Hero Cantare with WEBTOON™ Review

Meta desc: Hero Cantare with WEBTOON™ Review – Magsasama-sama ang mga tauhang mula sa Webtoon upang depensahan ang Tristan Cube. Subaybayan sila sa RPG na ito.

Hero Cantare with WEBTOON™ Review

Ang Webtoon ay isang online publisher ng digital comics na nagmula sa South Korea. Hindi tulad ng manga, ang mga ito ay ginawa para basahin sa mga mobile phone at computer. Ang mga ito ay may kulay din at may tuluy-tuloy na mga frame para sa pag-scroll. Naging tanyag sila sa buong mundo at umabot pa sa mga Pinoy fans. Ang Hero Cantare with WEBTOON™ ay isang Idle RPG na ginawa ng NGELGAMES na nagtatampok ng mga character mula sa Webtoon. Magiging kasing ganda ba ito ng ibang mga laro? Alamin dito.

Ang Tristan Cube ay ang pinakamakapangyarihang bagay sa Tetra, at iyon ang dahilan kung bakit ito ay target ng maraming mga tiwaling tao para sa kanilang mga masasamang gawain. Para protektahan ito, ipinatawag ng StarLight Hero Corps ang mga hero mula sa Tower of God, Hardcore Leveling Warrior, at God of High School. Sila ang mga character mula sa isang Webtoon, at hindi sila makabalik dahil tumawid sila sa Gate of Dimension. Ngayon, kailangan mong labanan ang iyong mga kaaway sa pamamagitan ng paglikha ng isang strategy. Tulungan silang ilantad ang masamang kontrabida na nagdudulot ng mga anomalya sa kanilang mundo.

Magkakaroon ito ng auto-battle combat dahil isa itong Idle RPG, ngunit maaari mong pamahalaan ang kanilang pag-atake dahil sa kanilang kakaibang mechanics. Hindi na kailangang mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews kung paano laruin ang laro. Sa loob ng labanan, makikita mo ang walong profile ng mga character sa isang rhombus frame. Ang mga ito ay tinatawag na mga chain, at maaari mong pagsamahin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-drag sa mga ito sa parehong unit. Maaari mong pagsamahin ang tatlong chain upang magamit ang kanilang iba’t ibang mga skill. Ang isang chain ay gagamit ng skill 1, dalawang chain ang gagamit ng skill 2, at tatlong chain ang gagamit ng skill 3. I-click ang mga chain na gusto mong i-deploy sa labanan. Kapag gusto mo nang magsimula, i-click ang Ready.

Features ng Hero Cantare with WEBTOON™ 

Story Mode – Ang mode kung saan maaari mong laruin ang adventure gamit ang mga hero habang nilalabanan nila ang kanilang mga kaaway sa bawat yugto. Mahahanap mo rin ang mga AFK reward na nagbibigay ng mga resource gaya ng mga EXP at coin. Sa ngayon, mayroon na itong Season 0 Legend of Tetra, Season 1 Tower of God, at Season 1.5 Glitched World.

World – Nababagot ka ba sa Story Mode? Kung gayon ay ang feature na ito ang mag-aalok ng higit pang mga mode.

  • Dimension Gap – Ang mode kung saan kailangan mong harapin ang mga wave ng mga halimaw bawat araw. Ang kahirapan ay ibabatay sa iyong antas. Maaari kang makakuha ng mas mahahalagang reward habang lumalaban ka sa mas challenging na laban.
  • Dimension Crack – May kaparehong gameplay gaya ng Dimension Gap, kung saan kailangan mong labanan ang mga wave ng mga halimaw. Ang pagkakaiba ay mayroon itong limang seksyon, at maaari mong kumpletuhin ang hanggang tatlong attempt. Ang limang seksyong ito ay Hero Crack, Chaos Crack, Fire Crack, Nature Crack, at Ice Crack.
  • Hero Dungeon – Isang dungeon na nangangailangan ng partikular na karakter at mga required level upang laruin ito.
  • Wave Raid – Nangangailangan ng mas mataas na level ng mga hero dahil makakaharap nila ang mga makapangyarihang boss gaya ni Zeus. Sa mode na ito, lalabanan nila ang mga wave ng pinalakas na mga kaaway.
  • Advent Boss – Ito ay nagpapahintulot sa iyo na mag-grind ng mga artifact sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga boss.
  • Trial Tower – Ang tower dungeon kung saan kailangan mong i-clear ang bawat floor, at makakatanggap ka ng mga reward kapag nakumpleto mo ang mga ito.

