Real Bike Racing Review

Naisipan mo na bang sumakay ng motor at makipagkumpitensya sa isang karera laban sa iba pang mga racer? Ang larong Real Bike Racing ay isang makatotohanang paligsahan sa karera ng motorsiklo! I-enjoy at i-explore ang tatlong mode ng laro: quick game, career, at VR mode. 

May mga accelerator, preno, reverse, at manibela na tulad ng sa isang tunay na motorsiklo. Lahat tayo ay pamilyar sa kung paano ito gumagana, tama ba? Ang lahat ng mga bahagi ng motorbike ay maaaring matagpuan sa larong ito. Tuklasin kung paano ito gumagana at kung paano magpatakbo ng motorsiklo. Narito ang Laro Reviews para magbigay ng mga detalye tungkol sa mekaniks ng laro.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng larong ito ay para maging isa ka sa mga pinakamahusay na manlalaro sa karera! Tuklasin ang kapanapanabik at nakaka-excite na mga feature ng laro, makipagkumpitensya sa iba’t ibang lokasyon, at makatanggap ng iba’t ibang rewards. I-customize ang iyong motorsiklo at i-upgrade ang mga istatistika nito upang maging mas handa sa paligsahan.

Real Bike Racing - Laro Reviews

Real Bike Racing – Laro Reviews

Makipag-unahan sa ibang pang racers at tapakan ang accelerator para mapabilis pa lalo ang patakbo at huwag kalimutang magpreno kung paliko ang daanan. Bilang isang mangangarera, ang iyong unang responsibilidad ay ang personal na kaligtasan. Iwasang bumunggo sa mga obstacle dahil ikakatalo mo ito. Maging pamilyar sa mga pagliko ng kalsada at magdahan-dahan kung kinakailangan.

Paano laruin?

Sa umpisa ng laro, tatlong mode ang lalabas sa screen: quick game, career mode, at VR mode. Kasama sa mga kontrol ng laro ang accelerator, preno, reverse, at joystick.

Accelerator – Pindutin nang matagal upang pabilisin ang takbo ng motorsiklo o i-release ng ilang sandali upang pabagalin ang iyong takbo.

Preno – I-hold upang pabagalin o ihinto ang iyong motorsiklo.

Reverse – Paatrasin ang takbo ng iyong motorsiklo.

Joystick – Magsisilbi itong manibela.

Maglalaro ka muna sa career mode ng laro. Sa mode na ito, may challenges at makikipag-unahan ka sa lima pang racer. Dapat ay makatapos sa laro ng hindi bababa sa top 3 ranking para ma-unlock ang susunod na lugar ng karera. Kapag sablay ang resulta, hindi ka makakausad sa laro. Pagkatapos nito ay magiging available na rin ang quick game at VR mode. Ang layunin ng quick game mode ay makabisado ng players ang mga daanan na natutulad sa scenic spots ng iba’t ibang bansa. Magiging magandang pagsasanay ito para sa iyo. Hindi mo kailangang maging competent. Kung nabunggo ka at namatay, bubuhayin ka kaagad at walang limitasyon pagdating sa oras ng paglalaro.

Sa VR mode, kakailanganin mo ng Google Cardboard VR goggles. Kung wala ka nito, maaari mong i-tilt ang iyong device. Sa career at VR mode lang maaari kang mangolekta ng mga reward. Maaari mong tingnan ang mga achievement at makuha ang iyong mga reward.

Paano i-download ang laro?

Real Bike Racing - Laro Reviews

Real Bike Racing – Laro Reviews

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Real Bike Racing sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 21 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa iOS users.

  • Download Real Bike Racing on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wordsmobile.RealBikeRacing
  • Download Real Bike Racing on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.wordsmobile.RealBikeRacing-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa Real Bike Racing 

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Real Bike Racing. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Real Bike Racing!

