The King of Fighters ALLSTAR Review

Paano kung isang araw ay magising ka sa isang lugar na hindi ka pamilyar, burado ang iyong alaala at ang tanging daan lamang para maibalik iyon ay ang sumali at manalo sa isang greatest fighting tournament na kung tawagin ay King of Fighters? Gagawin mo ba? Ito ang maaari mong maging kapalaran sa oras na simulan mo nang laruin ang isa sa pinakasikat na mobile action role playing game series na nilikha ng Netmarble Games at ni-release naman ng SNK, ang The King of Fighters ALLSTAR.

Ang The King of Fighters ALLSTAR ay unang umere noong 2018 sa Japan at kalaunan ay inilabas naman para sa buong bansa taong 2019. Sa larong ito, umiikot ang kwento ng isang protagonist na nakararanas ng amnesia. Kasabay ng kanyang paggising malapit sa arena ng King of Fighters ‘94, nakilala niya ang isang misteryosong babaeng nagngangalang Noah. Siya ang sinasabing tutulong sa protagonist upang malaman nito ang kanyang special ability at magbigay din dito ng imbitasyong sumali sa isang fighting competition sa pagbabakasakaling ito ang maging daan upang maibalik ng protagonist ang nabura nitong alaala. 

Gaya ng naunang series ng The King of Fighters, umiikot pa rin ang laro sa paghahanap ng protagonist ng iba pang mga fighter na maaari niyang makasama sa isang team upang humarap sa iba’t ibang battle tournament. Bilang isang manlalaro, tungkulin mo bilang isang protagonist na humarap sa iba’t ibang klase ng kompetisyon at kalabanin ang iba’t ibang fighters dito. Manalo sa bawat laban habang unti-unting binabalik ang mga nawalang alaala at higit sa lahat, tanghalin bilang The King of Fighter.

The King of Fighters ALLSTAR - Laro Reviews

The King of Fighters ALLSTAR – Laro Reviews

Features ng The King of Fighters ALLSTAR

Fighters and Crossovers – Mayroong tinatayang 200 fighters sa larong ito. Karamihan sa mga ito ay ‘yung mga character na siguradong nakita’t nalaro mo na sa ibang version ng KOF. Bukod pa rito, mayroon ding idinagdag na ibang character mula sa iba’t ibang combat game gaya ng Tekken, WWE, The Seven Deadly Sins, Dead or Alive at iba pa.

Battle Cards – Ang mga ito ang makakatulong sa iyo upang mapalakas pa ang iyong mga fighter. Sa larong ito, mayroong limang klase ng battle cards ang maaari mong makuha gaya ng Evolution Cards, Level Up Cards, Option Cards, Set Cards at Special Cards.

Summon – Sa pamamagitan nito, maaari mo nang makompleto ang bawat mission sa pamamagitan ng pag-summon sa iyong mga fighter at battle cards na kakailanganin mo sa laro.

Guild – Dahil nga isa sa mga pinaka-highlight ng The King of Fighter ALLSTAR ang pakikipaglaban ng magkakasama, ang bawat manlalaro ay may kalayaang gumawa ng sarili o sumapi sa bawat team o guild na mayroon dito.

Battle – Mayroon ding hinanda ang larong ito na iba’t ibang klase ng battle na maaaring pagpilian at laruin ng bawat manlalaro dito.

Dungeon – Mayroong tinatawag na dungeon ang larong ito na maaaring pasukin ng bawat fighter gaya ng Power Up, Advent, Challenge at Soul Quest.

The King of Fighters ALLSTAR - Laro Reviews

The King of Fighters ALLSTAR – Laro Reviews

Rewards – Kung mayroong daily quest, battle at mission, mayroon din namang rewards na matatanggap sa bawat panalo rito. Maaaring ang mga ito ay magamit bilang upgrade sa mga fighter na mayroon ka.

Shop – Mayroong iba’t ibang klaseng shop ang narito. Ang mga ito ay may iba’t ibang gamit gaya na lamang ng exchange shop kung saan nagaganap ang palitan ng bawat item na mayroon ang bawat manlalaro. Sa secret Shop naman nagaganap ang pagbili ng ibang items sa pamamagitan ng gold at rubies. Panghuli ay ang shop kung saan maaaring mabili ang gold at rubies.

Story – Laman nito ang iba’t ibang story at quest na maaaring pagdaanan ng bawat fighter.

