How to know Lucky 9 Rules

Ang Lucky 9 Rules na ata ang pinakamabilis at pinakamadaling card game na maaari mong matutunan ng ilang subok lamang. Madali lamang sundin ang mga panuntunan na sinusunod ng larong ito. Dahil madali ang mekaniks naging mabisang pampalipas oras at pangtanggal stress ito. Kaya naman hatid ng Tongits Casino Online ang kumportableng paglalaro ng Lucky 9. Lahat ng manlalaro ay may pagkakataong manalo ng totoong pera sa pamamagitan ng paglalaro nito. Handa ka na bang matuto maglaro ng Lucky 9? Huwag mag-alala, narito ang Laro Reviews para gabayan ka!

Ano ang Lucky 9 Rules?

Marahil pamilyar o narinig mo na ang larong Lucky 9 na isang uri ng larong baraha ngunit hindi mo pa ito nasusubukan laruin. Ngayon na napadpad ka sa artikulong ito, tuturuan ka ng Laro Reviews ng mekaniks o panuntunan ng larong ito. Ang larong lucky 9 ay isang mabilis at madaling larong baraha na maaari mong subukan at matutunan ng ilang segundo lamang. Ito ay gumagamit ng standard 52 card deck at maaaring laruin hanggang dalawa o higit pang manlalaro kasama na ang dealer.

Subukan na ang lucky 9 rules, manalo at mag-uwi ng maraming pera!

Subukan na ang lucky 9 rules, manalo at mag-uwi ng maraming pera!

Ito ay may layunin, ang magkaroon ng 9 na kabuuang halaga ng baraha sa unang dalawang baraha o malapit sa 9 hangga’t maaari. Kung hindi mo man mabuo ang 9 na puntos, kailangan ay mas mataas ang puntos ng barahang hawak kaysa sa dealer upang manalo. Magpapatuloy ang ganitong sistema hanggang sa magsawa kang laruin ito. Sa paglalaro ng Lucky 9 mahalagang alam mo ang katumbas na halaga ng bawat baraha. Ang mathematical operation lamang na gagamitin mo ay “Addition” upang malaman ang kabuuang puntos ng kumbinasyon ng barahang hawak. Hanggang tatlong baraha ang maaari mong matanggap at depende ito sa sitwasyon.

Ang halaga ng mga baraha sa Lucky 9 Rules ay ang mga sumusunod:

Tandaan na anumang suit ng baraha ay sinusunod ang pointing system na ito. 

  1. Ang Face Cards tulad ng 10, Jack, Queen, at King ay may katumbas na 0 puntos.
  2. Ang 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, katumbas nito ang numerong mayroon sila.

Halimbawa: 4=4, 5=5,

  1. Ang Ace ay may katumbas na  1 puntos.

Ngayon naman ay subukan naman natin magbigay ng ilang halimbawa kung paano ang pointing system.

Table 1.0

No. First Card Second Card Total Points (First Initial 2 Cards)
1 King 6 6
2 10 7 7
3 Ace 4 5
4 Queen Jack 0

Ang mga halimbawa naman na ito ay kung sakaling magkaroon ka ng pangatlong baraha. Ito ay kapag humingi ka ng isa pang baraha o “Hirit”.

Table 2.0

No. First Card Second Card Third Card (Hirit) New Total Points (3 Cards)
1 King 6 3 9
2 10 7 5 2
3 Ace 4 Jack 5
4 Queen Jack 8 8

Mapapansin sa table 2.0 Halimbawa No. 2, ang “risk” sa paghirit ng isa pang baraha. Maaaring mapabuti nito ang hawak na baraha at maaaring maging alanganin. Pakiramdamang mabuti kung dapat pa bang humingi ng isa pang baraha o hindi na. Sa Halimbawa No. 1 naman, makikitang nabuo ang 9 na puntos at ang Halimbawa No. 4 ay nagresulta naman upang magkaroon ng mataas na puntos. Ang mga ganitong kumbinasyon ng baraha ay matatawag na Trump Cards. Malaki ang posibilidad na manalo ka laban sa dealer. Habang ang Halimbawa No. 3 ay nagresulta pa rin sa 5 puntos. May mga pagkakataong na ang pangatlong baraha ay bokya o mga barahang may katumbas na 0. Gayunpaman, ang Lucky 9 Rules ay hindi lamang purong diskarte para manalo kundi kinakailangan din ng swerte ng isang manlalaro.

