Marvel Contest of Champions Review

Ang Marvel Contest of Champions ay free-to-play PvE adventure game na kung saan ay gagampanan mo ang papel ng paboritong Marvel superheroes sa loob ng one-on-one 2D battle game mode. Sa ngayon, may 194 na kabuuang bilang ng Champions ang kilala sa larong ito kaya malaki ang tyansang kasama rito ang paborito mo. Dito sa artikulong mula sa Laro Reviews, iisa-isahin ang mga pangunahing kaalaman sa laro at kung ano ang mga bagay na dapat gawin sa pagsisimula rito. Simple lang itong laruin at ang pagkakumplikado ay tama lang at hindi lubhang mahirap kaya manatiling nakatutok.

Gameplay ng Marvel Contest of Champions

Ang mga manlalaro ay magiging summoner sa Marvel Contest of Champions at makikipaglaban sa isang paligsahang pinangungunahan ng The Collector. Ang mga manlalaro ay makikipaglaban, kakalap ng mga legendary heroes at villains sa pakikipaglaban para sa mundo at makikipaglaban kay Kang the Conqueror.

Ang laro ay may storyline at PvP combat arena kung saan ay makikipaglaban sa iba pang mga manlalaro. Ang daily missions at mga partikular na arena battles ay makapagbibigay ng oportunidad na makakuha ng reward bonuses at kakaibang hero o maaaring makuhang pareho.

Marvel Contest of Champions - Laro Reviews

Marvel Contest of Champions – Laro Reviews

 Pagbuo ng Grupo ng Champions

Ang pangunahing konsepto ng Marvel Contest of Champions ay ang pagpili ng gustong champions at ang pagsisimula ng pagkikipagsapalaran sa board-like map, paglipat ng tile sa tile, at paggapi sa kalabang champions na makakasalubong sa daan patungo sa pinakahuling boss sa mapa.

Ang larong ito ay nagbibigay ng karaniwang champions sa pagsisimula ng laro upang makapagsimula ng unang misyon. Kadalasan, ang popular heroes gaya nila Wolverine, Hulk, at Spider-Man ang kasama sa grupong ito.

Bago pa man gamitin ang iyong champion, kailangang i-rank o i-level up ito. Bawat rank ay may sariling set ng levels na kailangang makumpleto bago makapunta sa panibagong rank. Ang Signature Ability ay makikita sa kanang bahagi ng screen na mayroon ang bawat champion at makapagbibigay sa kanila ng karagdagang boost sa pakikipaglaban o magdaragdag ng kahit anong makakaimpluwensiya kung paano maglaro ang isang champion. Ito ay nagkakaiba-iba sa bawat karakter.

Ang champion’s star variant ay ang panghuli ngunit pinakaimportanteng sangkap. Bawat champion ay may kakaibang set ng star levels kaya mas maraming stars ang mayroon sila at mas magiging malakas sila. Sa kasamaang palad, ang champion’s star variant ay hindi maaaring baguhin. Dahil dito, kung may two-stars o higit pang champions, mas makabubuting ituon ang pansin sa mas malakas na variant dahil may mas mataas itong level at rating cap.

 Pag-download ng Marvel Contest of Champions

Upang makapaglaro ng Marvel Contest of Champions, i-download ito sa Google Play Store para sa Android devices, at sa App Store naman para sa iOS devices. Kung maglalaro sa PC, bisitahin ang kanilang website sa https://playcontestofchampions.com/.

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

  • Download Marvel Contest of Champions game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kabam.marvelbattle
  • Download Marvel Contest of Champions game on iOS https://apps.apple.com/us/app/marvel-contest-of-champions/id896112560
  • Download Marvel Contest of Champions game on PC https://playcontestofchampions.com/
Marvel Contest of Champions - Laro Reviews

Marvel Contest of Champions – Laro Reviews

Mahahalagang Pointers sa Paglalaro ng Marvel Contest of Champions

Ang matagumpay na laban ay simple lang kung naiintindihan ang mga pangunahing galaw sa laro. Kapag na-master na ito, makagagawa na ng mga kumbinasyon sa pamamagitan ng pag-atake sa kalaban gamit ang kumbinasyon ng dashes, sidesteps, at light hanggang medium strikes. Makakalikha ng mahusay na combo sa pagsasama ng light at medium strikes. I-click ang itaas na bahagi ng screen para sa light strikes. Paulit-ulit na pindutin ang kanan upang makapagbigay ng magkakasunod na tira. Mag-swipe pakanan para sa isang medium strike. Kapag na-master na ang bawat hakbang, subukang pagsamahin ang light at medium strikes para mabuo ang perpektong kumbinasyon.

