Stick Cricket Super League Review

Ang Stick Cricket Super League ay isang uri ng cricket match na nagpapahintulot sa mga manlalaro na maranasan ang pinaka-enjoyable na mga element ng world-famous game sa loob o labas man ng cricket field. Papalo ka ng bat sa tuwing nasa loob ka, at maaari ka namang pumili ng grupo at i-personalize ang manlalaro kung nasa labas ka.

Ang laro ay mayroong 70 multiple leagues na maaaring salihan. Bago pa simulan ang laro, kailangan munang i-design ang iyong karakter. Napakaraming paraan upang magawa ito.

Ang Stick Cricket Super League ay matagal nang available noon pa man. Ito ay nagsimula sa isang simpleng konsepto ng stickman na naglalaro ng cricket. Mula rito, marami nang naging pagbabago ang laro upang mas pagandahin ito tulad ng pagkakaroon ng fancy graphics, kakaibang mga karanasan, at napakaraming magagandang features na nakakatulong upang gawin itong great online cricket game na available sa ngayon.

Gameplay ng Stick Cricket Super League

Ang gameplay ng Stick Cricket Super League’s ay straightforward. Kailangan lang mag-tap sa kaliwa o kanang bahagi ng screen kapag nasa tamang direksyon na ang bola. Ang palo ay lalakas o hihina depende sa kasiguraduhan ng pag-tap. Kung gusto mong maging star player, kailangang maging mabilis ang iyong reflexes at magkaroon ng pinpoint accuracy.

Ang mga manlalaro ay magiging batter at kailangan nilang tamaan ang bola kahit saan man ito manggagaling. Magkakaroon ang mga manlalaro ng set number of overs para laruin at ang grupo ng mga stickman ay kailangang makapuntos hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Ang Stick Cricket Super League ay isang laro na maraming alternatibong paraan upang laruin online. Kailangan lang maka-score ng hanggang sa makakayang bilang ng sprints sa allotted passes. May option kang pumili kung 5, 10, 20, o kahit higit pa sa 50. Kapag nagsimulang maglaro nito, ang score mo ay masi-save at maidadagdag sa scoreboard. Dito magiging posible na maikumpara ang iyong score sa iba pang mga manlalaro sa buong mundo.

Pag-download ng Stick Cricket Super League

Ang Stick Cricket Super League ay pwedeng i-download ng direkta sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Maaaring gumamit ng emulator upang ma-enjoy ang paglalaro nito sa PC. Subukan ding tingnan ang kanilang website sa https://www.sticksports.com/stick-cricket-super-league/

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews:

Download Stick Cricket Super League on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sticksports.spl2

Download Stick Cricket Super League on iOS https://apps.apple.com/au/app/stick-cricket-super-league/id1052018766

Download Stick Cricket Super League on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-19921-stick-cricket-super-league/pc

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Stick Cricket Super League

Ang pinakamagandang payo na maibibigay ng Laro Reviews ay ang pagsali sa academy. Ito ay ang practice version ng laro kung saan titira ang mga bowlers na mapipili. Kung nahihirapan sa spin, maaaring subukan ang style ng larong ito. May sensor na nakaka-detect kung tatamaan mo ang bola nang sobrang bilis o sobrang bagal. Ito ay kapaki-pakinabang na tool dahil ipinakikilala nito ang iba’t ibang bowling techniques at ipinapakita sa iyo kung paano magagawang i-adjust ang mga tira.

Mahirap magkapag-react kaagad kapag may paparating na in-swing o kahit na out-swing, sa ganitong pangyayari, magbase sa ruta ng bola at tumira gamit ito. Ang straight drive ay kailangan dahil sinusubukan mong pindutin ang kanan o kaliwang arrow na nakatutulong sa paglalaro. Ginagawa nitong mas simple ang laro dahil ang focus ay nasa two shots lang sa halip na tatlo. Huwag na huwag subukang tumakas sa bolang nasa loob dahil ito ay isang pag-aaksaya ng oportunidad.

