Left to Survive: State of Dead Review

Left to Survive: State of Dead – Kung hilig mo ang mga larong may temang post-apocalyptic, patuloy lang na basahin ang artikulong itong mula sa Laro Reviews. Malalaman mo ang karagdagang impormasyon tungkol sa larong babagay sa iyo. 

Ang Left to Survive: State of Dead ay isang action third-person shooter (TPS) game na nakatakda sa post-apocalypse na mundo. Kontrolado ng zombies ang buong daigdig kaya patuloy na lumalaban ang mga natitirang tao para mabuhay. Nilikha ito ng game developer na My.com noong 2018. Sa simula ng laro, mapapanood ang maikling palabas tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mundo. Pagkatapos ng iyong maikling pagsasanay, tuluy-tuloy na ang iyong pagsabak laban sa zombies!

Left to Survive: State of Dead - Laro Reviews

Left to Survive: State of Dead – Laro Reviews

Features ng Left to Survive: State of Dead

Build Your Own Base – Ang manlalaro ay may kakayahang magtayo ng sarili nyang base. Iba’t ibang klase ng gusali ang maaari mong maitayo para lumawak at lumakas ang depensa ng iyong base. Kabilang dito ang Factory, Warehouse, Oil Rig, Farm, Armory, at Defense Towers.

PvP Matches – Kalabanin ang ibang manlalaro sa player-versus-player (PvP) matches. Sa pamamagitan nito, maaari mong maipakita ang iyong husay sa pakikipaglaban at patunayang ikaw ang pinakamagaling na shooter. Gawin itong pagsasanay bago harapin at kalabanin ang zombies. May opsyon ka kung 2×2 survival matches o solo ang iyong lalaruin.

Base Raid – Maaari kang lumipad gamit ang helicopter para sirain ang base ng iba habang nasa himpapawid. Ang layunin dito ay tuluyang wasakin ang base ng ibang manlalaro habang iniiwasan ang damage mula sa kanilang depensa. 

Variety of Armors – Habang nilalabanan mo ang zombies para iligtas ang sangkatauhan, napakaraming weapons at gears ang nakahanda para magamit mo. Ikaw ang bahala sa pagpili kung ang gagamitin mo ay sniper rifles, assault weapons, machine guns, o shotguns na magiging epektibo sa pagpatay ng zombies. Mahalagang i-equip ang karakter ng gears at weapons para mas lumakas ang kanyang skills at powers, makakatulong din ang pag-upgrade nito.

Saan pwedeng i-download ang Left to Survive: State of Dead?

Nakalikom ng 4.3 out of 5 stars ang laro sa Google Play Store. Bukod dito, nakakuha ito ng 4.2 out of 5 stars at nasa pang-42 ang rank nito sa kategoryang Adventure sa App Store. Kung nais mo itong laruin, narito ang seksyong ito para ituro kung paano at saan ito pwedeng i-download. 

Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay ang Left to Survive: State of Dead sa search bar at hanapin ang laro sa search results. Pindutin ang Install button at hintaying matapos ang pagda-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ng lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Related Posts:

Boom Karts Multiplayer Racing Review

Cyberpunk Hero: Epic Roguelike Review

Left to Survive: State of Dead - Laro Reviews

Left to Survive: State of Dead – Laro Reviews

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Left to Survive: State of Dead on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.glu.zbs

Download Left to Survive: State of Dead on iOS https://apps.apple.com/ug/app/left-to-survive-state-of-dead/id1090501422

Download Left to Survive: State of Dead on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/left-to-survive-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng Left to Survive: State of Dead, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ay ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong mai-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Hindi lang ang pagpatay ng zombies ang gagawin mo sa larong ito, sapagkat kailangan mo ring mamahala ng base. Dito naninirahan ang mga nakaligtas sa zombie apocalypse at ang magiging produksyon ng resources na kakailanganin sa pag-launch ng mga misyon at pag-upgrade ng weapons. Kaya nama’y importanteng mabilis na mapaunlad at maprotektahan mo ito dahil tatangkaing sirain ng ibang manlalaro ang iyong base. Ngayon ay magkakaroon ka na ng ideya kung gaano pwedeng maging mapanganib ang post-apocalyptic na mundo rito. Ngunit huwag mag-alala dahil narito ang Laro Reviews para bigyan ka ng ilang tips at tricks upang makatulong sa iyong kaligtasan sa laro.

Importante sa pagtatayo ng base ang pangongolekta ng resources, kumpletuhin ang bawat gusali sa listahan, at punuin ang lahat ng slots. Ang itaas na bahagi ng base ay nakalaan para sa produksyon ng mga gusali. Ang pwede mong gawin ay i-upgrade ang bawat isa at lagyan ng kahit isang taong magbabantay rito. Mahalaga ang pag-a-upgrade, dahil sa pamamagitan nito, nagkakaroon ito ng abilidad na magbunga ng mas maraming resources at tumataas din lalo ang health points nito. Sa ibabang parte naman ng base, dito pwedeng magtayo ng mga pasilidad para sa depensa. Ang tip ko sa iyo ay magtayo ng napakaraming tore hangga’t maaari kapag na-unlock na ang base raid na feature dahil ang mga ito ang magsisilbing depensa pagdating sa helicopter raids. Kritikal ang pagkakaroon ng mataas na health points dahil makakatulong ito kapag winasak ang iyong mga gusali dahil sa base raid.

