Happy Clinic Review

Inihahandog sa iyo ng Laro Reviews ang larong Happy Clinic, kung saan tutulungan at susuportahan mo ang mga eksperto sa medikal sa pagbibigay ng gamot at therapy sa mga pasyente. Magdala ng mga gamot at instrumento, isailalim ang mga pasyente sa therapy o diagnostic, magsagawa ng pananaliksik sa laboratoryo, at subukan ang iba pang kamangha-manghang mga gawain. Bilang isang nurse assistant, gagawin mo ang ganitong uri ng trabaho sa ospital. Magkaroon ng mahusay na karanasan sa paggamot ng mga pasyente at ikaw ay bibigyan ng mga reward at bonus na maaari mong gamitin sa pag-upgrade ng staff at iba’t ibang uri ng kagamitan sa ospital.

Ano ang Layunin ng Laro?

Maraming mga misyon at achievements ang maaari mong kumpletuhin at tapusin dito. Mayroong ilang mga aktibidad na dapat gawin at ang mga ito ang dapat mong pagtuunan ng pansin upang makakuha ng mga reward. Kapag nakumpleto mo na ang bawat level, gagantimpalaan ka ng coins, gems, keys, at stars. Maaaring gamitin ang mga reward para sa pag-upgrade ng staff at mga kagamitan sa ospital. Ang pagbuo ng staff nito ay magbibigay sayo ng kalamangan sa bawat level ng laro at mga misyon nito. Higit pa rito, ang bawat level ay maglalaan sa iyo ng layunin na dapat mong magawa sa loob ng oras na ibibigay lamang sa iyo at dapat mong matugunan ang mga kundisyon. Kaya, sa sandaling matapos at makumpleto mo ang mga gawain ay magagawa mong ma-access ang karagdagang features ng laro.

Happy Clinic - Laro Reviews

Happy Clinic – Laro Reviews

Paano ito Laruin?

Ang Happy Clinic ay isang basic at hindi kumplikadong laro. Matututunan mo ang mga bagay-bagay tungkol sa larangang medikal ngunit dadaan ka pa rin sa isang tutorial kung ano ang mga bagay na maaari mong madiskubre dito. Bilang isang assistant nurse, tutulungan mo ang mga doktor sa paggamot ng mga sakit at karamdaman ng mga pasyente. Tutulungan mo sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga instrumento, pagdadala ng mga pasyente sa therapy at diagnostic, pagbibigay ng mga gamot at iba pang mga supply, pagsasagawa ng mga pananaliksik sa laboratoryo, at paggawa ng iba’t ibang pangunahing aktibidad.

Maraming mga pasyente ang pupunta sa iyong ospital. Dapat mong i-set up ang hospital bed, ipatawag ang doktor, at hintayin ang doktor na magbigay sa iyo ng mga tagubilin kung ano ang kailangang gawin sa mga pasyente. Maaaring ipadala mo ang pasyente sa isang laboratoryo o magbigay ng mga gamot at instrumento para gamutin sila. Doon, maaari kang maghawak ng maraming bagay nang sabay-sabay na mas magpapadali ng iyong mga gawain. Mayroong “green bar” sa gilid ng hospital bed na nagpapakita kung malapit nang matapos ang pasyente o lalabas na sa ospital. Kapag tapos na sila, maaari mong ihanda ang kama para sa susunod na pasyente. Magsisimula ka sa ilang uri lang ng kagamitan at dalawang kama. Dahil may mga pasyenteng naghihintay na ma-admit sa ospital, kailangan mong kumilos nang mabilis at mag-multitask.

May “patience bar” sa ibabaw ng ulo ng bawat pasyente kung saan makikita mo ang kanilang pasensya. Iyon ang dahilan kung bakit ang laro ay nangangailangan ng multitasking. Ngunit huwag mag-alala, dahil may mga upgrade na makakatulong sa iyo sa pagpapadali ng mga bagay doon upang maaari kang magtrabaho nang walang kahirap-hirap. Para sa upgrades, kakailanganin mo ng coins, gems, keys, at stars na maaari mong makuha sa pamamagitan ng pagkumpleto ng achievements, mga misyon, at pagtupad sa mga kinakailangang kundisyon ng bawat level.

