kapag mas maraming cards na may pare-parehong heroes ang iyong nakolekta, mas maraming life points ang makukuha mo, mas malaking pinsala ang maaari mong magawa, at mas magiging mahusay pa ang iyong karakter sa laro.

Ang FRAG Pro Shooter ay isang napakahusay na online first-person shooter (FPS) game na nagbibigay ng kakaiba at swabeng paglalaro sa touchscreen devices. Ito ay isang nakakaaliw na laro na naging matagumpay sa pagdadala ng genre ng ‘hero shooters’ sa Android.

FRAG Pro Shooter - Gun Games

FRAG Pro Shooter – Gun Games

Sa wakas, heto na ang pinakahihintay ng lahat! Oras na para sa umaatikabong gunplay! Subukan mo na ang FRAG Pro Shooter, ang pinakamaaksyon sa lahat ng shooting games mula sa Oh BiBi!

Sa kamangha-manghang FPS na larong ito na ipinasadya para sa mobile devices, maaari kang makisali sa salpukan ng 1v1 duels laban sa mga players mula sa buong mundo. Huwag mag-alala kung gusto mo ng mga social shooting game; mayroon ding 2v2 online na opsyon para makapaglaro bilang team.

  • Download FRAG Pro Shooter – Gun Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ohbibi.fps&hl=en&gl=US
  • Download FRAG Pro Shooter – Gun Games on iOS https://apps.apple.com/us/app/frag-pro-shooter/id1314391359
  • Download FRAG Pro Shooter – Gun Games on PC https://www.fragthegame.com/

Karaniwang obserbasyon sa FRAG Pro Shooter – Gun Games

Hindi karaniwan para sa players ng shooting games na maging komportable kapag naglalaro gamit ang mobile device. Maraming magagaling na blaster sa App Store, ngunit iilan lamang ang mga ito. At ngayon ay may isa pang idadagdag sa listahan: ang Frag Pro Shooter.

Isa itong team-based multiplayer battle na may ilang di-pangkaraniwang sorpresa. Walang kagaspangan o bangis sa disenyo ng laro. Gayunpaman, naghahari ang mga pangunahing kulay tulad ng asul na kalangitan at berdeng damo na tumutukoy sa hangganan ng mga lugar ng pagpatay.

Mayroong mga pahiwatig ng Overwatch at Quake Arena rito, pati na rin ang pagkakatulad sa Clash Royale at iba pang mobile principles at tenets. At lahat ng ito ay pinagsama-sama na lalong nagpalutang sa pagiging kakaiba ng laro.

FRAG Pro Shooter - Gun Games

FRAG Pro Shooter – Gun Games

Paano laruin FRAG Pro Shooter – Gun Games

Ang bawat squad ay may limang miyembro, ngunit maaari mo lamang kontrolin ang isa sa kanila. Kinokontrol ng AI ang iba pang mga character mo. Kapag namatay ka, hihintayin mong makabalik muli ang iyong karakter sa laro. Importanteng malaman kung ano ang lakas ng bawat shooter na na-unlock mo dahil kritikal ito sa iyong tagumpay.

Ang mga kontrol sa larong ito ay sinadyang maging basic hangga’t maaari. May “stick” para sa paggalaw, habang may isa ring kumokontrol sa rifle. Kapag nakita mo ang reticle o target indicator na tumapat sa kalaban, magsimula ka nang magpaputok. Ang bawat karakter ay mayroon ding sariling cool-down special move na maaaring i-activate sa pamamagitan ng isang pindot lang ng button.

Pros para sa FRAG Pro Shooter – Gun Games

Ito ay isang kakaiba at nakakaenganyong laro.

Ang ilang mga character ay mga maton, matitikas, at may malalakas na mga armas. Iyon nga lang, minsan ay nangangailangan ng ilang saglit bago makapag-reload. Ang iba sa kanila ay mas mahusay bumaril mula sa malayong distansya, habang ang ilan ay gumaganap na support sa pangkat. Dapat panatilihin ang mga ito sa isang squad kung gusto mong maging epektibo at manalo sa laro.

