Fruit Hero Review

Naghahanap ka ba ng larong puzzle na nakakaaliw at mapanghamon? Malamang ito na ang hinahanap mo. Pasukin ang mundo ng fruit puzzle game na may balanseng gameplay at napaka-cute na graphics. Kilalanin itong laro dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang Fruit Hero ay isang offline na larong ginawa ng TouchRun. Upang laruin ito, i-connect lang ang tatlo o higit pang mga prutas upang sirain ang mga ito! Kung maikokonekta mo ang higit sa 7 prutas, iikot ang mga blade ng blender at lilikha ito ng napakaraming juice para makatulong na i-clear ang mga prutas na nasa loob ng area ng blade. Mukhang kumplikado ang gameplay nito kung babasahin mo ngunit napakasimple lang nito at madaling intindihin. Ngayon, talakayin naman natin ang mga pangunahing tampok nitong laro.

Gameplay – Mayroon itong unlimited na energy bar. Ibig sabihin, pwede mo itong laruin nang walang tigil. Mayroon din itong mahigit 1000 na stage at level na may iba’t-ibang difficulty at task. Halimbawa ng task ay kailangan mong basagin ang mga glass block upang maipasa ang stage. Mayroong limit ang bilang ng iyong galaw at kapag naubos ito, maaari kang manood ng ads upang madagdagan ang iyong “moves” o pwede mo rin itong bilhin gamit ang gold coins. May mga power ups ang larong ito na maaaring makatulong sa iyo tulad ng hammer na kapag ginamit ay maaari mong tanggalin ang isang prutas kahit saan. Ang bomb naman ay pasasabugin ang box na may sukat na 3×3. Ang shuffle ay maaaring gamitin kapag gusto mong baguhin ang arrangement ng mga prutas.

Dessert Shop – Ito ay ang mini game ng laro. Upang laruin ito, kailangan mo lang gawin o lutuin ang mga request ng iyong customers. Kapag natapos mo ang isang batch ng order, makakatanggap ka ng reward na gold coins at power ups.

Paano I-download ang Fruit Hero?

Hindi mo na kailangan gumawa ng login account upang makapagsimulang maglaro nito ngunit maaari mong i-bind ang iyong Facebook account. Walang reward ang pag-bind ng account at kapag ginawa mo ito, hindi mawawala ang iyong saved data. Upang i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store app at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang Install. Sa kasalukuyan ay wala pa itong iOS version ngunit maaari mo naman itong laruin sa PC. Upang i-download ito sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at hanapin itong laro pagkatapos ay i-click ang Download. Para sa mabilis na pag-access, i-click ang mga link sa ibaba.

Download Fruit Hero on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.taprun.fruitheroline

Download Fruit Hero on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.taprun.fruitheroline

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Madaling maintindihan ang larong ito at mas madaling maipasa ang mga stage nitong laro lalo na kung ikaw ay bihasa sa pag-analyse ng logic at pattern. Ngunit kung hindi ka naman bihasa sa logic ay huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews upang maipasa mo itong laro. Tandaan na limitado lamang ang galaw na maaari mong gawin kaya dapat lahat ng iyong galaw ay nakatuon upang maipasa o matapos ang task ng laro. Halimbawa, kung ang task ay basagin ang mga glass box, dapat i-prioritize mo ang mga prutas na nasa loob ng glass box. Napakadaling malito dito sa laro. Halimbawa nito ay minsan may makikita kang mga prutas na magkakapareho ngunit hindi ito kasama sa task. Sa ganitong sitwasyon, madalas ay inaaksaya ng isang manlalaro ang kanyang “moves” dito at sa katagalan hindi na niya napapansin na nauubos na pala ang kanyang “moves” kaya maging mapanuri bago gumawa ng anumang hakbang.

Gamitin lamang ang power ups kung talagang kinakailangan na dahil kahit na maubos ang iyong “moves”, maaari mo itong dagdagan sa pamamagitan ng panonood ng ads o pagbili nito gamit ang gold. Kung malapit nang maubos ang extra moves na iyong nabili at hindi mo pa natatapos ang task, maaari ka nang gumamit ng power ups. Samakatuwid, dapat ka lamang gumamit ng power ups kung tiyak na ang iyong panalo upang hindi ito masayang.

Kalamangan at Kahinaan

Para sa mga manlalarong naghahanap ng nakakaaliw at mapanghamon na laro, tiyak na para sa iyo ito. Pagdating sa gameplay nito ay hindi ka mabibitin dahil ang bawat stage ay may iba’t-ibang hamon at kung minsan, mayroong mga stage na may pinaghalong task. Ang graphics ay napaka-cute. Napakaganda ng color scheme ng design na talagang nagbibigay ng bubbly na vibe kaya perpekto ito sa mga manlalarong mahilig sa makukulay na backdrops. Para sa akin, kahit papaano ay may matututunan ka sa larong ito tulad ng logic. Ang gameplay ay nakatuon sa pagpapaunlad ng iyong logic. Bukod sa isa itong puzzle game, kailangan mong palawakin ang iyong logic skills upang makagawa ng mahabang link upang manalo sa laro. Hindi malaki ang file size nito at maaari mo itong i-download kahit gamit lamang ang mobile data kaya kahit ang mga phone na may mababang spec ay kaya itong paandarin. Offline ang larong ito kaya kahit saan ay pwede itong laruin – kahit walang internet connection.

Tulad ng ibang laro, hindi rin ito perpekto at mayroon din itong mga kapintasan ngunit hindi ito nakakaapekto sa laro dahil madali lang itong iresolba. Isang katangian nito na hindi ko nagustuhan ay ang mga lag at bugs nito. Kapag umabot ka na sa mga matataas na level, minsan hindi lumalabas ang reward at nagpi-freeze ang screen. Dahil dito, kailangan mong ulitin ang level. Ang mga lag at bug tulad nito ay madaling maresolba sa pamamagitan ng pag-delete ng mga cache ng laro. Kung matapos mong i-clear ang cache nito at may lags at bugs pa rin, maaari mong i-uninstall at i-install muli ang laro ngunit bago mo gawin ito, tiyakin na naka-bind ang iyong Facebook account sa laro upang hindi mawala ang iyong saved data.

Konklusyon

Sa kabuuan, itong laro ay nakatanggap ng star rating na 4.0 sa Google Play Store. Walang duda kung bakit mataas ang star rating nito dahil talagang hinahamon ng laro ang iyong logic skills dahil sa mapanghamon at mapanlinlang nitong gameplay. Pinapalawig nito ang iyong critical thinking skill sa masaya at nakakaaliw na paraan. Kaya kung naghahanap ka ng larong may magandang gameplay, i-download na ang Fruit Hero ngayon!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...