Saan Maaaring I-download ang The King of Fighters ALLSTAR

Ang The King of Fighters ALLSTAR ay maaari ng malaro sa PC at mobile phone. Kung nais mo rin itong laruin, i-click lamang ang link sa ibaba depende sa device na gamit:

Download The King of Fighters ALLSTAR on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/the-king-of-fighters-allstar-on-pc.html

Download The King of Fighters ALLSTAR on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.netmarble.kofg

Download The King of Fighters ALLSTAR on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-king-of-fighters-allstar/id1444835826

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Dahl isa ang The King of Fighters ALLSTAR sa mga larong nangangailangan din ng pagbuo ng isang team sa bawat labanan, isang mainam na laging gawin ang maging mapili pagdating dito. Sa dami ng inilagay na fighters sa larong ito, batid naming isang mahirap na desisyon ang pagpili ng iyong makakasama sa team dahil kailangan mo pang i-assess ang bawat kalakasan at kahinaan ng lahat ng mga ito. Ganun pa man, isang magandang paraan ang alamin muna ang lakas at kahinaang mayroon ang fighter na hawak mo. Sa oras na ma-assess mo na ang sariling character, isang madaling desisyon na sa iyong hanapin ang character na mayroong ability na wala ka. Sa ganitong paraan, magiging balanse ang iyong magiging team dahil ang ability na wala ka ay maaari nilang punan. Maaari mo ring gamiting guide ang kanilang rarity at fighter type na makikita mo katabi ng kanilang mga litrato.

Sa oras na laruin mo na ito, unti-unti mo ring mauunawaan ang kahalagahan ng Battle Cards. Ang mga ito ang makakatulong sa iyong mga fighter upang mapalakas pa ang mga ito. Mayroong iba’t ibang klase ng mga battle card at maaari mo itong ibenta kapalit ng gold na pwedeng mo ring gamitin sa laro. Ganun pa man, isang matalinong gawain ang iwasan muna ang ganitong kalakalan dahil maraming paraan naman upang makakuha ng gold. magpokus lamang muna sa mga battle card upang ma-improve pa ang iyong mga fighter.

Pros at Cons ng Larong The King of Fighters ALLSTAR

The King of Fighters ALLSTAR - Laro Reviews

The King of Fighters ALLSTAR – Laro Reviews

Kung ikukumpara ang The King of Fighters ALLSTAR sa mga nakalipas na version nito, mapapansing malaki ang pinagbago nito pagdating sa graphics. Napanatili man nito ang pagiging 2D, mas ginawang detalyado naman ang pagkakagawa nito sa bawat itsura ng karakter, sa kanilang mga suot at sa bawat fight scene na makikita rito. Mahusay ang bawat kulay na ginamit dito. Buhay at matingkad ngunit hindi gaanong masakit sa mata. Malinis din maging ang pagkakagawa sa bawat stunt ng bawat character na talaga namang masasabing isa sa maaaring maging factor kung bakit patuloy mo itong lalaruin. Kung mayroon sigurong gaanong sablay pagdating dito, iyon marahil ay ang minsang hindi pagiging accurate ng expression ng bawat character. Halimbawa nito ay ang mga scene kung saan nasasaktan si Noah ngunit hindi napapalitan ang expression na nilagay dito. 

Maganda rin naman ang nilapat na tunog dito at talagang mapapaindak ka pa sa tuwing maririnig ang mga ito. Tama lamang ang tunog kung medyo intense at kung medyo welcoming ang parte ng laro. Hindi gaanong destructive kung mabilisan ang pagpapalit ng tunog gaya na lamang sa biglaang pagpapalit ng scene mula sa pag-uusap ni Noah sa protagonist hanggang sa biglang pagsulpot ng battle scene.

Kung mahilig ka sa story, kahit papaano ay maaaliw ka rin sa storyline nito na ang tanging paraan lamang upang maibalik ng protagonist ang kanyang alaala ay kung sasali ito sa battle competition na The King of Fighters. Kung ito ang unang beses na maririnig mo ang kwento nito, mapapaisip ka kaagad kung paano maibabalik ng labanan ang alaala ng bida, ngunit kung patuloy mong babaybayin ito, unti-unti mo rin itong mauunawaan. Marami pang mga kapanapanabik na kwento sa loob ng larong ito na talaga namang aabangan mo. Maganda rin ang bawat palitan ng salitang ginamit dito, maging ang kanilang mga inner thoughts na talaga namang isang daan upang maunawaan mo ang bawat sitwasyon dito.

Related Posts:

Mech Arena Review

Last Empire – War Z: Strategy Review

Siksik ang The King of Fighters ALLSTAR sa bawat mission, daily quest at iba’t ibang klase ng reward kapalit ng pagkapanalo mo sa bawat laban. Ngunit gaya rin ng ibang laro, ito ay isa ring “free to play” ngunit “pay to win” kung saan kailangan mong maglabas ng pera kapalit ng ibang features na maaari mong magamit upang makapagpatuloy sa laro. Ngunit kung ang Laro Reviews ang tatanungin, wala rin namang problema rito kung maglabas ka ng salapi sa iyong bulsa kung sa tingin mo naman ay talagang maganda ang larong ito at “worth it” pagkagastusan. Isa pa, ma-eenjoy mo pa rin naman ang larong ito kahit pa nilalaro mo ito nang libre.

Konklusyon

Pinakilala ang larong ito bilang isang best role playing game na maaaring i-recommend para sa mga nahihilig sa genre ng laro. Bagaman may iilan ring kahinaan ito (na hindi naman ito nawawala sa lahat ng laro), masasabi pa rin ng Laro Reviews na isa ang The King of Fighters ALLSTAR sa mga larong talagang may potensyal na gawing libangan ng lahat. I-install na ang laro at baka ikaw na ang hinahanap na King of Fighters!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...