Sky Rider Slot Machine Big Win

Naghahanap ka ba ngayon ng maaari mong gawing “escape” para makatakas nang pandalian sa reyalidad? Kung oo, kami na ang bahala sa iyo dahil iyan ang itatampok namin para sa artikulong ito. Inihahandog ng Laro Reviews ang isang larong walang dudang kagigiliwan mo. Pahinga muna tayo sa nakakapagod na mundo ng reyalidad. Halina’t pasukin naman muna natin kahit sandali ang mundo ng pantasya kung saan maaari tayong magliwaliw, at sumakay sa hindi mabilang na dragons sa kalangitan. Sa tulong ng mga purple dragon na ito, hindi ka lang nito tutulungang makatakas saglit sa reyalidad at libutin ang mundo ng pantasya dahil kaya ka rin nitong tulungan upang makamit ang inaasam at tumataginting na mga salapi. Ito ang Sky Rider: Silver Treasures, isang 5-reel, 100-payline slot machine na maaari mong subukang laruin kung nais mong malibang at makatanggap ng limpak-limpak na pera. Lulan ng purple dragon, handa ka na bang magtungo sa pantasya at kunin ang Sky Rider Slot Machine Big Win upang dalhin patungong reyalidad? 

Maikling Kasaysayan ng Sky Rider Slot Machine Big Win

Ang Aristocrat Leisure Limited o mas kilala sa pinaikling pangalan nitong Aristocrat ay isang public Australian company na sumikat dahil sa paglikha nito ng mga slot machine na talagang kinagigiliwan ng bawat casino player, mapa-online man o offline. Sunod sa International Game Technology ng USA, isang malaking bagay para sa Aristocrat na pumapangalawa sila pagdating sa pagiging largest manufacturer ng slot machines o ng mga pokie machine sa buong mundo habang isa sa largest manufacturers naman ng gaming machines sa kanilang sariling bansa. 

Dahil sa pagiging tanyag ng Aristocrat, hindi mo talaga maiiwasan, bilang isang manlalaro, na mag-expect sa mga larong kanilang nililikha. Una na riyan ang Sky Rider: Silver Treasures na kanilang inilabas noong 2013 mula sa E-series kasama ang ilang mga larong gaya ng Wonder Wings, The Romance of Fire and Rain, at Pearl Warriors na hindi maitatangging gumawa ng kanya-kanyang pangalan sa industriya ng casino slot games. Sinasabing ang Sky Rider ay isang 2-in-1 slot game dahil narito rin ang kapatid nitong si Sky Rider: Golden Amulet. Halos pareho lamang ang theme ng dalawang ito at ang mood na maaaring mabuo sa tuwing nilalaro mo ito. Kung may masasabi lang talagang kaibahan ng dalawang ito, iyon ay pagiging “Gold” at “Silver” nila.

Ang Sky Rider: Silver Treasures ay isang klase ng slot machine na maaari kang dalhin sa mundo ng pantasya kasama ang mga purple dragon na nagsisilbing rider mo rito. Ayon sa ilan, sinasabing naging maling inspirasyon sa pagbuo ng Sky Riders ang sikat na television series na Game of Thrones. Maaaring hindi ito totoo ngunit sa kadahilanang mayroong itong bihis na kawangis ng mismong nasa series, isang magandang bagay na maituturing na mayroong isang slot machine game na maaaring laruin ng mga manlalarong paborito ring panoorin ang Game of Thrones.

Ano ang mga maaaring makita sa loob ng Sky Rider Slot Machine Big Win?

Umiikot ang storyline ng Sky Rider: Silver Treasures sa isang magandang babae na may brunette-hair at ang kanyang purple dragon. Kung papansinin ang itsura ng laro, siksik ito sa graphics na para bang nasa loob ka talaga ng isang fantasy world. Dahil nga isa itong slot machine game, ang mga symbol na makikita sa bawat reel nito ay mga makukulay na dragon, golden compass, at magic books. Ang Sky Rider ang itinuturing na Wild symbol kaya naman may kakayahan itong palitan ang lahat ng simbolo sa reels maliban sa Scatters na kung titingnan ang simbolo ay para bang isang dragon medallion.

