
Ang Free Coloring Games na aming babanggitin sa artikulong ito ay ang mga larong may kinalaman sa sining. Ang lahat ng ito ay libre lamang laruin at madali lang din ang mekaniks. Ito ay angkop sa lahat ng edad, lalo na sa mga bata na sobrang aliw na aliw sa makukulay na bagay. Isang magandang bagay na ang mga ganitong klase ng laro ay dinala na sa mga electronic device kaya naman mas mapapadali ang paglalaro nito. Sigurado kaming hindi ka lamang malilibang sa paglalaro nito kundi nahahasa din nito ang iyong imahinasyon. Maaari mo rin itong maging basehan pagdating sa sining kaya nakakabuti ito sa ating mga isip. Kaya kung gusto mo ng simulan ang iyong makulay na paglalakbay, patuloy lamang sa pagbabasa at samahan ang Laro Reviews sa pagdiskubre ng mga larong ito.
Paano Laruin ang Free Coloring Games
Ang mga larong ito ay halos magkakaparehas lang din ang mekaniks ngunit susubukan pa rin namin na maipaliwanag ang mga feature na nilalaman nito. Kung alin ba ang may mga kumplikadong larawan na susubok sa iyong kakayahan at kung alin naman ang angkop para sa mga baguhan o mga bata.
Sa katunayan lahat naman ito ay madali dahil ang kailangan mo lang gawin ay piliin ang angkop na kulay para sa mga bahagi o seksyon ng larawan. Nagiging kumplikado lamang ito kapag maraming detalye ang larawan. Kaya heto na ang apat na app na maaari mong laruin:
- Tap Color Pro: Color By Number
Pagbukas mo pa lamang ng app ay bubungad na sa iyo ang pangunahing features nito. Makikita mo agad ang iba’t ibang larawan na maaari mong pagpraktisan at kulayan. Sa taas nito ay makikita mo ang mga seksyon o tab kung saan maaari kang pumili kung hayop, bulaklak, lugar, at iba pang larawan ang gusto mong kulayan. Ang bawat bahagi o seksyon ng larawan na iyong napili ay mayroong mga numero at yun ang susundin mo kung paano mo ito kukulayan. Sa ibaba nito ay ang mga kulay na may numero. I-scroll mo lamang ito pakaliwa o pakanan para makapili ka ng kulay. Kapag tapos ka na ay maaari mong i-save ang larawan at makikita mo ito sa progress mo.
- Happy Color® – Color by Number
Ang larong ito ay hawig lang din sa Tap Color Pro: Color By Number. Nakabase rin ang kulay na pipiliin mo sa numero ng nasa larawan. Marami ka ring mapagpipilian na larawan tulad ng mga hayop, cartoon character, kalikasan, at marami pang iba. Isa rin sa kinagandahan nito ay maaari mong ma-save ang larawan na iyong natapos. May pagkakumplikado rin ang mga detalye ng mga larawan dito kagaya sa Tap Color Pro ngunit mas masusubok naman nito ang iyong kakahayan at hindi ka mabilis mauumay.
- Pixel Art – color by number
Ang larong ito ay parehas lang din ang mekaniks sa mga nabanggit sa itaas. Ngunit mayroon itong pagkakaiba. Ang mga larawan dito ay pixelated na kung saan kapag sinubukan mong i-zoom in ang larawan ay mga naka-box ang bawat seksyon nito. May kahirapan din ito dahil maliliit ang mga box. Maaari mo rin i-save ang iyong larawan kapag tapos mo na itong laruin. Magandang feature ito ng mga larong kagaya nito para nakikita mo ang progress sa iyong paglalaro.
- Coloring Games: Coloring Book, Painting, Glow Draw
Sa tatlong nabanggit sa itaas ito ang pinakamadali at pinaka-angkop para sa mga bata. Maganda itong bilang starter coloring game para sa mga bata. Sobrang dali ng mekaniks at isa pa hindi ito nakabase sa numero. Sa madaling sabi, malaya kang pumili ng kulay na gusto mong gamitin. Ang mga larawan ay hindi kumplikado at lahat ay nakabase sa preferences ng mga bata. Sa gilid ng larawan ay makikita mo ang mga pangkulay, maaaring ito ay krayola, paint brush, o may mga pattern na kulay o disenyo. Maaari mo rin i-save ang larawan pagkatapos mo itong makulayan.
Tips sa Paglalaro ng Free Coloring Games
Ito ay kaunting tips lamang kung sakaling ikaw ay nahihirapan sa paglalaro nito o kung gusto mong mas mapadali ang iyong pagkukulay. Sa totoo lang hindi naman mahirap ang Free Coloring Games, minsan ay nakakabagot lang dahil sa pauli-ulit na aksyon na ginagawa mo. Kaya narito ang ilang mga tips na aming inihanda para sa mga manlalaro:
- Para sa mga Free Coloring Games na nakabase sa numero at kumplikado ang detalye, gawin ang zoom in at zoom out para makita ang maliliit na numero.
- Pumili kung anong klaseng paraan ng pagkukulay ka mas kumportable. Pwede mong unahin ang ibaba, kaliwa, kanan, gitna, o itaas na parte ng larawan para mas makita mo kung anong portion na ang iyong natapos. Mas malinis itong tingnan.
- Mag-umpisa sa madaling larawan muna bago sa kumplikado.
- Kung ikaw ay nababagot, mainam na magpahinga ng kaunti at muling manumbalik kapag bumalik na ang iyong sigla.
- Mag-enjoy lamang sa paglalaro.
Pros at Cons sa Paglalaro
Sa seksyon na ito ay tatalakayin naman natin ang pros at cons ng mga larong ito. Sa totoo lang ay wala kaming makitang cons sa paglalaro ng mga ganitong klase ng laro dahil lahat ng ito ay educational app. Ito ay angkop sa kahit na anong edad at available din ito sa mga device. Ang pagiging kumplikado ng mga detalye ng mga larawan ay hindi rin namin masasabing cons dahil bahagi ito ng iyong progress. Sa mga ganitong klase ng laro, hindi sapat na dapat laging madali lamang para masabing maganda ang isang application.
Natutuwa kami sa iba’t ibang larawan at siguradong hinding-hindi ka madidismaya sa paglalaro ng mga ito. Siguradong maglilibang ka sa pagkukulay. Maaari mo rin i-save ang mga natapos mo ng kulayan para makita ang iyong progress. Sa kabuuan, lahat ng ito ay inererekomenda namin na subukan mo kung ikaw ay naghahanap ng app na may kaugnayan sa sining.
Konklusyon
Ang lahat ng Free Coloring Games na aming nabanggit ay magaganda at nakakaaliw laruin. Ito ay lahat may kaugnayan sa sining na maaari mong pagpraktisan saan o kailan mo man gusto dahil ngayon ay available na ito sa App Store. Walang mawawala sa iyo kung susubukan mo ang mga ito. Sigurado kami na malilibang ka.
Kung ikaw ay naghahanap ng laro ng may kaugnayan sa casino games, inererekomenda namin na subukan mo ang Big Win Club. Isa itong magandang game center para sa mga Pilipinong mahilig magsugal. Ito ay idinesenyo upang bigyan ka ng mapaglilibangan at maaari ka rin manalo ng totoong pera dahil isa itong real money online game. Naglalaman din ito ng iba’t ibang casino games kaya hinding-hindi ka mababagot sa paglalaro nito.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 15, 2022