Kingdom Rush Origins – TD Review

Kingdom Rush Origins – TD – Ihanda ang iyong malakas na angkan at mga tore upang protektahan ang sinaunang lupain! Bumuo ng isang matatag na depensa at malakas na atake laban sa mga halimaw na nagtatangkang sakupin ang iyong kaharian. Pamunuan ang iyong mga kawal at maghanda sa matinding laban!

Ito ay isang tower-defense mobile gaming app na nagbibigay ng iba’t ibang karanasan sa pagdepensa ng mga tore mula sa pananakop at pag-atake ng mga halimaw. Palakasin ang iyong mga tore at siguraduhing hindi sila makapapasok sa iyong kaharian.

Ano ang layunin ng laro?

Sa buong laro, kakailanganin mong maglagay ng mga tore na magtatanggol sa iyong kaharian mula sa mga orcs, sea serpents, mangkukulam, at gnoll barbarians. Ang laro ay magiging mahirap habang ikaw ay umuusad. Habang tumatagal ay lumalakas din ang kapangyarihan at depensa ng mga kalaban. Nagiging mas mahirap kung saan dapat maglagay ng archers, wizards, catapults, tore, at iba pang pandepensa at mga kawal sa mapa. Papalapit ang mga goblins sa iba’t ibang bilis, kaya kailangan mong bilisan ang pagpapalakas ng iyong mga tore para manalo sa laban. 

Kingdom Rush Origins - TD

Kingdom Rush Origins – TD

Kingdom Rush Origins – TD – Paano ito laruin?

Ang manlalaro ay may tatlong levels ng kahirapan:  Casual, Normal, at Veteran. Ang Hit Points (HP) ng mga kalaban ay nagbabago habang humihirap ang level. Sa bawat stage ng laro ay may kanya-kanyang tindi ng kahirapan sa pakikipaglaban at iba’t ibang uri ng mapa na nagbibigay sa mga manlalaro ng pangkalahatang ideya kung ano ang itsura ng mapa bago magsimulang laruin ang level.

Mayroong tatlong magkakaibang uri ng modes sa laro: Campaign, Story, at Default. Kapag ang isang level sa Campaign mode ay nakumpleto at may 3-star rating, dalawa pang modes ang maa-unlock: ang Heroic Challenge at Iron Challenge. Ang mga karagdagang modes na ito ay nagbibigay ng iba’t ibang challenges at entertainment para sa mga manlalaro.

Ginagamit ang stars upang makapag-upgrade. Ang bawat upgrade ay nagkakahalaga ng isa hanggang apat na stars na may pangmatagalang epekto sa mga tore at spell. Maaaring bilhin at i-reset ang mga upgrade anumang oras, para makatulong sa iyong bumuo ng estratehiya sa paglalaro at mas magandang diskarte sa paglalagay ng mga depensa.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na mai-download ang Kingdom Rush Origins – TD sa Android devices ay dapat Android 4.2 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 239 MB at 220.5 MB naman para sa iOS. 

Maaari rin namang i-click ang links sa ibaba upang i-download ang laro:

  • Download Kingdom Rush Origins – TD on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ironhidegames.android.kingdomrushorigins
  • Download Kingdom Rush Origins – TD on iOS https://apps.apple.com/us/app/kingdom-rush-origins-td/id904737816
  • Download Kingdom Rush Origins – TD on PC https://www.ldplayer.net/games/com-ironhidegames-android-kingdomrushorigins-on-pc.html
Kingdom Rush Origins - TD

Kingdom Rush Origins – TD

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Kingdom Rush Origins – TD

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa iyong device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Kingdom Rush Origins – TD. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang account. Sa oras na inalis na ito sa device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Kingdom Rush Origins – TD!

Kingdom Rush Origins – TD – Tips at Tricks sa Paglalaro

Ilagay ang iyong mga tore sa dulong parte ng mapa. Ang pinakamalakas na tore ay dapat ilagay malapit sa dulong bahagi ng mapa. Maaaring mahihina ang iba sa mga halimaw at madali lang silang mamatay ngunit kapag sila ay sumugod bilang grupo ay baka hindi kayanin ng mga tore mo. Kapag ang mga ito ay malapit na sa bukana ng kaharian, wala nang makakahadlang at tuluyan na silang makakapasok.

Sa simula ng laro, maglagay ng maraming Archer Towers. Sa Kingdom Rush Origins – TD, ipinapayong maglagay ng mga karagdagang archer towers kaysa sa barrack towers. Ang pagtatatag ng pantay na dami ng bawat isa ay tila lohikal, ngunit ang pagkakaroon ng mas maraming archer towers ay magbibigay sa iyo ng higit na proteksyon laban sa mga kaaway.

Magreserba ng Special Power Ups para sa mga pulu-pulutong na pagsalakay ng kalaban. Ang Special Power Ups ay mahusay na gamitin kapag napakaraming grupo na ng mga kalaban ang sumasalakay. Sa buong laro, lalabanan mo ang paparating na mga halimaw sa iyong kaharian. Mas mainam na gumamit ng  mga Special Power Ups kapag hindi na kaya ng iyong mga tore ang bugso ng mga halimaw.

Kingdom Rush Origins - TD

Kingdom Rush Origins – TD

Pros at Cons sa Paglalaro ng Kingdom Rush Origins – TD

Sa larong Kingdom Rush Origin – TD ay masusubok ang iyong kakayahan sa pagbuo ng depensa para sa ang iyong kaharian mula sa pananakop ng mga halimaw. Sa umpisa, ikaw ay bibigyan ng sapat na pera para makabili ng ilang tore. Mahirap alamin kung saan ba unang lalabas ang mga kalaban. Sa larong ito ay hindi lamang isang entrance o pasukan ang mayroon. Kung ikaw ay maglalagay ng tore na may isang pasukan lamang, maaaring dumaan ang mga kalaban sa isa pang daanan at tiyak na mahihirapan kang matalo sila lalo na kung narating na nila ang lokasyon ng iyong kaharian. Kung mapapansin mo, ang gameplay ng laro ay napakadali lamang. Ang larong ito ay nakatutulong sa iyo na palipasin ang oras habang nagtatayo ng mga toreng pangdepensa at maghihintay na lamang para sa paglusob ng mga kalaban. Maaaring mag-upgrade ng mga tore habang naglalaro.

Sa oras na mapansin mong nakalagpas na ang karamihan sa mga kalaban mula sa iyong mga kawal at tore, maaari mo nang gamitin ang Special Power Ups para sa minsanang pag-atake upang tuluyan silang maubos. Ang visual design ay maganda sa paningin ng mga manlalaro. Maaari mo ring subukang tapusin ang mahigit 70 achievements nito at laruin ang tatlong mode: Classic, Iron, at Heroic.  Magpakitang-gilas sa pagbuo ng estratehiya laban sa mga halimaw. Pwede mo rin itong laruin kahit na walang internet connection. Nakakalungkot man pero ang laro ay kinakailangang bilhin mula sa app stores upang mai-download ito.

Konklusyon

Paghusayin ang pagprotekta sa iyong kaharian para hindi ito tuluyang masakop ng mga halimaw. Gayunpaman, kung talagang gusto mong mas lumakas at i-unlock ang iba pang skills at tore, kailangan mong bilhin ang mga ito. Maglaan ng pera upang mas mapahusay pa ang iyong depensa. Ang isang isyu sa app na ito ay hindi mo maililipat o maisi-sync ang data o progress ng laro sa ibang device. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...