Idle Egg Factory Review

Simulan ang iyong farm business sa Idle Egg Factory! Lagyan ang mga kahon ng matataas na kalidad ng mga itlog at ibenta ang mga ito sa merkado upang magkaroon ng maraming kita. Gamitin ang perang kinita sa pagbebenta ng mga ito para palawakin at i-upgrade ang iyong sakahan, i-level up ang bilis ng iyong produksyon, at makakuha ng mga bagong linya ng produksyon. Ito ay isang idle na laro kung saan makakaranas ka ng sobrang saya sa pamamagitan ng basic mekaniks nito. Maghintay lamang hanggang ang iyong mga manok ay makagawa ng mga itlog at kolektahin ang mga ito mula sa kanila.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang layunin ng isang manlalaro ay i-level up ang lahat ng feature ng laro. Ang pangunahing feature ng laro ay ang paggawa ng mga itlog mula sa mga inahing manok at pagbebenta ng mga ito nang direkta sa merkado upang kumita ng pera. Ang pera na makukuha mo mula sa pagbebenta nito ay maaari mong magamit para sa mga bagong linya ng produksyon, manok, pagpapalawak ng bukid, pag-upgrade ng mga booster, at pag-unlock ng isa pang farm. Available din ang mga misyon at achievements, na nagbibigay ng mga karagdagang reward gaya ng mga diamante. Pagbutihin lamang ang lahat ng ito upang mabilis na umunlad sa laro. Dahil ito ay isang idle na laro, maaari kang mag-relax at mag-enjoy kahit na wala kang ginagawa. 

Paano Ito Laruin?

Ang laro ay sadyang madali at simpleng laruin. Maaari kang magsimula kaagad pagkatapos i-download at i-install ito sa iyong device. Ito ay isang free-to-play na idle na laro kung saan makakapagsimula ka ng negosyong sakahan o manukan. Sa umpisa ay magsisimula ka sa isang manok na nangingitlog bawat segundo, at habang kumikita ka, magagawa mong i-level up ang bilis ng iyong produksyon at magbukas ng mga bagong linya ng produksyon.

Makakatulong sa iyo ang mga booster gaya ng mga time booster, auto-collect time, free cash, at pag-upgrade sa lab na makakatulong mapabuti at mapabilis ang iyong produksyon. Sa ganoong paraan, maaari kang mag-level up nang mabilis at palawakin ang iyong sakahan ayon sa gusto mo. Maaari mong i-upgrade ang iyong mga boosters at production lines. Ang pagkumpleto ng mga misyon at achievements ay maaari ring pagmulan ng kita at mga gantimpala. 

Pagkatapos, kung gusto mong agad na pagbutihin at palawakin ang iyong sakahan, maaari mong gamitin ang in-game purchases para bumili at makakuha ng bundle ng cash at diamante. Sa isang iglap, maaari mong palaguin ang iyong sakahan. Maghanda lang para sa mga advertisement na lumabas sa iyong screen. Ang panonood ng ads ay maaari ring isa sa mga pinakamadaling paraan upang makakuha ng mga booster at kita. Kita mo? Ito ay napakadali lamang. Sundin lang ang mga pangunahing hakbang na ito: Mangitlog, mangolekta, magbenta, kumita, at mag-upgrade. Ngayon, handa ka nang magsimula ng iyong sariling negosyo! Good luck!

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Idle Egg Factory sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 46 MB at 149.3 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Idle Egg Factory on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.idle.egg.factory.inc.tycoon

Download Idle Egg Factory on iOS https://apps.apple.com/us/app/idle-egg-factory-3d/id1596871014

Download Idle Egg Factory on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.idle.egg.factory.inc.tycoon-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Idle Egg Factory

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Idle Egg Factory pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Cloud account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Idle Egg Factory!

Tips at Tricks sa Paglalaro Idle Egg Factory

Narito ang ilang diskarte na inihanda ng Laro Reviews. Ang simpleng pagsunod sa mga ideyang ito ay makakatulong sa iyong magtagumpay sa iyong negosyo.

  1. Kapag nakapag-ipon ka na ng sapat na pera, mabilis na i-unlock ang susunod na linya ng produksyon.
  2. I-upgrade ang bilis ng iyong mga linya ng produksyon.
  3. Kumpletuhin ang lahat ng mga misyon at achievements.
  4. I-activate at i-upgrade ang mga booster.
  5. Maglaro ng Lucky Spins at manood ng mga libreng advertisement para makakuha ng mga karagdagang reward.
  6. Ibenta ang gintong itlog para makakuha ng pera.
  7. Bumili ng mga bagong sakahan at produksyon.
  8. I-upgrade ang iyong farmhouse.
  9. Matiyagang maghintay hanggang sa ikaw ay maging isang mayamang magsasaka. 
  10. Ito ay isang laro lamang – dapat lamang na ikaw ay maglibang sa halip na ma-stress!

Pros at Cons sa Paglalaro Idle Egg Factory

Sa Idle Egg Factory, makakaranas ka ng laro na hindi nangangailangan ng labis na pagsisikap para mag-level up. Sa madaling salita, kailangan mo lang gumugol ng maraming oras sa paglalaro ng laro. Maaari kang maglaro ng Idle Egg Factory nang kumportable sa bahay, sa opisina, o sa kahit saang lugar ka naroroon. Ang laro ay hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet – kapag gumamit ka lamang isang online na transaksyon upang bumili ng cash at diamante ay saka ka lamang mangangailangan ng internet. Mayroon itong intuitive gameplay mechanics, na karaniwan na para sa mga idle na laro, at lahat ng opsyon na makikita rito ay madali lamang maunawaan na kahit isang baguhang manlalaro ay hindi na mangangailangan ng tutorial para malaman kung paano ito gamitin. Ang lahat ay idinisenyo upang maging madali para sa mga manlalaro.

Ito ay angkop para sa lahat ng edad at naglalaman ng mahusay features. Mayroon itong iba’t ibang uri ng manok at mga linya ng produksyon. Maaari kang gumamit o mag-activate ng mga booster na makakatulong sa iyong mangolekta at makagawa ng pera nang mabilis. Tila lahat ng bagay dito ay posible at ang kailangan mo lang gawin ay matiyagang maghintay.

Tingnan natin ang ilan sa mga cons ng laro. Ang laro ay isang free-to-play na app na ganap na umaasa sa mga advertisement. Karaniwan na ito sa karamihan ng mga libreng app. Gumagamit sila ng mga ad para makakuha ng mga karagdagang reward at mangolekta ng mga libreng item. Maghanda lang para sa maraming advertisement na lalabas sa iyong screen. Siyempre, talagang nakakainis kapag ang isang bagay na tulad nito ay nagdudulot upang mawala ang iyong interes mula sa paglalaro nito. Higit pa rito, ang laro ay paulit-ulit at hindi na nagiging kawili-wili na wala nang anumang mga paghihirap. Hihintayin mo lang ang mga itlog, ihahatid sa palengke, at pagkatapos ay kokolektahin ang pera. Ganoon na lamang ang takbo ng laro na tiyak na pagsasawaan mo agad.

Konklusyon

Kung naghahanap ka ng isang nakakalibang na idle na laro, inirerekomenda ng Laro Reviews ang Idle Egg Factory. Kung mahilig ka sa anumang bagay na nauugnay sa pagsasaka, lalo na sa pag-aalaga ng manok, ito ang angkop para sa iyo. Ito ay opisyal na libre upang i-download mula sa iyong lokal na app store.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...