Ang kakayahan ng iyong mga karakter ay nakasalalay sa isang deck ng mga baraha. Kapag nakakuha ka ng isang card, magkakapag-unlock ka ng isang unit. Kung makakakuha ka ng higit pa, mapapagana at magagamit mo na ito. Ang pagkakaroon ng isang mahusay at balanseng team of heroes ay mahalaga para sa tagumpay. Mabuti na lang at malinaw na ipinapakita kung ano ang kayang gawin ng bawat karakter kaya maaari mong pagpalit-palitin ang mga ito nang may kumpiyansa na hindi ka basta-basta magagapi kung sakaling mang may biglang sumalakay na kalaban.

Related Posts:

MARVEL Strike Force: Squad RPG Review

Dragon City Mobile Review

Ang patuloy na paglalaro bilang kasapi ng iba’t ibang units ay nagpapanatili na maging kawili-wili ang laro at tinitiyak nitong mapalawak ang iyong karanasan sa gameplay. Naka-set up ang lahat para makita at maranasan mo agad ang mga “pasabog” ng laro mula sa umpisa.

Ito ay tiyak na puno ng aksyon.

Mabilis at walang putol ang daloy ng laro at ramdam mo talaga ang aksyon sa kapaligiran. Habang nasa laro, tila lahat ng bagay ay makabuluhan. Kapag minalas, maglalaho kang bigla at mabubuhay muli bilang panibagong bagong karakter. Pero kapag nasanay na, mararamdaman mong dumadali ang lahat: kapag sumusugod sa kaaway, parang wala na lang sa iyo ang pag-aabang at pagtira ng mabilis habang iniisa-isang itumba ang mga ito.

FRAG Pro Shooter - Gun Games

FRAG Pro Shooter – Gun Games

Cons sa paglalaro

Mga Isyu sa pagla-lag

Ang laro ay may mga seryosong isyu sa latency at minsan ay napakaimposible na ng mga ginagawang tira ng kalabang AI – magagawa naman kung tutuusin, napakahirap nga lang at medyo malayo sa katotohanan. Maganda sana ang laro kung hindi lang ito buggy at pumapalpak paminsan-minsan. May mga pagkakataon na delay ang mga galaw sa laro kaya mapipilitan kang i-restart na lamang ito. Mayroong ding mga umaaligid na bugs na ang pakay ay sipain ka palabas ng laro.

Maraming patalastas at video ads na nakakainis.

Kapag natalo ka sa isang laro at nakatanggap kaagad ng ad pagkatapos, medyo nakakainis dahil kailangan mong tiyagaing manood ng maraming patalastas upang makaipon ng rewards at makapagpatuloy sa laro. Nakakawala rin ito ng momentum lalo’t hindi ka na makapaghintay para sa susunod na yugto ng laro. Sa sobrang haba ng ilang ads, mas pipiliin mo na lang minsan na iwan na ang laro. 

Ang FRAG Pro Shooter – Gun Games ay isang nakakatuwang laro, ngunit kung gusto mong makapaglaro ng libre, maghanda ng mahabang pasensya sa panood ng mga patalastas na minsan ay halos kasing tagal o mas matagal pa ang ginugugol na oras kaysa sa aktwal na paglalaro. Kaya kung gusto mong manalo, pag-aralan muna ang kabuuan ng laro, bago magdesisyong gumastos ng pera.

Itinatampok ng FRAG Pro Shooter ang lahat ng maaaring gustuhin ng isang shooter: FPS (first-person shooter) at TPS (third-person shooter) mode, auto shoot, at lahat ng control ay naka-configure upang matugunan ang iyong istilo ng paglalaro! Marami pang matutuklasan sa FRAG Pro Shooter game, kaya ano pang hinihintay mo? Sumali ka na!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...