Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena Review

Ang Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena ay isang multi-player PvP shooter na gumagamit ng cartoonized tanks na maaaring i-customize ng mga manlalaro. Ang shooting game na ito ay inilunsad ng game developer na High Core. Tinatayang mayroon itong 15 milyong manlalaro mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Nanalo rin ito bilang “Best Mobile Game of 2019” sa CEEGA (Central and Eastern European Game Awards). 

Ang pangunahing layunin dito ay magapi ang mga kalabang grupo sa isang 3v3 na labanan. Kung mahilig ka sa mga larong puno ng pagbuo ng diskarte, estratehiya, at kompetisyon, posibleng bagay ang larong ito sa iyo.

Features ng Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena

Tanks a Lot - 3v3 Battle Arena - Laro Reviews

Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena – Laro Reviews

Customizable Tank – Piliin ang equipment na gagamitin sa iyong tank. May tatlong bahagi na pwedeng baguhin. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Cannon – Ito ang mismong armas na nakakabit sa iyong tank. I-upgrade ito kung gusto mong mapalakas ang iyong attack power. May 24 cannons na maaaring pagpilian at kolektahin. May apat na stats na nakapaloob dito: Burst Damage, Range of Fire, Number of Bursts, at Reload Speed. Maa-unlock lamang ang mga ito bilang reward kapag naabot ang partikular na league. 
  • Base – Ito naman ang katawang bahagi ng iyong tank. Dito nakabatay kung gaano kabilis ang magiging takbo nito. Bukod pa rito, ito rin ang tutukoy kung gaano kataas ang iyong health. May 16 bases na pwedeng makuha. 
  • Command – Sila ang kukontrol sa iyong tank. Bagama’t hindi sila makikita sa aktwal na labanan, sila naman ay nagbibigay ng passive stats sa iyong tank. Sila ay nahahati batay sa kanilang damage type. Ito ay ang Bullet, Elemental, at Splash. 

Multiple Modes – May limang modes ang larong ito na may iba’t ibang game mechanics. Sa umpisa, tanging ang Team Deathmatch pa lamang ang maaaring laruin. Kinalaunan ng iyong paglalaro ay maa-unlock na rin ang iba pang modes batay sa trophies na natatanggap. Ito ay ang Headhunt na ginanap sa Anakena at kailangan ng 100 trophies. Sunod naman ang Splitter Encounter na sa Landfill ginanap at kailangan ng 390 trophies bago ma-unlock. Gayundin ang Battle Royale sa Yosemite na kailangan ng 500 trophies at ang panghuling mode ay ang Resource Brawl na sa North Rim ginanap. Katulad ng Battle Royale, maa-unlock ito kapag nakakuha ng 500 trophies. 

Related Posts:

Critical Ops: Multiplayer FPS Review

ONE PIECE Bounty Rush Review

3v3 Battles – Makipaglaban kasama ang iba pang manlalaro sa isang nakaka-engganyong PvP multiplayer! Kontrolin ang iyong war machine hanggang sa magapi ang kalabang grupo. 

Play with Friends – Maki-team up sa iyong mga kaibigan at sumali sa bakbakan laban sa iba pang grupo. Gamit ang feature na ito, pwedeng bumuo ng alyansa kasama ang iyong kasamahan para sa isang mas nakasisiyang labanan. 

Saan pwedeng i-download ang Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena?

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users, at ilagay sa search bar ang Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena. Dahil free-to-play ang larong ito, hindi na kailangang maglabas ng anumang aktwal na pera para makapagsimula. Pagkatapos ay hintayin itong mai-download at kumpletuhin ang sign-in details para makapaglaro.

Tanks a Lot - 3v3 Battle Arena - Laro Reviews

Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena – Laro Reviews

Narito ang mga link na hatid ng Laro Reviews kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.idspe.tanks2

Download Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena on iOS  https://apps.apple.com/us/app/tanks-a-lot-war-of-machines/id1344713773

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Kagaya ng ibang PvP na laro, mahalagang i-upgrade ang gears ng iyong tank na gagamitin. Ito ang susi sa iyong pagkapanalo dahil dito nakabatay ang attack power at health mo. Para mas epektibong magapi ang kalaban, importanteng mataas ang damage ng iyong Cannon at matibay ang Base na pipiliin. Kapag mas mataas ang rarity ng napiling gear, mas maganda ang base stats nito. Ngunit huwag basta-basta lamang pumili ng Cannon at Base na parte. Siguraduhing kayang buhatin ng iyong Base ang Cannon na pipiliin upang hindi maapektuhan ang liksi ng iyong war machine. Makikita ang numerong ito sa gilid ng napiling gear. Halimbawa, maaapektuhan ang iyong bilis kung gagamitin nang sabay ang Laser Blaster na may carry capacity na 10, at Hovercraft dahil hanggang 5 na carry capacity ang kaya nito. Posible pa rin namang itong magamit subalit mapapansin lang ang pagbagal ng iyong tank. 