Ang isa sa pinakamahuhusay na tips na maibibigay ng Laro Reviews ay ang pag-corner sa kalaban. Tuwing mapupuno ang special attack bar, i-click ang special attack tab para magamit ito. Gayunpaman, gamitin lamang ito pagkatapos na salakayin ang kalaban sa pamamagitan ng light at medium hits.

Ang special attack tab ay maaaring maging kapakipakinabang. Laging tingnan ang special attack tab sa ibabang kaliwang bahagi ng screen habang patuloy na nakikipaglaban sa hero o villain. Kapag nakikipaglaban, ang meter ng special attack power ay naglo-load up. Kapag napuno na ang power meter, i-click lang ito para sa nakamamatay na tira sa iyong kalaban.

Bilang pandagdag sa light, medium, at heavy strikes, maaaring lituhin ang kalaban sa paggamit ng dodges at dashes. Mag-swipe pakaliwa upang umiwas. Ang pagsubok na gumamit ng dodge ay makakatulong na makaiwas sa sunud-sunod na atake. Ang strategy na ito ay magagamit kapag makakalapit na sa kalaban at gustong maiwasan ang reverse hit. Maaaring pagmadaliin ang kalaban sa pamamagitan ng dash method. Mag-swipe pakanan upang makapag-dash. Sa pagsasagawa nito, i-click o mag-swipe pakanan upang makapagpakawala ng sunud-sunod na atakeng makaka-corner sa kalaban.

Related Posts:

Clash of Kings Review

Dragon Raja SEA Review

Marvel Contest of Champions - Laro Reviews

Marvel Contest of Champions – Laro Reviews

 Pros at Cons ng Marvel Contest of Champions

Ang battle system ng Marvel Contest of Champions ay binibigyang-diin ang mas simple at malinaw na sistema ng pakikipaglaban sa diskarteng naka-set up. Ito ay nagsisilbing isang onboarding device na nagpapababa sa mga hadlang sa pagpasok ng mga casual na manlalaro. Nilikha ito sa kabuuan para sa mga smartphone at casual player type.

Ang positibong aspeto ng laro ay ang pagiging angkop nito sa smartphone screen encounter na may maliliit at madaling maintindihang bite-sized exercises. Sa ngayon, dito na patungo ang mobile gaming.

Sa labas ng performing stage, ang gameplay at commands ay simple at madaling matandaan, subalt marami pang mga kaganapan sa core at pati na rin sa meta loop na nagpapanatili sa mga manlalaro sa pagtutok rito sa mas mahabang oras.

Ang isang disadvantage ng laro ay ang sadyang pagkakadisenyo nito upang hingin sa mga manlalaro na bumisita sa partikular na store nang madalas upang mapansin ang mga high-value item gamit ang store at retail psyche. Dahil dito, ang mga libreng bagay ay sadyang nakatago at hindi madaling mapapansin ng mga manlalaro sa unang tingin. Sinadyang unang ipinapakita ang mga high-priced stuff bago mailipat ang cursor sa mga lower-priced o free stuff.

Konklusyon

Ang Marvel Contest of Champions ay may kakayahang makapagbigay ng kasiyahang dulot ng traditional puncher style sa paggamit ng Marvel superheroes na nakakaakit maging sa mga bata o sa matatanda man. Gumagamit ito ng pinakasimpleng strategic gameplay na madaling matututunan ng mga casual at mid-core player na may bahagyang tactic surface na kumukuha ng atensyon ng mga experienced players.

Ang laro ay may sapat na substance at depth. Salamat sa koneksyon ng hero categories na nagpapalawak ng simpleng strategy combat system para makapagbigay ng magandang alternatibo sa top-level mid-core players.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...