Three Kingdoms: Warfare Review

Ang laro ng TTHmobi na “Three Kingdoms: Warfare” ay isang massively multiplayer online real-time strategy game o MMORTS. Pinagsama nito ang dalawang genre kung saan kailangan mong makipaglaban para sa isang lupain o makipagdigma sa ibang mga kaharian sa real-time. Ngunit sa halip na maglaro sa arena, makikipaglaban ka sa isang sandbox na mapa kasama ang iba pang mga manlalaro. Tulad ng ibang MMORTS, magde-deploy ka ng mga troop na makikipagsapalaran sa isang ekspedisyon.

Ang larong ito ay tungkol sa panahon ng Three Kingdoms  sa sinaunang Tsina. Ngunit upang maging mas accurate, ito ay mga imperyo dahil ang emperador ang kanilang pinuno. Nais ng tatlong magkakaibang pinuno na sakupin ang kalapit na lupain. Tulad sa laro, ang iyong pangunahing layunin ay palawakin ang iyong teritoryo sa pamamagitan ng pagsakop sa mga ito. Kailangan mo ring magtalaga ng pinakamahusay na mga kapitan na mamumuno sa iyong mga troop.

Ngayong sinabi na sa iyo ng Laro Reviews ang source material ng laro, oras na para matutunan kung paano ito laruin. Ang “Three Kingdoms: Warfare” ay halos MMORTS, ngunit ang pamamahala sa iyong kaharian ang iyong pundasyon. Tulad sa kasaysayan, hindi mo mapapalawak ang iyong teritoryo kung hindi mo kayang i-govern ang ekonomiya nito. Maaari mong pamahalaan ang iyong Castle sa pamamagitan ng pag-click sa Enter button. Ipapakita nito sa iyo ang iyong Total Army Power at ang Reserved Army. Kung gusto mong dagdagan ang kanilang bilang, piliin ang button na conscript. Matapos nito ay idagdag kung ilan ang gusto mong i-enlist. Maaari mong i-edit ang lineup ng troop sa pamamagitan ng pag-click sa icon sa ibaba ng Conscript button. Ang hexagonal tile sa mapa ay kumakatawan sa teritoryong maaari mong sakupin. Magkakaroon ka ng tatlong opsyon para makipag-ugnayan sa kanila. Pwede kang mag-scout, manghuli, o magmartsa patungo sa mga tile.

Three Kingdoms: Warfar - Laro Reviews

Three Kingdoms: Warfar – Laro Reviews

Features ng Three Kingdoms: Warfare

Captain – Pangungunahan nila ang iyong hukbo sa isang ekspedisyon. Gaya sa ibang laro, mayroon silang active at passive skills na magagamit mo sa labanan. Makukuha ang mga ito sa pamamagitan ng gacha system, at maaari kang mag-recruit ng 1-star hanggang 5-star na captain.

Troops – Ito ang mga mas maliliit na unit na umaatake bilang isang grupo at sumusunod sa iyong mga captain. Sa halip na makuha sa isang gacha system, kakailanganin mong mag-conscript ng mga Reserved Army para madagdagan sila. Maaari silang i-classify bilang Shieldbearer, Lancer, Cavalry, Archer, Siege Weapon, at Navy.

Castle – Ito ang lugar kung saan maaari mong pamahalaan ang iyong Administrasyon. Ang Castle ang iyong base na kailangan mong protektahan mula sa mga mananakop. 

Faction – Ito ay nagpapahintulot sa iyo na makipag-salamuha sa iba pang mga manlalaro at bumuo ng isang alyansa kasama nila.

Saan pwedeng i-download ang Three Kingdoms: Warfare?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user ka, at ilagay ang Three Kingdoms: Warfare sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download ito.

Three Kingdoms: Warfar - Laro Reviews

Three Kingdoms: Warfar – Laro Reviews

Narito ang mga link kung saan mo imaaaring mai-download ang laro:

Download Three Kingdoms: Warfare on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tkc.an.funiverse

Download Three Kingdoms: Warfare on iOS https://apps.apple.com/us/app/three-kingdoms-warfare/id1592052354

Download Three Kingdoms: Warfare on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/three-kingdoms-warfare-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Kompletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Maaari kang matuksong palawakin ang iyong teritoryo sa pamamagitan ng pag-capture ng bawat tile malapit sa iyong castle, ngunit dapat kang mag-ingat sa pagsakop ng mga lupain. Ang unang bagay na dapat mong gawin ay ang pag-scout. Aabutin lamang ng dalawang minuto upang gawin ito, ngunit ito ay magbibigay sa iyo ng isang advantage. Matapos nito, i-click ang intel button at pag-aralan ang mga detalye ng unit sa pamamagitan ng pagtingin sa mga rekomendasyon. Kung hindi tugma ang iyong mga troop sa iminungkahing klase na makakatalo sa mga kalaban, baguhin ang iyong lineup. Mas maganda rin kung ang iyong kapitan ay kapareho ng klase ng kanilang apitan.

