Idol Party Review

Ang Idol Party ay isang libreng larong musika na binuo at inilathala ng X.P. Games sa Singapore para sa Android. Inilabas ito noong Hulyo 14, 2020 at mayroon itong mahigit 5,000,000 na pag-i-install sa Google Play Store. Ang kasalukuyang bersyon ng Idol Party ay 1.3.4 mula sa pinakabagong update nitong ginawa noong Enero 6, 2022 at itp ay nakakuha ng 3.8/5 rating sa Google Play Store. Ito rin ay ang pinakasikat sa Thailand. Ang Idol Party ay isang music game na kinabibilangan ng karaoke, sayawan, pakikisalamuha, at role-playing. Ang mga manlalaro rito ay makakaranas ng iba’t ibang uri ng bago at kahanga-hangang music rhythm game play. Sila ay mangongolekta rin ng maraming mga outfit at mga bagay na may iba’t ibang mga estilo. Hindi lamang iyon, ang mga manlalaro ay makagagawa rin ng kanilang sariling magandang bahay na may kamangha-manghang mga dekorasyon. Sa Idol Party ay mararanasan ng mga manlalaro ang isang cool virtual na mundo ng musikang may video, boses, bullet screen, LBS at iba pang social interaction. Ang Idol Party ay binuo na may bago at aesthetic na estilong mamahalin ng mga manlalaro dahil sa kagandahan nito. Ang pinakabagong update ng Idol Party ay may mga bagong kanta, BGM update, at news update sa mga event. Inirerekomenda ang Idol Party para sa 12 taong gulang pataas lamang. 

Layunin ng Laro

Ang mga manlalaro ng Idol Party ay dapat na may mas mataas na marka kaysa sa kanilang mga kalaban. Ang manlalarong may pinakamataas na marka ang siyang mananalo sa laro. Dito ay mayroong iba’t ibang mga mode ng laro para ma-enjoy ng mga manlalaro tulad ng Karaoke, Lobby Dance, Story Mode, Relay Match-up, at ranked Game. 

Paano Maglaro ng Idol Party?

Idol Party - Laro Reviews

Idol Party – Laro Reviews

Sa simula ng laro, iko-customize ng mga manlalaro ang kanilang sariling avatar. Maaari nilang piliin kung anong damit ang isusuot ng kanilang avatar at maaari nilang i-customize ang mga feature ng mukha at buhok ng avatar. Ang mga manlalaro ay maaaring bumili ng mga bagong outfit sa store ng laro. Kapag ang mga manlalaro ay tapos na sa pag-customize ng kanilang avatar, maaari na silang magsimulang sumayaw at kumanta. Ang mga manlalaro ay sasali sa iba’t ibang mga paligsahan sa pag-awit at pagsasayaw at sila ay kailangang makipagkompetensya sa iba pang mga manlalaro kung saan ay dapat silang magkaroon ng pinakamataas na marka para sila ay manalo sa unang pwesto. Para makipagkompetensya ang mga manlalaro sa pagsasayaw, ita-tap ng mga manlalaro ang mga button na nasa screen sa tamang oras. Para magkaroon sila ng mas magandang marka, dapat nilang i-tap ang mga button ng tumpak. Pagdating sa pag-awit, ang mga manlalaro ay kailangang kumanta upang maging mas mataas ang kanilang marka.

Paano I-download ang Idol Party?

Ayon sa pagsusuri ng Laro Reviews, ang Idol Party ay isang libreng larong pangmusikang pwedeng mai-download ng lahat. Para sa sinumang gustong maglaro ng Idol Party, maaari nilang i-download ang laro sa mga user ng Android. Para sa mga Android user, maaari nilang hanapin ang laro sa pamamagitan ng kanilang Google Play Store. Dahil ito ay isang libreng laro, hindi na kakailanganin ng mga customer na gamitin ang kanilang credit card para i-download ito maliban na lamang kung ikaw ay mag-a-avail ng mga in-app purchase na kung saan ay makakatulong sa mga manlalarong mapanalunan ang mga misyon o tasks. 

