Hindi man palagi ngunit may pagkakataon talaga na mas nakikilala tayo ng mga dayuhan kung pagkanta ang pag-uusapan. Sa dami kasi ng mga pilipinong nagpamalas ng galing sa ibang bansa pagdating sa pag-awit, hindi na kataka-takang may mga taong magsasabi na talagang kakaiba ang mga Pinoy pagdating sa larangan ng musika at pagkanta. Kahit dito lamang nga sa loob ng ating bansa, may okasyon man o wala, kapansin-pansin na hindi talaga nawawala ang videoke. Nakahiligan na natin ang pag-awit kahit pa alam nating sintunado ang iba sa atin. Katulad ng pagkahilig sa pagkanta, may isang bagay rin na talagang hindi nawawala sa hilig ng mga Pilipino – iyon ay ang paglalaro natin ng mga baraha. Dahil na rin sa pagiging malikhain at pagkahilig ng mga Pilipino sa baraha kaya nabuo ang larong siyang itatampok natin sa artikulong ito, ang Pusoy. Pusoy Dos ang tawag sa “shedding” card game na ito na nagmula sa Calauag, Quezon Province. Sa larong ito, ang bawat manlalaro ay mag-uunahan sa pag-ubos ng baraha na nasa kanilang mga kamay para tanghaling panalo. Malimit itong nilalaro nang magkakasama ngunit kasabay ng pagtanda ng panahon, nakakatuwang malalaro mo na rin ito gamit lamang ang iyong mobile phone at PC, Pusoy Offline man o online.
Contents
Anu-ano ang mga Pusoy Offline Best Apps na maaaring subukan?
Marami-rami na rin ang mga larong tungkol sa Pusoy na talagang nagkalat na sa Google Play Store at App Store. Ngunit kung naghahanap ka ng Pusoy app na maaari mong madala kahit saan at malalaro mo, may internet man o wala, narito ang tatlong offline app na inirerekomenda ng Laro Reviews sa artikulong ihinanda para sa iyo:
- https://play.google.com/store/apps/details?id=com.redkoda.chinesepokertw – Ang offline Pusoy app na ito ay nagmula sa publisher na Red Koda Software Limited. Sa oras na buksan mo na ang larong ito, bubungad sa iyo ang pinagsamang ginto at lilang kulay ng laro. Mayroon din itong graphics na para bang tauhan ang mga manlalaro ng isang anime. Maraming klase ng avatar dito at mayroon kang kalayaang mamili ng kung alin ang gusto mong gamitin sa mga ito. Maraming buttons din o option na makikita sa mismong bungad pa lamang ng laro ngunit isang magandang bagay na hindi mo ikakagulat ang mga ito. Ang larong ito ay mayroon ding multiplayer game kung saan maaari kang makapag-invite ng ibang manlalaro ng Pusoy gamit ang wifi (kung nais mo ay online) o bluetooth (kung pagdating sa offline).
Sa kabuuan ay mayroong 14 na laro o location ang maaari mong subukan dito. Bawat isa ay may kanya-kanyang prize na maaaring mapanalunan ng bawat manlalaro. Kumbaga, ito na ang nagsisilbing level of difficulty ng laro dahil palaki nang palaki ang prize na makikita rito. Kasama ng jackpot prize ay makikita rin dito ang bilang ng tokens na kakailanganin bago tuluyang makapasok sa bawat location. Wala ka naman kailangang ikabahala pagdating dito dahil mayroon ka namang matatanggap agad na token sa oras na makapasok ka na sa larong ito. May karamihan din iyon at masasabing sapat na upang subukan ang unang nakabukas na location. Kung sakali namang maubos ang iyong chips ay maaari ka naman ditong manood ng ads o kaya ay bumili gamit ang tunay na pera. Ngunit ayon sa developer nito, maaari naman silang magbigay ng UNLIMITED FREE CHIPS sa mga manlalaro kung mayroong silang balance sa laro na umaabot sa $3,000.
