Shadow Fight 3 – RPG Fighting Review

Ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting game na nilikha ng NEKKI developer ay isang larong may matinding aksyon ng pakikipaglaban. Ito ay opisyal na inilabas noong taong 2017 at may bagong update ngayong 2022. Ang larong ito ay may una at ikalawang bersyon, ang Shadow Fight Arena – Ninja PvP at Shadow Fight. Ngunit kung nais mo ng mas pinaganda at pinahusay na RPG na laro ng NEKKI, subukan ang Shadow Fight 3.

Ang larong ito ay umiikot sa kwento ng digmaan sa pagitan ng tatlong angkan. Ang dahilan ng kanilang labanan ay ang shadow energy. Ito ay kapangyarihang nagtataglay ng misteryoso at mapanganib na enerhiya. Ang legion warriors ay nais wasakin ito upang hindi na makapinsala pa, subalit ang mga tao sa dinastiya ay nais itong gamitin para sa kanilang pansariling interes. Habang ang mga ninja of the heralds ay sikretong inaalam ang kapangyarihan ng shadow. Lahat ng mga angkan ay may kanya-kanyang layunin sa shadow power.

Sa larong ito, haharap ka sa iba’t ibang uri ng kaaway. Ipamalas ang iyong husay sa pakikipaglaban at talunin ang pwersa ng ibang angkan na nais lupigin ang iyong grupo. Bumuo ng sariling estratehiya upang mabilis mong matalo ang iba. Nasa iyo nakasalalay ang tagumpay ng bawat laban. Sa tatlong angkan, anong grupo ang iyong sasalihan? Handa ka na bang lumaban?

Kung handa ka na sa isang matinding laban, ihanda mo na ang iyong sarili. Ang unang hakbang na dapat mong gawin ay alamin mo ang mga pangunahing detalye tungkol sa larong ito upang magkaroon ka ng ideya kung tungkol saan nga ba ito.

Para mas maunawaan ang larong ito, narito ang iba pang impormasyon na makakatulong sa iyo. Basahin ang buong artikulo upang matuklasan kung ano ang mga feature, tips at tricks, pros at cons ng larong Shadow Fight 3 – RPG Fighting.

Features ng Shadow Fight 3 – RPG Fighting

HD Graphics – Ang larong ito ay may mahusay at magandang kulay na disenyo. Makatotohanan din ang RPG combat animations ng laro kaya mararamdaman mong ikaw ay parang nasa tunay na labanan. Ito rin ay may 3D style o may tatlong dimensyon ng taas, lapad at lalim na naka-set sa loob ng tila totoong mundo. 

Heroes – Mula sa tatlong mga karakter, ang Ninja, Knight at Samurai, malaya kang pumili ng iyong hero. Nakadepende sa iyo kung anong nais mo at kung paano mo ito lalaruin. Maaari kang manalo ng mga hero skin sa laban at mga item para sa iyong karakter na napili. Bumuo ng iyong sariling istilo sa paglalaro o tuklasin ang iyong kalakasan sa pakikipaglaban.

Collect Sets – Maaari kang makakuha ng mga special item at gears sa laban. Gamitin ang set na ito sa iyong pakikipaglaban upang matalo ang kalaban. Tuklasin ang iba pang mga abilidad at kakayahan ng iyong karakter gamit ang mga kagamitang taglay mo.

Game Modes – Sa larong ito, mayroong iba’t ibang uri ng mode ang maaari mong laruin. Ang story mode, event, missions, duels, at PVP. Upang mabuksan ito, kailangan mo munang maglaro at ipanalo ang mga laban.

Para malaman pa ang ibang features ng larong ito, subukang laruin ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting at i-download ito sa iyong devices.

Saan pwedeng i-download ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Shadow Fight 3 – RPG Fighting on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nekki.shadowfight3
Download Shadow Fight 3 – RPG Fighting on iOS https://apps.apple.com/us/app/shadow-fight-3-rpg-fighting/id964827011
Download Shadow Fight 3 – RPG Fighting on PC https://games.lol/shadow-fight-3/

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting.

Kung nagkakaroon ng problema sa pag-download, maaaring magpadala ng mensahe sa email account ng developer. Maaari ring mag-iwan ng komento tungkol sa laro upang malaman ng mga creator ang problema.

