RMD: Random Monster Defense Review

Maghanda upang ipagtanggol ang iyong kuta laban sa isang pag-atake ng mga random na nilalang. Sa larong ito, mararanasan mo ang kasiya-siyang pagtatayo ng mga tore at ang pagde-deploy ng mga espesyal na halimaw sa sari-saring mundo. Ikaw ay mabibighani sa dynamic na gameplay nito at gagawa ng ilang mga diskarte para sa epektibong pagbuo ng iyong monster formation. Maging isang pinakamahusay na summoner, tipunin ang iyong pinakamakapangyarihang pwersa, at patibayin ang iyong mga panlaban sa tore upang protektahan ang iyong base mula sa mababangis na halimaw na itong sumusulong sa iyong kaharian. Dapat kang mabuhay at talunin sila nang buong lakas!

Ano ang layunin ng laro?

Ang larong RMD: Random Monster Defense ay ganap mong pagtatanggol sa iyong base mula sa paparating na mga kuyog ng mga agresibo at mapanganib na nilalang na sabik na sirain ang iyong domain. Buuin ang iyong lakas at magtipon ng malalaking pwersa ng mga halimaw upang lipulin silang lahat. Hindi sila titigil sa pag-atake sa iyong base hangga’t hindi mo ibibigay ang trono sa kanila, kaya naman kailangan mong gumawa ng mabisang plano para talunin sila upang hindi na sila bumalik at tuluyang mapalaya ang iyong mga tao mula sa kakilakilabot na pagsalakay na ito ng mga kalaban.

Paano ito laruin?

Talagang madali at diretsong laruin ang RMD: Random Monster Defense. Ito lang ang iyong karaniwang baseng laro ng diskarte kung saan nagagawa mong bumuo at mag-deploy ng mga halimaw upang lumaban sa tabi mo at talunin ang sangkawan ng mga halimaw na nagmamartsa pasulong sa iyong base. Ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang mga tore at natatanging halimaw sa mga naa-access na lugar o lugar sa mapa. Bibigyan ka ng maliit na halagang gagastusin sa pagpapatayo ng iyong mga tower defense para makapagsimula ka kaagad.

May mga feature na maaari mong abangan tulad ng pag-a-upgrade sa mga katangian ng iyong mga espesyal na monster at tower, magkakaibang mapa, at kapanapanabik na mga mode ng laro kung saan ka pipili. Mayroong iba’t ibang mga espesyal na halimaw na may natatanging hanay ng mga kasanayang maaari mong paunlarin at ipatawag sa gitna ng labanan. May mga card na makikita mo sa ibabang screen para pahusayin ang iyong pwersa at i-tap ang “Summon” para maglabas ng random na halimaw o mga tore sa larangan ng digmaan.

Mayroong itong magkakasunod na gantimpala para sa mga yugto ng pananakop na maaari mong gastusin sa pagpapataas ng mga katangian o pinsala ng iyong mga tore at halimaw. Dapat ka ring maging pamilyar sa impormasyon ng kanilang kasanayan upang maisagawa nang maayos at epektibo ang kanilang mga espesyal na kakayahan. Bibigyan ka ng magkakaibang mga mapa na mangangailangan ng iba’t ibang mga diskarte para makamit ang bawat yugto ng laro.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang RMD: Random Monster Defense sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 135 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang magkapag-download:

Download RMD: Random Monster Defense on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.GGOONS.Project_RMD

Download RMD: Random Monster Defense on PC https://napkforpc.com/apk/com.GGOONS.Project_RMD/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa RMD: Random Monster Defense

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong RMD: Random Monster Defense pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng RMD: Random Monster Defense!

Tips at tricks sa Paglalaro ng RMD: Random Monster Defense

Madali lamang ang paglalaro nito ngunit nagiging mahirap habang umuusad ka sa laro. Huwag mag-alala, narito ang Laro Reviews para magbahagi ng ilang diskarte sa paglalaro nito. Para sa mga ganitong klaseng strategy game, ang una mong gagawin ay mag-upgrade ng mga kakayahan ng iyong mga espesyal na halimaw at tower. Kailangan mong i-improve ang damage na ibinibigay nila sa mga kalaban. Ang mga kalaban ay mabibilis gumalaw kaya dapat ang attack speed o basic attack nito ay ia-upgrade para makasabay sa takbo ng laro. Mainam na i-upgrade rin ang madalas na lumalabas na halimaw, nang sa gayon ay maging epektibo ang iyong pag-a-upgrade sa mga ito. Mag-isip nang mabuti kung saan mas mabisang ilagay ang iyong mga depensa para mapagtagumpayan mo ang bawat pagsubok ng laro. Mas maganda kung maglalagay ka malapit sa base para abot ng attack range nito ang mga halimaw o kalabang naka-survive sa mga unang tower na nadaanan nila. 

Pros at Cons ng RMD: Random Monster Defense

Kung ikaw ay nababagot at walang magawa, halika’t subukan itong larong RMD: Random Monster Defense na tiyak kahuhumalingan mong laruin dahil sa nakakaaliw at nakakaengganyong gameplay nito. Hindi ka nito bibiguin sa pagbibigay ng tuwa at siguradong malilibang ka sa mga hatid nitong feature. Mayroong itong marami at iba’t ibang halimaw at towers na maaari mong pagpilian at isabak sa labanan. Maaari mo rin itong i-upgrade upang mas maging malakas at mabisa ang kanilang mga atake. Mayroon silang kanya-kanyang espesyal na kakayahan na dapat mong makabisado upang mas maging epektibo pa lalo silang gamitin sa labanan.

Ihahatid ka nito sa iba’t ibang klaseng mapa o mundo kung saan ang iyong diskarte ay magbabago rin. Masusubok nito ang iyong kakayahang mag-isip kung paano matatapos ang level ng laro. Interactive din itong laruin dahil maaari kang makipaglaro sa iba pang manlalaro mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Pagdating naman sa visual designs nito, maganda ang pagkakagawa at saktung-sakto para sa mga smartphone user. Kahit na ang mga karakter ay maliliit, malinaw at malinis pa ring tignan. Sapat na ito para sa ganitong uri ng laro. Hindi ka rin malilito sa pagkakaayos ng mga feature nito at madali mo ring makakabisado.

Ang sound effects naman nito ay tama lang sa tema ng laro. Hindi masyadong maingay at walang sigaw na maririnig. Mga ingay ng mga pagputok ng armas at background music lamang nito ang iyong karaniwang maririnig. Gayunpaman, ang laro ay nakatanggap pa rin ng ilang negatibong komento mula sa mga manlalaro. Maraming errors ang lumalabas at hirap na makapasok sa laro dahil sa pagproseso ng server nito. Ang iba naman ay nakararanas ng hindi patas na laban dahil iba-iba ang level ng iyong nakakalaban at higit na mas malakas kaysa sa’yo. Kaya dapat itong tugunan agad ng mga developer para patuloy itong makapagbigay ng magandang karanasan sa mga manlalaro.

Konklusyon

Ang Laro Reviews ay nadismaya dahil sa mga error na madalas lumabas sa larong ito. Mahirap makapasok sa laro kahit na malakas ang koneksyon ng internet. Gayunpaman, may magaganda itong aspeto na tiyak mong kagigiliwan at siguradong malilibang ka sa pagdepensa ng iyong base gamit ang iyong mga tower at halimaw. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...