- https://play.google.com/store/apps/details?id=com.emagssob.capsasusun&hl=en_US&gl=US – Mula naman sa iDream Game Studio ang Pusoy offline app na ito. Sa bungad pa lamang ng laro, kapansin-pansin na agad ang ilang mga features nito na masasabing angat sa unang Pusoy App na binanggit natin. Maituturing na kagandahan kasi sa larong ito na bago pa man sumalang sa aktwal na laro ang bawat manlalaro ay mayroon muna silang kailangang pagdaanan na tutorial. Kapansin-pansin din na organisado ang bawat features nito at mayroon kang kalayaan na pumili kung anong klase ng laro ang gusto mo. Maaari kang maglaro ng Pusoy ng dalawahan lang, tatluhan o kaya naman ay apatan.
Sa larong ito ay mayroon itong feature na tinatawag na Table. Kung sisilipin ang Shop ng laro ay makikita mo rito ang siyam na klase nito at siyang mabibili mo gamit ang pera na maiipon mo sa laro. Layunin ng mga table na ito na tulungan kang mapalaki ang perang mapapanalunan mo sa laro ng doble, triple o higit pa. Kung babalikan ang mga item na ito sa Shop, mapapansin mo ring kailangan mo munang ma-unlock ang mga naunang Table bago mabuksan ang iba pa.
Maayos naman at malinis ang graphics na makikita sa larong ito dahil marahil sa pagiging simplified nito. Hindi mahirap intindihin at masasabing mas nag-invest talaga ang developer nito sa mismong Pusoy kaysa sa de-kalidad ng artstyle. Nakakatuwa rin na marami kang maaaring pagkuhanan ng bonus coins mapa-online ka man o offline. Kung mayroon lamang na masasabing disadbentahe rito, iyon ay marahil computer bot lamang ang nakakalaro mo rito at hindi tunay na tao.
- https://play.google.com/store/apps/details?id=danh.bai.mau.binh.offline – Ang panghuling Pusoy offline app na ito ay nagmula naman sa GAME DANH BAI. Kumpara sa dalawang nauna, mas simple ang graphics na makikita sa larong ito ngunit nakakatuwang mas kaya nitong makaakit ng manlalaro. Nakakaaliw kasing pagmasdan ang pagiging makulay ng larong ito. Idagdag mo pa bilang kagandahan dito ito ang parte kung saan sinisikap talaga nitong maging iba kumpara sa mga kakumpitensya nitong app pagdating sa Pusoy. Kung papansinin ang bawat avatar na maaari mong pagpilian sa larong ito, mapapansin mo na ang mga ito ay parang mga taong bumubuo sa isang pamayanan. Dahil dito, para bang sinasabi ng larong ito na ang Pusoy ay isang magandang libangan at talagang para sa lahat.
Bukod sa magandang artstyle at masarap sa tengang tunog na maririnig sa background nito, nakakatuwa rin ang parte ng larong ito kung saan talagang paghihirapan mo ang makakuha ng bonus coins. May mga challenge pa kasi ito at bilang isang manlalaro, isang magandang bagay na may side quest kang maaaring subukan bukod pa sa paglalaro ng Pusoy. Kung sisilipin naman ang mismong nilalaruan mo ng Pusoy, masasabing ito ang magandang subukan ng mga manlalarong hindi pa gaanong bihasa sa paglalaro ng Pusoy dahil talagang ginagabayan ka ng laro pagdating sa pag-a-arrange ng iyong mga baraha bago mo ito dalhin sa aktwal na labanan.
Paano nga ba nilalaro ang Pusoy?
Ang Filipino Poker o kung tawagin ay Pusoy ay isang card game na maaaring laruin ng apat na tao. Ngunit may pagkakataon naman na maaari na itong laruin ng kahit dalawa o tatlong manlalaro. Bawat manlalaro ay makakatanggap ng tig-13 na baraha. Ang pinaka-objective ng laro ay ang sikaping maubos mo ang lahat ng baraha na nasa iyong mga kamay. Kung hindi man naubos ay sikaping ikaw ang may pinakakaunting baraha para ka tanghaling panalo.
Narito ang ilan pang mga gabay kung paano ito laruin mula sa https://kami.com.ph/112525-how-play-pusoy-dos-win.html:
- Mayroong sinusunod na order ng suit sa larong ito, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa. Ganito ang pagkakasunod-sunod nito: Diamond, Heart, Spade at Club.
- Mayroon namang iba’t ibang klase ng card order dito gaya ng
- Single kung saan sinasabing ang may pinakamataas na value ay ang card na may 2 na diamond habang pinakamababa naman ang 3 na club.