Related Posts:

Booblyc TD Survival – Realm Tower Defense Strategy Review

Empire Defense TD Offline Game Review

Dahil magkakaroon ka ng maraming resources sa simula ng laro, gamitin ang mga ito upang mag-recruit ng maraming makapangyarihang captain hangga’t maaari. Gayunpaman, hindi mo kailangang gamitin ang lahat ng ito para makakuha ng 5-star. Ang mga captain na may tatlo hanggang apat na star ay viable sa labanan, kaya hindi na kailangang patuloy na mag-recruit. Laging hanapin ang kanilang active at passive skill dahil mabibigyan ka nila ng advatage sa labanan.

Ang larong ito ay may tatlong uri ng quests. Ang Main Quest ay magkakaroon ng iba’t ibang mga mission upang makumpleto ang bawat kabanata, at ito ay magbibigay ng maraming resources bilang gantimpala kapag natapos mo ito. Hindi gaanong mahalaga ang Opsyonal Quest ngunit gagantimpalaan ka pa rin ng mahahalagang loot tulad ng mga coin. Ang pagkumpleto sa Faction Quest ay magbibigay ng karagdagang mga puntos ng reputasyon. Ang paggawa ng lahat ng mga quest na ito ay magtatagal, ngunit huwag itong balewalain dahil makakatulong ang mga ito sa iyong laro.

Three Kingdoms: Warfar - Laro Reviews

Three Kingdoms: Warfar – Laro Reviews

Pros at Cons ng Three Kingdoms: Warfare

Ang “Three Kingdoms: Warfare” ay nakasalalay lamang sa iyong katalinuhan at tiyaga. Ikaw ang magdedesisyon kung aling lupain ang iyong ika-capture at kung ano ang magiging lineup ng iyong troop. Ang recruitment ng isang mahusay na captain ay kadalasang nasa swerte, ngunit ang pagpili ng tama upang mamuno sa iyong hukbo ay responsibilidad mo. Ipinangako ng laro na ito ay free-to-play friendly. Hindi mahirap manalo sa laban. Kung matalo ka rito, maaari ka pa ring bumangon at palakasin ang iyong hukbo. Hindi ka matutukso na bumili ng mga resource gamit ang iyong pera dahil maaari mong ma-generate ang mga ito gamit ang mga lupain na iyong nasakop.

Gayunpaman, natagalan akong mag-umpisa ng laro noong bago pa ito. Noong sinubukan kong pumasok rito, palaging iminumungkahi nitong pumili ng mas bagong server. Pinipili ko ang inirerekumendang server, ngunit palagi itong nagsasabi ng parehong mensahe. Minsan puno na ang iba. Maaari kang magsawa sa mga instruction, at ang ilang mga tao ay hindi interesado sa mga lore. Ngunit hindi ka magkakaroon ng anumang ideya kung tungkol saan ang laro kung hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin. Nangyari ang scenario na ito sa akin sa unang pagkakataon ng aking paglalaro. Puro katahimikan lamang ang iyong maririnig, at pinag aralan ko nalang nang mag-isa kung ano ang gagawin sa laro.

Konklusyon

Ang pagsakop sa mga lupain ay naging isang malaking bahagi na ng kasaysayan. Ang mga may mas malakas na hukbo at mas mayayamang imperyo ay mas kayang palawakin ang kanilang teritoryo. Nakakatuwa kung paano sila gumagawa ng strategy para maangkin ang ibang mga lupain.  Ang larong Three Kingdoms: Warfare ay kayang i-emulate ang karanasang iyon sa iyong mobile phone. Kailangan mong pangasiwaan ang iyong kaharian sa pamamagitan ng pamamahala sa ekonomiya. At kapag sapat na ang iyong kakayahan, maaari mong itakda ang iyong mga troop para sa expedition. Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay angkop para sa mga manlalaro na gustong subukan ang kanilang galing sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo at pakikipagdigma sa ibang mga kaharian.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...