Bukod pa rito, siguraduhing kunin ang mga libreng box na naglalaman ng gold coins at cards. Ang gold coins ay ang currency ng laro kaya mahalagang mag-ipon nito. Bawat transaksyon sa pag-upgrade ng iyong gears ay ginagamitan ng gold coins. Samantalang ginagamit naman ang cards bilang pang-upgrade ng level ng iyong mga gear. Habang tumataas ang level ng mga ito ay mas lumalakas din ang iyong war machine. 

Sa usaping gameplay, hindi ito masyadong kumplikado na ‘di gaya ng ibang PvP na laro. Gamit ang virtual joystick, pagalawin ang iyong tank sa direksyon kung saan nais itong dalhin. May dalawang klase ng atake, ang basic at power-up. Mainam na pumunta sa bushes para maitago ang presensya ng iyong tank. Kung makita nang papalapit ang kalaban, sorpresahing atakihin ito gamit ang attack buttons. I-monitor din ang balang mayroon ka dahil mauubos dito at may cooldown time na ilang segundo bago mag-reload muli. Kung mas malakas na ang gears ng iyong war machine, abangan ang mga nag-respawn na tank malapit sa kanilang base habang nakatago ang presensya sa bush. Tantyahin at habang hindi pa sila nakakabuwelo, paulanan nang paulanan ng bala para tanghaling panalo ang iyong grupo. Sa kill count din matutukoy kung ikaw ba ang tatanghaling MVP ng iyong grupo o hindi. Mas mataas ang rewards na matatanggap kapag nangyari ito. 

Tanks a Lot - 3v3 Battle Arena - Laro Reviews

Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena – Laro Reviews

Pros at Cons ng Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena

Ang larong Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena ay may makulay at malinaw na graphics at animation. Ang disenyong ginamit sa gears ng tank ay innovative din. Bagamat masasabing ang kanilang target audience ay mga kabataang edad 16 pababa dahil mala-cartoon ang estruktura ng war machines. Kung ikaw ay bagong manlalaro pa lamang, hindi ito nakakasawang laruin dahil mayroong itong iba’t ibang game modes na pwedeng ma-enjoy. Isa rin sa mga dahilan kung bakit patok ito ay dahil sa isa itong free-to-play na laro. Gayunman, walang nakakasagabal na ads kahit na libre lamang ang larong ito. May option ang mga manlalarong doblehin ang reward na natanggap kung nais o hindi. Kapag pinili na ang X button, rerespetuhin ng larong ito ang desisyon ng mga manlalaro. Tuluy-tuloy ang maaksyong gameplay na feature nitong nagdadala ng kasiya-siyang gaming experience sa mga manlalaro. 

Sa kabilang banda, may mga kahinaan din ang larong ito. Masasabing namamayani ang estruktura ng pay-to-win dahil upang makuha ang mga gear na may mataas na rarity, kailangang makuha ang cards ng mga ito. Makakukuha lamang ng matataas na tier na box kung maglalabas ng aktwal na pera. Bagama’t maaari namang idaan ito sa panonood ng ads upang madoble ang mga matatanggap na rewards, mas mabagal pa rin ito kumpara kung ikaw ay gagastos talaga. Bukod pa rito, may problemang teknikal din ang laro tulad ng bugs na nagdudulot ng glitches. Ito rin ang dahilan kung bakit matapos manood ng ads, nagka-crash ang app at pahirapan sa pag-login ng account. 

Konklusyon 

Sa pangkahalatan, ang Tanks a Lot – 3v3 Battle Arena ay itinuturing ng Laro Reviews bilang sakto lang para sa isang PvP na laro. “Sakto” sa aspetong nakakaengganyo ang laro partikular na sa mga baguhan at hindi pa pamilyar sa genre ng PvP. Ngunit kung ikaw ay matagal nang manlalaro at may ibang games na maaaring ikumpara dito, madidismaya ka dahil hindi ganoon ka-exciting ang laro kumpara sa iba. Mainam ang larong ito bilang panimula sa PvP dahil saklaw nito ang pundasyon at nailatag nang maayos.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...