Advanced Lucky 9 Rules

Sa seksyong ito tatalakayin ng Laro Reviews ang ilang Advance Lucky 9 Rules na kailangan mong malaman upang maging isang epektibong manlalaro. Tandaan ang mga sumusunod:

  1. Ang dealer ay maaari rin gumamit ng “Hirit” o humingi ng isang baraha at magkaroon ng hanggang tatlong (3) baraha gaya ng ibang (mga) manlalaro. Ngunit maaari lamang itong gawin ng dealer kapag lahat ng manlalarong gumamit ng “Hirit” ay nakatanggap o nabigyan na ng baraha. Ang dealer ay magtatanong kung ayos na ang lahat dahil ang dealer ay laging huli kapag hihingi ng isa pang baraha.
  2. Maaari ka lamang gumamit ng “Hirit” ng isang beses. Ang maximum na bilang ng baraha na maaari mong hawakan ay hanggang tatlong (3) baraha lamang. Anumang resulta o kabuuang puntos nito ay kailangan ideklara sa dealer.
  3. Hindi rin pinahihintulutan sa Lucky 9 Rules ang insurance bets.

Ilang mga diskarte sa paglalaro ng Lucky 9

Bawat laro ay may tamang diskarte upang manalo. Kaya naman narito ang Laro Reviews na magbibigay ng ilang diskarte kung paano madalas manalo. 

Tip#1: Unawain mabuti ang panuntunan ng laro

Kung umabot ka na sa seksyon na ito ng artikulo, malamang ay nabasa mo na ang mga panuntunan o Lucky 9 Rules, halaga ng bawat baraha, at paano ilapat ang pointing system sa laro. Mahalagang alam mo ang basic mekaniks nito at paano ang takbo ng laro ng sa gayon alam mo ang susunod na galaw o diskarte.

Tip#2: Magtakda ng limitasyon para sa iyong badyet

Sa pagsusugal importanteng maglagay ng limitasyon. Naiintindihan namin na ang laro ay sobrang nakakaengganyong laruin kaya naman maraming manlalaro ang babad sa paglalaro nito. Ngunit alamin kung kailan ka dapat huminto at magpatuloy. Huminto kapag sapat na ang panalo o kaya naman ay sunod-sunod na ang pagkatalo. Maaari ka pang bumawi at magpatuloy sa ibang araw. Dahil ang larong Lucky 9 Rules ay hindi lamang ginagamitan ng diskarte kundi dapat may kasama laging swerte.

Maging madiskarte sa paglalaro ng lucky 9 rules upang magtagumpay at manalo sa bawat laro.

Maging madiskarte sa paglalaro ng lucky 9 rules upang magtagumpay at manalo sa bawat laro.

Tip#3: Alamin kung paano tumaya

Mahalagang alamin kung paano tumaya ng tama sa Lucky 9 Rules. Dito nakasalalay kung mas mananalo ka o matatalo. Tantyahin ang halagang itataya at huwag ugaliin ang malakihang taya sa iisang taya. Ayos lang kahit pakonti-konti ay tumutubo ang iyong puhunan ang mahalaga ay nadadagdagan ito. Kailangan ay may tamang kontrol ka sa iyong pera at isip upang makapagdesisyon ng tama sa Lucky 9 Rules. 

Magkaroon ng kontrol sa sarili at alamin ang tamang pagtataya sa lucky 9 rules!

Magkaroon ng kontrol sa sarili at alamin ang tamang pagtataya!

Tip#4: Pumili ng mapagkakatiwalaang casino

Isa sa mapagkakatiwalaang casino gambling app online ay ang Tongits Online Casino. Sa pamamagitan ng aplikasyon na ito ay mararanasan mo ang panatag at ligtas na paglalaro ng Lucky 9 Rules saan ka man na roon. Available ang laro na ito saan man panig ng mundo ka na roon. Kaya naman tinatangkilik ito ng maraming tao dahil sa ganda ng performance at lahat ng transaksyon ay online process. Kaya, i-download at i-install na ito sa inyong mga smartphone at manalo ng maraming premyo!

Related posts:

Konklusyon

Ang Lucky 9 Rules ang pinaka-unang dapat mong alamin kung nais mong subukan ang larong ito. Unang hakbang lagi ang pag-aralan at unawain mabuti ang panuntunan ng isang laro. Kaya naman kung natapos mo ang artikulong ito ay binabati ka ng Laro Reviews dahil maaaari ka ng mag-umpisang maglaro ng Lucky 9 Rules!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...