Magsimula ng pagpa-practice upang maging mahusay na manlalaro ng Stick Cricket Super League na nilalaro gamit ang stick people. Importante ito kung nagpaplano kang makipaglaban sa kahit aling major games o tournaments sa kalaunan. Dahil dito, kailangang paunlarin ang iyong cricketing abilities. Makakatulong din itong malunasan ang iyong weak points kung mayroon man, at unti-unti ay masanay sa iba’t ibang bowl techniques. Nakakatulong din itong maiayos ang iyong timing capabilities na malaki ang epekto sa proseso ng paglalaro at techniques.

Samakatuwid, bilang manlalaro, kailangang mag-focus sa pagpapanatili ng bola sa parehong linya kahit ang inaasinta ay in o out swing. Ang tira ay kailangang gawing angkop sa ball’s trajectory. Huwag mag-alala sa mga straighter drive dahil maging kanan o kaliwang shots man iyan ay pareho lang na epektibo.

Pros at Cons ng Stick Cricket Super League

Ang Stick Cricket Super League ay isang great cricket game na nakapokus sa pagiging simple. Ang cricket games ay simpleng laruin at ginagawa itong mas enjoyable kahit sa mga taong hindi pamilyar sa mga pangunahing kaalaman ng laro.

Napapanatili nito ang isang simple ngunit nakakatuwang laro, may gameplay na ginagawang thrilling ang ibang laro kahit napapalawak ito ng bahagya sa pagpapakilala ng basic team leadership approach. Pumili ng manlalaro, bigyan ito ng pangalan, at mag-eksperimento sa kanilang anyo bago sila italaga sa isang grupo. Sa tuwing sisimulan ang paglalakbay sa lower leagues, ang manlalarong napili ay madaling maitatalaga bilang captain.

Ang Stick Cricket Super League ay maituturing na mahalagang contributor sa Stick Sports portfolio. Ito ay thrilling at immersive. Maganda ang ayos nito at ang pagkaka-blend. Napakaraming content na makikita rito at ang lahat ay nakabalot sa fantastically bright bundle. Ang Stick Cricket Super League ay isang magandang pagbabago ng pacing sa industriya kung saan ang free games ay pressured out sa maliit o halos walang pagsisikap na magkaroon ng magandang content. 

Ito ay enjoyable game  na may basic controls at fantastic team system. Kasiya-siyang subukang makaabot sa Division 1 at makabili ng mga bagong manlalaro habang nag-a-upgrade rin ng karakter. Iyon nga lang, medyo maraming bugs at glitches na nakakasagabal sa paglalaro katulad na lang ng character’s behavior kapag nag-boost ang kanilang skill, halos walang pinagkaiba kahit nag-upgrade na kaya nakakaubos lang ito ng maraming oras.

Konklusyon

Sa smartphone game app industry, ang pangalan ng Stick Sports ay maihahalintulad sa pagkakaroon ng good quality at great quantity. Mula pa sa orihinal at phenomenal na pagpapakilala ng Stick Cricket, napakarami nang mga laro na nakapokus sa iba’t ibang sports ang nai-release. Ang Cricket, baseball, racing, football, tennis, at kahit ang Aussie Rules ay pawang gumagamit ng “stick” regimen. Ang Stick Cricket Super League ang pinakabagong karagdagan sa franchise nito.

Ang pagkapanalo sa laro ay talaga namang mahalaga para sa maraming manlalaro na nahihilig sa ganitong uri ng laro. Ang mga manlalarong gusto ng reasonable at fair na laro, sa isang banda, ay may napakaraming pagpipilian. Maraming bagong challenges na makakaharap ang mga manlalaro sa digital environment na ito upang magawa ang mga kinakailangan at magtagumpay sa laro. Kahit imposibleng maging perpekto, ito ay sapat pa rin. Ang pinakamahalaga ay ang sayang mararanasan sa paglalaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...