Tips at tricks sa paglalaro ng Real Bike Racing

Kabisaduhin ang manibela – Ang iyong track ay matutukoy sa kung gaano mo ito kakontrolado. Dapat kang magsanay ng wastong pagmamaniobra at maging maingat sa pagpapabilis lalo na kung may mga obstacle o pakurbadang kalsada. Dapat mong kontrolin ang bilis at direksyon ng iyong motorsiklo.

Mag-ingat sa mga kurbadang kalsada – Ito ang pangunahing problema sa karera. Ito ang dahilan kung bakit dapat kang magsanay magmaniobra upang maiwasang maaksidente. Magdahan-dahan, gamitin ang preno, at pagkatapos ay bumilis kapag naging diretso na muli ang kalsada.

I-upgrade ang iyong mga motorsiklo – Ang pangunahing advantage rito ay upang i-upgrade ang mga istatistika ng iyong motorsiklo para sa mas mahusay na pagpapatakbo kapag oras na ng karera.

Maglaro ng VR mode – Kung wala kang VR goggles, maaari ka pa ring maglaro sa pamamagitan ng pag-tilt ng iyong device. Iwasan ang mga makakasalubong na sasakyan sa kahabaan ng kalsada at mangolekta ng coins para makabili at magkapag-upgrade ng mga motorsiklo.

Pros at cons sa paglalaro ng Real Bike Racing

Ang app na ito ay makakatulong na mapabuti ang iyong abilidad sa pagmamaneho ng motorsiklo. Ang Laro Reviews ay nabighani sa kasiyahang ibinibigay nito sa mga manlalaro at sa napakahusay na gameplay. Matututuhan mong kontrolin ang manibela sa mga palikong kalsada at malampasan ang iyong mga kalaban. Maipagmamalaki nito ang mataas na kalidad ng visuals at isang masayang karanasan sa paglalaro. Dahil sa VR mode feature nito, para kang nakasakay sa isang tunay na motorsiklo. Isa rin itong offline game kaya maaari mo itong malaro at makipagkarera kahit na walang internet connection. Ito rin ay madaling ma-access at ligtas para sa mga bata.

Related Posts:

Money Run 3D Review

Robbery Bob 2: Double Trouble Review

Real Bike Racing - Laro Reviews

Real Bike Racing – Laro Reviews

Ang napakabilis ng pag-claim ng coins at rewards dito at napakasimpleng i-level up ang mga motorsiklo. Maaari ka ring makakuha ng mga karagdagang reward sa pamamagitan ng panonood ng ads. Ang mga motorsiklo ay maaaring baguhin at i-upgrade para mapahusay ang pagpapatakbo at madagdagan pa ang bilis. Para sa sistema ng paglalaro, ang mga kontrol ay sapat at napakadali lamang.

Kahit na mayroong ilang mga pabor na komento tungkol sa performance ng paglalaro nito, mayroon ding ilang mga negatibo. Oo, ang kontrol ay simple, gayunpaman, ang joystick ay nangangailangan ng improvement. Maraming mga manlalaro ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya tungkol dito. Hindi mo rin ito mai-link sa isang account upang i-save ang iyong progress sa laro. Marahil ay dapat nilang isipin at ikonsidera ang pagdaragdag ng mga sumusunod: pinahusay na graphics, mga taong nagsisigawan na parang cheering crowd at isang flagman na magwawagayway ng indikasyong patapos na ang huling lap, panahon tulad ng maulan, maaraw, o kahit na isang bagyo, at isang pitstop para madisgrasya man o may ilang pinsala, may lugar na mahihintuan upang magpaayos. Sa pangkalahatan, ang laro ay mahusay. Gayunpaman, kailangan ang ilang pagbabago sa laro lalo na sa controls nito.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, ang Real Bike Racing ay nakikita bilang isang mahusay na libangan para sa lahat ng susubok maglaro nito. Nagbibigay ito ng ideya kung paano sumakay at magpatakbo ng motorsiklo. Mayroon itong simpleng kontrol para mabilis na matuto ang mga manlalaro. Nagbibigay rin ito ng makatotohanang gameplay gamit ang VR mode. Huwag kalimutang magsuot ng VR goggles para sa mas nakakaengganyong karanasan sa paglalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...