Happy Clinic - Laro Reviews

Happy Clinic – Laro Reviews

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Happy Clinic sa Android devices ay dapat Android 5.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 135 MB at 197.3 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Happy Clinic on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nordcurrent.happyclinicf2p

Download Happy Clinic on iOS https://apps.apple.com/lt/app/happy-clinic/id1526098139

Download Happy Clinic on PC https://www.techwikies.com/apps-for-pc/happy-clinic-for-pc-windows-10-8-7/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Happy Clinic

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Happy Clinic at pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Happy Clinic!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Happy Clinic

Nahihirapan ka ba sa pagkumpleto ng mga antas sa larong Happy Clinic? Ang Laro Reviews ay narito para tulungan ka! Magbibigay kami ng ilang tips na maaaring mong magamit. Makikita mo sa laro ang “patience bar” ng bawat pasyente habang naghihintay silang ma-admit sa ospital. Bilang isang assistant nurse, magiging responsable ka para sa maraming gawain bawat oras. Maaari mong i-upgrade ang kanilang pasensya pati na rin ang mga kagamitan sa laboratoryo upang gawing mas madali ang mga bagay at hindi gaanong nakaka-stress para sa iyo. Maging ang staff o mga doktor ay maaari mo ring i-upgrade para mas mabilis silang kumilos o magsagawa ng check up sa mga pasyente. Maaari mo rin bilhin ang kusang pagsasaayos ng mga hospital bed para makabawas sa iyong gawain at makatuon ka lamang sa paggamot at pagbigay ng mga na kailangan ng mga doktor o pasyente. 

Related Posts:

Starry Love Review

GUNDAM BREAKER: MOBILE Review

Happy Clinic - Laro Reviews

Happy Clinic – Laro Reviews

Pros at Cons sa Paglalaro ng larong Happy Clinic

Ang Happy Clinic ay isang nakakamanghang laro. Napakasimple ng mekaniks na kahit ang mga baguhang manlalaro ay makakasabay sa takbo ng laro. Magagawa mong matuto at magsanay ng mga medikal na gawain sa laro. Makakakuha ka ng karanasan bilang isang assistant nurse na tumutulong sa mga doktor sa pagbibigay ng medikal na pangangalaga sa mga pasyente. Ang lahat dito ay umiikot lamang sa mga gawain na tungkol sa ospital. Magbibigay ka ng mga gamot at tool, magdadala ng mga pasyente sa therapy o diagnostic, magsasagawa ng pagsasaliksik sa laboratoryo, at makikibahagi sa iba’t ibang mga kapanapanabik na misyon. Mayroong ilang mga mapagkukunan ng mga reward na maaaring makatulong sa iyo sa pag-upgrade ng iyong income, staff, pasensya ng mga pasyente, at equipment sa ospital. Dapat kang makakuha ng coins, gems, keys, at stars na kakailanganin sa pag-upgrade.

Ang visual graphics at music effects ay maganda at maayos na nailapat sa laro. Ang kapaligiran ng laro ay partikular na ginawa para sa mga bata at komportable sa paningin. Ang mga batang manlalaro ay higit na matutuwa sa kung paano ginawang madali ang mga kontol at mekaniks nito. Ito ay isang napakahusay na time-killer app para sa mga matatanda at angkop para sa lahat ng edad. Maaari itong laruin sa mga Android, iOS, at PC. Nagtatampok din ito ng mga in-app purchases kung saan maaari kang gumastos ng totoong pera sa online para bumili ng coins, gems, at boosters para magkaroon ka ng lamang sa paglalaro. Bagama’t naghahatid ito ng kahanga-hangang entertainment value para sa mga manlalaro, habang umuusad ka ay unti-unting nagiging mahirap ang laro na pumipilit sa iyong bumili at maglaan ng pera sa in-app purchases para lamang maka-angat ka sa level. Magiging mahirap ito para sa mga free-to-play na manlalaro. Mayroon ding puso na nagsisilbing buhay mo sa laro, na nagre-recharge ng napakabagal na ito naman ay ikinaiinip ng maraming manlalaro.

Konklusyon

Karamihan sa mga manlalaro ay humanga sa larong Happy Clinic, ngunit habang umuusad ka sa mga level ay lalong nagiging mahirap itong kumpletuhin at tapusin. Sa huli, pipilitin ka nitong gumamit ng in-app purchases na ito naman ay ikinakainis ng maraming manlalaro. Sa pangkalahatan, ang kasiyahang ibinibigay nito sa mga manlalaro ay napakahusay. Mayroong ilang upgrades at features ang laro na maaari mong matuklasan. Kaya subukan mo na ang paglalaro nito at diskubrehin ang mundo ng medikal habang naaaliw sa mga magagandang features na hatid ng larong ito.

Laro Reviews

Comments
  1. Mikel Kirnon

    Good day! I just wish to give you a huge thumbs up for your excellent information you have got here on this post. I will be coming back to your site for more soon.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...