LifeAfter Review

Ang LifeAfter ay isang laro na inilabas sa China noong Nobyembre 2018 ng NetEase Games. Ito ay isang kumpanyang kilala sa larangan ng mobile games. Kasunod ng matagumpay na naunang paglunsad nito, ang English na bersyon ng laro ay inilabas noong Pebrero 2019. At sa loob lamang ng mahigit tatlong taon matapos itong ilunsad sa buong mundo, naging isa na ito sa mga kinikilalang laro sa mundo ng MMORPG (Massively multiplayer online role-playing game). Ang larong LifeAfter ay kumbinasyon ng role-playing at survival gaming. Ang nakakakaba ngunit kapanapanabik na mundo sa larong ito ay talaga namang nakakahikayat ng mas marami pang manlalaro sa buong mundo.

Ito ay hango sa kwento tungkol sa nalalapit na katapusan ng mundo dahil sa mga zombies. Ang tila walang katapusang pag-atake nila ang isa sa mga rason kung bakit naging kaunti lamang ang mga taong natira. Ang mga manlalaro ay gaganap bilang isa sa mga maswerteng nakaligtas sa mapanganib na mga nilalang na ito. Kailangang labanan nila ang mga zombies at manatiling buhay. Ang lahat ng manlalaro ay mag-uumpisa bilang isang karakter na tinulungan ng isang estranghero para makaligtas. Pagkatapos, sila ay mamumuhay kasama ng ibang mga taong nakaligtas sa isang simpleng kampo o komunidad.

Kailangang maghanap sila ng  mga mapagkukunan ng supplies tulad ng pagkain, kahoy at iba pang mahahalagang mga bagay upang mabuhay at mas mapaunlad ang kampo. Maaari ring makipag-usap at makihalubilo ang mga manlalaro sa bawat isa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga produkto, paglutas sa mga problema at pagtutulungan sa panahon ng labanan. 

LifeAfter

LifeAfter

Kailangan lamang na i-download at i-install ang LifeAfter app sa iyong gaming device para maumpisahan ang pakikibaka para sa iyong pinakamamahal na buhay. Ang larong ito ay pwedeng laruin sa kahit anong uri ng device, Android o iOS man. Maaari rin itong malaro gamit ang computer. Siguraduhin lamang na gumamit ng lehitimong game emulator. Para naman hindi ka na mahirapan pang maghanap, i-click lamang ang link sa ibaba para ma-download ang laro:

  • Download LifeAfter on iOS https://apps.apple.com/us/app/lifeafter/id1441752845
  • Download LifeAfter on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.netease.mrzhna&fbclid=IwAR2TsGkSbToYa392rOVgzHTG_MfjZ6TeN9PyXfY3Pb11c8ES3wRAjdX2LTg
  • Download LifeAfter on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/lifeafter-on-pc.html

Gabay para mga Baguhang Manlalaro ng LifeAfter

Maari kang maglaro ng offline o kaya naman ay online. Pero bago ito, kailangan ka munang gumawa ng iyong account. I-click lamang ang sign-up button at punan ang mga kinakailangang impormasyon. Maaari  mong gamitin ang iyong email account. 

Kung wala ka pa talagang karanasan sa larong ito, medyo mahihirapan kang mag-level up at manalo. Sa umpisa, magiging nakakalito ang pasikut-sikot, lalo na kapag wala kang ideya kung saan dapat patungo. Mas makabubuti pa rin na mayroon kang ideya bago maglaro. Kaya, para matulungan ang mga baguhan, tatalakayin natin ang features at gameplay nito.

Ang LifeAfter ay may napakagandang istorya. Subalit tandaan na ang pangunahing layunin mo dito ay mailigtas ang iyong sarili at iyong mga kasama. Ang mga manlalaro ay maaaring pumili kung saan nila gustong mamuhay: sa 101 Newbie Zone ba o sa kampo kasama ng mga kaibigan. Maaaring silang gumawa ng iba’t ibang aktibidad katulad ng paggawa ng mga gusali o paggawa ng kanilang sariling tahanan, pagtatanim ng mga gulay at prutas, o paghabi ng mga tela.

LifeAfter

LifeAfter

Sa kasalukuyan, ang mga manlalaro ay makakagawa ng maraming aktibidad depende sa napiling game mode. Ito ay mayroong exploration mode, combat mode, crafting mode, house building mode at ang camp mode.

Pwede kang maglaro sa exploration mode at maghanap ng mga pangangailangan tulad ng pagkain at kahoy, at kumpletuhin ang iyong mga pang-araw-araw na misyon. Ang bawat zone sa laro ay nagtataglay ng iba’t ibang resources o pangangailangan. Ito rin ang isa sa mga mapanganib na lugar dahil marami ditong zombies na maaari umatake at gawin kang katulad nila. Mapanghamon din ang paiba-ibang lagay ng panahon. Sa loob naman ng warzone ay maaari kang patayin at pumatay ng ibang manlalaro. Kaya hangga’t maaari, maging maingat at manatiling ligtas. Tandaan na malaking papel ang ginagampanan ng grupo na iyong sasalihan. 

Related Posts:

Rise of Empires : Ice and Fire Review

Evertale Review

Ang combat mode naman ay medyo naiiba. Kinakailangan labanan ng manlalaro ang mga nakakatakot na zombies gamit ang iba’t ibang sandata. Tandaan na hindi mo maaaring patayin ang ibang mga manlalaro sa loob ng combat zone.  

Sa crafting mode naman, ang mga manlalaro ay gagawa ng mga produkto at materyales para makagawa ng mga gusali. Kailangang mangolekta at mag-imbak ng iba’t ibang materyales para gawing kapaki-pakinabang na mga produkto.

Mga Review ng Laro

Ang LifeAfter ay isang mobile game na parehong may kalakasan at kapintasan. Ang graphics at animation sa laro ay masasabing detalyado at de-kalidad. Pagdating naman sa gameplay at features ay may ibubuga rin ito. Nakakaaliw at nakaka-excite ang laro dahil mararamdaman mo talaga ang kakaibang kaba at aksyon ng mga labanan. Ang game control ay simple  lamang at madaling manipulahin. Maaari mo pang i-adjust ang laki ng iyong gaming screen. 

LifeAfter

LifeAfter

Sa kabilang banda, ito ay may mga kapintasan din tulad ng pagkakaroon ng in-game crashes, glitches at bugs na nakakaistorbo at nakakasira ng pokus ng mga manlalaro. Sa kabila rin ng regular na mga updates, tila hindi nababawasan ang mga isyung teknikal ng laro. Limitado rin ang mga maaring magamit na mga sandata upang labanan at patayin ang mga zombie. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit nagiging mahina at walang laban ang mga karakter sa pagsupil ng mga agresibong zombies. 

Konklusyon

Ang larong LifeAfter ay nakakuha ng katamtamang ratings. Ito ay may mahigit 10 milyong downloads at mayroong 4.2 average star rating galing sa 600,000 reviews sa Play Store. Mas mababa pa dito ang nakuha nitong rating sa App Store – 3.9 stars. Kung pagbabasehan natin ang mga ito, masasabing mayroon talagang malaking epekto ang mga isyung teknikal ng laro sa gaming experience. Subalit, kung ikaw ay isang manlalarong mahilig talaga sa aksyon at may lakas ng loob para makipagbuno sa mga zombies, maaari mo itong subukan para malaman kung swak ba sa trip mo. Malay mo, maging isa rin ito sa iyong mga paborito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...