Ang mga dragon medallion o Scatters ay isang mahalagang simbolo ng laro upang ma-unlock ang free games na mayroon sa Sky Rider. Kumpara sa ibang laro na maraming free bonus features na inilagay upang lubos itong ma-enjoy, ang Sky Rider: Silver Treasures ay mayroong lamang dalawang klase nito na siyang maaari mong ma-unlock sa bawat laro mo. Gayunpaman, sigurado pa rin namang makakatulong sa iyo ang dalawang ito upang makamit mo ang inaasam na Sky Rider Slot Machine Big Win. Ito ay ang mga sumusunod:

Max Stacks – Ang pagkakaroon ng ganitong feature sa larong ito ang masasabing edge ng Sky Rider kumpara sa ibang slot machines na malalaro natin online. Sa oras na ma-unlock mo ito, pipili ito ng isang random symbol sa loob ng reels. Kapag nakapili na ay papalitan nito ang lahat ng symbol na kanyang pinili dahilan upang maging dominante ito sa loob ng reels. Tunay na magandang bagay na ma-unlock mo ito dahil posibleng marami kang mapagma-match gamit ito. Mas magiging swerte ka pa kung mangyaring sa wild symbol ito nagtungo.

Free Games Feature – Ang bonus feature naman na ito ay maaari lamang ma-unlock sa oras na mayroong tatlo o higit pang stacks ng dragon medallion o scatter symbol ang mapag-match mo sa loob ng reels. Bihira man mangyari ito ngunit sulit namang maituturing ang feature na ito dahil sa pamamagitan nito, maaari kang makatanggap ng ilang offer gaya ng free spins tulad ng stacked na may 16 free games, brunette-haired dragon rider stacked na may 48 free spins, yellow dragon na may 60 free games, purple dragon na may 72 free spins, o ang random symbol stacked para sa random number of spins. 

Saan maaaring laruin ang Sky Rider: Silver Treasures?

Gaya ng ibang slot machine, nagkalat na rin sa web ang mga site na maaari mong laruin ang Sky Rider: Silver Treasures nang libre o kung nais mong kumita ng pera. Kung susubukan mo ngang i-search iyon ngayon ay maraming results ang maaaring lumabas dito. Posible mo rin itong malaro, sa PC man o sa iyong mobile devices (Android at iOS). Narito ang ilan sa mga online casino na maaari mong bisitahin upang makapaglaro ng Sky Rider, libre man o kung nais mong makakuha ng Sky Rider Slot Machine Big Win. Paalala na mayroon ka pa ring kalayaang mamili ng iba pang sites na maaari mong gamitin upang malaro ang slot game na ito:

  • Play Sky Rider: Silver Treasures in VegasSlotsOnline https://www.vegasslotsonline.com/aristocrat/sky-rider-silver-treasures/
  • Play Sky Rider: Silver Treasures in Online Casino Australia https://online-casinos-australia.com/sky-rider-silver-treasures-slot/
  • Play Sky Rider: Silver Treasures in Internet Slots https://theinternetslots.com/ca/sky-rider-silver-treasures-aristocrat-game-review/

Samantala, kung naghahanap ka naman ng ibang slot game na maaari mong subukan, inirerekomenda ng Laro Reviews sa iyo ang isang tongits app na kinagigiliwan ng lahat ngayon, ang Big Win Club. Ito ay naglalaman ng iba pang casino games tulad ng Pusoy, Tongits, at slot games gaya nitong Sky Rider. Maaari mo rin itong malaro sa iyong mobile devices, mapa-Android man o iOS at maging sa iyong PC. Nalilibang dito ang maraming Pinoy sapagkat nagagawa nilang kumita ng pera sa pamamagitan lamang ng paglalaro. 

Konklusyon

Hindi maikakaila na ang Sky Rider: Silver Treasures ay isa sa mga slot game na talagang pinag-isipan at kayang makalikha ng isang matibay na standard pagdating sa pagiging slot machine. Hindi naman na ito katakataka dahil nagmula ito sa isang game developer na talagang subok na at kilalang-kilala sa industriya ng casino games dahil sa ilang mga gambling nitong nilikha. Kaya naman, para sa Laro Reviews, isang magandang dagdag sa listahan ang Sky Rider: Silver Treasures para subukan at kumita ng pera. I-download na ito at manalo ng limpak-limpak na Sky Rider Slot Machine Big Win!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...