Pubg Mobile: Resistance Review

Lahat ng Tungkol sa PUBG

Ang sikat na laro ng PUBG Mobile ay isang Battle Royale mobile game na pinagtulungang buuin ng Tencent Games at Lightspeed & Quantum Studios at ipinakilala ng PlayerUnknown’s Battlegrounds. Inilabas ito sa buong mundo noong Marso 2018. Ang PUBG mobile, na ginawa gamit ang Unreal Engine 4, ay nakatuon sa kalidad ng graphics, mga mapa, karanasan sa pagbaril, at iba pang mga feature para magbigay sa mga manlalaro ng kumpleto at surreal na karanasan sa Battle Royale.

Magkakaroon ng isang kawan ng daan-daang sabik na mga manlalaro na darating sa larangan ng digmaan upang simulan ang isang kapanapanabik at mapaghamong pakikipagsapalaran. Upang maging huling squad na nakatayo sa labanan, ang bawat manlalaro ay dapat mag-scavenge ng mga supply para sa kaligtasan at kailangan ding i-maximize ang mga posibilidad ng topograpiya ng mapa, mga sasakyan, at mga item. Habang nagsisimula nang lumiit ang playzone, bantayan ang tibok ng iyong puso.

Maaaring pumili ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang mapa, kabilang ang Erangel, Miramar, Sanhok, Livik, at marami pang iba. Huwag kalimutang tingnan ang iba’t ibang mga laro na magagamit mo! Ang katanyagan ng PUBG mobile ay patuloy na lumalago hanggang sa puntong hindi na lamang ito isang laro, ngunit isa na ring hub na nag-uugnay sa mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo at isang brand na nagbibigay-inspirasyon sa mga manlalaro na i-enjoy ang buhay nang lubos.

Paano Laruin ang PUBG Mobile

Ang PlayerUnknown’s Battlegrounds o PUBG ay mabilis na naging pinakasikat na laro sa planeta. Imposibleng hindi nito makuha ang pansin ng mga tao dahil makikitang nilalaro ito sa mga cafe at sa mga sulok ng kalye sa buong mundo. Ito ay isang mahusay na paraan upang gumugol ng quality time kasama ng mga kaibigan o magpalipas ng oras sa pagtatapos ng araw.

Ang pinakamagandang katangian ng PUBG ay napakadali nitong matutunan. Ito ay isang battle royale game kung saan itinapon ka sa isang isla kasama ang 99 na iba pang tao na may layuning maging “last man standing”. Habang lumilipas ang oras, bumababa ang mapa, na pinipilit kang patuloy na lumipat. Bagama’t simpleng matutunan ang PUBG, hindi ganoon kadaling manalo. Dito ako maaring makatulong.

Related Posts:

Clash of Clans Review

Event Twins: Design and Blast Review

Pubg Mobile

Pubg Mobile

Mga Tip kung Paano Manalo sa PUBG Mobile

Wala nang paliguy-ligoy pa, tapatan na agad tayo. Narito ang ilang tips para manalo sa PUBG Mobile.

1.Parachute right

Ang unang ilang segundo ng laro ay lubos na mahalaga. Mayroon kang lamang depende sa kung saan ka lumanding o napadpad. Lumayo sa matataas na lokasyon kung ikaw ay isang baguhan. Inirerekomenda na huwag dumaong kahit saan na may malaking konsentrasyon ng mga gusali.

Sa halip, maglakbay nang kaunti pa para makarating sa isang maliit na bayan. Hahanapin mo pa rin ang kinakailangang kayamanan at mga armas, at magiging madali ang pagtataboy sa ibang mga manlalaro. Magsimula sa pamamagitan ng pagbisita sa Gatka at Mylta.

2.Iwasan ang first contact sa unang bahagi ng laro

Ang isa sa mga unang pagkakamali na maaari mong magawa pagkatapos ng landing ay ang makipag-away kaagad. Lumiko at lumipat sa ibang direksyon kung kakarating mo lang at may narinig kang bagong salta rin sa lugar. Mas malaki ang posibilidad na may dalang armas ang mga ito.

3. Laging tandaan na dapat palitan o i-upgrade ang iyong armor

Habang lumalahok ka sa labanan sa PUBG, bumababa ang proteksyong naibibigay ng iyong panangga. Kapag mahina na ang armor, mas mainam na palitan na ito. Ito ay katanggap-tanggap kung kailangan mong lumipat mula sa isang mas mataas na level ng armor patungo sa isang mas mababang uri. Dahil mas malaki ang proteksyon na matatanggap mo.

4. Gamitin ang pinakamahusay na sandata 

Kakailanganin mo ng matibay na tool kung naglalaro ka para manalo. Malalaman mo kung aling baril ang pinakakomportable kang gamitin pagkatapos ng ilang laro. Subukang hanapin ang parehong uri ng baril sa bawat laro at laging gamitin ito. Kahit na nangangahulugan ito ng pag-ayaw sa mas malalakas na sandata, ang iyong sandata, hindi katulad ng armor, ay hindi isang bagay na maaaring palit-palitan anumang oras mo gustuhin.