Arena – Ipagmalaki ang iyong mga kakayahan at labanan ang iba pang mga manlalaro gamit ang iyong pinakamalakas na hero. Mapapataas mo ang iyong rank habang nakakuha ka ng mga point, at makakatanggap ka ng mga reward kapag natapos ang season.

Hero – Ang mga unit na ginagamit mo para labanan ang mga kalaban. Maaari silang i-classify ayon sa mga Rank, Type, at Attribute. 

Saan pwedeng i-download ang Hero Cantare with WEBTOON™?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang Hero Cantare with WEBTOON™ sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download ito.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Hero Cantare with WEBTOON™ on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ngelgames.herocantare

Download Hero Cantare with WEBTOON™ on iOS https://apps.apple.com/us/app/hero-cantare-with-webtoon/id1449145099

Download Hero Cantare with WEBTOON™ on PC https://www.ldplayer.net/blog/hero-cantare-with-webtoon-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang LDPlayer emulator mula sa kanilang https://www.ldplayer.net. Kompletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Maaaring madali ang laro, ngunit makakatagpo ka ng malalakas na kaaway na tatalunin ang lahat ng iyong team. Kaya gamitin ang mga tip na ito upang maiwasan ang ganitong sitwasyon.

Unahin ang mga SS hero.

Tulad ng sa iba pang mga RPG, ang mga mas matataas na tier ng unit ay may mas mataas na base stats. Hindi mahirap makuha ang mga ito, kaya gamitin ang iyong mga EXP at coin para i-level up ang mga SS hero.

Huwag gumamit ng auto-battle sa ilang stage.

Ang tatlong chain ay hindi parating nangangahulugang malakas na skill. Magiging iba’t ibang attack ang mga ito, kaya hindi mo sila kailangang i-link palagi. Sa ilang stage, mas mabuting kontrolin ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga move. Makakatulong ito sa iyong samantalahin ang mga buff at debuff kapag nakikipaglaban.

Balanced Comp.

Maraming manlalarong hindi balance ang team dahil lahat ng kanilang mga hero ay mga DPS attacker. Maaaring mayroon silang malakas na team, ngunit hindi sila magtatagal sa labanan. Gumamit ng mga Tank hero sa unahan, para makuha nila ang lahat ng pinsala. Para mapanatili ang iyong team, gamitin ang mga Support hero para pagalingin sila.

Pros at Cons ng Hero Cantare with WEBTOON™ 

Alam mo na nag-effort ang developer na gawin ang laro nang nagdagdag sila ng twist sa kanilang mechanics. Naging kakaiba ang combat nito dahil may sense of control ka. Mayroon itong auto-battle, ngunit ang ilang stage ay magiging challenging. Dahil dito, mahihikayat kang gumawa ng iyong strategy. Hindi ka magsasawa dahil marami itong mode. Maaabutan pa ng mga bagong player ang mga veteran dahil maaari mong i-summon ang mga SS hero. Bukod pa rito maraming resources kang makukuha sa umpisa ng laro mo, kaya mabilis mo rin silang male-level up. 

Normal na magsama ng mga cutscene dahil isa itong story-centered game. Ngunit ang ilang mga player ay maaaring mabigla sa impormasyon kung kailangan nilang basahin ang mga cutscenes matapos ang bawat laban. Mas maganda kung balansehin nila ang paglalagay ng mga ito. Halimbawa, maaari silang magkaroon ng mga cutscene pagkatapos ng bawat lima o tatlong yugto. Mas mauunawaan ng mga player ang kwento ng laro dahil dahan-dahan nilang nakikita ang mga cutscene.

Konklusyon

Ang Hero Cantare with WEBTOON™ ay hindi isang ordinaryong Idle RPG. Marami itong mga mode na maia-alok, at ang labanan ay may mas depth. Ito ay hindi lamang isang simpleng auto-battle dahil maaari mong kontrolin kung ano ang kanilang attack. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito sa mga fan ng Webtoon dahil tinipon nito ang mga character mula sa Tower of God, Hardcore Leveling Warrior, at God of High School.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...