- Two-of-a-kind kung saan ang mga baraha ay mayroong parehas na rank ng baraha. Ang mga barahang may diamond ang siya pa ring may pinakamataas na value habang ang dalawang 3 naman ang pinakamababa.
- Three-of-a-kind naman ang tawag kung mayroon kang tatlong baraha na magkakaparehas ng ranggo. Ang may pinakamataas na combination naman dito ay ang tatlong 2 habang ang tatlong 3 naman ang sinasabing pinakamababa.
- Ang 5 cards naman ay ang kombinasyon ng limang random na cards gaya ng:
- Straight ang tawag sa kumbinasyong gaya ng 3,4,5,6 at 7. Ang mga barahang may pinakamataas na value ay ang card na 10, J, Q, K at A habang ang pinakamababa naman ang 2, 3, 4, 5 at 6.
- Flush ang tawag naman sa limang card na ang kumbinasyon ay may pare-parehas na suit. Ang mga barahang may diamond flush ang pinakamataas habang club flush naman ang pinakamababa.
-
- Full House naman ang tawag sa limang card na may triple at pair gaya ng 4,4,4 at J, J. Nakadepende ang rank sa triple na iyong nai-combine. Pinakamataas ang triple card na 2 habang lowest naman ang triple na 3.
- Quads naman ang tawag kung mayroong apat na magkakaparehas na card at isang single card gaya ng Q,Q,Q,Q at 2. Gaya ng sa full house, nakadepende ang rank ng card sa magkakaparehas na card. Pinakamataas dito ang apat na 2 habang lowest naman ang apat na 3.
- Straight Flush naman ang tawag kung mayroon kang 5 magkakasunod na card na pare-parehong suit. Pinakamataas ang kombinasyon na A,K,Q,J at 10 habang pinakamababa naman ang 2,3,4,5 at 6.
Bukod sa mga nabanggit na Pusoy Offline Best Apps, saang app pa maaaring maglaro ng Pusoy?
Tunay na kapaki-pakinabang ang tatlong Pusoy Offline app na aming itinampok sa itaas dahil mabisang app ang mga ito upang malaman mo ang premise ng larong pusoy, mula sa kung paano ito nilalaro at gaano kahalaga ang utak at diskarte para manalo rito. Ang mga Pusoy Games offline na ito ay isang magandang paraan upang ihanda ka sa mas mabigat pang laban. At kung pakiramdam mo’y handa ka na at nais mo nang sumubok ng bagong app kung saan maaari mong makalaro, hindi lamang ang mga computer bot kundi ang mga tunay na tao, maaari mong subukan ang online app na ito – ang Big Win Club.
Ang Big Win Club ay kinikilala bilang best tongits app dahil sa magandang kalidad nito. Laman din nito ang iba’t ibang klase ng laro hindi lamang ang Pusoy kundi pati na rin ang Slots at Lucky 9. Kung sa mga Pusoy go offline na ito ay puro mga computer bot lamang ang nakakalaro mo, dito sa https://bigwinclub.site/ ay maaari mong makaharap ang mga tunay na tao. Isang ding maituturing na kaibahan ng app na ito sa tatlong pusoy offline na nasa itaas ay ang perang umiikot sa larong ito. Gayunpaman, dahil nga totoong pera ang pinangtataya mo sa larong ito, mayroon ka ring tyansa na makapag-uwi ng limpak-limpak na salapi rito. Ang Big Win Club ay mayroong isang malaking komunidad. Kaya naman kung susubukan mo itong laruin ngayon, siguradong hindi mo ito pagsisisihan.
Konklusyon
Ang Pusoy ay mayroong simple ngunit tunay na nakakaaliw na gameplay. Ito ang tipo ng laro na kaya kang libangin lalo na sa mga pagkakataon na nais mong magpalipas ng oras. Sa sobrang ganda nitong laruin lalo na kung kasama ang iyong mga kaibigan, isang magandang bagay na maaari mo na rin itong malaro nang hindi na kailangan pang magkaroon ng sariling baraha. Ang simpleng pag-install lamang ng mga Pusoy Offline app sa iyong mobile phone at PC ay isa na rin sa mga mabisang paraan upang maranasan ang kakaibang aliw na mayroon sa card game na ito.
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Reviews
- August 12, 2022