5. Kapag nasa labanan, gawing zigzag ang tinutungong direksyon

Kapag inaatake ka, huwag na huwag tumakbo sa tuwid na landas. Ito ay isang suicide o tiyak na paraan upang mamatay. Sa halip, tumakbo nang pa-zigzag o gawing random ang direksyong tinutungo habang lumilipat ng lugar. Matagalan ka mang makapagtago, mas mabuting gawin ang teknik na ito para mapatagal ang iyong buhay.

Nakaka-excite hindi ba? Kaya naman napakaraming tao ang na-hook sa paglalaro ng PUBG Mobile.

Saan magda-download? Gamitin lamang ang mga links sa ibaba upang mai-set up ang laro:

  • Download PUBG Mobile: Resistance on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tencent.ig&hl=None&utm_source=apac_med&utm_medium=hasem&utm_content=Oct0121&utm_campaign=Evergreen&pcampaignid=MKT-EDR-apac-ph-1003227-med-hasem-gm-Evergreen-Oct0121-Text_Search_SKWS-SKWS%7cONSEM_kwid_43700061871390673_creativeid_504006719646_device_c&gclid=Cj0KCQiA-eeMBhCpARIsAAZfxZBDxD0lGExtxxVhX3kQkw71wAiFTK5JEqEvZUV1pnEGNUgvataMm8IaAuZTEALw_wcB&gclsrc=aw.ds
  • Download PUBG Mobile: Resistance on iOS https://apps.apple.com/us/app/pubg-mobile-arcane/id1330123889
  • Download PUBG Mobile: Resistance on PC https://www.fibonapps.com/en/games/download-4470-pubg-mobile-resistance/pc

Ang maaksyong larong ito ay magagamit sa iOS at Adroid devices. Kaya lahat ay maaaring sumali sa mga kapanapanabik na misyon.

Pubg Mobile

Pubg Mobile

Ano ang mga kalamangan sa paglalaro ng PUBG Mobile?

Maaari kang makatakas sa mga problema ng pang-araw-araw na buhay. Alam nating lahat na ang mga video game ay isang mahusay na paraan upang panandaliang makalimutan ang mga problemang pinagdadaanan. Maaaring makatulong ito sa isang tao na makapag-relax pagkatapos ng mahabang araw. 

Mapapalawak mo ang iyong kakayahan sa paglutas ng problema. Upang mabuhay sa PUBG Mobile, kailangan mong mabilis na makalapag sa target na lokasyon. Ang landing mismo ay nangangailangan ng natatanging kakayahan dahil kaakibat nito ang pagtantya kung mapapabuti ba ang lagay mo sa babagsakang lugar. Medyo seryoso ako sa puntong ito pero ito ay totoo. Sa mapa ng Erangel, halimbawa, dapat kang tumalon mula sa isang eroplano sa bilis na 234 metro bawat segundo para lumapag sa loob ng 750 metro, bagama’t nagbabago ang pagtantyang ito sa ibang mga mapa. Bukod sa landing, kakailanganin mong gumamit ng iba’t ibang paraan at talento para manalo ng chicken supper. Maihahalintulad ang mga karanasang ito sa mga pangangailangan at pagsubok na nararanasan natin sa totoong buhay.

Ang isa pang makabuluhang bentahe ng PUBG ay ang paghasa nito sa memorya ng mga tao. Pinapabuti ng larong ito ang memorya dahil kailangang kabisaduhin ng mga players ang mga lokasyon pati na rin ang mga pahiwatig kung nasaan ang mga kalaban. Ang hudyat ng mga kalaban ay lilitaw sa mapa. Ang signal na ito ay nagbabago sa distansya, at nagbabago rin ang kulay. Kapag kabisado ng naglalaro ang mga bagay na ito, mas mapapabuti ang lagay niya sa laro.

Pubg Mobile

Pubg Mobile

May cons ba sa paglalaro ng PUBG?

Ang maikling sagot ay oo. Mayroong iba’t ibang mga ulat na naglalarawan ng mga negatibong aspeto at dulot ng laro. Isang fitness trainer sa Jammu ang nawalan sa katinuan at dinala sa ospital pagkatapos maglaro ng PUBG mobile. Isang 15 taong gulang na bata naman ang nagnakaw ng Rs50,000 mula sa bank account ng kanyang ama, at dalawang tinedyer sa Maharastra ang natangay ng tren habang naglalaro ng PUBG Mobile. Ang listahang ito ay may mga karugtong pa.

Gayunpaman, nakikita kong higit na personal ang mga isyu nabanggit dahil ang totoo ay malayang makakapagpasya ang bawat indibidwal kung magpapaimpluwensya ba sa mga bagay na hindi dapat dinidibdib o siniseryoso. Laging nasa tao ang desisyon at pamimili.

Gayunpaman, dapat tandaan na ang anumang labis ay masama.
Ang lunas sa mga ganitong uri ng alalahanin ay tiyaking ikaw ay disiplinado at responsableng manlalaro. Sa madaling salita, hindi ka basta-basta nagpapadala sa isang mobile game para ituring itong parte ng iyong tunay na mundo.

Sa kabuuan, ang PUBG Mobile: Resistance ay isang kapanapanabik at mapaghamong laro na dapat subukan ng lahat. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...