Tips at Tricks kung nais Laruin ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na tiyak akong makakatulong sa iyong paglalaro.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundan lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magiging madali na sa iyo kung paano ito laruin.

Simple at madali lang matutunan ang larong ito. Sa simula ng laro, ikaw ay malayang pumili ng itsura ng iyong karakter na gagamitin. Maaari kang pumili mula sa kasarian, face type, hairstyle at hair color ng iyong hero. Pagkatapos nito, lagyan ng pangalan o username ang iyong karakter na napili. Kapag nagawa mo na ito, magsisimula na ang tunay na laban. Ang inirerekomenda sa mga unang manlalaro ay basahing mabuti ang isinasaad sa dayalogo ng mga karakter na magpapakilala sa iyo upang masundan ang daloy ng laro. 

Dagdag pa rito, bukod sa paglalaro, kailangang alam mo rin ang mga katangiang taglay ng karakter na iyong gagamitin sa laban. Sa ganitong paraan, magagamit mo ang kanilang kakayahan at kapangyarihan nang maayos sa pakikipaglaban. Kung nais mo namang lumakas ang iyong heroes, inirerekomendang i-upgrade ang mga ito. Kolektahin ang mga coin, diamonds, items at card pieces sa laban. Gamitin ang mga ito upang ma-unlock ang mga item o bumili sa shop. 

Sa paglalaro nito, kailangan mo ring gumamit ng estratehiya at pamamaraan para matalo mo agad ang kalaban. Piliing mabuti ang mga armas na angkop sa karakter na napili para mas lalong maganda ang iyong laban.

Ilan lamang ito sa mga tip at tricks na makakatulong sa iyo sa paglalaro. Ang pagkapanalo mo sa mga laban ay nakadepende pa rin sa iyong sariling istilo at estratehiya sa pakikipaglaban.

Kung nais mo pa ng ibang gabay kung paano laruin ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting, maaari kang manood ng mga YouTube tutorials. Sigurado akong mabilis mo na itong matututunan mula sa nabasa mong artikulo at napanood na video.

Pros at Cons ng Shadow Fight 3 – RPG Fighting

Para sa Laro Reviews, ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting ay isa sa mahuhusay na nilikha ng NEKKI Company. Mas maganda at mahusay ito kumpara sa una at ikalawang bersyon ng Shadow Fight. Ang larong ito ay maaari mong malaro sa Android, iOS at maging sa PC dahil available ito sa Google Play Store, App Store at websites. Madali lang rin maintindihan ang mga game feature nito.

Pagdating naman sa graphics, ang larong ito ay nakalalamang sa ibang RPGs dahil mayroon itong 3D HD graphics. Marami rin itong mga item at karakter na maaari mong pagpilian. Bagama’t may katagalan na simula nang ito ay inilabas, marami na ang naglaro nito at patuloy na tinatangkilik hanggang ngayon. 

Dagdag pa rito, ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting ay Editors’ Choice sa Google Play Store. Ibig sabihin, isa ito sa napiling laro ng mga Play Store editor. Nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews. Ayon sa mga komento, ang kabuuan ng laro ay mahusay at hindi na sila makapaghintay sa susunod nitong update. Pinuri rin nila ang storyline ng laro, ang gameplay nito at ang magaling na graphics. Ang larong ito ay 123MB na kasya sa space storage ng anumang device. Samantala, sa bagong update ng laro, isinaad nilang inayos nito ang mga technical at mga internal instrument at services ng laro. Subalit nakararanas pa rin ang ibang mga manlalaro ng bug systems at pag-crash.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱54 hanggang ₱10,600 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Subalit, maaari mo pa ring malaro ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting kahit hindi ka gumamit ng tunay na pera. Mayroong itong mga item na makukuha mo sa pamamagitan ng paglalaro at pagkapanalo sa mga laban. Kaya naman ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang manalo sa mga laban.

Konklusyon

Makalipas ang limang taon simula nang ito ay inilabas, mayroon na itong 4.2 stars out of 5 ratings sa Google Play Store, at umabot na sa mahigit 100 milyong downloads. Tinagurian ding Editors’ Choice ng Play Store Editors dahil sa taglay nitong galing. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Shadow Fight 3 – RPG Fighting!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...