Cyberpunk Hero: Epic Roguelike Review

Tulad ng pamagat ng Cyberpunk Hero: Epic Roguelike, inilalarawan nito ang eksaktong kakaharapin kapag nilaro mo ito. Kapansin-pansin ang pagiging cyberpunk sa disenyo nito, pati na rin ang maka-rougelike na gameplay nito. Ito ay isang action role-playing game (RPG) na nilikha ng game developer na Azur Interactive Games Limited. Ang tungkulin ng manlalaro ay kalabanin ang walang katapusang kawan ng mga kalabang matatagpuan sa bawat level.

Libutin ang mga nakakubling lugar sa mundo ng Cyberpunk! Mag-ingat sa paglalakbay dahil gusto kang dakipin ng cybernetic gangsters at robots para ibenta sa malaking halaga. Para makaligtas, kailangan mong talunin ang mga tulisan gamit ang iyong lakas at galing. Importante ring i-equip ang karakter ng pinakamalalakas na weapons, armors, at drones.

Cyberpunk Hero: Epic Roguelike - Laro Reviews

Cyberpunk Hero: Epic Roguelike – Laro Reviews

Features ng Cyberpunk Hero: Epic Roguelike

Roguelike Game – Mailalarawan ang laro bilang turn-based gameplay, kung saan ang karakter ay dadaan sa randomly generated levels. Nang sa gayon, iba-iba ang mararanasan ng manlalaro kada laro. Dahil dito, permanente ang pagkamatay ng karakter. 

Easy Controls – Napakadaling laruin nito at hindi mahirap maintindihan ang controls ng laro. Ang kailangan lang gamitin ay isang daliri para kumontrol sa galaw ng karakter sa pamamagitan ng pag-hold ng joystick. Mayroon din itong auto-shooting na feature kaya ang kailangan lang ay nakatigil ang karakter at automatic na nitong babarilin ang pinakamalapit na kalaban.

Hundreds of Levels – Napakaraming levels ang nakaabang para malagpasan ng manlalaro. Mayroon itong iba’t ibang lokasyon kung saan ang karamihan dito ay binubuo ng 50 levels, kabilang dito ang Business Center, Backstreet, Server, Rave Club, Ghetto, at Data Center. Maliban sa Mall na naglalaman ng 20 levels at sa Flea Market na may 10 levels, mayroon pang Secret Location kung saan marami pang bagong levels ang isasapubliko sa hinaharap. 

Cyberpunk-themed Graphics – Kuhang-kuha ang pagka-cyberpunk ng disenyo nito. Maging ang itsura ng guns, armors, at ibang cybernetic equipment ay akma sa tema. Bukod sa astig na graphics, sinamahan pa ito ng sound effects kaya tunay na nakaka-enganyo ang paglalaro.

Saan pwedeng i-download ang Cyberpunk Hero: Epic Roguelike?

Narito ang Laro Reviews upang ituro kung saan at paano i-download ang Cyberpunk Hero: Epic Roguelike. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users, at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito sa search bar, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pagda-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ng lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Cyberpunk Hero: Epic Roguelike - Laro Reviews

Cyberpunk Hero: Epic Roguelike – Laro Reviews

Narito ang link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Cyberpunk Hero: Epic Roguelike on Android https://apps.apple.com/us/app/cyber-punk-hero-roguelike-rpg/id1570819137

Download Cyberpunk Hero: Epic Roguelike on iOS https://play.google.com/store/apps/details?id=com.grossinggames.cyberpunk

Hindi available ang Cyberpunk Hero: Epic Roguelike para sa mga nagnanais itong laruin sa PC. Kaya i-click na lang ang mga link sa itaas para ma-enjoy ang larong ito sa iyong mobile devices. 

Tips at Tricks sa Paglalaro

Habang nagkakaroon ang karakter ng mas malakas na equipment at armor, mas humihirap din ang bawat level. Paiba-iba ang lokasyong iyong mapupuntahan, kung saan mayroong kakaibang katangian ang bawat isa na siyang dumadagdag sa hirap ng level. Dahil dito, importanteng i-upgrade ang karakter para lalong lumakas ang kanyang mga abilidad. 

Dahil isang daliri lang ang kailangan sa controls ng laro, mahalagang malaman kung saan ka mas komportable, ang paggamit ng iyong hinlalaki o hintuturo? Mainam na subukan ang parehong daliri sa pag-hold at paggalaw ng joystick, pagkatapos ay alamin kung alin sa dalawa ang mas epektibo sa iyong paglalaro. 