Download Idol Party on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.xipu.cwqmx.tg

Idol Party - Laro Reviews

Idol Party – Laro Reviews

Mga Hakbang sa Paggawa ng Account para sa Idol Party

Para sa lahat na kailangang gumawa ng account para sa Idol Party, kapag nai-download na nila ang laro ay kailangan nilang mag-sign up o mag-log in sa kanilang account. Para sa lahat ng user ng Android, maaari silang gumawa o mag-log in sa kanilang Google Play Store account.

Para sa mga Android user, ang kanilang mga device ay dapat na mayroong 5.0 o mas mataas na bersyon ng Android at dapat ay may sapat na espasyo para sa 105 MB.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Idol Party

Para magsimulang makipaguompitensya ang mga manlalaro sa pagsasayaw at pagkanta sa Idol Party, dapat nilang tapusin muna ang pagko-customize ng kanilang avatar para maging handa sa mga kompetisyon. May mga regalong maaaring matanggap ang mga manlalaro. Para matanggap nila ang mga bonus ay kailangan nilang kompletuhin at tapusin muna ang laro. Para sa higit pang mga outfit na ilalagay sa mga avatar ng player, maaari nilang tingnan ang bag sa home screen ng Idol Party. Ang pinakainirerekomendang mode sa Idol Party ay ang dance match-up. Sa mode na ito ay makakatulong sa mga manlalarong makahabol at matamaan ang beat sa perpektong oras. Upang higit na matulungan ang mga manlalaro, dapat nilang gamitin ang mga kontrol upang matulungan silang pindutin ang mga susi. Maaaring mag-level up sa pamamagitan ng pag-unlock sa tempo mode sa dance match-up mode, ito ay magbibigay-daan sa mga manlalarong magkaroon ng progreso sa kanilang level. 

Related Posts:

Solarland Review

War Machines: Tank Army Game Review

Idol Party - Laro Reviews

Idol Party – Laro Reviews

Pros at Cons ng Idol Party

Ayon sa Laro Reviews, ang Idol Party ay minamahal ng maraming tagahanga ng musika at talagang inirerekomenda ang laro. Hindi kailangang ma-stress ang mga manlalaro sa paglalaro ng Idol Party para makakuha sila ng mga epic costume sa laro. Ang Idol Party ay isang napakasaya at nakaka-relax laruin at hindi ito nagbibigay ng pressure sa lahat ng manlalaro. Matapos ang pagsisikap ng mga manlalaro ay magandang nakakatanggap sila ng mga gantimpalang napakaganda at rewarding para sa lahat. Napakasarap talagang maglaro ng Idol Party dahil sa magandang graphics, kakaibang estilo, at kaibig-ibig na itsura ng mga avatar. Nagbibigay ito ng pakiramdam ng pagbibihis ng kanilang tunay na sarili. Pagdating sa mga kontrol ng Idol Party, wala itong mga isyu sa lahat, ito ay napakakinis, madaling makontrol at accurate. Bukod sa magagandang komento ng marami ay may mga isyu pa rin sa Idol Party na dapat ayusin. Ang unang bagay ay kapag ang mga manlalaro ay nag-download ng laro sa unang pagkakataon, aabutin sila ng 2-3 oras na paghihintay para ganap na mai-download ito kahit na may mabilis na koneksyon sa internet. May mga pagkakataon ding nakakaranas ang mga manlalaro ng bugs at lagging habang naglalaro ng Idol Party. Kung ang mga developer ay magagawang ayusin ang mga ito sa susunod na pag-a-update ay talagang maganda para sa lahat na laruin ito nang walang pagkaantala o pagkahuli.

Ang Pangkalahatang Ideya ng Laro

Ang Idol Party ay isang mahusay na larong musikang kinabibilangan ng pagkanta at pagsasayaw. Pinapayagan nito ang mga manlalarong kontrolin ang pagko-customize ng kanilang mga avatar. Ito ay isang nakakaaliw na larong gustung-gusto ng maraming mahihilig sa musika at dahil mayroon itong magagandang graphics at iba’t ibang mga mode ng larong magpapanatili sa mga manlalarong nakadikit sa kanilang screen.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...