Kung isa ka sa mga taong mahilig tumambay sa arcade amusements, malamang ay nadaanan mo na ang pinball machines. Bukod rito, maaaring isa ka rin sa mga nagpasok ng tokens upang malaro ito. Nagsimula ito bilang isang tabletop game na gawa sa kahoy at kalimitang nilalaro sa labas. Habang tumatagal, mas nag-i-improve ang itsura nito dahil sa sound effects, lights, at materyales na pinanggalingan nito. Mas nauso ito noong 1980s at 90s, ngunit hindi pa rin nawawala ang pinball machines kahit na sa pag-usbong ng teknolohiya. Sa katunayan, makikita pa rin ang mga ito sa arcade amusements at casino. Tulad ng ibang arcade at casino games, marami na ring ganitong klaseng laro ang makikita mo sa Play Store at App Store. Dahil hindi pa rin tuluyang natatapos ang pandemic, marami pa ring mga tao ang mas gustong manatili sa kanilang bahay kaysa lumabas para lamang maglibang. Kaya naman hindi maipagkakaila kung bakit maraming mobile game ang nauuso ngayong panahon, at ang ilan sa mga ito ay ang Pinball Go big win.
Contents
Kabuuan ng Pinball Go Big Win
Ang Pinball Go! ay isang casual mobile game mula sa Shape Keeper Ltd. Ito ang parehong developer na naglabas ng ilang casino games tulad ng Lucky Win Slots – Win Real Money, Lucky Win Slots – Win Real Money, Royal Slots: win real money, at iba pa. Dito, malalaro mo ang classic pinball game na kalimitan mong makikita sa arcade amusements dahil sa neon lights aesthetics nito. Bilang karagdagan, makakatanggap ka ng mga premyo sa Pinball Go win big depende sa mga matatamaan ng bola.
Layunin ng Laro
Hindi naiiba ang layunin ng larong ito sa totoong pinball machine na makikita mo sa arcade amusements at casino. Kailangan mo lang makakuha ng mataas na score sa pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa obstacles, coins at ring. Magiging mas mataas ang iyong score kung marami kang mapapatamaan. Gayunpaman mababalewala ang iyong effort kung hindi mag-shoot ang pinball sa gumagalaw na crown ring, kaya siguruhing dito huling mapupunta ang iyong tira.
Paano Ito Laruin?
Wala ka nang dapat ipasok na tokens dahil makakatanggap ka ng mga ito matapos maghintay ng ilang minuto o sa tuwing manonood ng advertisements. Bukod dito, hindi mo na rin kailangang maghila ng ball launcher dahil pwede mo nang i-adjust ang pupuntahan nito gamit ang cannon. I-tap lamang ang iyong screen kung handa ka na at hintaying makapasok ito sa ring. Dahil kusa na ring gagalaw ang levers, wala ka nang ibang gagawin kundi tantyahin ang mga pupuntahan ng iyong bola.
Pros at Cons ng Laro
May lalabas na linyang magpapakita sa dadaanan ng iyong pinball sa tuwing maglalaro ka, at ito ang magsisilbi mong guide kapag titira ka na. Bilang karagdagan, mas madali ring makagawa ng diskarte dahil malalaman mo kung saan mapupunta ito.
Maganda rin ang pagkakadisenyo ng developer sa Pinball Go big win. Makikita mo ang neon lights, na sumikat noong 1920s hanggang 50s, sa iyong screen. Kaya maihahalintulad ang visual ng larong ito sa mga sikat na pinball game sa arcade amusements. Dahil dito, mas mahihikayat kang maglaro dahil ang laro ay may vintage aesthetics.
Maari mo rin itong malaro offline ngunit hindi ka makakaipon ng pera sa mga napanalunan mo. Ginawa lamang ang feature na ito upang maranasan mo ang paglalaro ng pinball game kahit na wala kang stable internet connection. Kaya hindi ito gaanong inirerekomenda ng Laro Reviews kung naghahanap ka ng mga cash out game pwede mong pagkakitaan.
Sa kasamaang palad, hindi ito mae-enjoy ng Pinoy players dahil sa Indonesian ang wikang nasa larong ito. Kaya hindi mo maiintindihan kung ano ang dapat mong gawin sa tuwing may mensaheng makikita sa iyong screen. Bilang karagdagan, walang English o Tagalog translation na option dito. Maari mo namang i-translate ang mga salita ngunit magiging hassle ito.
Pinball Go big win – Mga Alternatibong Laro
Hindi mo man ma-enjoy ang Pinball Go big win dahil sa hindi mo maintindihan ang wika nito, marami pa ring alternatibong mobile games na pwede mong i-download. Narito ang ilang apps na inirerekomenda ng Laro Reviews.
Pinball Deluxe: Reloaded
Isang casual pinball game na inilabas ng Made Of Bits na maaari mong malaro sa iyong mobile phone. Dahil sa genre nito, may iba’t ibang level kang dapat tapusin upang makakuha ng rewards. Bukod dito, nababagay ang larong ito para sa casual players na gusto lamang maglibang sa tuwing maglalaro ng mobile games. Magiging nostalgic ang iyong paglalaro dahil na rin sa retrospective 3D art style nito,
Zen Pinball
Mahilig ka ba sa pinball games kung saan pwede mong mapalitan ang board? Kung gayon ay ito na ang larong hinahanap mo. Ito ay isang stylised arcade game mula sa Zen Studios, kaya pwede kang bumili ng iba’t ibang theme mula sa mga sikat na Hollywood movies tulad ng Jurassic Park at Star Wars series.
Big Win Club
Kung naghahanap ka naman ng ibang laro bukod sa pinball go big win, maari mo ring i-download ang Big Win Club mula sa Andrew STD HK. Sa app na ito hindi lang isa, hindi lang tatlo, kundi hanggang labing apat na laro ang pwede mong ma-enjoy. Ang app na ito ay nababagay sa mga Pilipino. Dito, maaari mong malaro ang Tongits, Pusoy, Color Game, Baccarat, Lucky Number, at iba pang casino games. Bilang karagdagan, kikita ka sa app na ito dahil maaari mong ma-convert ang rewards na natatanggap mo. Kailangan mo lamang ng Gcash account upang ma-cash out ito.
Konklusyon
Marahil ay magiging patok ito sa Pinoy players kung may English o Tagalog option lang ang Pinball Go big win. Mayroon itong disenteng gameplay at maganda ang visuals nito kaya mae-enjoy mo itong malaro sa katagalan. Masisiyahan ka sa paglalaro nito dahil hindi ito mahirap matutunan kahit na iba ang mga parte nito kumpara sa classic pinball machine. Ngunit kung naghahanap ka naman ng iba pang laro, maaari mong i-download ang mga inirekomendang mobile apps ng Laro Reviews. Sa kabilang banda, mae-enjoy mo ang larong ito sa https://play.google.com/store/apps/details?id=com.iw.android.pinballgo&hl=en&gl=US.
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Reviews
- August 2, 2022