Pagdating sa Factory, hangga’t maaari ay mangolekta ka ng napakaraming materyales sa simula ng laro. Siguraduhing i-upgrade ang Warehouse kasabay ng Factory dahil kung hindi, titigil ang produksyon ng materyal ‘pag naabot nito ang kanyang limitasyon. Kailangan din ng malaking oil stock kapag mag-a-unlock ng base raid feature dahil may mga toreng maitatayo at maa-upgrade gamit ang langis. Dagdag pa rito, dapat ang Farm ang pinakaunang gusaling ia-upgrade kasabay ng Factory. Dapat mayroon kang mas maraming tomatoes para lalong marami ang mga misyon na pwedeng makumpleto sa bawat araw. Ilagay sa gusaling ito ang pinakaunang survivor sa dulo ng Stage 1. Kahit na ang scrap metal sa Armory ang resource na gamit sa pag-upgrade ng weapons, hindi kailangang apurahin ang pag-a-upgrade nito dahil hindi mo naman ito kakailanganing masyado. Ang pagtatayo at pag-a-upgrade ng mga gusaling ito ay nagiging daan para makakuha ka ng base points. Magagamit mo ito sa pag-unlock ng ibang features sa laro. Halimbawa, maa-unlock lamang ang base raid feature kapag nakakuha ka ng 1,775 points. 

Maiiwasan mo ang helicopter attacks ng kalaban sa pamamagitan ng pagtayo ng defense towers. Bagaman automatic ang pagtakbo ng mga ito, mas magiging epektibo kung maglalagay ka ng survivor na may defender ability sa loob nito. Mayroong apat na klase ng tower at may iba-iba itong defense type. Una, ang Machine Gun Tower ang bumabaril sa helicopter ngunit mababa ang attack power nito. Ang tip ko sa iyo ay maglagay ng kahit dalawang Machine Gun Tower. Ikalawa, ang Missile Tower ay may mas mataas na attack power kumpara sa Machine Gun. Bago mo pa makumpleto ang kailangang points sa pag-unlock ng base raid feature, mainam na nakapag-ipon ka na ng sapat na resources para makapagtayo ng kahit tig-isang Machine Gun at Missile Tower. Ang gamit ng dalawang ito ay para maiwasang maging mahina ang base pagdating sa atake ng kalaban. Ikatlo, magtayo ng isang EMP Tower. Ito ang babaril sa mga rocket na babagsak sa iyong base at may abilidad para i-repair ang ibang towers. Panghuli, ang Flak Tower ang maituturing na pinakamalakas na tower dahil kaya ng dalawa nito na patumbahin ang isang helicopter. Bagaman mahal ang pagtatayo nito dahil gumagamit ito ng gold, gawin ang makakaya na magtayo ng kahit isa nito. 

Left to Survive: State of Dead - Laro Reviews

Left to Survive: State of Dead – Laro Reviews

Para maiwasang makagat ng zombies, ang maipapayo ko sa iyo ay maging alerto sa iyong kapaligiran. Maaaring umabot sa sampung zombies ang sabay-sabay na lilitaw sa lokasyon. Kung babarilin mo silang lahat, masyadong maraming ammo ang magagastos mo. Kaya ang tip ko sa iyo ay barilin ang pulang barrels na makikita sa bawat level. Dapat ay maging pamilyar ka sa katangian ng zombies na iyong makakalaban. Hindi pare-pareho ang zombies dahil magkakaiba sila ng lakas, bilis, at kahinaan. Mainam kung ang uunahin mong patayin ay ang zombies na nagtataglay ng special skills. Halimbawa, kapag ang kalaban mo ay Exploder, huwag na huwag mong hahayaang makalapit ito sa iyo. Ang ginagawa nito ay sumasabog kapag malapit ito sa iyo at naglalabas ng nakalalasong usok. Kapag nalanghap mo ito, siguradong mamamatay ka kaagad kahit na puno pa ang iyong health bar. Para maiwasan itong mangyari, ang gawin ay agad na barilin ang kulay berde sa tiyan niya para mamatay ito. Siguraduhin ding mapatay mo ito habang nasa malayo para kapag sumabog ito, mamamatay rin ang ibang zombies sa kanyang paligid. 

Pros at Cons ng Left to Survive: State of Dead

Kamangha-mangha ang graphics ng laro at madadala ka sa intensity ng labanan. Importante ang pagiging komportable sa game controls kapag TPS ang genre. Kaya naman kahit kaliwete ang manlalaro, may opsyon sa settings na i-turn on ang left-handed controls. Nang sa gayon, maa-adjust ang controls depende sa kagustuhan ng manlalaro. Bagaman maganda ang laro, mayroon pa rin itong ilang isyu tulad ng biglaang network error kahit na stable naman ang internet connection. Hindi rin balanse ang matchmaking ng PvP battle dahil may pagkakataong makakalaban mo ang manlalaro kahit na mas mataas sila ng ilang levels kumpara sa iyo. 

Hindi lang umiikot ang laro sa pagpatay ng zombies dahil importante rin ang pagtatayo ng sariling base. Sundin ang tips at tricks na nasa artikulong ito para maging gabay sa iyong paglalaro, nang sa gayon ay hindi ka maligaw sa kung ano ba ang dapat gawin. Ngunit tandaan na ang kaibahan sa larong ito, hindi mo kontrolado ang galaw ng karakter para maglibot o maglakad. Kaya nakasentro lang talaga ang gameplay sa pag-target ng zombies upang barilin.

Konklusyon

Kung hilig mo ang TPS na laro, mairerekomenda kong subukan mo ang Left to Survive: State of Dead. Maituturing na isa ito sa may pinakamagagandang graphics kaya nakaka-enjoy talaga ang paglaban sa zombies. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...