Take Them Off Review

Sumikat ang larong Temple Run mobile. Kung mayroon ka nang touch screen phone noong 2011, malamang na isa ka sa mga taong nagsu-swipe ng kanilang cellphone upang mangolekta ng coins habang nilalaro ito. Naging inspirasyon ito sa maraming game developer na gumawa ng sarili nilang mga laro. Gayunpaman, ang ilan ay gumawa lamang ng isang run-of-the-mill na bersyon upang magkapera sa pamamagitan ng kanilang mga ad.

Ang Take Them Off ay isang kaswal na Run & Collect game ng Supersonic Studios LTD. Ang layunin nito ay ahitin ang buhok ng iyong karakter sa pamamagitan ng pagkolekta ng lahat ng shaving cream at pag-iwas sa buhok habang naglalakad siya sa isang landas. Ang mga naipong points ay magiging gems sa dulo ng bawat stage. Bukod dito, maaari silang magamit para sa pagbili ng mga bagay upang palamutian ang iyong bahay.

Features ng Take Them Off 

Collect & Run – Ito ang game mode kung saan dadaan ang karakter mo sa daanan. Ang bawat stage ay may iba’t ibang obstacle na dapat iwasan at landas na dapat tapusin. Halimbawa, maaari kang sumakay sa isang skateboard sa stage 42 upang mapabilis ang iyong karakter. Ang ilan naman ay nagbibigay sa iyo ng mga pagpipilian, tulad ng pag-ahit ng iyong buhok sa salon o sa iyong bahay. Bukod dito, makakakuha ka ng gems sa dulo ng stage, depende sa iyong naipong points.

Story – Ang event na maaari mong panoorin sa pamamagitan ng isang cutscene. Ito ay tungkol sa isang babae na nakabangga ng isang lalaki, at bigla silang na-in love kahit kakakilala lang nila. Makikita mo ang mga ito tuwing matatapos ang ilan sa mga stage. Bukod dito, ang ilan sa kanila ay may mga pagpipilian at ang ilan ay mga eksena lamang.

Characters – Sila ang iyong mga playable unit na iiwas sa obstacles at mangongolekta ng mga shaving cream. Mayroon lamang anim na character, at higit pa ang idadagdag sa future updates. Bilang karagdagan, maaari mo lamang bilhin ang mga ito sa pamamagitan ng panonood ng mga ad.

Base-building – Palamutihan ang iyong bahay ng mga kasangkapan at appliances. Gamitin ang gems na nakolekta mo sa pangunahing laro upang bilhin ang mga ito. Mas mahal ang mga mamahaling gamit, at lahat ng mga ito ay para lamang sa aesthetics.

Saan pwedeng i-download ang Take Them Off?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Take Them Off sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Take Them Off on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.zyy.TakeThemOff

Download Take Them Off on iOS https://apps.apple.com/us/app/take-them-off/id1566693835

Download Take Them Off on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.zyy.TakeThemOff-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MEmu Play emulator mula sa kanilang https://www.memuplay.com. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Gugugulin mo ang karamihan ng iyong oras sa pag-iwas sa obstacles at pagkolekta ng mga shaving cream, kaya tungkol dito ang mga tip ng Laro Reviews.

Piliin ang kulay green.

Kailangan mong pumili mula sa iba’t ibang mga entry na magtataas o magbabawas ng iyong points habang naglalaro. Ang mga pagpipilian ay maaaring Androgen o Vitamin E, Gunting o Potion, at Salon o Home. Kung wala kang ideya kung ano ang pupuntahan, piliin ang mga kulay green dahil binabawasan nila ang buhok ng iyong karakter. Bukod dito, gumagana rin ito sa kung sinong tao ang dapat mong mabangga.

Kailan dapat pumunta sa fitting room.

Ang mga ito ay susubok sa iyong luck dahil sila ay maaaring mag-ahit o magdagdag ng iyong buhok. Minsan magkakaroon ka ng tatlong pagpipilian bago ang finish line, at isa ang fitting room sa mga ito. Huwag mo itong pasukin kung marami nang buhok ang iyong karakter dahil matatapos din ang iyong laro kapag nadagdagan na naman ito. Bukod dito, mas ligtas na maglakad sa entry na may shaving cream dahil alam mo kung ano ang makukuha mo.

Mas umiwas at huwag masyadong mangolekta.

Mas malaki ang tsansang matapos ang laro kung palagi kang naglalakad sa buhok. Unahin ang pag-iwas sa obstacles kung hindi mo makontrol nang maayos ang iyong karakter. Bilang karagdagan, walang ginagawa ang gems na iyong nakokolekta kaya walang kabuluhan ang pag-grind sa kanila. 

Pros at Cons ng Take Them Off 

Magiging boring ang laro kapag sobrang dali nito, ngunit madidismaya naman ang mga manlalaro kapag naging sobrang hirap nito. Ang Take Them Off ay nasa pagitan nila. Maaaring mukhang madali ito sa una, ngunit ang ilang mga stage ay nangangailangan ng iyong koordinasyon ng kamay at mata. Bukod dito, mas humihirap ang obstacles habang umuusad ka sa laro.

Mabuting nagdagdag ng ilang mga feature ang mga developer upang bigyan ng variety ang laro, ngunit wala itong gaanong nagagawa. Bukod sa Collect & Run game mechanics, mayroon din itong base-building. Halimbawa, maaari mong gamitin ang gems na iyong nakolekta mula sa stages upang bilhin ang mga furniture. Gayunpaman, wala itong ginagawa kundi para lang i-display. Mas maganda kung ang pag-upgrade sa mga ito ay magbibigay sa iyo ng insentibo kapag tumatakbo ang iyong karakter, gaya ng pagdodoble ng iyong mga puntos. Bukod dito, mayroon itong love story, ngunit hindi ito appealing. Ito ay isang cliche girl meets boy scene na nabasa mo na ng maraming beses.

Aakitin nito ang mga batang manlalaro dahil sa art style at simpleng gameplay. Gayunpaman, mayroon itong tema na maaaring hindi angkop para sa kanila. Ang laro ay nagpapahiwatig na ang iyong karakter ay mas maganda o gwapo kapag sila ay may mas kaunting buhok, at makikita mo ito sa mismong objective nito. Maaari itong magmukhang harmless sa una, ngunit maaari itong makaapekto sa kanila dahil maaari nilang kopyahin ang kanilang nakikita.

Konklusyon

Ang laro ng Supersonic Studios LTD na Take Them Off ay isang halimbawa na hindi porke’t trending ang isang bagay ay nangangahulugang maganda ang mga ito. Maaaring masiyahan ka sa paglalaro nito nang panandalian, ngunit magsasawa ka sa katagalan. Bukod dito, walang masyadong aasahan, at pangkaraniwan lamang ang kwento nito. Maaaring mayroon itong iba pang feature, ngunit wala itong epekto dahil hindi ito makakaapekto sa iyong gameplay. Inirerekomenda ito ng Laro Reviews sa mga manlalarong mahilig sa kakaiba at obscure na laro. Maaari mo itong i-download nang libre at laruin ito kahit saan dahil available ito offline.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...