Related Posts:

War After: PvP Shooter Review

Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena Review

Makatatanggap ka ng coins at XP habang naglalaro na makakatulong sa iyong laro kinalaunan, sapagkat pwedeng magamit ang coins sa pag-upgrade ng equipment, at ang EXP para gumaling ang karakter. Tuwing maaabot ang panibagong level, may pagkakataon kang mamili ng bagong upgrade mula sa tatlong skills na lalabas sa slot machine. Dito, ang tip ko sa iyo ay pag-isipang maigi ang skill na sa tingin mo ay pinakakakailanganin mo sa susunod na stages. Halimbawa, ang pagpipilian ay Sharpshooter, Bullseye, at Regeneration. Ang pipiliin ko rito ay Bullseye para mas mapabilis ang pagkamatay ng mga kalaban dahil mas magiging precise ang pagbaril ng karakter. Ito ang pinili ko dahil hindi ko pa naman kailangan ng Regeneration sapagkat puno pa ang HP ng aking karakter. Malaking parte sa larong ito ang agarang pag-iisip at mabisang pagdedesiyon depende sa kasalukuyang sitwasyon. Maging matalino sa pagsasaalang-alang kung ano ang pros at cons ng bawat desisyong gagawin. 

Cyberpunk Hero: Epic Roguelike - Laro Reviews

Cyberpunk Hero: Epic Roguelike – Laro Reviews

Bukod sa pansamantalang upgrade na nabanggit, importante ring naa-upgrade ang weapons. Sa pamamagitan nito, tumataas ang attack at health kaya bilang resulta ay mas magiging malakas ang karakter. Kaya mas mapapadali na rin ang malampasan ang bawat level, lalo na ang mga stage na sobrang hirap. Bukod pa rito, nakakatulong din sa pagpapataas ng stats ang Augments, at ang equipment system ng laro kung saan nahahati ito sa iba’t ibang kulay tulad ng gray, asul, at lila. Random ang pag-a-unlock nito kaya hindi ka pwedeng mamili ng nais mong maunang makuha, kaya naman ang magagawa mo lamang ay hintayin itong ma-unlock. Kahit na kailangan mong magbayad ng malaking halaga ng coins para rito, mapapakinabangan naman talaga ito dahil permanente ang epekto nito sa stats. 

Dahil rougelike ang gameplay nito, mayroon ka lamang iisang buhay para tapusin ang bawat level. Kaya hangga’t maaari, iwasang mabawasan ang HP ng iyong karakter. Ang tip ko pagdating dito ay abangan ang tira ng kalaban at antabayanan kung saang direksyon ito tatama. Nang sa gayon, maaari mong iwasang tumama sa iyo ang bala. Dagdag pa rito, kailangan mong matutunan kung paano dumiskarte sa laro. Alamin kung kailan ang tamang oras kung kailan magtatago sa likod ng harang para ‘di tumagos ang bala ng kalaban, kung kailan gagalaw para maiwasan ang kanilang atake, at kung kailan at saan pupwesto para atakihin ang kalaban. Halimbawa, hindi pwedeng patuloy ka lang na iilag sa atake ng kalaban sapagkat mas delikado ito sa iyong karakter. Dahil hindi ka tumitigil para barilin ang mga kalaban, hindi rin ito mamamatay sapagkat hindi naman nababawasan ang kanilang buhay.

Pros at Cons ng Cyberpunk Hero: Epic Roguelike

Kahit na simple ang control ng laro, hindi ito nagiging boring dahil mas nagiging challenging ang bawat stage habang tumatagal. Kahit na isang daliri lang ang gamit mo sa paglalaro, hinahasa pa rin nito ang kaisipan ng manlalaro sa pagbuo ng estratehiya. Maganda na iba’t ibang klaseng kalaban ang pwede mong makaharap, mayroong iba na maramihang bala ang nilalabas kapag aatake at may iba namang laser ang gamit. Dahil dito, maganda itong pampalipas ng oras sapagkat siguradong hindi maiinip ang manlalaro. Nakalilibang itong laruin dahil kailangan mong umulit sa umpisa tuwing namamatay ang karakter kung saan ang layunin mo ay malampasan ang nakaraang pinakamataas na bilang ng stages na natapos mo.

Sa kabilang banda, maituturing na cons ng laro ang madalas na kaso ng lagging nito. Lalo na kapag nasa kalagitnaan ka ng laro, nagreresulta ito ng pagbawas sa HP ng karakter. Bukod pa rito, walang deskripsiyon ang skills na pagpipilian kaya hindi mo alam kung ano ba ang katangian ng bawat isa. 

Konklusyon

Sa kabuuan, mairerekomenda ng Laro Reviews sa mga manlalaro na subukang laruin ang Cyberpunk Hero: Epic Roguelike. Susubukin nito ang iyong pag-iisip sa pagdedesisyon at pagbuo ng estratehiya sa kalagitnaan ng labanan. Para mas maging maganda ang karanasan ng manlalaro, mairerekomenda ko sa game developer na lagyan ng maikling deskripsyon ang skills para malaman ng manlalaro ang gamit nito bago pumili. Mainam din kung maresolba agad ang isyu ng lagging nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...